Tulang pangit sarap burahin

by robleza ( | )
Haplos haplos sa computer mag isa 
Mga salitang ako ang may pinta
Nakatingin napapailing 
Di alam ang gagawin 
 
Mga tulang walang dating 
Mga tulang di pwedeng pitasin 
Nagtataka, nag iisip
Hangin nawa'y ibalik ang ihip 
 
Mga likhang di pwedeng burahin 
Pinagsisisihan wag sanang punahin 
Di na pwedeng tanggalin 
Dahil madla dito'y nasanay rin 
 
At sadyang naisip ko 
Tulay sa pag babago
Wala ako ngayon dito,
Kung wala ang mga to'.

by palmok on April 13, 2015 - 10:10pm

buhay  pa rin pala

by robleza on April 14, 2015 - 9:12pm

 oo buhay parin naman tayo, nasa tabi tabi nagmamasid, naglalakbay.

________________________________________________

at nagpatuloy sya sa paghahanap kila Crispin at Basilyo.

by magsinoalvin on April 14, 2015 - 12:28am

ganda.. di lang bagay yung

 Mga salitang ako ang may pinta

 Mga tulang di pwedeng pitasin

by robleza on April 14, 2015 - 9:13pm

 thanks bro!

________________________________________________

at nagpatuloy sya sa paghahanap kila Crispin at Basilyo.

by aldrin t garcia on July 26, 2015 - 8:50pm

Naaliw ako. Ang dami kong tulang ganyan. Kaya ayaw kong i-post pa. Hehe

by robleza on January 2, 2017 - 7:59pm

 hahah ipost mo na tayo tayo lang naman nandito eh hahah