Wikang Filipino

Wala na ngang mas hihigit pa sa pagtangkilik sa sariling wika para sa isang manunulat. Hindi ko sinasabi na dapat lahat ng Pinoy na manunulat ay Filipino ang ginagamit na salita sa paghabi ng kanilang mga sulatin. Pero dapat ang ating wika ang maging unang tuntungan natin sa pag-akyat sa hagdanan ng pagsusulat.

Mayaman ang wika natin. Sagana sa laman. Hitik sa bunga. Kung minsan lang, hindi natin ito napagtutuunan ng pansin dahil abala tayo sa hamon ng globalisasyon. Mahirap nga namang mapg-iwanan. At naiiintindihan ko kung ganito ang isipin ng iba. Kaya panay ang sulong sa pagpapakadalubhasa sa wikang Ingles. Pero hindi ba natin naiiisip, pwede din namang isabay sa globalisasyon ang ating sariling wika. HIndi ba mas maganda kung sa pagdating ng panahon, Wikang Filipino na ang pangunahing wika sa mundo? Taas ng pangarap ko 'no? Pero posible naman kung pagtutulung-tulungan natin. Saan ba nagmumula ang tagumpay? Hindi ba sa ating mga sarili katuwang ng ating pagkakaisa?

Sa palagay mo, kaibigan?


adaengkantada's picture

ang sumpa ng globalisasyon sa wikang Filipino

saludo ako sa'yo! bihira na yata ngayon ang gustong magpakahusay sa Filipino. sa mga eskwelahan nga, may englich-speaking policy na rin. kung noong elementary ako, na hindi pa gaanong itinutulak ng gubyerno ang pagsasalita ng ingles, may mga fine ang nagsaalita ng Tagalog. ngayon pa kaya.

totoong kailangan nga nating matuto ng ingles dahil ito ang pinaklaganap na lenggwahe ngayon, pero paano naman dito sa atin? ni hindi nga tayo magkasundo kung ano ang gagamiting pambansang wika. sa konsti, may bilingual policy, di ba? kaya, pambansang wika + english. pero marami pa ring ang naghahabol sa deklarasyon na Filipino ang pambansang wika. ang laking debate pa rin niyan.

ang ingles ang wika ng globalisasyon. ito ang ginagamit sa lahat ng transaksyon, pulong atbp. pero sa pagnanais ng P*@$ GMA natin na makahabol sa "pag-unlad" ng buong mundo sa pamamagitan ng paimbabaw na marka nito, ibig sabihin, marunong mag-Ingles, tinatamaan naman ang kalidad ng edukasyon

kahit nga yung ibang mga guro mismo, hindi matatas mag-ingles kaya kahit magaling sila sa itinuturo nila, hindi nila msaipasa yung kaalaman nila, dahil sa language barrier. kaya kung gusto nating hindi ampaw yung kaalaman, dapat, ang gamiting lenggwahe sa eskwelahan yung naiintindihan ng karamihan.

 halos mahimatay nga ako sa katatawa at inis nung nabasa ko yung lit folio ng kapatid ko sa highschool. ang daming typo at grammatical errors. sus me! pati yung isinulat na akda nung isag titser, nakakainis basahin.

jonsdmur's picture

Para sa akin hindi nawawala

Para sa akin hindi nawawala ang pagiging pinoy kahit ano mang lengwahe ang kanyang gamitin..

Dapat kahit saan man siya magpunta ay huwag niyang  kalimutan ang sariling wika...

Ailem23's picture

mavuhey ka kapatid!

taas noong nirerespeto ko ang iyong hangarin.... oo nga naman, bakit hindi... ang alam ko may ibang bansa sa asia na itinuturo na ang Filipino bilang isa pang lenggwahe na dapat nilang matutunan... di ko nga lang alam kung anong bansa nga ba iyon... sinabi lang iyon ni ate ko eh nakalimutan ko na.. hehehe...

tama ka kapatid, sa industriya ng mga manunulat, nakakalungkot na may mga Pinoy writers na mas piniling magsulat sa english kaysa sa Filipino... pero di mo rin sila masisisi di ba.. yon ang pinili nila eh...

pero ako kapatid, isama pa ang pinsan ko, Filipiniana specialist kami... mananagalog kami hangga't nagsusulat kami...

Mabuhay ang lenggwahe, kultura at mamamayan ng bansang Pilipinas.

jonsdmur's picture

tama ka... karamihan sa mga

tama ka... karamihan sa mga pinoy ay mahilig ng magsulat ng english... tagalugin mo ang isasagot sayo english na.... at hanggang sa dumating sa punto na mag eenglisan na lang kayo.... waheheheheh mabuhay ka Melay! wala lang si jonsdmur lang po 'to

adaengkantada's picture

yaahuuu!

bihira akong makatagpo ng mga Filipiniana specialist, kaya di ko alam ang ibig sabihin nito. sori po.

pero, gayunpaman, mabuti't meron pa ring katulad niyo!

oo nga, hindi natin sila masisisi. kung usapin na ng survival ang pinag-uusapan at kailangang mag-trabaho at kumita ng datung!

sa US, nabasa ko, may isang eskwela na nag-offer ng Filipino bilang elective language, pero wala daw gaanong kumuha. ang sabi nila, ang mga pinoy daw doon, di tulad ng mga latin-am, mas gustong kalimutan na lang ang heritage roots (ano bang tagalog nito?) nila, kaya hind pumatok ang kurso.

Ailem23's picture

pilipino ako

hehehe... Pilipino ako... kaya bakit ako gagamit ng ibang lenggwahe para masabi o maisulat ang gusto kong iparating sa iba. personal kong pinili na magsulat sa wikang atin... bakit pa ako lalayo? eh nasa Pilipinas lang naman ako... Filipiniana specialist... hehehe... Layunin ang paunlarin ang kulturang Pinoy lalo na sa larangan ng panitikan... (wow ang lalim ata non parang hindi ako ang nagsabi..hehehe). Nagkataon kasi na ang publisher namin ay Filipiniana specialist din... Kunbaga, ayokong mga "inglesero" lang ang makaintindi sa sinulat ko. Mas gusto kong masang Pilipino ang makakaintindi basta't marunong magbasa...

Itatanong ko nga sa ate ko kung anong bansa iyon.. Thailand ata... Im not sure... Pero, wala namang masama di ba? ang cute nga ng language natin.. Mahalin natin ang sariling atin...

mavuhey ang mga Pilipino.

best regards,

melay

jonsdmur's picture

Yan ang babaeng filipina....

Yan ang babaeng filipina.... wala lang si jonsdmur lang po to

rose's picture

Hmmmp Gusto Ko Ito Usapang Tagalog Lang!

Tama si kapatid na Jorlehm Bilang isang pilipino dapat nating unang sinusulong ay ang sarili nating wika, Kahit Saan man tayong bansa mapapadpad huwag nating kakalimutan ang Wikang pilipino. Ang pagsasalita ng english ay pangalawa lamang po upang magamit natin sa ating pakikipag sapalaran sa ibang lugar syempre kailangan marunong tayong magsalita ng wikang engles.

Pero Huwag naman natin paabutin sa punto na salita tayo ng salita ng engles na nahihirapan na ang ating kausap na kapwa pilipino intindihin ang ating sinasabi. Naaalala ko ang isa kong naturuan na isang staff namin sa sobrang paliwanag ko wala pala siyang naiintindihan dahil ipinapaliwanag ko sa kanya ng lenggwaheng engles dahil nasa ibang bansa kami.

Pero naisip ko na tutal kapwa pinay ko naman bakit hindi ko ipaliwanag sa kanya sa tagalog ng sa ganun ay lubos niyang maintindihan ang gusto ko ipaliwanag tutal kaming dalawa lang sa wikang tagalog ko sa kanya itinuro at kapag dumarating lang ang aming manager saka ko lang pinapaliwanag ng salitang engles sa kanya. Doon ko napatunayan na mas maiintindihan ka pala kung ang sariling wika mo ang gagamitin ninyo kung kapwa pilipino naman po ang iyong kausap. At minsan marami na rin sa ating kababayan na halos hindi na nag sasalita ng tagalog , kahit probinsiyano na ang kaharap ay panay salita pa rin ng engles. Minsan kakausapin mo ng wikang pilipino ang isasagot sayo wikang engles, okey lang sana kung mga taga america sila, hindi sila pilipino kaya lang pareho kayo pilipino na pwede naman kayong magsalita ng tagalog pero pilit pa ring nagsasalita ng engles na kahit hirap na hirap na sa pagsasalita , nagkakanda baluktot na ang dila masabi lang na englesero at englesera sila.

Masabi lang na sobrang matalino sila at sobrang magaling sila.

Kaya dapat kahit nasa ibang bansa tayo huwag na huwag natin kalimutan at talikuran ang wikang ating nakagisnan. ANG WIKANG PILIPINO.

CHEERSWinkWink

Best regards po sa lahat!    

Maayong Adlaw! I'm Jenny

Maayong Adlaw! I'm Jenny from Davao City and I'm a 2nd Year College student. I'm browsing the net looking for a material I can use in my Lit. assignment and I happen to end up in this site and the things I've read in this particular forum really got me concerned, what about us here in the Visayas and Mindanao area who are not very fluent in Tagalog? are we going to suffer the stigma and ridicule of being "inglisera" ? personally i tried learning to speak tagalog but by some curse of fate my accent just wouldn't cooperate and I always end up a laughing stock in the presence of my tagalog-speaking relatives in manila so the tendency for us students here is to improve our english proficiency and use it as a second language. Isn't this just another form of discrimination, prejudice or snobbery? aren't you guys sending a message that only tagalog-speaking filipinos are the ony true-blooded filipinos?

 

Fluency in Tagalog

Hi jenny, I emphasize with you. Try being a barbarian ('kano) and learning/speaking Tagalog in Manila if you want to really be laughed out the door! I've been studying Tagalog off and on for some 30 years now but still can't get the true accent because of the unique Americanism of drawing out the vowels too long (i.e. : islang, daw). Anwyay, that's my excuse. As far as you are concerned, you just happened to be born a bit too late in order to get your "two cents" in. I'm sure I am repeating history for you, but if you had been around in 1937 when your First National Language Institute under President Quezon, perhaps things would be diffrerent as far as language in the Philippines is concerned.  At that historical meeting, there were representatives from Samar-Leyte-Visayan, Ilicano, Cebu-Visayan, Bicol, Panay-Visayan and even the Muslums as well as, of course, a representative of Tagalog. Then, the Institute selected Tagalog to be the basis of your national language. I often travel to the Surigao-Visayan region and hear the story again and again as to how Visayan rather than Tagalog should have been selected to be the National Language. But that's only one of the numerous Visayan dialects. Tagalog itself was selected for 5 reasons: Widely spoken and understood; not divided into numerous dialects; Tagalog literature; Manila being the capital city; and the Katipunan. Perhaps someday you can work your way into the Batasan and push for changes. Buy, hey, your written English is fatantistic - can't answer as to your spoken accent. If not by using Tagalog, you definitely have a future using your English skills, which would probably take your further.

tanong lang miss mabango

ano naman ang WIKANG PILIPINO? tagalog? sugbuanon? bicolnon? karay-a? tausug? maranao? igorot? itneg? ilokano? kapampangan? o yung sa amin, cuyunon? ang mga iyan ang nakagisnan ng marami sa amin, at hindi tagalog. paano na kami niyan?

alam mo ba na noong iniutos ni pres quezon na tiyakin na kung alin sa mga salita sa pilipinas ang dapat maging pambansang wika, natuklasan nilang mas madaling matutunan ng tagalog ang salitang cebuano, kesa matutunan ng cebuano ang salitang tagalog? kundi lamang sipsip ang mga nag-aral ng usaping iyon, at isinalang-alang ang pagiging tagalog ni pres quezon, sana ay cebuano ang pambansang wika natin.

kahit ngayon, mas maraming pilipino ang nagsasalita ng cebuano kaysa sa tagalog, kung aalisin mo ang itinuro sa elementarya na ang pilipino ay tagalog...

bakit ko tatagalugin ang pakikipag-usap ko sa iyo kung bisaya ako, at di matatas sa tagalog? pagtatawanan mo lamang ako kung pilipit ang tagalog ko. (mantakin mong sa cebuano ang mahabang buhok pag tinagalog ay mataas na buhok? paano nangyaring umakyat ang buhok mag-isa?) hindi dahil pilipino ako ay magaling na ako sa tagalog. paano kung nagkataong mas masasabi ko ang nais ko sabihin sa ingles? di ba iyan ang ating lingua mundial?

mga tanong lang po, miss mabango....

Tama si kapatid na Jorlehm

Tama si kapatid na Jorlehm Bilang isang pilipino dapat nating unang sinusulong ay ang sarili nating wika

 

Tagalog? Ito ang problema sa Pilipinas, Tagalog-centric. Kaya hindi mo rin masisisi kung bakit ang mga non-Tagalog, masprefer nila ang English. Kasi ang English ay nasa neutral ground. Wala ethnic group sa Pilipinas na pinapaboran. Hindi parang yung Filipino na dialecto ng Tagalog, Tagalog and Pinapaboran.

 

BTW, ang Ilocano, Cebuano, Ilonggo, hindi sila dialect kundi lenguahe mismo. Ang dialect po ay variant ng language(English: American, British, Australian, Canadian etc...)

rose's picture

I got your point Ms. Jenny

Yes sis i got your point! but being a filipino, i understand the fact the we came from a different places like mindanao, visayas, ilokano, kapampangan, zamboanga, and we have a different dialect we are using. Im not focusing only for tagalog , my point is " Hindi natin dapat kalimutan ang sarili nating wika" eventhough you are from visayas, or from anywhere but still part of the philippines pa rin yan. Kasi kahit anong dialect ang ating gagamitin salita. pilipino pa rin tayo, isang pilipino pa rin ang dugo natin.

Sorry but Correct me if im wrong, siguro while you at home pag nag-uusap kayo ng bro or sis mo salitang visaya ang usapan ninyo, don't tell me na salitang engles ang usapan ninyo sa bahay ninyo. 

Para sayo sis okey lang yan for being " Englesera" wala akong tutul diyan, but we have our own opinion . Yan lang naman ang sa akin, at ang pagsasalita ng engles ay dapat natin ilagay sa lugar.

But anyway there is nothing bad to speak in engles naman. Buti nga yun at least na dedevelop ang engles natin.

Sege mahasalam medyo nahihirapan na ako mag englesh....

Kasi taga visaya ako eh....

Wink 

eloisa marie hernandez's picture

hi!

Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong magsulat sa wikang tagalog tutal PILIPINO ako, marunong akong magsalita ng tagalog, marnong akong magsulat sa tagalog, at Pilipino ang mambabasa. Siguro komportable na talaga ako sa wikang tagalog. Ang mahalaga lang naman sa akin eh iyong maintindihan ako ng mga kababayan ko. Hindi iyong ingles nga ako ng ingles, hindi naman ako naiintindihan. Ayos lang naman sa akin kung gagamitin sa conversat ion ang ingles. Kelangan eh. Pero kung alam kong marunong namang magtagalog ang kausap ko at wala naman siyang problema sa pagsasalita ng tagalog o kaya feel lang talaga mag-ingles, eh manigas ka diyan sa kai-ingles, basta ako magtatagalog ako. Naiintindihan ko iyong sinasabi no'ng galing sa davao. Kasi may mga kakilala ako na gano'n din ang problema.

mas mahilig akong magbasa ng mga tagalog novels, kahit ano basta tagalog.  Minsan kapag nagsusulat ako ng ingles, sapilitan pa. Mas na-a-appreciate ko kasi ang tagalog.

 <(='.'=)> 

Pmel's picture

Kumusta po!

Ako man, nais kong makapag-sulat gamit ng wikang Filipino. Ngunit lumaki ako sa pag-salita ng Ingles kaya mas-kumportable ako sa Ingles kesa sa wikang Filipino.

Minsan napag-isipan ko na nakakahiya naman kay Jose Rizal bilang isang Pilipino. Pero bawat araw, na tuklasan ko na habang tayo ay tumatanda, natututo ng bagong panalita, wala naman masama na unti-unti natin maging global.

(Okay... that's as much as I can go)

Because as long as humans change, you can't stop language to change. Maybe for now it doesn't seem encouraging-- a lot of the young writing like they do text-messages, but maybe it's necessary for the better future.

Although beautiful in its construction, Filipino langugage is complicated for a lot of people who are not granted the kind of education writers take for granted. Being difficult particularly when the words used are not common, people will not read the article or book no matter how important the message-- or how beautiful the story is..

Also, a lot of the Filipino language use terms that are not applicable to the modern world. Even if it is, it is hard for people to remember because they have nothing to relate it to.

With the new technology released every year old words die, replaced by new ones. And those new words cannot be replaceable because it does not originate in a country that is not grounded in science. There must be a way to go around it with Filipino language, just as the Chinese, the Koreans, and the Japanese are able to using their own.

Japanese people for example are able to maintain their language intact and respected because they understood the importance of accepting change. Take the new and force it to blend in with the old so the old stays in the dictionary.

Filipino language needs fluidity to go with globalisation if it wants to survive. If the language insist on being archaic, then it will surely be forgotten. Then all of Rizal's effort would have been for naught.

Maayong buntag!

I'm going to be late for school but I'll have to say this, some tagalog-speaking filipinos have this idea that since tagalog is the official pambansang wika, they're a better filipinos than us non-tagalog speaking here in the visayas and mindanao because they think they "love" their country by speaking the national language better than any of us. Love for country isn't measured by how well you speak your language but on how you work on yourself to be a better Filipino, to borrow my Mom's words, "magpakadalubhasa sa kahit anumang profession na kinalalagyan mo" so that people from other country will recognize you for your worth and contribution as a Filipino, carrying your tag and brand as an excellent Filipino Doctor not merely because you speak the national languange well, by the way speaking/writing and making sense are two different things, you can speak the national languange till your throat dries out or write in filipino till your fingers are stiff and sore and still you don't make any sense! I hope I'm making a little sense out here to compensate for making myself terribly late for school.

So far among the views in this forum there's very few I can relate to and make sense of, that of the author,adaengkantada and Pmel. Thanks.

adaengkantada's picture

history

ang naiisip ko lagi kapag ganito yung isang kabanata sa kasaysayan natin. nung sinakop tayo ng mga KAstila, ginamit nila ang taktikang divide and conquer, di ba? isang grupo laban sa isa. isang probinsya laban sa isa. isang rehiyon laban sa isa pa.

kaya siguro tumatak sa atin ang pride sa grupo (ethnolinguistic) na kinalakihan natin. at tumagos hanggang sa usapin ng wika.

totoo naman kasi na maraming Pilipino ang hindi rin nakakaintindi ng Tagalog. halimbawa, sa SAgada, hindi nakakaintindi ng tagalog ang karamihan doon, ilokano o ingles ang usapan kadalasan. kung meron mang nakakaintindi at nakakapagsalita, yung mga nakapag-aral na.

pero ang Filipino kasi na tinutukoy natin bilang wikang pambansa ay nakabatay lamang sa Tagalog, pero hindi ibig sabihin na purong tagalog. Dahil Tagalog ng maynila ang batayan nito, ang naging sentro ng kalakalan sa loob ng ilang daang taon, at kung gayon, ang pinagsasalubungan din ng iba't ibang wika ng PIlipinas, marami na rin salita mula sa ibang rehiyon ang naipasok at nagpaunlad dito.

 para sa mga halimbawa, hehe! hindi ako handa para dito, pero tingnan natin sa mga susunod na araw kung anong mahahalukay ko.Sealed

Lyds78's picture

kahit sa sistema ng edukasyon

Sa mga eskwelahan, mas binibigyan ng pagpapahalaga ang pagtuturo ng Ingles kesa sa Filipino, kaya tuloy mas maraming Pilipino ang hindi nakakaunawa ng Tagalog at mas bihasa pa sa Ingles.  Ingles na ang nagiging lingua franca, sa halip na i-unite ng Tagalog o Filipino ang lahat ng rehiyon, laging nagkakaroon ng paghahati-hati.  Minsan nagiging regionalistic na tuloy ang iba, kanya-kanyang nakasanayan, kanya-kanyang teritoryo.

Nakakalungkot kasi maganda naman ang wika natin, daynamiko.  Mas maganda pa sanang ang aralin ay kung paanong maituturo ang Filipino nang mas maayos para talagang ito ang maging lingua franca ng buong Filipinas.  Gutay-gutay na nga ang mga pulo natin pati diwa natin, hiwa-hiwalay...nakakalungkot talaga.

jes' commenting

hi pmel (boy?girl?)

the japanese have three styles in their language written and spoken: hiragana, katakana, kanji.the first is their old words and written in original forms; the second are adaptations from the english and other words, and written differently from the first while the last are simply chinese characters. they use all three in their written expositions/ordinary writing. often in ordinary sentences you will encounter all of them.

and yet they remained japanese in every sense and aspect.

if this is what you mean then you will accept taglish and txt wrtng in evrydy or karaniwang mga pgkktaon. ok ngarud!

'bay/'day, comments man lang ni. hindi lang magpang-akig, dong/inday, ha?

Pmel's picture

Hello to you! ^^

tbdtbd925 wrote:

hi pmel

I am a Girl

Quote:
the japanese have three styles in their language written and spoken: hiragana, katakana, kanji.the first is their old words and written in original forms; the second are adaptations from the english and other words, and written differently from the first while the last are simply chinese characters. they use all three in their written expositions/ordinary writing. often in ordinary sentences you will encounter all of them.

and yet they remained japanese in every sense and aspect.

if this is what you mean then you will accept taglish and txt wrtng in evrydy or karaniwang mga pgkktaon. ok ngarud!

'bay/'day, comments man lang ni. hindi lang magpang-akig, dong/inday, ha?

While you may prove a point, the Philippines doesn't have a concrete language as basis, on which the people could make changes. The Philippines is a diaspora of different cultures, that has never been given the chance for unity. It was difficult as it is until now, because of the thousand islands of which the nation is made up of.

Japan had all the chance for unity since it is mainly made up of three huge chunks of islands. And sending messages to each other for union was not as difficult. Besides, before adopting the Chinese culture, Japan already had their own basis for change, which is why they are able to retain their language in every sense and aspect.

Before the Philippines could make any changes, He needs to unite all his people as one, and then create a language on which everyone will agree upon. But that is too far into the future for even us to live up to see.

Disapora?

Hi pmel.  Intresting point, but you do know that DIASPORA refers to a group of migratory people who have either moved or had been sent to another land?  Anyway, I really wanted to comment on the "unity" aspect of your argument.  While I agree with your comments per se, I believe your history has taught Filipinos that national unity is the only road that leads to independence.  Filipino's have had a few occasions to put this concept to the test, and as we know, it worked out for you!  Now, having 7,200 islands and some 183 active dialects seems to go against the idea of unity, doesn't it?  But again, as been proven more than once, when it comes to issues that affect the entire archipelago, FILIPINOS WILL UNITE, despite their differences in culture, language, food, etc. etc.  After they win their battle with whomever is doing them wrong at that particular time, then they will go back to their internal battles as to which languange or dialect should be the national language, which part of the country should be autonomous, and a host of other different issues.  Look at Indonesia - a country with more islands then that of the Philippines, and, according to some textbooks, may have been a strong basis for the beginnings of the Filipino people.  While they have at least as many tribal peoples and sects as the Philippines, they appear to be more united.  Nevertheless, as a foreigner living in the P.I. for quite some time, here is my humble opinion for a possible route to take for true national unity:  1.  Why Philippines and Filipino?  You couldn't wait to remove the yoke of Spanish dominance in the P.I., yet you retain the name of an obscure Spanish king!  Change the name to something more native:  Bangaldesh, Sri Lanka, and a host of the Balkin countries did.  2. Why Tagalog?  So what that Manila is the capital.  Most of your Presidents (incuding the current one in office) aren't Tagalogs themselves!  But whatever may be decided in the future, please don't make it English.  That would be again just bowing down to the colonial mentality attitude.  Besides, English just isn't that palatable to Asian dialects.  3. Why not use the bulk of funds that come to the Philippines for better communication (that is, inter-island communication) - connect all the islands with superhighways so that one can drive from Bicol to Mindanao without stopping.  Imagine how many people can be put to useful work on a project such as that? 

Nihongo

Hi, jes'.  Just wanted to make a couple of comments re Japanese language.  You are correct is saying that the Japanese have three "styles" but each of the styles have a reason for use and a background.  What is know as Kanji, and looks like Chinese characters, was the first and original Japanese written script, borrowed from the Chinese, but of course, using Japanese words of the same meaning as in Chinese.  (Even modern Chinese using different spoken languages use a common-based script with the same meaning).  Then came the feudal times -- Japanese women had to develop a secret script or "court" script so they could gossip about  their lovers; so they "designed" the hiragana script.  Finally, after Admiral Perry shattered the closed society of Japan, the Japanese were forced to develop a whole new language based on foreign words - hence - katagana.  Cheers

Fluidity

Good word.  And correct in its context.  As far as modern Filipino and/or Tagalog progression is concerned, I think the kids are doing a pretty good job at it, making up their own words as they go.  Thus we have "Taglish" which is what I hear on a daily basis. 

I am in possession of a Tagalog-English dictionary by L. English, first printed in 1986, 1,583 pages long using 16,000 words, 21,000 derivatives, and a total number of entries at 97,000.  That's not a whole lot for a major language but it's a heck of a start.  It could be said that basically anything that can be expressed in English can likewise be expressed in Tagalog, albeit using the "borrowed" words from Spanish, Chinese, English, and Sansrit.

One problem of the language is with its very beginnings.  Going all the way back to alibata or baybayin, as with the famous copper scroll, the original Tagalog was an AGRARIAN society, thus their words were mostly limited to their environment.  That means you have no words such as COMPUTER, things related to sciences and medical, numerous tools and mechanical items using words borrowed traditionally from Spanish, etc.  So how does one integrate new-world technological changes into an agri-based language?  Well, maybe the French have the answer.  Are you aware that the France has a committee specially dedicated for the preservation of the French language, and the people on this committee have a heart attack every time youth tries to introduce a foreign-based word.  The French scramble to come up with a true French equivalent word, even if they have to make one up!  Talk about being  paranoid about one's language.

On another note, and something that irritates me somewhat, is the attitude of your overseas immigrants, especially those living in the U.S.A.  I have known many Filipino families with very notable Filipino children who, despite the fact that their parents usually converse in their Filipino dialect, refuse to teach their children any language pertaining to Filipino.  Being amazed at this, I ask the parents why they wouldn't teach their children their language, especially considering that the entire family hopes for the day when Dad retires and they can all go back to the P.I. and buy a nice big house, etc.  Would you believe their answer:  We don't want our children to learn Filipino so that we can talk and they won't know what we are talking about, or:  We don't want our children to be confused with a second language so that they can concentrate on the host language and be fully integrated without being discriminated against....etc, etc.  Well, all one has to do is to look at the child, see his/her features, and despite the fact that the child may speak unaccented American Engish, believe me, if for some reason the person looking wants to discriminate, it won't be based on the use of their language, but on their obvious Asian-Filipino features! 

Mabuhay!

mabuhay ka jorlem. natutuwa talaga ako kapag nakakakita ako ng ganitong talakayan sa internet.

para sa akin, hindi ako ganoon ka-excited sa globalisasyong ito, kaya pati na rin sa wika nito, ang Ingles. ewan ko ba sa iba, ang laki-laki ng pag-asang ibinibigay sa globalisasyon samantalang napakalaking pinsala ang dinulot nito sa maraming bansa. US lang naman ang nakikinabang. tuloy, ang turing nila sa Ingles, wika ng kaunlaran. kahit kulasisi (yung ibon) pwede mong turuang magsalita ng ingles pero mananatili pa rin siyang ibon. ang alipin, kaya niyang salitain ang wika ng kanyang amo pero hindi niyon iniaangat ang kanyang katayuan.

ang nakakatawa, tingnan ninyo ang s. korea. oo masalimuot ang kasaysayan ng S. korea kaya ito umunlad. pero ang punto ko, naabot nila ang kanilang katayuan ngayon kahit hindi ingles ang gamit nila. ngayon lang sila nag-aaral mag-ingles. at hulaan niyo kung saan sila nag-aaral niyan.

ang iba kasi, iniisip na kaagad ang pagiging "global," gusto nang makipagkumpetisyon sa buong mundo. samanatalang ni nindi pa nga tayo makatayo nang mag-isa, makipagkumpetisyon pa kaya?

para naman sa mga nagsusulat sa ingles. marami talaga ang nahirati sa paggamit sa ingles. hindi naman sila masisisi dahil iyon ang itinuro sa kanila. sa pagkakaalam ko nga, mga deka 70 lang ata nagsimulang dumami ang nagsusulat ng panitikan sa wikang tagalog. pero walang problema doon bastat ang sinusulat nila ay kumakatawan o may kabuluhan para sa mga Pilipino. si Rizal nga, hindi naman niya nagamit ang tagalog sa pagsusulat.

para naman sa mga wikang di tagalog. naiintindihan ko rin ang nadarama nila. totoo namang may diskriminasyon pa sa ibang grupong etnolingwistiko. yan agn sakit na kailangan pa nating alisin, hindi lamang sa mga tagalog, kundi maging sa iba pa. hindi lang naman ang mga tagalog ang mababa ang pagtingin sa iba. kahit naman ibang rehiyon ay may ibang pagturing sa mga dayo sa kanila. ang punto, para mabuo tayo bilang bansa, kailangan nating burahin ang rehiyunalismo at parokyalismo. kailangan nating mag-isip bilang isang bansa. hindi naman pagbabawalan ang paggamit ng iba pang wika laluna kung para sa panloob na gamit nila sa kanila lokalidad. pero hindi rin dapat itanggi ang pangangailangan ng pambansang wika para sa pagpapadali ng komunikasyon sa pambansang saklaw.

Filipino by choice

NVM Gonzales, Nick Joaquin, F. Sionil Jose ilan lang po sila sa mga tunay na dugong filipino na sumulat ng mga tunay na makakabuluhang literatura gamit ang salita na ingles. May nabawas po ba sa pagka-filipino nila o nakapagpangit sa kinang ng kanilang panulat dahil sa paggamit ng salitang ingles? ako po ay hindi lang humahanga sa kanila kung hindi nagmamalaki na mga filipino at kababayan ko sila. Ang nais ko po sanang masabi ay hindi dahil na ingles ang salita ay nakakabawas sa pagiging filipino, ang pagka-makakabayan po na alam ko ay nasa puso, sa gawa at pagka-tao hindi lamang sa salita. Pasensya na po kung hindi tuwid ang ilan kong pananalita  at ang tagalog po sa akin ay hindi maalam dahil ang Ina ko ay bisaya at ang ama ko ay Irish-American, at sa tanong ni miss rose kung ang salita namin sa bahay ay bisaya, hindi po, Ingles po ang salita sa aming bahay subalit ako po ay magmamalaki na kami ng mga pamilya ko ay Filipino by choice!

squid villanueva's picture

Agree

I agree. I don't think it matters what language one uses in writing as long as one excels in his language of choice. Hindi ka magaling mag-English? Fine, e di magsulat ka in your native language. If you're good enough a writer someone will translate that into English and the world will get to know your work. The problem, though, is that a lot of people who consider themselves writers aren't good in either and have little patience to learn how to excel in their langauge of choice.

adaengkantada's picture

pasubok magpaliwang...

totoo na maraming Pilipinong manunulat ang mahuhusay at hindi Filipino ang ginagamit nila.  nanjan na ang mga nabanggit sa itaas. isama na rin natin si Jose Rizal na sa Espanyol nagsulat ng kanyang mga nobela. Totoo rin na hindi iyon nakakabawas sa pagka-Pilipino nila.

pero tingnan natin din natin, gaya ng nabanggit ni pogi, na talagang gamay nila yung wika na ginamit nila sa pagsusulat, kaya ramdam natin ang bawat himayhimay ng mga karakter. naipapaliwanag at nasasabi nila nang husto at nauunawaan ang kanilang gustong iparating sa mambabasa.

ang masakit kasing tanggapin, yung diskriminasyon na kasama ng wikang ingles. hindi ba't sa pamahon NGAYON, ito ang nagiging sukatan ng kaalaman at karunungan? status symbol ba. kaya kahit hindi natin maituwid ang pananalita natin sa ingles, sugod pa rin dahil iyon ang marka ng isang "edukadong" tao.

at ito rin ang idinidikdik sa atin ng mga educational policies. matuto kang mag-ingles o hindi ka makakahanap ng trabaho.

Pmel's picture

Totoo nga ang sinasabi mo Adaenkantada.

Minsan tinatanong ko ang aking sarili, 'Bakit kailangan pa ng iba ng magisip ng may halong masamang loob, kapag pilit silang mag-salita ng Ingles para lang makapag-trabaho." Eh, wala naman ka-iba nito sapag-aaral ng Bicol at Visaya dahil ang nanay mo ay taga Bicol at ang tatay mo ay taga Visaya.

Pero yun na nga. Edukasyon ang problema. Sa eskwula lang matututunan ang Ingles. Ngunit, wala na ngang pera, dinadaya ka pa ng mga teacher gamit ng iyon anak (Halimbawa, sapag-bili ng school supplies eh, dinaya kayo ng sampung piso.), at di pa sila maturuan ng maayos dahil pati ang mga teacher ay ka-level lang ng mga istudyante.

Hay... masyadong marami ata'ng problema dito sa Pilipinas. Kung ako si Gloria, madadala lang ako sa ospital sa sobrang pag-iisip. At mamumuti pa buhok ko! Ay, jesus, maria, jose!

adaengkantada's picture

nakakatuwa ka naman pmel!

nababasa ko din yung ibang mga comments mo at nasa ingles iyon. sinabi mo na rin dati na hindi ka talaga sanay mag-Pilipino. kaya, nakaktuwa na nagpapraktis kang magsalita nito.

ako, minsan, kapag matagal akong napapalibutan ng mga taong hindi nagtatagalog kundi ilokano o bikolo english, at nasasanay na ako sa ganoong environment, maski ang isip ko, nabubulol na rin, halu-halo kasi ang mga salita. hehe!

pero, seryoso, sa dami ng problema ngayon ng Pilipinas, kung ako si Gloria, magpapakumbaba na ako na hindi ko kaya at alam ang lahat, kikilalanin ko ang mas matatalinong opinyon ng mga tao sa paligid ko, at titigilan ko na rin ang pakikipag-chuva kay ----tooot----- Yell

Pmel's picture

Ehe he he!

Eh, 'yun ang ibig ng pagka-Pilipino 'di ba? Yun marunong sa 'pakiki-sama.' He he! ^^

Leipink's picture

Pagyamaning Wika

Embarassedsana'y mapagtanto natin ang wika ay isang mana isang likha upang magkaintindihan ang bawat pilipino. Ang inilunsad ni Manuel Quezon na Linggo ng Wika ay bilang tanda na dapat tangkilikin ang wikang filipino. Tulad na lamang ng isang makata ang na pagbibigkas ng mga salitang sinasambit ay kusang galing sa puso at marapat madama ang sulak ng damdamin upang mapahayag  tama sa mga tagapakinig nito o kausap. Talamak na nga ang paggamit ng wikang ingles na hindi naman karapatdapt sa atin, ngunit sa kadahilanan ng globalisasyon, nawawala na ang tunay na wika at nahahaluan na ito ng ibang lengwahe. Sa kapanahunan ngayon, karamihan sa magulang ay ang kanilang bagong silang na anak ay kinakausap na ng wikang ingles o anu man ang hating-lahi nila. Sa paglaki ng bata ay magkakaroon ng paghahalo ng mga salita.  Kaya nakamuhon na sa kanila ang pagsasalita ng halong lengwahe hanggang paglaki. Ngunit kung tuturuan at palalakihin ang mga bagong silang na bata ng tunay nating wika at sa dami ng pinoy na humhalubilo sa ibang bansa maaaring magkaroon ng tinig ang wikang Filipino.  Tulad nga nga hapones hindi ba madalang lamang silang makapagsalita ng ingles, lagi na lamang may tagapag-palit wika hindi ba. Patunayan rin  natin na kaya nating maging tuwid sa kamalayan ng sariling wika na wlang halo. ngunit marunong din ng ibang lengwahe na di hahaluan ng ating wika.

 

 

adaengkantada's picture

wag naman tayong maging purista

nakikita ko ang punto mo, Leipink. pero mahirap yatang makahanap pa ng purong lenggwahe, liban sa mga lugar na hindi pa nararating o minimal ang interaction sa kabihasnan.

dinamiko ang wika. kailangan nitong umangkop sa mga pagbabago sa paligid, sa larangan ng ekonomiya, kultura etc. para manatiling buhay. dahil kung isasara nito ang sarili at mananatiling "puro" hindi ito uunlad at mamamatay na lamang.   

ganito ang nangyari sa wika natin, umangkop ito sa mga pagbabago, at nanghiram ng mga salita mula sa kastila, intsik, amerikano etc, at ginawa itong atin.Kiss

squid villanueva's picture

*cough*

*cough* ridiculously stilted dialogue *cough*

Wow, kung ganyan magsalita ang mga Pilipino sa kalye nakakatawa siguro ang pang araw araw na mga eksena. Case in point:

JEEPNEY. DAY.

BABAE: Ginoo, narito na ang aking pambayad sa kalakal natin dito sa iyong sasakyan.

DRIVER: Salamat, binibini.

BABAE: Ginoo, kung mamarapatin niyo po ay ihinto niyo na ang inyong sasakyan sa tabi ng kalsada at bababa na po ako.

Jesus.

adaengkantada's picture

ang kyut naman!

 parang dialogue sa koreanovela!

(pero in fairness, elegante ang pagkasalin sa mga iyon.)

Pmel's picture

LOL!!! xD

That reminds me of the epic movie flop-- Romeo x Juliet (1996) with Leonardo DiCaprio and Claire Danes. Aha ha ha ha!

kyut nga hehe

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

noon naman ganyan din mag-usap ang mga kutsero at maninda sa daan..

hehehe siguro nag sarap lang pakinggan siguro sa ilan, nakakailang.

Leipink's picture

kument-kument

wehehe.... gnun b. di nman po ako purista makata lng . hirap kya gwn ung makata, maayos b gramar nun.... nkktuwa nman nung sa jeepney parang bumalik sa  nkaraan. aun kument kument lng, wla lng un. never mind nlng puh .

Innocent im just a reader not a witer:^_^

Pmel's picture

I'm not a writer myself...

But little by little, I aim to improve myself just because I want to. My reason for being here, is to enhance my Tagalog, read, and write more. I hope I'm progressing. ^^;

adaengkantada's picture

ako din hindi writer, feelingerang writer lang

kaya ako nagsusulat dito at nagsisikap magsulat ng mga kwento atbp. kasi , gusto ko lang palayain ang magulo kong isip para makatulog nang mahimbing...

orthochild's picture

Naku

tagalog ang Pangunahing Salita sa mundo? medyo malabo kasi sa pilipinas marami tayong lingwahe (bisaya, ilokano, etc) dun palang di na tayo nagkakasundo... tapos maraming pinoy ang di marunong bumaybay at magsulat ng tamang tagalo... tulad ko!

cguro pwd p ung gnto nlng ang ntionl lnguage ng wrld prng txt ehehehe

saloobin

una ang ating wika ay wikang filipino hindi wikang tagalog.

hi

ang tagalog ay ang ating pambansang wika pero ang filipino talaga ang unang wika ng mga pilipino.nasangkot ang wikang tagalog sa pambansang arena ng ideklara ni presidente manuel l. quezon ang wikang pambansa na batay sa tagalog.samantala,ang wikang pilipino ay ang filipino national language noong 1943 na batay sa tagalog mula noong 1959,nang ipasa ang department order no.7 ng noo'y sec. jose romero,ng department of education.ito ring pangalang  ito ang itinawag sa wikang ofisyal,wikang pagtuturo at asignatura sa wikang pambansa mula 1959.nahinto lang ito nang pagtibayin ang filipino bilang wikang pambansa sa konstitusyon ng 1987(1973 pero pilipino pa rin noon ang wikang ofisyal.Embarassed

FILIPINO

hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

 

tanong lang, di bah ang FILIPINO ang kabuuan ng mga dayalekto sa buong pilipinas? at ang tagalog ay isa sa mga ito. mas marami lang kasi ang tagalog words sa filipino, pero pansinin niyo ang iba sa ginagamit natin ngayon ay may bisaya, hiligaynon, ilokano, bicolano at muslim atbp.

at isa pa, pilipino ay tao at ang Filipino ay lenggwahe?

 

Ang "Filipino" ay dialect na

Ang "Filipino" ay dialect na hango sa Manila Tagalog.

 

Ang dialect ay isang variant ng language.

 

 

Corection

ken wrote:
una ang ating wika ay wikang filipino hindi wikang tagalog.

Walang wikang Filipino. Bogus lang yan ng gobyerno. Ang Filipino ay hango sa Tagalog kaya sia siyang dialect ng Tagalog. Parehas na grammar, spelling, intonation.

 

kahit tignan mo pa sa English dictionary ang ibig sabihin ng dialect. Mali ang prinopropagate ng gobyerno at nationalista kuno

 

Ang masakit, hindi man lang makakanta at mapagaralan sa eskuwela ng mga hindi Tagalog ang sarili nila wika samantalang ang mga Tagalog, nakakanta nila sa Tagalog/Filipino ang national anthem(na trinanslate lang naman sa Tagalog mula s Espanyol)

Ang meron ay MGA wikang Filipino. Emphasis on "mga"

hello

 yeah, your right dahil kahit sa'n ka magpunta dala-dala mo at taas noo mong ipaglaban at ipagmalaki ang iyong sariling wika. Laughing i'm proud of my language at kong ano ang pinanggalingan ko at kong ano ako.but the only problem is,people don't patronize their own language.so what are the steps are we going to do kong anong uso ando'n ang mga Filipino?

@topic Tingin ko dapat

@topic

Tingin ko dapat pagkaisahin muna tayo sa isang SOLIDONG linggwahe bago tayo makisabay sa globalisasyon. Oo, sa konstitusyon, may blah blah Filipino talaga ang nakasulat na pambansang wika. Pero yung konsepto ng Filipino, medyo malabo pa rin. Eto e sa sariling opinyon ko lang ha:

 Filipino = Wika ng Pilipinas (kabuuan) PERO

Filipino = Hango sa Tagalog (kasi nga, karamihan talaga ng mga Pinoy, Tagalog ang kanilang pangunahing wika na kayang intindihin at gamitin sa pang araw-araw na komunikasyon.)

 kung ganon, pano yung mga hindi marunong, o kaya di pa ganun kadalubhasa, pati na rin yung mga ayaw pag-aralan at/o kilalanin bilang pangunahing wika ang Tagalog?

Isa pa, gusto ba ng LAHAT na Tagalog ang maging basehan ng Filipino?

 Ma-pride kasi tayong mga Pinoy. Ang grupo natin ay grupo natin, at wala nang mas gagaling pa sa atin. Matindi talaga ang iniwang epekto sa atin ng mga Kastila >_< (pero hindi ko naman sinasabi na lahat tayo ay ganun. ^_^)

Nakakagulo talaga ng pag-iisip to. Oo, batas na iyon. Pero wala tayong magagawa kung ayaw talaga ng iba.

Kailangan talaga pagkaisahin muna tayo - pagkaisahin ang lahat sa paggamit ng isang wika.

Hangga't hindi pa tayo nagkakaisa sa wika natin, medyo malabo pa yung pangarap natin na masakop ng wikang Filipino ang mundo.

  Laughing

~ You can't win on everything but you can try...

sang-ayon ako ngunit...

sang-ayon ako sa sinasabi mong tangkilikin ang sariling wika, at kahit gumagamit ako ng ingles sa karamihan ng sinusulat ko, nagpapakadalubhasa na rin ako sa paggamit ng filipino.

pero kahit alam kong naghahangad tayong lahat ng pagkakaisa, mahihirapan tayong makamit ito kasi hindi natin talaga alam kung ano ba talaga ang isang pilipino, sino ba ang pilipino, at paano mo masasabing pilipino ka. kung babasahin ang libro ni teodoro agoncillo na "history of the filipino people," kahit siya ay nahihirapan sa pagbibigay ng deskripsyon sa kung ano/sino ba talaga tayo.

dahil diyan, nahihirapan ang mga taong nakatira sa pilipinas na magkaisa sapagkat:

1. iba-iba ang kultura

2. hindi nakakatulong ang pagiging hiwa-hiwalay na pulo ng pilipinas

3. iba-iba ang relihiyon

4. iba-iba ang pangunahing dayalekto

 5. at iba pa

so ang tanong ko: paano tayo magkakaisa kung hindi natin alam kung ano ba talaga at paano ba maging pilipino?

Ilang punto

1. "Much may yet have to be done, but Filipino as national language of unity has arrived." basahin ang buong artikulo sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/essays_on_philippine_languages.htm

2. Natutuwa ako sa usaping ito dahil mahalaga ang isyu ng wika.

3. Isyu ang wika para sa mga hindi pa resolbado kung ano ang gusto nilang isulong. Mamili kayo kung anong isusulong ninyo at manindigan.

4. Magkakaiba po ang kategorya ng "mother language", "lingua franca", "national language", "Tagalog" at "Filipino".  Kaya dapat malinaw sa mga nagbibigay ng opinyon ang kanyang pinaggagalingang konsepto.

5. Aralin po muna natin ang ebolusyon ng wikang Filipino, bago natin mapaghalo-halo ang mga konsepto.

6. Isulong natin ang ating wika (Filipino) habang isinusulong din natin ang mga wika sa Pilipinas (Ilokano, Cebuano atbp.) 

7. May proyekto po sa FB na nagngangalang OPLAN: WIFI 2035. Maaari natin itong tangkilikin. Tutal marami naman ang umaasa at nangangarap na maging internasyunal na wika ang Filipino. Kailangan lang magtulungan ang mga 'mandirigma ng wika.'

8. "Wala kang talo, kung ang wika mo ay wika ng mundo."- WIFI 2035

9. "ILAW: Ikaw lagi ang wika."- WIFI 2035

10. Mabuhay ang wika at ang mga nagtataguyod nito.