Tabing Ilog (sa ating tagpuan)

by PinkCath ( | | )

Ang suot ko’y pulang bistida…

upang agad iyong makita

Sa tagpuan natin, hinitay kita.

Subalit di ka dumating... di nagpakita.

 

Ilang ulit na umasa,

ilang pagkakataon ang lumipas na.

may natitira pa kayang pag-asa?

O sadyang wala na ang  “tayong dalawa”

 

Ilang hiram na sandali…

Ilang panahong mali…

Ilang pakakataong nakaw…

Ilang paghihintay, Ilan pang araw?

 

Bakit patuloy na nagnanais?

Ang pusong sa sakit ay nagtitiis.

Wala nang natitira pang wangis,

ang pagkataong nagmahal ng labis.

 

Hihintayin pa ba kitang muli?

Sa takdang oras at sa sinabi mong sandali.

O aalis na ako sa lugar na ito,

kung saan sa pagkakasala tayo ay salo.

 

Muli ay nakapula… di dahil sa suot na bistida,

kungdi sa sugat sa puso na iyong likha.

Idinulot ng bigo mong mga pangako,

at ng huwad mong pagsuyo…

 

 

pinkCath

Maraming salamat sa mga taong nagbahagi ng tulong sa isa sa pinakamahirap na yugto ng isang pag-iibigan... "move on stage"

 

 

simpleng pinkCath lang po!


by 5182EiDiDiFy on November 12, 2011 - 6:04pm

Musta na?

 

Relate much! Kaya natin lahat ng pagsubok na ito, tayo pa! @least ikaw girl... hehehehehehe

 

NICE ONE!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

by PinkCath on November 13, 2011 - 11:53am

Sister, kasama ako sa pagkalungkot mo!

Thank you sa pagbasa... alam ko naman kakayanin natin lahat ng pagsubok, sabi nga "di daw ibibigay sa atin kung di natin kaya" pero mahirap lang talaga ang proseso.

 

Happy Eid!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

by dj Prestousa on November 12, 2011 - 8:54pm

Dapat ngang mag-move-on. Lalo na kung pinapaasa ka lang (gaya na rin ng paghintay). Yung mga babae diyan na nagpapa-asa lang, mga guys, MOVE ON!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

madami pang ibang magagandang chicks diyan. HAHA!

 

by PinkCath on November 13, 2011 - 11:54am

Mr. DJ:

 

Thanks sa read and comment!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

by Starblaze on November 14, 2011 - 11:21am

hala saang pang-pang ka ba? sabi mo sa tabing dagat? doon ako pabalik balik na umaasa na ika'y babalik..un pala nasa tabing ilog ka?

 

ahahaha! ganda..hmmmm..yang bistida mo suot mo yan nung 1st date natin diba?

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

by PinkCath on November 15, 2011 - 12:13pm

ay naku! baka ibang babae ang katagpuan mo sa tabing dagat... sa pusod ng gubat tayo unang nagkita, remember? natural ilog lang meron dun.... sa bistida may tama ka! pulang bistida... na naging buntot pusa.

 

salamat sa ngiti!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

by Lemmor Setneuf on November 14, 2011 - 1:36pm

Maging matibay ka lang!

Kakayanin mo ring makaalpas sa mga pagsubok sa buhay... nandito lang naman kaming mga kaibigan mo, laging handang mag laan ng sandali kung kakailanganin mo.  

 

 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

by PinkCath on November 15, 2011 - 12:23pm

Maraming thank you sir!

 

simpleng pinkCath lang po! 

by paruparongberde on November 14, 2011 - 3:44pm

sister gusto ko ang tula mo, ramdam ko

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

by dj Prestousa on May 28, 2015 - 6:21pm

nice

by PinkCath on November 15, 2011 - 12:20pm

Thank you sis!

mabuhay ang mga nagdurusa... dahil kapalit nito ay ligaya... sana?

 

simpleng pinkCath lang po!

by paruparongberde on November 15, 2011 - 12:30pm

bakit may "sana" ? hihihi!

sana nga pero mahirap umasa

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

by PinkCath on November 15, 2011 - 12:40pm

kasi hindi ako sure sa ligaya... pero sana nga meron. :)

 

 

simpleng pinkCath lang po!

 

by PinkCath on November 15, 2011 - 12:19pm

Salamat po sa pakikiramdam mo!

 

 

simpleng pinkCath lang po!