Saan ba ako liligaya?

fragilejay12's picture

Saan ba ako liligaya?

Sa bawat oras na nagdadaan pakiramdam ko kinakain ako ng kumonoy ng lipunan, pahirap ng pahirap umahon sa basurang mundong kinalalagyan ko. Hindi ko na alam paano pa lumaban, hindi ko na din alam kung paano maging masaya. Para bagang isa akong naglalakad na patay, buhay sa pisikal ngunit sawi sa emosyonal. Buhay nga ako sa tingin ng marami ngunit patay na ako sa harap ng lipunang ginagalawan ko. Wala akong direksyon, inutil sa marami at pabigat sa magulang.

 Nais kong ituwid ang nabaluktot kung landas ngunit di pinahintulan ng lipunan, pilit akong lumalaban para sa karangalan at dignidad na nawala ngunit patuloy din akong napapako sa reyalidad ng mundo. Walang kinabukasan sa walang silbing mamamayan. 

Gusto kong sumigaw para may makapansin sa akin ngunit masyadong maingay ang siyudad para ako pag-ukulan ng pansin. Siguro nga patay na ako, patay na ako. Walang nais maglaan ng oras sa akin, walang nais magbigay pag-asa sa akin. Salat ako sa oportunidad na hinahanap ko.

 Paano ko sisimulan pagbabago  kung ang lipunan mismo ayaw akong hayaang lumaya sa anino ng kahirapan. Paano ko mahahanap ang silbi ko kung kayo mismo hinuhusgahan na ako. Paano ako liligaya kung pilit niyong kinukuha ang natitira kong pag-asa.

Mahirap mabuhay ng walang dangal, kailangan mong umasa sa tulong ng iba. Mahirap mabuhay na alam mong di mo batid kung saan ka patungo, ano ka bukas, saan ka bukas at paano ka bukas? Mahirap mabuhay sa hinagpis at pait, sa pagkasuklam at pag-aalipusta. Mismong magulang mo kalaban mo.

Ano na ba talaga ako? Ano na ba ako sa paningin niyo? Tao pa ba turing niyo sa akin o isang basahang madumi lang sa paningin? May saysay pa ba ako sa bansang ito o sadyang nabubuhay lang ako sa bulok na sistema ng bobong pamahalaan.

Minsan naitatanong ko na nga sa Diyos, Panginoon bakit mo pa ba ako nilikha? Ano po ba misyon ko sa mundong ito? Kapakipakinabang pa ba ako o sadyang binuo mo ako para may matapakan ng ibang tao?

Ang hirap matulog sa gabi. Halos napupuyat ako araw-araw hindi sa kadahilanang naghahanap ako ng mapagkakakitaan kundi dahil baka sa pagtulog ko matapos na buhay ko. Ang hirap din gumising sa umaga dahil hindi mo alam kong nasaan ang pag-asa, hindi mo alam kung makakakain ka o magiging masaya ka ba. 

Ang tanging magagawa ko lamang ay tumambay sa labas, manuod ng mga dumadaan, mamangha na masyado ng "busy" ang mundo at napag-iiwanan na pala ako. Ako na lang ata walang ginagawa, ako na lang ata nakatayo dito at nakatulala. Lalo tuloy akong nanlilit, lalong naghihinanakit.

Dito na lang ba ako? Dito na ba ako tatanda? Dito na lang ba matatapos buhay ko? 

Nais kong lumigaya, nais kong lumaya, nais kong makita ang umagang puno ng pag-asa, nais kong ngumiti ng walang pagdurusa. Ayaw kong huminto ikot ng mundo ko sa putik at lansa ng lipunan na ito. Hindi dito matatapos paglalakbay ko. Hahanapin ko ang kaligayahan ko, hahanapin ko ito

Pakawalan niyo na ako, pakawalan niyo na.

Nais kong matagpuan halaga't kaligayahan ko

Nais kong mabatid ang sarap ng buhay na ito


cassandra's picture

SSShh.. Secret lang natin

SSShh.. Secret lang natin toh

Paano ko sisimulan pagbabago  kung ang lipunan mismo ayaw akong hayaang lumaya sa anino ng kahirapan. Paano ko mahahanap ang silbi ko kung kayo mismo hinuhusgahan na ako. Paano ako liligaya kung pilit niyong kinukuha ang natitira kong pag-asa.

Ito yung sinasabing pag subok ng pagbabagong-buhay. Dito malalaman kung pursigido ka at determinado sa pag babagong buhay.

Mahirap mabuhay ng walang dangal, kailangan mong umasa sa tulong ng iba. Mahirap mabuhay na alam mong di mo batid kung saan ka patungo, ano ka bukas, saan ka bukas at paano ka bukas? Mahirap mabuhay sa hinagpis at pait, sa pagkasuklam at pag-aalipusta. Mismong magulang mo kalaban mo.

-Nagdadasal ka po ba? kung oo, hilingin mo ang tulon g niya. submit your self in Him at hayaan mo na Siya ang gumalaw para sayo. Magdasal ka na walang inaalala ang kalooban o wala kang iniisip na solusyon o ano mang opinyon. Dahil mo ng malinis ang iyong kalooban at hayaan mo siya ang magbigay sayo ng mga ideya o solusyon sa mga iniisip mo. Parang ganito yung kasi. Paano mo ibibigay sa Diyos ang isang papel kung puno na ng sulat? saan siya magsusulat di ba?. Wag kang magpanic.

fragilejay12's picture

thanks sa comment

 salamat sa pgbibigay ng comment. yes tama ka, sometimes nkakalimot tlg tau peo un ang challenge dun. panu mo papanindigan faith mo sa Kanya.

 

^^gnyan tlg mga alang mgwa kht anu pgttripan pra lng sumaya haha^^

=Don't gain the world and lose your soul, wisdom is better than silver or gold=

ako si lonely probinsyana's picture

....ok lang yan...

 

 ..ang totoo nyan...tanong ko sayo.totoo ba yang blogs u?nangyayari ba talaga yan sa buhay mo?parehas lang tayo...d pa huli ang lahat..nagsisimula ka pa lang..ako?pinipilit kong mgbago...add kita sa fb kung meron ka.para may maishare ako sayo...pray tayo..ipagppray kita

 

 

 

 

"wag mong hayaang magpatalo sa tukso,
bagkus,paglabanan mo ito sa pamamagitan ng ating Panginoon"

-

fragilejay12's picture

thank you po

 opo, totoo nangyayari sa buhay ko yan. nagsusulat ako twing nararamdaman ko nag-iisa ako o kaya madami akong problema. pakiramdam ko kasi ballpen at papel lang ang may panahon makinig sa problema ko. thank you po. pasensya na ngayon lang ako nakapgbukas ng fw 

 

 

=Don't gain the world and lose your soul, wisdom is better than silver or gold=