Filipino

Huling Silay: Pinoy Tanka

by Espilehiyo ( | )

p.p1 {margin: 0.0px 0.0px 0.0px 0.0px; font: 12.0px 'Times New Roman'} p.p2 {margin: 0.0px 0.0px 0.0px 0.0px; font: 12.0px 'Times New Roman'; min-height: 15.0px}

I

espilehiyo

Balita? :)

Sigarilyong Hindi Inubos

by mdligaya ( | )

Iniabot mo sa akin

Ang sigarilyong hindi mo inubos

Naramdaman ko ang basang laway

Na galing sa bibig mo

Ikaw ang nagpapakilig sa puso ko

Dahil sa matipuno mong braso

At sa kamaong parang maso

Inakbayan mo ako

Halos makalas ang buto

Naghalo ang amoy ng alak at sigarilyo

Hinintay ko uli na lapitan mo ako

Si Janin kasi

by johncross ( | )
"May magagawa ka naman kung gugustuhin mo lang."
 
Sa dami ng napag-usapan namin, hindi ko na alam kung alin sa mga yon ang tintukoy niya. Pero sumagot pa rin ako, "siguro nga ayoko rin. baka nga tama ka."
 
"Bakit di mo na lang kasi aminin?"
 
Sa totoo lang, naliligaw na ako sa usapan namin. Hindi ko na talaga alam kung ano ba talaga ang tinutukoy niya sa dami ng sinabi ko. Ayoko na tanungin baka mawala ang momentum.
 
"Wala naman akong aaminin.

Terorista nga ba?

by Sherfie sherp ( | )
Itinuring akong kalaban dito sa aking bayan,
Pilit inaalisan ng dangal at kalayaan.
Nawalan ng karapatan sa lupang sinilangan,
Mapait, masakit lumayo ng tuluyan.
 
Tinatanaw ko sila mula sa kalayuan,
Masaya at walang pag-aalinlangan,
Sinubukan kong makiisa at makipagtawanan,
Subali't tila mga mata nila'y nanlisik at hindi ko naintindihan.
 

Pilit inuunawa ang mga bagay2 na mahirap intindihin.

Matagal Na Rin Akong Hindi Sumusugal

by mdligaya ( | )
Matagal na rin akong hindi naglakbay nang biglaan
Mahirap kasing lumakad nang hindi alam ang pupuntahan
Sa pagtanda natin, mas marami na tayong alam
Kaya siguro maingat, dahil batid na natin kung pano masaktan
Matagal na rin akong hindi sumusugal
Sa pag-ibig, paglalakbay, o simpleng pagkakaibigan
Bakit nga naman lulugar sa alangan
Kung pwede namang sigurado na may patutunguhan?

Seismiko

by Leimel ( | )

Mistulang payapa ang kalatagan ng kanyang pagkatao

Nakalilok ang mga bitak ng karanasan  

Walang kibo ang mga bulkan sa kanyang dibdib

~Wldstflwr

09-18-2015 

12:29 sa Meralco Avenue

by mdligaya ( | )

12:29 sa Meralco Avenue
Singlalim ng gabi ang iniisip mo
Malamig ang hangin sa loob ng taxi
Sinlamig ng katotohanang wala sya sa iyong tabi
Tatlong taon na nang kayo'y maghiwalay
Ang huli mong balita siya ay namatay
Hindi mo malimutan nung kayo ay
nag-away
Masasakit na salita at paglisan sa bahay
Pag-ibig madalas maraming salimuot
Sakit at paghihirap ang idinudulot
Hindi ka sumuko, umasang titino
Sa bandang huli sya rin ay lumayo
Iniisip mo kung OK nga lang bang mabigo
Papalarin din kaya sa sugal ng mga puso?
Bigla mong nalimutan kung saan liliko

Ang Labing-anim na Sulok ng Tatlong-Palapag na Kama

by mdligaya ( | )

Hindi ko na maalala kung saan kita nakita
Marahil kagabi sa gilid ng eskinita
Natulog ako sa malambot na kama

Pag-ibig. Laban. Pagsuko.

by johncross ( | )

"In the beginning was the word…”

Ang Kastilyo ng Pagpapaalam

by mdligaya ( | )

Noong unang panahon, may isang nilalang

Siya ay hinugot, nagmula sa kawalan

Isinilang sa mundo nang walang ibang alam

Syndicate content