Studyante

katatapos lamang ng mahabang araw para kay simon. Isang binatang may simple at normal na buhay
pagpasok sa eskwela ang regular na ginagawa sa araw-araw. Nakakasawa,nakakabagot
sa araw-araw na ginawa ng diyos pagsakay sa jeep,lrt makipagsiksikan yan ang kanyang paulit ulit na ginagawa, na tila nakakasawa para sa kanya, minsan nabanggit niya sa sarili na ang boring naman
dapat may gawin ako.. hindi yung araw-araw ay ganito laging parang kulang
kapag nakikita ko naman ang mga kaklase ko na puro pagcocomputer ang ginagawa
paglalaro ng DOTA. Inisip ko na kung sasama sa kanila para akong isip bata, naglakad-lakad ako sa isang mall
malapit sa aking pinapasukan. Sa kalahating oras ko na paglalakad ay may isang babaeng tumawag
ng aking pansin.naka kolorete at napakaayos ng kanyang postura at napakalambing ng boses niya
naputol ang tila paglalakad ko na walang patutunguhan. nais ko’y malibang Kinausap niya ako
mag isa ka lang ba? Tanong niya sa akin. Sa gulat ko di agad ako nakapagsalita
pero sa kanyang pagkakatitig sa akin ay tila naghihintay siya ng mabilis na kasagutan
Oo mag isa lang ako sambit ko sa kanya. nagpakilala siya anne daw ang kanyang pangalan
ako naman si simon sa aming pag uusap ay para akong nalibang magiliw siya sa akin.
Hanggang unti-unti kong naramdaman na maligaya ako at nawala ang aking pagkainip
Sa haba ng aming pag uusap nalaman ko isa pala siyang pick-up girl.
Tanong niya sa akin “gumigimik ka ba”? napaisip ako kung ano ang salitang gumigimik
Ang alam kong ibig sabihin ng gimik ay pag alis ng magbabarkada. pero iba pala ang
Kahulugan non nag aaya pala siyang lumabas at may mangyari sa amin ngunit may kapalit.
Sa pagkagulat ko tinanong ko sa kanya kung bakit niya ginagawa iyon.
Sinagot naman niya ako at ang mga mata niya’y parang nais bumagsak ang mga luha
May cancer pala ang kanyang ina .parang naawa ako sa kanya’t
Sinabi ko na meron akong konting halaga dito ibibigay ko sayo pinakatulong nalang
Kahit wala ng mangyari sa atin. Para akong nahabag ng di ko maintindihan
Lalake naman ako at matagal na rin nung huling nagkaroon ng karanasan
Lalo pa sa tulad ni anne na maayos ang postura at ganda.
Sa tuwa niya sa akin yumakap siya ako naman ay parang namula
Dahil nasa mall pa kami andaming tao nagulat ako
Bigla siyang nag imbita na kung gusto ko daw sumama sa bahay niya
Sa haba ng nilakad di ko na alam kung ilang looban ang aming nilikuan
Hanggang sa mapadpad kami sa isang maliit na barong-barong
Yun na daw ang kanilang tahanan.sa labas ay napaka ingay at maraming bata
Ang naglalaro,ngunit sa aming pagpasok sa kanyang bahay napaka tahimik
At ang ingay na nagmumula sa labas ang tanging maririnig
Hanggang sa nakita ko sa isang higaan na natatakpan ng kurtina
Ang isang matanda na nakaratay. Yun pala ang kanyang ina
Pinakilala niya ako at sinuklian ko iyon ng ngiti at pagmamano
Nagulat ako sa dami ng medalya sa kanilang bahay
Mga medalya sa pag aaral mula elementarya
Hanggang high school lahat ng iyon ay kay anne
Matalino pala siya pangarap niya mag kolehiyo at makapagtapos
Ilang oras lang ay nagpaalam na ako dahil gumagabi na
Dun ko naisip na napaka swerte ko pala
Na hindi ko dapat kainipan ang aking buhay,
Marami palang nangangarap
Na maging kagaya ko
Ang makatungtong sa kolehiyo