Tuloy Lang
Normal 0
Tuloy lang…
Kahit umihip pa ang malamig na hangin
‘Wag kalimutang kailangan pa ring ngumiti
Sa kabila ng samu’t saring unos at pighati
Tuloy lang…
Okay lang damhin ang drama ng buhay
Ang mundo ay puno pa rin naman ng kulay
May bukas pa ring sa iyo’y naghihintay
Tuloy lang…
Pagka’t hindi titigil ang mundo para yakapin ka
Kaya’t simulan mo nang pulutin ang batong natitira
Upang maibangon muli ang buhay na nagiba
Tuloy lang…
Tibagin mo ang lahat ng sa ‘yo’y humaharang
Ang dagling paglugmok mo ay hindi hadlang
Iangat mong muli ang sarili mula sa putikan
Tuloy lang…
Baka bukas makalawa di mo na namalayan
Bigat ng kalooba’y tuluyan nang lumisan
Panibagong buhay, muli mo ng nakamtan.
ito po ang tulang binigyang buhay ni paul roquia sa poetry night (AHON)!
salamat paul ha. aabangan ko ung video.
at para sa lahat ng sinusubok ng panahon at tadhana, TULOY LANG.
korek ka jan!
korek ka jan kapatid... lahat naman tayo dumadaan sa mga problema sa buhay. basta kahit anong mangyari e, tuloy lang.... magandang motivation un para sa mga feeling hopeless nowadays!
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
ang galing ni Paul,
ang galing ni Paul, mistulang radio-voice talent sa tula ni melay.
kapag sinuwerte at mabilis internet ko ngayon mai-upload kapag hindi baka bukas na.
parang may sapi ng iba't
parang may sapi ng iba't ibang ispiritu si paul sa pagbabasa ng tula na ito, hehe. can't wait for the video! :D
I'd love to turn you on...
naiintriga na ako
naiintriga na ako sa mega-performance ni paul ha... sana ma-upload na agad ni amang rom ang video. buti na lang pala hindi ako nakapunta, at least maganda ang interpretation ng tula ko. haha.. exciting! intayin ko talaga ang video.
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
nakakainspire to!
keep moving forward, as this one made me. ganda ng message.
---------------------------------------------------------------
attapulgite.dmusic.com
soundclick.com/attapulgyte
elow
salamat jayr at napadaan ka sa akda ko....basta sa kahit anong mangyari sa buhay, tuloy lang...
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."
tama! ahehehe.
buti na lang may ganyan ka, nakakalimutan ko kasing mag-encourage ng sarili e. ahehehe. tenks men!
---------------------------------------------------------------
writer ako minsan lang sa loob ng dalawang taon.
attapulgite.dmusic.com
soundclick.com/attapulgyte
Ang galing-galing naman!
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}
Bb. Melanie, pasensiya na kung narito ako't nagbibigay ng komento. Ang sarap lang kasing magkomento sa tula mong ito.
Tuloy lang…
Kahit umihip pa ang malamig na hangin
‘Wag kalimutang kailangan pa ring ngumiti
Sa kabila ng samu’t saring unos at pighati
Ang mga salitang pantugmang ngumitî at pighatî ay kapwa nagtatapos na dulong patinig na i, kapwa may impit ang tunog, at kapwa maragsa ang bigkas.
Nasa antas ng tugmang tudlikan ang saknong na ito. Nagkaroon lamang ng problema sa unang taludtod dahil hindi ito makatugma sa sumunod na dalawang taludtod.
Tuloy lang…
Okay lang damhin ang drama ng buhay
Ang mundo ay puno pa rin naman ng kulay
May bukas pa ring sa iyo’y naghihintay
Ang mga salitang pantugmang búhay, kúlay, at naghihintáy ay pare-parehong nagtatapos sa dulong patinig na a at sa dulong katinig na y, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Nasa antas ng karaniwang tugmang katinig na may mahinang tunog ang saknong na ito.
Tuloy lang…
Pagka’t hindi titigil ang mundo para yakapin ka
Kaya’t simulan mo nang pulutin ang batong natitira
Upang maibangon muli ang buhay na nagiba
Ang mga salitang pantugmang ká, natitirá, at nagibâ ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na a.
Hindi magkakapareho ang tunog ng mga salitang patugma. Ang ká at natitirá ay kapwa walang impit ang tunog; ang ká ay malumay ang bigkas at ang natitirá ay mabilis ang bigkas; samantalang ang nagibâ ay may impit ang tunog at maragsa ang bigkas.
Nasa antas na karaniwang tugmang patinig ang saknong na ito.
Tuloy lang…
Tibagin mo ang lahat ng sa ‘yo’y humaharang
Ang dagling paglugmok mo ay hindi hadlang
Iangat mong muli ang sarili mula sa putikan
Ang mga salitang pantugmang humahárang, hadláng, at putikán ay pare-parehong nagtatapos sa dulong patinig na a at sa mga dulong katinig na ng at n, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Nasa antas ng karaniwang tugmang katinig na may mahinang tunog ang saknong na ito.
Tuloy lang…
Baka bukas makalawa di mo na namalayan
Bigat ng kalooba’y tuluyan nang lumisan
Panibagong buhay, muli mo ng nakamtan.
Ang mga salitang pantugmang namaláyan, lumísan, at nakamtán ay pare-parehong nagtatapos sa dulong patinig na a at sa dulong katinig na n, at sa gayo’y mahina ang tunog.
Nasa antas ng karaniwang tugmang katinig na may mahinang tunog ang saknong na ito.
Ang ganda-ganda!
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
thanks, Captain Obvious!
aba'y ganun na ganun din ang pagkakabasa ko! hanep a! magkakatugma nga yung mga salita! wow...
so... aside sa instant balarila lesson sa komento mo, ano naman masasabi mo sa mensahe ng tula?
I'd love to turn you on...
Hindi basta tugma
Hindi basta tugma ang usapan dito.
Kundi ang pagkakagamit ng mga tugma.
Hindi porke magkatunog, ayos na.
Ang usapan ay kung paano napagtutugma-tugma ng makata ang kanyang mga salitang pantugma.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
paano ba
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
gamitin ang tamang tugma? di ko kasi makita sa search o di lang ako magaling mag hanap sa net heheheheeh....
siguro makakagawa ako ng tula kung isang malayang tula..... ung malayang taludturan....
vers libre
Okay rin iyan. Malayang-malaya ka, sinlaya ng agilang lumilipad sa kalangitan.
Iyong email, bakit walang reply?
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
ang tulang ito ay
ang tulang ito ay hindi tungkol sa pagtutugma-tugma ng mga salita o paggamit ng mga reglamentong pambarila o anupaman. ano bang gusto mong iparating sa komento mo na parang pinagmukha mo naman kaming grade 5 at sinermunan sa eskwela. hindi ka naman pala guro e e di wag ka nang magbigay ng mga leksyong ganito, bagkus ay magbigay ka na lang ng iyong kuru-kuro tungkol sa napakagandang tula ni melay. tapos gawa ka rin ng tula mo kung kaya mo.
I'd love to turn you on...
Hindi lecture ito
ang tulang ito ay hindi tungkol sa pagtutugma-tugma ng mga salita o paggamit ng mga reglamentong pambarila o anupaman.
Sino ba ang may sabi na tungkol sa patugma-tugma ng mga salita o tungkol sa balarila ang tulang ito?
Ang linaw-linaw naman kung ano ang mensahe ng tulang ito.
Komento ito, hindi lecture. (Ganoon pala ang basa mo sa ganoon?)
Nagandahan kasi ako sa pagkakagamit ng mga tugma ni melanie sa kanyang tula.
Nagamit pa niya ang antas ng tugmang pantigan (pantigan pala, hindi tudlikan). Kapag nakababasa ako ng mga ganyang tula, nagagandahan talaga ako. Patunay kasi iyan na maestrong Balagtasista na ang isang makata na gumagamit niyan.
Muli, hindi ito lecture. At wala akong kaplano-planong mag-lecture.
Pino-point out ko lang ang pagkakagamit niya ng mga antas ng tugma.
Walang masama sa ganoon, kasi nga maganda ang pagkakagamit niya ng tugmaan.
Muli, ang ibinibigay kong komento ay tungkol sa husay ng pagkakagamit ng makata sa tugma.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
hosha, sige, jer. kung
hosha, sige, jer. kung anumang ikasasaya mo.
napaka-ironic na kung sino pa itong napakaalam sa mga kung anu-anong pamantayan sa paggawa ng tula ay siya pa itong walang masulat at maibahaging tula... hmmm...
I'd love to turn you on...
naku alex...
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
sipag mong mag komento ah... teacher ka siguro.... hindi ka ba binaha? baha yata sa taguig...
may copy ka ba kung paano mag aral sa tula... gusto ko matuto... kahit mga rules nito....
ingat!
Tindero na ulit ako
Hindi ako titser. Sa ngayon, nawalan na naman ako ng regular na trabaho. Kaya, heto patinda-tinda na ulit.
Paturo ka kina Melanie, rhea, talulot, amos, at iba pa tungkol sa tula. Magagaling ang mga iyan.
Bakit iyong email walang reply?
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
Idol galing mo!
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
kahit saan ka na ilagay mahusay ka.... nagustuhan ko ang mensahe ng tula lalo na ang huling talata... nagustuhan ko....
turuan mo naman ako sa tula.... ewan ko ba.. di talaga ako marunong....
Mahusay.. lalo na nang bigyang buhay ni paul....
Galing!
At sana gumaling ka na rin....
jons
haaay
favorite ko to:
Tuloy lang…
Pagka’t hindi titigil ang mundo para yakapin ka
Kaya’t simulan mo nang pulutin ang batong natitira
Upang maibangon muli ang buhay na nagiba
simple siya pero suksok sa banga. haaaaayy... tutuloy na nga...
sayang di ko to napanood ng live. ang galing mo mareng melai.
wag kang pipikit...
....
to jon, thank you!
to luca, tuloy lang mare...
minsan kasi kailangang ikaw mismo sa sarili mo ang unang magpalakas ng loob mo kapag down ka na.
*****
"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka."










...
... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!
my pleasure, melay, my pleasure... universal siya, kahit ano man yan... TULOY LANG diba?