UPUAN

iñigo's picture
 Pinagtagpo tayo ng Cinemalaya
Tatlong pelikula ang sabay nating pinanood
pero hindi tayo magkasama.
Nasa likod mo lang ako,
minamasdan ka habang pinapanood
natin ang Mga Dayo, Ang Nawawala at Sta. Nina.
Pagkatapos ng Linggo,
kakalimutan na kita.
Ngunit ang lunal mo at scarf mong fuschia
nakatatak na sa aking alaala.