Tuntong

by mR.DrEaMbOy ( | )

Sa panahong puno ng trahedya,

gaya na lamang ng isang baha,

kagipitan ay madadama,

laman sa tiyan saan ka kukuha?

 

Oras na ba ng paghuhukom?

marami sa atin ngayon ay gutom,

hindi mawari kung saan iinom,

ng taong kailangan ng inyong tulong.

 

Taong kailangan ng inyong tulong,

makikita sa itaas ng bubong,

bubong na dapat ay kanilang habong,

kaya't buhay pa,doo'y tumuntong. 

mr.dreamboy

ang tulang ito ay alay ko sa mga nasalanta ng bagyong ondoy.


by mR.DrEaMbOy on September 25, 2015 - 11:48am

:D

by mR.DrEaMbOy on September 25, 2015 - 11:51am

"Ang mapagkunwaring Luha nakakasakit ng Kapwa,
Ang mapagkunwaring Ngiti nakakasakit ng Sarili."

https://www.facebook.com/profile.php?id=100000056540172

by mR.DrEaMbOy on September 25, 2015 - 11:51am