Terorista nga ba?

Sherfie sherp's picture
|
Itinuring akong kalaban dito sa aking bayan,
Pilit inaalisan ng dangal at kalayaan.
Nawalan ng karapatan sa lupang sinilangan,
Mapait, masakit lumayo ng tuluyan.
 
Tinatanaw ko sila mula sa kalayuan,
Masaya at walang pag-aalinlangan,
Sinubukan kong makiisa at makipagtawanan,
Subali't tila mga mata nila'y nanlisik at hindi ko naintindihan.
 
Estranghero ba akong maituturing?
Dayuhan sa kanilang paningin?
Salot sa lipunan na kailangang alisin?
Sakit na hindi kayang gamutin?
 
Pinaramdam nyo sa akin na akoy iba,
Tinanggalan ng dignidad at pag-asa,
Nais ko lang naman ay mamuhay ng mapayapa,
Masisisi nyo ba kung babawiin ko ang ipinagkait sa akin mula sa umpisa?
 
Husgahan nyo ako sa mababaw nyong dahilan,
Kamuhian nyo ako at patuloy na diktahan,
Kung alam nyo lang sana ang tunay na ipinaglalaban,
Maiintindihan nyo kung bakit may "terorista" sa sariling bayan.
 
 
~~
Ano nga ba?
 

Pilit inuunawa ang mga bagay2 na mahirap intindihin.