Tatlong Supang ng tae ni Garad

kwekwento's picture
| |

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kung pwede lang na hindi na siya gigising sa madaling araw, alas-dos, saklob pa ng kadiliman ang mundo, hindi na magtatae si Garad.
        Arrrggghhh!!! Humilab na naman ang tiyan niya, nagising siya sa iritableng pagkakaiglip. Ayaw niyang bumangon, pero nangungulit na naman ang sakit ng tiyan. Kahit kailan ay hindi niya ito makayang pigilan at tiisin. Napilitan na siyang bumangon sa kama, kinapa ang tsinelas at kumaripas ng takbo palabas patungong kubeta.

Araw-araw kinabihasnan na niya ito, pagpatak ng alas-dos nang madaling araw, magigising siyang parang nilulukot ang tiyan at nagpapawis ng malamig. Nagsimula ito noong diyesi-nuwebe anyos siya, sa 'di malamang kadahilanan, naging sakit na niya ito hanggang magbeinte-dos na siya. Makailang balik na rin siya sa mga doktor at iba pang espesyalista, pero wala silang malinaw na paliwanag bukod sa mga resetang walang silbi. Baka parte lamang daw ito ng isang sleeping disorder; o sa mga nakasanayang pagkain. Bagay na ipinagwalang bahala naman ni Garad.

       Minabuti niyang isikreto sa mga kasambahay ang nangyayari sa kanya. Sila lang ng kanyang ina ang nakakaalam ng pinagdadaanan niya. Nakakahiya kasi. Ang totoo, hindi normal ang pagtatae niya, hindi normal ang dami ng tinatae niya. Ito ang sanhi kaya pagkapayat-payat niya at lubog ang mga mata. Ang paghahanda ng arinola sa loob ng kwarto ay hindi umubra sa sandamakmak na ebak na lumalabas sa kanyang pwerta. Wala siyang ibang magagawa kundi tumakbo sa banyo upang makaraos, sa loob ng halos tatlong oras na pag-iri at pururot. Noong unang beses na pinigilan niya ito, sobrang kahihiyan ang kanyang natamo. Sa parehong oras, sinubukan niyang tiisin ang hilab at baka sakaling mawala - ngunit lalo lamang itong sumakit nang pigilan niya, at bago magkalat ang tae sa kama at kwarto niya ay agad siyang lumabas. Kaso, kumawala na ito sa kusina pa lang, malapit na sana sa banyo, hindi pa umabot. Napunan ang sahig ng magkahalong ipot at tubol na tsokolate. Walang nagawa si Garad kundi magparaya at hayaang lumabas ang bwisit sa tiyan. Ang masaklap, may nakakita. Kung bakit pagkamalas-malas na ‘yung taong pinakaiiwasan niya pang makaalam ng sikreto niya ang nakasaksi sa pagkakalat niya. Tiyempong kumukuha pala ng inumin sa ref ang pinsan niyangsi Hazel. Madilim sa kusina kaya hindi siya napansin ni Garad. Pero siya, napansin ni Hazel: "Uy kuya ba't d'yan ka tumatae sa sahig!!!??"

Si Hazel, diyesi-otso anyos, nakikituloy sa bahay nila Garad dahil nag-aaral ng kolehiyo sa maynila sa kursong accountancy. Anak siya ng babaeng kapatid ng nanay ni Garad. Nagtatrabaho sa Saudi ang nanay ni Hazel, biyuda, kaya pansamantalang pinaubaya muna ang dalaga sa puder nila Garad hanggang makatapos. Susustentuhan na lang sa padala. Si Hazel, pinsang-buo ni Garad. Si Hazel, ang kalibugan ni Garad.

       Magkatabi lang ang kwarto ng magpinsan, kaya naging madali kay Garad na bosohan ang dalaga sa pamamagitan ng pag-ukit ng 'di pansining butas. Sapat na para makita niya ang mga galaw ng dalaga - sa makatuwid, matyag si Garad sa mga pribadong galaw ni Hazel. Nakaabang na ang mokong kapag bagong ligo si Hazel, kabisado na niya ang bawat detalye ng katawan nito sa tuwing magbibihis. Ang maputi't mamulang kutis, ang hubog ng katawan, hubog ng suso, ang pink na utong, ang kakarampot na bulbol; lahat ng ito ay tambad sa mata ni Garad. Pero ang paborito niyang palatuntunan kapag namboboso siya, ay ang maalindog na pagbabate ng dalaga. Taliwas sa pagiging mahinhin na pagkakakilala ni Garad sa pinsan, kapag nagfi-finger ito ay tila ibang tao sa pagkapusok. Kung anong ingat niya sa pag-upo kapag nasa labas, ay siya namang walang habas na pagbukaka at paglalaro sa ari kapag nasa sariling kwarto na. Naisip ni Garad na natural lang ito, lahat naman ng tao ay may pagnanasang-aliw, pantasya, kaligayahan; kaya nga ginawa ang titi at pepe. E ano pa nga bang gagawin niya habang pinapanood ang paglalaro ni Hazel? Edi sabayan ng paglalaro sa sarili.

       Ano kung pinsan niya ito? Kailan lang naman sila nagkakilala, hindi naman sila magkababata. Kaya natural lang na maakit siya sa isang dalaga lalo na kung maganda at sexy. Hindi kilala ni Garad ang tatay ni Hazel, naisip na lang niya na foreigner ito na nakabuntis sa tita niya. Sa dami ba namang bansang napuntahan. Pero hindi naman mukhang banyaga si Hazel, ‘yung kutis lang at ilong. Sa loob-loob ni Garad, kung pwede lang, kung pwede maging sila, kung pwedeng magtalik sila.
Kaya bakit siya pa? Bakit siya pa ang nakasaksi sa abnormal niyang sakit? Bakit hindi na lang ang nanay niya, ang tatay niya, ang bunsong kapatid, ang katulong? Bakit si Hazel pa? Paano na ang pagkakataong makapagtalik sila? Na tiyak niyang napalitan na ng pandidiri at kabastusan.

.

Klik. Klik. Klik. Klik. "Putsa ba't ayaw bumukas ng ilaw...?" mahinang sambit ni Garad matapos pagpipindutin ang ilaw sa kubeta. Suko na siya, mabilis niyang hinila pababa ang shorts na blue, agad na isinalampak ang pwet sa inidoro. Kailangan swak, kapag tabingi o may butas kasi, tatalsik ang pagbulusok ng kanyang gabulkang ebak.

       Eeerrrrrrggggghhhh...!!! Pigil ang boses niya sa pag-iri pero itinodo niya ang pagpakawala sa malapot at buo-buong tae. Tuloy-tuloy ito, parang binombang poso, alingawngaw ang tunog ng pururot. Nagkukulay ube si Garad sa pag-iri. Hindi na niya nagawang buksan ang gripo para tabunan ang tunog ng pururot upang iwas gambala. Grabe ngayon ang pag-atake nito, ito na yata ang pinakamalala. Noon lang ulit siya nabahala.

       Ambaho na sa loob. Nakatakip na ng ilong si Garad subalit tuloy pa rin sa pagbabawas ng 'di maubos-ubos na taeng kulay putik at parang may mga butil ng carrots pa. Magdadalawang oras na yata siya sa tantya niya. Maya't-maya siyang nagpa-flush para hindi umapaw ang inidoro at kumalat sa sahig, madilim pa naman. Nang masanay ang mata niya sa dilim, at bukod sa hilab ng tiyan, may naramdaman siyang kakaiba. Tumayo ang mga balahibo niya, lumamig, biglang nakaramdam siya ng takot - takot sa mga hindi nakikita. Ayaw niyang palinawin pa ang paningin niya at ipihit ang kanyang ulo. Bakit siya biglang kinilabutan?

       Ilang saglit pa ay tumayo siya sa inodoro at sinubukan niyang pindutin muli ang switch ng ilaw. Aandap-andap ang bombilya sa una, hanggang sa tuluyang bumukas. Nang lumiwanag, alam na ni Garad. Alam na niyang hindi siya nag-iisa sa loob ng banyo. Tumigil ang paghinga niya, namanhid ang buong katawan, dahan-dahan siyang lumingon sa likuran...
        Sumambulat sa kanya ang kung anong tatlong nilalang na nakapalibot sa inodoro. Purong itim ang buong katawan, mabalahibo, dilat na dilat ang mga puting mata na nakatingin sa kanya. Mga Maligno. Kinakawkaw ng mga ito ang inidoro at nilalantakan ang bagay na nanggaling sa tiyan ni Garad. Lusak sa tae ang paligid nila, hinihimod nila ito na wari'y ayaw palagpasin ang bawat latak. Hayok na hayok sa kinakain.
"GYAAAAAAAAHHH!!!!!" sumigaw si Garad nang pagkalakas-lakas. Tarantang binuksan ang pinto, at madapa-dapang nagtatakbo, hindi malaman kung saan pupunta dahil sa matinding pagkahilakbot.

.
 
 

Pagmulat ng mata ni Garad, puting kisame ang naaninag niya. Maliwanag sa paligid. Hindi mabaho, hindi mainit. Agad siyang bumangon, nakahiga na pala siya sa puting kama. Hindi niya ito kama, natanto niya. Lumingon-lingon siya sa paligid, hindi niya ito kwarto, o kahit saan man sa bahay nila. Nasaan ako?
Nakita niya ang nakababatang kapatid niyang lalake sa 'di kalayuan, naglalaro ng PSP. Tinawag niya ito. "R-Ron-ron, nasa'n tayo?"
Pero bago pa makasagot ang kapatid niya ay nalaman niya na kung nasaan sila matapos makita ang nakaturok sa braso at nang makapa ang noong may benda. Ospital?
        "O, gising ka na pala," wika ng kapatid na si Ron-ron. "Mamaya babalik sila mama. Gutom ka?"

       Umiling lang si Garad, walang maintindihan. Humiga na lang siya ulit. Nag-isip, Anong nangyari? Bakit ako nandito?
Biglang naalala na niya, bumilis ang tibok ng puso niya at kinabahan. Malinaw pa rin ang mga imaheng nakita niya. Ang nakakakilabot na mga itim na nilalang. Ang pagkain nila sa tae niya.
        Arrrghh! Niyugyog niya kanyang ulo sa pagkagulo ng isipan. Pinilit niyang alisin ang memoryang iyon. Nakaramdam siya ng halong takot at pandidiri. Inutusan niya ang kapatid na abutan siya ng supot, at nagsuka siya nang marami. Tumawag ng nurse si Ron-ron.

       Maya-maya, nahimasmasan din si Garad. Inihiga muli ang sarili. May kung anong alaalang sumisiksik sa kanyang isipan, animo'y nagpupumilit na alalahanin ni Garad. Ewan niya kung bakit pumasok ang alaala noong huling beses na binosohan niya si Hazel. Hating-gabi iyon, kadarating lang ni Garad galing sa inuman nila ng mga katrabaho niya. Hindi pa siya nakakakapagbihis ng pambahay ay sumilip kaagad siya sa butas. Saktong nasa kalagitnaan ng pagbabate ang magandang pinsan habang nakahiga sa kama. Nakaramdam nang pag-iinit si Garad at mabilis na inilabas ang sa kanya at nagbate rin. Nakasilip siya sa butas habang ginagawa niya iyon, hanggang sa malapit na siyang labasan, malapit na rin kasi si Hazel. Lalabasan na si Garad nang may napansin siyang kakaiba sa loob ng kwarto ni Hazel. Saka niya lang nabatid, na parang may kasama ang dalaga sa loob. Subalit nadala si Garad sa pagbabate at nalingat saka nilabasan. Pagsulyap niya muli sa butas, wala na si Hazel. Nilibot niya ng tingin ang buong kwarto, pero hindi niya ito makita. Nakapagtataka, ilang segundo lang siyang nalingat kaya paanong biglang nawala ito?

       Nabaling ang tingin niya sa ibaba, sa bandang kama ng kabilang gilid nito. Nahagip ng tingin niya na may gumalaw sa bandang ilalim. Nakita niya ito, ngunit hindi siya sigurado kung daga ang gumapang o paang itim.

.
 

May isa pang naalala si Garad, ‘yung sagot sa kanya dati ng nanay niya nang minsang magtanong siya tungkol kay Hazel:

       "Probinsyana ang pinsan mo, walang nakakaalam kung sino ang tatay niya."

 

 
 
 
 
 
 
 
kwekwento

kwekwento's picture

Ay

hindi yata ubra transgressional fic.  

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

aba, ayos to a! may mga

aba, ayos to a! may mga unexpected scenes na weird at nakakatawa at erotic.

 

medyo ang weird ng ending, hehe... anong nangyari kay hazel?

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

haha

natripan mo pa 'to, akala ko aku lng haha

si hazel ang cause ng disorder ni garad, simula nang nakitira siya sa kanila, dun nagsimula ang pagtatae niya. may hidden meaning yung last line bout sa unknown father ni hazel.. ops dpat diko irereveal to e haha.. may something odd bout sa pagkatao ng chix and her province...  

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

aswang siya, ganun? hehe,

aswang siya, ganun? hehe, ayus...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

uhm

descendant ng lahi ng tatay niya as 'Supang'

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

aha!   what is a supang?

aha!

 

what is a supang? yun lang, hindi ako maalam gaano about muthological creatures and stuff, hehe...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

hehe

 

enchanted sprouts... yung tipo ni hazel ay sprout sa tae haha 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

howkey... well, it's a good

howkey... well, it's a good story, though, ehehehe... :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

:)

Salamats!

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

edenadeguia's picture

galing

salamat sa mga katulad mong magaling magsulat.. ang sarap tuloy magbasa.

kwekwento's picture

ay 'di po

baka salamat sa mga katulad mong magaling umunawa ng binabasa... ang sarap tuloy magsulat. :)

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

kwekwento's picture

2011

walang maipaskil na bagong akda dahil gagamitin bilang piesa ang mga naisulat ngayon.

repost muna para sa mga newbies :)