Spaghetti

Starblaze's picture
| |

Spaghetti, dine-in please..

Tinatanaw kita

umoorder

malikot ang iyong mata

habang naroon kami sa lamesa

alam mo pa rin ang paborito ko

spaghetti..

hinalu-halo, inikot-ikot

kulay pula, kulay apoy

tinidor na nagbabaga..

ilang sandali pa

mamimili ka na

ako ba o sya?

 

"pare, mahal ko yan, ingatan mo"

hinalu-halo, inikot-ikot

tinidor na tumutusok

malalim, makirot.

lumingon ka habang kayo'y papalayo

ang spaghetti hindi dumampi

sa aking mga labi

ito na ang huli

ang huli mong spaghetti..

Starblaze

Sana lang may kasamang icedtea..:) The toughest substance on earth is called "letting go". chemical elements consist of heartache, depression, anxiety and retardation. If swallowed by human, studies revealed that it induce electrostatic or magnetic processes which ignite the suicidal electrons in the body. (mhay ghanuun??)


magsinoalvin's picture

bro, ang galing.. hehe..

bro, ang galing.. hehe.. natawa ako.. galing mo talga....!!! thankss

Starblaze's picture

ngayon lang ako nakadalaw

ngayon lang ako nakadalaw sensya na..asan ka na? miss u bro..

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din" 

magsinoalvin's picture

miss you too bro...

miss you too bro... :)

 

dito kami ni misis sa maternity clinic, dapat magpapacheck up lang kami kahapon pero ang nangyari inadmit na si bless kasi may komplikasyon na yung bata ssa loob  kaya kelangan ng ilabas kahit sa june 3 pa ang due..

 

please pray na sana umepekto yung tinuturok na pangpahilab para maging normal pa yung delivery kasi kung magkataon CS ang mangyayari. thanks much!!! 

5182EiDiDiFy's picture

Good Luck! pray ko ang

Good Luck!

pray ko ang kanyang maayos na panganganak...

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

magsinoalvin's picture

thank you so much po!!!

thank you so much po!!!

5182EiDiDiFy's picture

No prob... Ninong ako sa

No prob...

Ninong ako sa binyag...

ay... nin?ng pala ;)

-

-

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

magsinoalvin's picture

hehe,, sige ba.. kung nasa

hehe,, sige ba.. kung nasa pilipinas kayo eh.. :)

daily_sam's picture

Ouch...

Ang galing galing naman! I now see spaghetti differently ;-)

Letting Go is one nasty business you don't want to do but thankful in the end that you did.

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

Starblaze's picture

thanks..di ako nakadalaw sa

thanks..di ako nakadalaw sa FW lately mejo busy but now i'll spend time posting articles/literature again..salamat po

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"