Siya, Ako, Ikaw (3)

napoleon1815's picture
| |

LIHIM na nalugod si Jett sa sinabi ni Sandra. Ang dalagang pinagkaitan ng magandang mukha ay magpapa-cosmetic surgery daw. Meaning kahit paano ay magiging kaayaaya ang face.

"That's positive, Sandra. Why not kung may paraan naman," pag-ayon ni Jett.

"Pero nagdadalawang-isip ako, e. Paano kung mapatapat ako sa isang incompetent cosmetic surgeon? Na actually pala e dignified cosmetologist lang?" sabi ni Sandra.

"Well...in fairness, meron namang matitinong practitioners. Siguro, pipiliin mo 'yung may track record na, may katibayan ng pagiging magaling na cosmetic surgeon," halos payo ni Jett.

"Oo nga, tama ka, Jett."

"Nakatsamba," sa loob-loob ng binata.

 

 

PIIID PIIDD. Bumusina ng kotseng bagong dating, papasok na sa 2-car garage nina Sandra.

"Dalawa ang sasakyan na parehong brandnew!" sabi ni Jett sa sarili, sa isip lamang, nakatanaw sa labas ng bintana. "New rich nga, bili nang bili! Ewan lang kung praktikal."

"Mga parents ko na 'yon, Jett, nag-malling and shopping. Tamang-tama, ipakikilala kita," excited na sabi ni Sandra, hinatak ang maikling palda na 3-inches na lang yata pataas at kita na ang undies.

"Y-Yes, of course," sagot ni Jett, iniimagine na na kaliga ni Sandra ang hitsura ng mukha ng mga magulang nito.

"Huwag kang mabibigla kina Taydy at Naymy, ha?" nakangiting sabi ni Sandra, hinatak din ang maikling blusa na nagpapakita ng pusod or belly button.

"Taydy at Naymy?" ulit ni Jett, hindi na-gets ang sabi ni Sandra.

"Tatay at Nanay dati, noong poor pa kami. Ngayong rich na, Taydy at Naymy na. You know, medyo pina-class..."

"Oh, I see," nakangiting sagot ni Jett, nakikisakay sa dalaga. Alam na hindi siya dapat kokontra sa nililigawan.

Not now, anyway. Kapag siguro girlfriend na niya saka siya papalag kay Sandra.

Binuksan ng maid ang pinto, nasilayan agad ni Jett ang dalawang katauhan sa buhay ni Sandra.

"Jett, I want you to meet my parents!" excited na pakilala ni Sandra. "Taydy and Naymy, this is Jett, my suitor!"

Nagkagulatan naman ang parents at ang binata. Halatang parehong nabigla sa kanikanilang presencia.

Akalain ba ni Jett na hindi pala mga pangit ang parents ni Sandra? Ang ina ay medyo mestisilya; ang ama, maitim pero pogi.

Mangha naman sa binata ang parents ni Sandra. Ngayon lang nangyari na may guwapong admirer ang dalagang may ugly face.

 

 

 

"SABI KO na, huwag kang mabibigla, Jett. Alam ko ang gusto mong itanong," mahinahong sabi ni Sandra, kaharap pa rin ang mga magulang.

"E...puwede ring hindi ko na itanong, Sandra. Okay lang..." naiilang na sabi ni Jett. Nakatingin sa kanya ang parents ng dalagang mayroong beautiful body but with an ugly face, parang hindi makapaniwala na siya ay nanliligaw.kay Sandra.

Gaya rin niyang parang hindi makapaniwala na mestisilya at pogi ang mga magulang ni Sandra.

Nasalisihan ba ang tatay ng dalaga? May milagro bang ginawa ang nanay bago nabuntis kay Sandra?

Iba pala ang tatay ni Sandra?

"Jett...mana ako sa kalola-lolahan ko, sa mother side. Kababata ni Aguinaldo, kaibigan ni Tandang Sora..."

Napalunok si Jett. "G-gano'n?"

"Oo, iho, tama ang sabi ni Sandra. Medyo hindi rin pinagkalooban ng kagandahan ng mukha ang kanunu-nunuan niya," segunda ng ina.

"Pero ako ang tunay na tatay ni Sandra, hindi nasalisihan," nakangising sabi ng ama.

"May suitor ako noon, taga-Kenya. Pero hindi ko naman sinagot, iho. Lalong hindi kami nakalimot kahit madalas ang brown-out," nakabungisngis na sabi ng ina ni Sandra.

 

 

SA BAHAY nina Nessie, nabusog sa spaghetti at carbonara ang dalagang payatot pero napakaganda ng mukha. "Sinasanay ko na talaga ang sarili ko na laging busog, Mommy. Sana naman ho ay tumaba na ako."

"Anak, alam mo ang power ng positive thinking, just do it," mahinahong sabi ng mommy ni Nessie. Gaya ni Nessie ay hindi pinagkalooban ng tamang sukat ng katawan ang ina, skinny ito, payat din.

"Sana man lang, Mommy...nagmana ako kahit kaunti sa katawan ni Daddy," may hinanakit na sabi ni Nessie. Ang kanyang ama ay malaki ang katawan, parang barbelista.

"Nessie, anak... may tinatawag na genetics. Nagkataon siguro na mana ka sa akin," sabi ng ina. "Ako'y hindi talaga nagkaroon ng ideal body.

Pero mahal na mahal ako ng Daddy mo, kita mo naman."

"Ewan ko ho kung ipu-pursue ni Jett ang panliligaw sa akin, Mommy. Guwapo siya at edukado, corporate pa...marami tiyak magkakagusto. Nakaka-insecure ho."

"Ang tunay na pag-ibig ay hinuhulma ng panahon. Nasa trial stage pa si Jett bilang suitor mo. Ride on ka lang muna. Huwag mong masyadong asahan para hindi ka masyadong mabigo kung sakali, Nessie."

"They come and go, Mommy, mula pa n'ung teenager ako.”

Nag-a-admire sila sa aking beautiful face. Pero hanggang doon lang, titigil din sa panliligaw after a week or two. Before I know it, may magandang sexy na palang ipinalit sa akin......"

 

 

KASAMA ni Sandra sa cosmetic surgery clinic ang kanyang mommy; ang daddy ay ayaw sumama dahil hindi bilib sa proseso.

Naalala pa ni Sandra ang usapan nila ng mga magulang.

"Anak, mapagkakatiwalaan ba naman 'yung makikialam sa iyong mukha? I mean, competent cosmetic surgeon ba?"

"Opo naman, Naymy. Mga celebrities po ang karamihan sa kliyente ni Doctora Annie."

"Paano kung tumabingi ang ilong mo, ha? O kaya ay mag-iba ng korte makaraan ang ilang buwan?"

"Taydy, kahit po anong korte ang mangyari sa aking ilong ay iwe-welcome ko. Tiyak hong maganda pa rin kesa sa kasalukuyan kong ilong."

"Pati ba labi mo ay reretokihin?"

"Opo, Taydy. Huwag na po kayong mag-alala sa resulta. Sabi nga nothing could be worse than my present lips."

"Sobra ka namang manlait sa sarili mo, Sandra. Mali 'yan.

Ikaw ang unang-unang dapat magmahal sa sarili mo."

"Taydy, mahal ko nga ang aking sarili kaya nais kong magpaganda ng mukha kahit kaunti."

"Nasabi mo kay Jett, anak? Alam na magpaparetoke ka?"

"Opo, Naymy!"

"At ano ang reaksiyon ni Jett, iha?"

"Naymy, huwag daw akong matakot. He likes the idea, promise."

 

SI NESSIE bukod sa madalas na pagkain ng pasta at ice cream at ng mga pampataba ay nagdyi-gym na rin.

"Mini-barbell ang gusto ko," sabi niya sa lalaking fitness assistant. Dalawang pinakamaliit na single-hand barbell ang ibinigay sa kanya.

"Alalay lang, mam, i-feel n'yo muna kung kaya ninyo."

Nais mainsulto ni Nessie. Super-hina naman ng tingin sa kanya ng kaharap. "E kahit nga 5-year old kayang buhatin ito, 'no?"

"S-Sige po, mam. G-Good luck po,' sabi ng fitness assistant, tabingi ang ngiting lumayo na.

"Gagong 'yon, a. Good luck daw! Good luck na huwag akong mabalian ng buto?"inis na sabi ni Nessie sa sarili, sa isip lamang.

 

 

SA COSMETIC surgery clinic, nakangiting tinanong ng doktora si Sandra. "Hindi ka naman nagbabago ng isip?"

"Dapat po ba, doktora?" sagot-tanong ni Sandra.

"Aba, hindi! Tinitiyak ko lang na confident ka. Malaking bagay iyon sa success ng ating isasagawang retoke sa iyong lips and nose," nakangiting sagot ng doktora. "You know, walang kokontra."

SI Jett ay nasa office sa Makati sa mga sandaling ito. Alam niyang ngayon isasalang si Sandra. Umaasa siyang maganda ang resulta.

"Kapag gumanda ang mukha ni Sandra, kalilimutan ko na lang siguro si Nessie. Pasensiya na lang..."

 

 

 

GAYA ng dati ay naikuwento ni Jett kay Santy ang present state ng kanyang buhay-binata.
Galing sila sa pagte-tennis, magre-relax muna sa clubhouse. "Palagay ko'y gumaganda ang love life ko, Santy."

"Love life, Jett? Mali. Meron kang lust life, hindi love life. Hindi buhay-pagibig kundi buhay-pagnanasa."

Natawa si Jett. "Kontrabida ka talaga, Santy."

"Matinik na kritiko mo, bro. The best in the west," sabi ng kaibigan.

"Anyway, kapag susuwertihin ay pipirmi muna ako kay Sandra," kaswal na pagbabalita ni Jett.

"Si Sandra The Ugly but with a very sexy body?"

"Yes. By golly, Santy-dapat ay namemorize mo na kina Sandra at Nessie kung sino ang sino."

"Jett, ang dalawang babaing memoryado ko lang ay ang misis ko at ang biyenan kong babae, okay?"

"Misis mo at ...biyenang babae? Bakit pati biyenan...?"

Natawa si Santy. "Dirty minded ka, Jett. Ibig kong sabihin, natural na kilalang-kilala ko na ang mabait kong misis.

'Yun namang nanay niya, memoryado ko ang ugaling palahingi, palapintas at palatsismis."

Natawa rin si Jett. "Bakit pa kasi may biyenan, e. Mas matinik pa naman daw mang-intriga ang mga 'yan kaysa sa mga movie columnists."

"Ano ba ang sabi mong kapag susuwertihin ka e kay Sandra ka na lang?" Naku-curious si Santy.

"Nagpapa-cosmetic surgery si Sandra. Ipaaayos ang ilong at mga labi. Sa magaling na doktorang suki ng mga celebrities."

Napangiti si Santy, makahulugan.

"And what is that mystic smile on your crooked lips, my buddy?" kunot-noong tanong ni Jett.

"Iniimagine ko ang hirap ng cosmetic surgeon, sa pagsasaayos sa isang...malaking pagkakamali ng kalikasan."

"Sobra ka naman, Santy!"

"You'll need an Amorsolo to repaint a broken art, Jett."

"Napakapintasero mo talaga, laluna siguro kung nakita mo sa personal ang ating pinag-uusapan," naiiling-natatawang sabi ni Jett, tinapik nang malakas sa balikat ang kritikong kaibigan.

 

SA nagdaang ilang araw ay nakabenda ang mukha ni Sandra. Nasa supervision siya ng medical staff ng cosmetic surgeon. Lahat ng modernong pangangalaga ay ibinibigay sa biglang yamang dalaga.

"Ano sa palagay n'yo, doktora? Ako ba'y gaganda o gaganda ba ako?" seryosong tanong ni Sandra, hindi nagbibiro.

"Mai-improve ang mukha mo, Sandra," nakangiting sagot ng doktora.........

 

 

"MOMMY, aakyat ho ng ligaw ngayon si Jett," masiglang sabi ni Nessie sa butihing ina. Nasa bahay sila dahil Sunday, walang pasok sa opisina ang dalagang super-payat pero napakaganda ng mukha.

"Mabuti naman. Huwag mo agad sasagutin, ha? Kikilalanin mo munang mabuti," mahinahong sabi ng ina. "Dadalhan daw ho ako ng chocolates and cake."

"Puro rich in cholesterol. Nakakataba. Very good, anak. Malay mo mag-gain ka na ng timbang..."

"Naiinis nga po ako, Mommy. Parang walang epekto ang pagdyi-gym ko. Kahit panay ang gamit ko ng dumb bell, ayaw man lang akong magka-muscle. Ang liit-liit pa rin ng katawan ko," mahabang reklamo ni Nessie.

"Anak naman...patience is a virtue. Maging matiyaga ka." 

"Sana ho ay dumating agad bago mawalan ng interes si Jett."

"You mean, malakas ang impact sa iyo ng Jett na 'yon at nais mong...sagutin?"

Umiling ang dalaga. "Hindi pa naman agad-agad, Mommy. Sabi n'yo nga, kilalanin ko muna. Natatakot lang ho ako na bago ko siya makilala nang husto ay iba na ang kanyang apple of the eye."

”Nessie, baby...kapag gano'n ang lalaki-ibig lang sabihin ay walang kuwenta, masyadong physical, hindi totoong nagmamahal.

"Kung gayo'y he is not even a boyfriend material at lalunang hindi bagay maging husband," makabuluhang sabi ng ina.

"G-Gano'n po, Mommy?"

"Oo, anak. Drop him kapag gano'n ang kanyang attitude."

 

 

SA COSMETIC surgery clinic, unti-unti nang inalisan ng benda ang mukha ni Sandra. Tumigil yata ang paghinga ng dalagang pangit na may napakagandang katawan.

Tagumpay ba ang operasyon? Naretoke ang kanyang ilong at mga labi at kuminis ba ang mukha?

Tanggal na ang benda at ang doktora ay nakatitig sa mukha ni Sandra.

Si Sandra ay nakatitig sa mukha ng doktora na wala namang nakarehistrong anumang reaksiyon; kung sa larong baraha ay poker face.

"Doktora...gumanda ba ako...o ako ba ay gumanda?" awkward na tanong ni Sandra, hindi nagpapatawa.

Walang imik na binigyan siya ng doktora ng salamin or mirror.

Napasinghap si Sandra sa nakita. Siya na nga ba ang babaing nasa salamin?

"A-ako nga ba ito, doktora?"

"Ikaw nga, Sandra. Ikaw 'yan."

"Eeeeee!" malakas na tili ni Sandra; dinig sa labas na kinaroroonan ng kanyang 'naymy'.
Napapasok sa loob ang ina ni Sandra. Ito man ay namangha sa bagong hitsura ni Sandra! Nakitili rin. "Eeeee!"

 

 

 

“OH MY GULAY, Naymy, nagkaroon na nga ng pagbabago sa aking mukha!” excited na sabi ni Sandra, titig na titig pa rin sa mukhang niretoke ng cosmetic surgeon. Nakatili na sila ng ina sa kagalakan.

“Bearable na ang hitsura ko, di ba, Naymy?” paniniyak ni Sandra. “Hindi na masyadong kadiri?”

“Oo naman, anak! Kaylaki na ng inimprove sa dati mong anyo!” sabi ng ina, genuine naman ang kasiyahan sa resulta ng cosmetic surgery.

“Dati ay mas pangit pa ako kay Bakekang, Naymy. Ngayo’y kamukha na ako sa kagandahan ni…Pokwang.”

“Tama ka, Sandra, anak. Kahawig mo na ang magaling na comedienne ng Kapamilya channel.”

Nalulugod naman ang doktora sa resulta ng operasyon. “Hindi pa nga natin nagagawang total ang kagandahan mo, Sandra.”

“You mean, doktora…mas gaganda pa ako?” Namilog ang mga mata ng dalagang dating super-pangit.

Tumango ang cosmetic surgeon. “Sakto, Sandra! Hindi nga lang magagawa nang biglaan…”

“Kung gayo’y may pag-asang maging kahawig din ako nina Marian Rivera at Bea Alonso?”

“Well… ang sabi ko’y puwede ka pang mas mai-improve ang mukha. Hindi ko naman sinabing kaya kong gumawa ng milagro, Sandra.”

“Whatever, doktora! Basta ako’y kuntento na muna sa naging hitsura ko!  I’m sure mula ulo hanggang paa na ako titingnan ni Jett!”

“Excuse me?” Hindi nasakyan ng doktora ang ibig sabihin ni Sandra.

“Kasi ho, doc, hinahangaan lang ang anak kong ‘to mula leeg hanggang sakong ng admirer niyang si Jett! Dahil supersexy naman talaga kung hindi kasali ang mukha. E ngayong naimprove na pati face niya, naniniwala si Sandra na tototohanin na siya ni Jett!”

“Aba, magandang balita ‘yan,” sabi ng surgeon, nakilugod sa pasyente. “Pero parang hindi dapat mahalin ang Jett na ‘yon, if I may say. Skin-deep lang pala ang gusto sa iyo?”

“Doktora, nagsisimula naman talaga sa physical attraction ang pag-ibig, di po ba?” sagot ni Sandra.

Sa isip na lamang idinugtong ni Sandra ang iba pang hindi masabi nang hayagan. “Basta ang alam ko, I like Jett so much! Ika-career ko na siya ang maging lover number one ko!”

Lover number one?  Ibig bang sabihin ni Sandra ay balak niyang magbilang ng lovers?

 

SI JETT na salawahan ay umakyat ng ligaw kay Nessie, sa katanghaliang-tapat.

“Lahing intsik ka ba, iho?  Siesta time, a,” puna ng ina ni Nessie pero nakangiti naman. Si Nessie ay nagba-blush............

 

 

UMAKYAT ng ligaw kay Nessie si Jett sa kainitan ng hapon. Nagising tuloy ang nagsi-siestang mommy ng dalaga.
      

“Akala ko’y sa early evening man lang, Jett, by golly ligaw-intsik ka pala?” naaaliw na bulong ni Nessie sa binatang malapit sa puso.

“Actually, naisip kong huwag maging ordinaryo, Nessie.  You know, mas lamang ang mga extra-ordinary people…” palusot ng binata. Hindi masabi ang tunay na pagbabago ng schedule.

“Masasabi ko ba naman dito kay Nessie na tonight e biglaan akong pinapupunta ni Sandra, for whatever reason I don’t know?” sabi ni Jett sa sarili, sa isip lamang.

Iniabot ni Jett ang pasalubong sa nililigawan. Nasa square box na naka-gift-wrap. “Naku, nag-abala ka pa. Ano ba ito, Jett?”

 

“Buksan mo, Nessie. It comes from my heart!”

Binuksan ni Nessie ang regalo. “Wow! Hopiang Tipas!  My favorite!”

May kasama pang pansit palabok at softdrink in can, Nessie! Here! Tinutulungan kitang mag-gain ng weight, actually!”

“Talaga?  Lalo palang Wow!  It means kaisa kita sa pangangarap na sana ay magkalaman ang katawan ko, Jett!”

“My obsession, actually!” sabi ng binata, aywan kung  dahil sa pag-ibig o dahil sa inaasam na perfect beauty ng babae.

Matapos ipasok muna sa kusina ang mga pagkaing dala ni Jett, kinausap na ni Nessie nang masinsinan si Jett. “Sabi ni Mommy, huwag muna kitang sasagutin…”

“Bakit daw naman, Nessie?” naiintrigang tanong ni Jett.

“Kasi daw ay masyado kang…physical. 

You don’t love me for what I am daw, sabi ng mommy ko…”

“Sinabi ‘yon ng mommy mo?” pagklaro ng binatang nanliligaw  din kay Sandra. “E bakit daw ako narito kung I don’t love you for what you are, ha, Nessie?”

“Malay ko?  Baka ini-expect mo na tataba agad ako, gaganda rin naman ang katawan, magiging sexy…” napapailing na sabi ni Nessie. “Hindi ko talaga alam ang agenda mo…”

“Nessie…sa ganda ng mukha mo, secondary na lang ang hindi mo pagkakaroon ng…ng ideal body,” seryosong sabi ni Jett. Taliwas sa totoo.

Masasabi ba naman niya kay Nessie na ang magandang mukha nito ang pangkumpleto niya sa sexy body ni Sandra?

Hindi mauunawaan ni Nessie na siya ay nao-obsess sa mukha nito at sa katawan ni Sandra.

 

KINAGABIHAN ay nakita ni Jett ang pagbabago sa mukha ni Sandra.

“What do you say, ha, Jett?  Natigagal ka dahil gumanda na ako nang kaunti, ha?”

Nakatanga sa mukha ni Sandra, hindi pa makapagkomento si Jett.

 

 

 

“JETT, say something naman! Ano ang masasabi mo sa aking bagong face, ha?” excited na tanong ni Sandra. “Mas maganda ako ngayon, ha?”

Napalunok ang binata. Magsisinungaling ba siya…o magsasabi ng katotohanan—ayon sa kanyang maselang panlasa?

Medyo nabawasan nga ang kapangitan ni Sandra, hindi na kamukha ni Bakekang, pero ang suma-total pa rin para sa kanya ay…PANGIT pa rin ito.

“W-well, Sandra, hindi nabawasan ang sex appeal ng katawan mo.”

“Jett, we are talking about my face na nagkaroon ng renovation!”

“Sandra, ang renovation ay parang mas tamang gamitin sa bahay na nirerepair o ini-improve ang design.” 

“Jett, pakisagot ang tanong ko ako ba ay gumanda kaysa dati?”

“Y-yes. Pero mas tamang sabihing ang iyong mukha ay nagkaroon ng…kapansin-pansing pagbabago.”

“Papuri ba ‘yan o ano?  Prangkahin mo ako, Jett! Gumanda ba ako sa iyong paningin…?”

“Hmmm. Oo naman.  Kung noon ngang dati mong mukha ay naging admirer na ako ng iyong perfectly sexy body, e di laluna ngayon, Sandra!”

“Paiwas pa rin ang sagot mo, Jett! Pero okay lang! Now answer my next question, please!”

“S-Sure!  Ano ba…?”  Dapat maunawaan na si Jett, sa mga sandaling ito, ay para nang asong lalaki na  nakaamoy ng babaing asong naghi-heat o naglalandi, nangangailangan ng lovemaking.

Kung gayo’y si Jett ang tipo ng lalaki na napakalapit sa tukso sa mga sandaling ito. Lalo pa nga at nasa tabi siya ng seksing katawang pinapangarap niyang ikama.

“Nanliligaw ka pa rin ba sa akin, Jett? Yes or No?”

“Yes! Yes, Sandra!”

“Eeeeee!” sigaw ni Sandra sa katuwaan, sa sobrang lugod nga ay napayakap sa binata.
Si Jett ay naamoy ang napakabangong katawan ni Sandra.  Ang libido ay agad nabuhay.

“Jett Aldabis, ako si Sandra Kurating ay sinasagot ka na ng OO! Syota na kita!” malakas na sabi ng dalaga, super-excited.

“Great!” sabi ni Jett, nakayakap pa rin kay Sandra, panay ang amoy at halik sa leeg at balikat nito. “Magsyota na tayo, Sandra!”

Ang pilyong kamay ni Jett ay nagsimula nang mamasyal, nalimutan nang sila ng dalaga ay nasa salas ng disenteng bahay.

“Ano ‘yan?” sabi ng matigas na tinig ng bagong dating,
Tatay ni Sandra. Kunot-noo. Namutla sina Jett at Sandra, alam na lumampas sila sa kagandahang asal.

“G-good evening po, Mr. Kurating…” pahiyang-pahiyang sabi ni Jett.

“Pinapapak mo ang anak ko sa pamamahay ko, that is not good!” inis na sabi ng ama ni Sandra........

 

 

“TAYDY, d-dumadalaw ho sa akin si  Jett,” palusot ni Sandra sa bagong dating na ama.
      

“Dumadalaw?  E bakit yakap-yakap ka na ng lalaking ito, Sandra?” inis na tanong ni Mr. Kurating sa anak na bagong retoke ang mukha.

“Taydy, m-magsyota na ho kasi k-kami.”

“Talaga?  Am’ bilis naman! Wala pang dalawang linggong nanliligaw sa iyo itong si ano nga’ng pangalan niyan, Sandra?”

“Jett po, sir.  My name is Jett.” Ang binata ang sumagot.

“You are living true to your name, ha?  Jett. Kasimbilis ng jetliner.” Aywan kung natutuwa ang ama.

“Taydy, magde-date nga po pala kami ni Jett. Pakisabi na lang po kay Naymy pagdating.”

“Nasaan ba ang nanay mo?” tanong ng amang baduy manamit.

“Nasa spa ho, Taydy. Alam n’yo na…rich tayo.”

“Rich ka ba, Jett?” prangkang tanong ng ama ni Sandra.

“Mayaman po ako sa karunungan, sir. Palabasa ako. Sa financial status ay isa akong middle-class corporate guy; hindi mayaman pero hindi mahirap. May sariling kotse na 5-year old…”

“Hindi ko pinasasakay sa 5-year old car si Sandra. Ikaw na lang ang sumakay sa kotse mo, si Sandra ay gagamitin ang brandnew SUV namin.” Gaya ni Sandra, si Mr. Kurating ay naging matayog sa pagsasalita mulang tumama sa lotto ang pamilya.

“Tama si Taydy, Jett. I feel sick kasi kapag luma na ang kotseng sinasakyan ko. Convoy na lang tayo sa pupuntahan natin, sundan mo ang SUV ko  hanggang sa ating meeting place.” 

 

 

KAUSAP ni Nessie ang kaibigang kapwa-bankteller. Breaktime nila and they are having lunch.

Daldalan blues sila. “Mabuti ka pa, Nessie, you have a very beautiful face. Ako, ordinaryo na ngang mukha, sobra pa sa timbang. Alam mo bang 160 pounds na ako and still counting?”

“Georgia, pareho lang tayong imperfect. Ako’y para namang kawayan sa kapayatan.”

“Pero may admirer kang guwapo, I saw him nang ihatid ka, Nessie.”

“Si Jett ‘yon. Tama ka, he’s handsome. Corporate pa na papaganda ang career.”

“See?  Life is so unfair, Nes. Ako, wala talagang manliligaw.”

“Georgia, hindi ka pa lang nadi-discover ng mga guys. You are a very kind person, wife-material ka, promise.”

“E…’yung sinasabi mong Jett, sasagutin mo na siguro, ‘no?”

Umiling nang umiling si Nessie.

“Kung gusto ay gustung-gusto ko si Jett, Georgia. Kaso lang, paano kami liligaya with my kawayang-tsina body? Alam mo bang mula buhok hanggang leeg lang ako tinititigan ni Jett with admiration? Tiyak na hindi niya ako ila-lovemaking.”

 

 

 

"TALAGA, Nessie, hindi ka tinitingnan ni Jett mula leeg pababa? Sobra naman siyang mang-insulto, ha!" taas-kilay na puna ng kaibigan-kaopisina ni Nessie.

"Georgia, hindi ko naman masisisi si Jett. Pasalamat na nga lang ako at gandang-ganda siya sa mukha ko." Pinipigil ni Nessie ang awa sa sarili. "E wala naman talagang anumang dapat tingnan sa katawan ko, e. Para akong makitid na highway na diretsung-diretso, boring, nakakaantok laluna sa long driving."

Napabungisngis ang matabang co-employee. "Wala kang road sign na 'Dangerous Curves Ahead', ha! Ako naman, malapad na highway na walang nais dumaan, pangit kasi ang view."

Natawa na rin si Nessie. 

"Ako'y nagre-reduce, Nessie. Ikaw ba'y kain nang kain?" Palitan ng data ang mataba at ang payat.

 

 

SINA Jett at Sandra ay nagpapalitan din ng ideya. Nakarating na sila sa Bonifacio High Street, magkatabing naglalakad sa kahabaan ng napakagandang pasyalan ng rich and famous.

Pero hindi pa maatim ni Jett na hawakan sa kamay ang ka-date na brandnew girlfriend.

Ang tutoo, hindi pa nagsi-sink in sa isip ng guwapong binata na nobya na niya ang babaing may perfect sexy body. Labis kasi siyang nabibilisan sa pangyayari; sa pagsagot agad sa kanya ni Sandra.

"Mahiyain ka ba, Jett? Di ba dapat, hinahawakan mo ang kamay ko while we stroll?" bulong ni Sandra, nakangiti.

Napalunok si Jett. Kung nasa loob lang sila ni Sandra ng pribadong silid o kahit sa madilim na sinehan man lang, natitiyak niyang hindi lamang kamay nito ang kanyang hahawakan.

Lahat-lahat, as in...bawat sulok ng seksing katawan nito.

Masasabi ba naman niya kay Sandra na kulang na kulang pa ang retoke nito sa mukha? Na although hindi na ito kasimpangit ni Bakekang ay hindi pa rin ito maganda?

"Jett?"

"H-ha...? A-ano na nga ang pinag-uusapan natin, Sandra?"

Ibinulong ni Sandra kay Jett. "Girlfriend mo na ako, pinapayagan kitang hawakan ako sa kamay, dearie!"

"Dearie!? Nakakadiri!" sabi ni Jett sa sarili, sa isip lamang.

"Pero on second thought, bilang brandnew boyfriend ko, ako pala ang hahawak sa kamay mo, Jetty!" sabi ni Sandra sabay dakma sa kamay ng binata, pinisil-pisil pa nga iyon.

Ayaw tumingin ni Jett sa mga nakakasalubong. Pakiramdam niya'y pinagtatawanan sila ng mga tao. 

"Kami ang mismatch ng taon- parang ugly comedienne na ka-date ng handsome actor!" sabi ni Jett, sa isip lamang. 

 

 

SA ISIP ni Jett, habang naglalakad sila sa pasyalan ng rich and famous, sila ni Sandra ang mismatch ng taon. Ang pinakamasamang kumbinasyon ng babae at lalake. "Ako'y handsome actor ang dating, itong ka-date ko ay ugly comedienne! Yuck!"

"Jetty, what's on your mind?" excited na tanong ni Sandra sa brandnew boyfriend.

"Kuwan...'yung kuwan..." Napapalunok si Jett. Nais niyang hubaran na si Sandra, sa isang pribadong silid.

"Anong kuwan?"

"Sa akin na lang 'yon, Sandra. M-Masagwa e."

"Masagwa ang iniisip mo, Jett? Impure thoughts?"

"M-medyo g-gano'n," pag-amin ni Jett.

"Ako rin, Jett. Kaydaming naglalarong impure thoughts sa isipan ko," bulong ni Sandra, kapit pa rin sa kamay si Jett, pinipisil-pisil sa gitna ang palad ng binata.

And Jett knows what it means. Gawi rin niya ito sa mga nagdaang girlfriends kapag nais dalhin sa biglang liko.

"Hinuhubaran mo ako sa iyong isip, Jetty?" malambing na bulong ng dalagang maganda ang katawan pero pangit ang mukha.

"O-Oo. I can't help it, Sandra."

"And what about my face, kasali naman sa pantasya mo?" dagdag na tanong ni Sandra, kinikiliti na yata ang pagkababae. Bakit ba naman ganito ka-bold ang kanilang usapan?

"Holy shit! Ang cute-cute! The best!" biglang sagot ni Jett, nagniningning ang mga mata.

"Talaga, Jett? Ang cute-cute and the best ang aking face?"

"I mean that cute dog, Sandra! The best shih tzu in town!" Itinuro ni Jett ang napakagandang asong purebred, kalong ng isang sosyal na dalaga.

"Nakakainis ka, Jett, promise!" Kinurot ni Sandra sa hita ang binata, superlapit sa singit nito..

"Let's go to where the action is, Sandra!" bulong agad ni Jett sa bagong nobya, obvious na sinakop na ng pagnanasa sa seksing-seksing kasintahan.

Hindi ba alam ni Sandra na ang kurot nito sa kanyang singit ay nag-switch on sa kanyang pagkalalaki?

"Are you thinking what I'm thinking, Jett?" excited na pagkumpirma ni Sandra.

Nagkindatan sila, nagkaintindihan ang mga mata.

Saglit pa'y pinatatakbo na nila ang kanikanilang sasakyan, iba na ang pupuntahan. Parang hinahabol ng motorcycle cop sa bilis ng takbo.

Valley Lodge Motel. Ang kotse ni Jett ang pumasok sa automatic garage; naiwan ang SUV at si Sandra sa labas ng garahe.

 

 

 

NASA loob na ng saradong automatic garage ang kotse ni Jett nang maalalang naiwan sa SUV sa labas ng motel unit si Sandra.

Sabihin pa’y nataranta ang binata. “Holy bastard shit! Magkaibang sasakyan nga pala kami ng ka-date ko!”

Nais nang magpanic ni Sandra. “Di ba dapat, ang SUV ko ang nakatago sa garahe? Nakakahiya kapag may kakilalang nakakita sa akin! Jett, dali, help! Tayong dalawa dapat sa room!”

“Sandra! Come here!” Nakalabas na si Jett, kinakawayan si Sandra.

Kaysa mainis sa sitwasyon ay bumaba agad si Sandra, pero nakatakip ng panyo ang mukha, ayaw may makakilala. Tinakbo ng dalaga ang nakaawang na garahe, pumasok doon.

Sa loob ng motel room, nais manisi ni Sandra. “Nakakainis ka, Jett, promise! Inakala ko tuloy na you’ll do it by yourself!”

Natawa si Jett, niyakap na nang mahigpit ang magandang katawan ni Sandra, pinanggigilan na ng kamay ang iba’t ibang bahagi nito.

Kilig na kilig naman si Sandra, natatangay. “Jett, you naughty boy! Huwag diyan, may kiliti ako diyan!”

Parang walang narinig si Jett.

Hinubaran na ang dalagang kaytagal nang nangangarap na makaranas ng kaganapan. “J-Jett…l-loko ka, b-baka kung saan tayo makarating…?”

“Ayaw mo?” tanong ni Jett, basta sa katawan lamang ni Sandra nakatitig. Never siyang titingin sa pangit pa ring mukha ng dalaga.

“G-Gusto na rin. 24 na ako, e. Ayokong maging last virgin of Metro Manila,” sagot ni Sandra, nagba-blush.

Naalala ang tita na manang, member ng bible club.

“M-Magagalit si Tita Narcing. Ayaw niya ng ganitong eksena.” Sa isip lamang naman ito sinabi ni Sandra. 

Nakatanga siya kay Jett na hingal siyang hinuhubaran ng lahat-lahat. “Jett…grabe na ‘to…”

 

 

“GRAVY pa nga dito!” nakangiting sigaw ni Georgia sa poging waiter. Magkasama sila ni Nessie sa sikat na fastfood chain na di-kalayuan sa bangkong pinagtatrabahuhan.

“Georgia, lalo kang tataba sa sobrang gravy,” paalala ni Nessie sa kaopisinang overweight. “Huwag kang masyado sa sarsa.”

“Nessie, ibibigay ko po sa iyo ang gravy, promise! Super-payat ka, you should consume a large amount of gravy!” palusot ni Georgia.

”Pero masama rin sa kalusugan ang too much cholesterol, Georgia. Lahi pa naman kami ng mga may high-blood saka sakit sa puso.”

“Nessie girl, kapag mataba ka na saka ka mag-reduce ng intake ng bad foods! Be wise, ‘no?”

 

SA MOTEL, gusto nang angkinin ni Jett ang babaing may napakagandang katawan.

Pero natitigilan siya, naiilang. Nadi-distract ng pangit na mukha ni Sandra. Puwede bang takpan?..............

 

 

BUKAS ang ilaw ng motel room, takot daw sa dilim si Sandra. Okay din naman kay Jett na maliwanag, kasi’y hindi niya pagsasawaang masdan ang kahubaran ng pinakaseksing babaing nakilala niya.

Kaso ay naiilang, nadidistract naman si Jett ng pangit na mukha ni Sandra. Paano ba niya ito mala-lovemaking kung ang mukha ay nakahantad?

Ang napakahilig na binata ay nag-iisip ng paraan para matuloy na ang  dapat matuloy.
“Sandra…”

“Y-Yes, Jetty…?” malambing na sagot ni Sandra, kita sa pangit na mukha ang pananabik.

Sila ni Jett ay pareho nang hubad sa mundo. Bakit nag-aatubili ang brandnew boyfriend niya?

“Sandra, we must make love,” seryosong sabi ni Jett, katabi na sa kama ang girlfriend of 4 hours. Tama, nasa pang-apat na oras pa lamang silang mag-sweetheart.

“P-Payag na nga ako, J-Jett…” sabi ni Sandra, pinapupungay ang mga matang sulimpat; parang iginuhit lamang sa kasingkitan.

“May minor problem…”

“Ano?  Huwag mong sabihing papatayin mo ang ilaw, Jett. Takot talaga ako sa dilim, promise.”

“Okay lang ang ilaw. I always want to see your naked body, Sandy.”

“Kung gayo’y ano ang problema?”

“H-Hindi ako makapag-concentrate…k-kasi ay” hindi maituloy ng binata. Masasabi ba naman niya kay Sandra na super-pangit pa rin ito?

“Say it, Jett?  G-Gusto mong magtakip ako n-ng mukha?”

“Holy shit, nahulaan!” sabi ni Jett sa sarili, sa isip lamang.

“Jett, puwede naman. Alam kong hindi pa naman ako considered na maganda ang face…” mahinahong sabi ni Sandra.

“T-Talaga?  I mean, hindi ka galit?” paniniyak ni Jett.

Tumango ang dalaga. “Sapat na muna sa akin na ako’y ginawa mong nobya, Jett.  Saka na ako magiging demanding…”

“Oh, Sandra, baby…mabuti at understanding ka!”  Nambola pa ang binatang nais gumawa ng imoralidad.

Saglit pa’y kinuha  ni Sandra ang baon na fashion hat. Itinakip iyon sa mukha. Nakahiga na siya sa kama.

Naganap ang unang pagtatampisaw nila sa kasalanan, sa bawal na pagtatalik ng hindi mag-asawa.

“NESSIE!”

“Mommy, what’s up ho?” tanong ni Nessie sa ina na patakbong pasalubong sa kanya sa driveway. Excited ang butihing magulang.

“May bago akong recipe na pampataba! Luto na, anak!”

Parang walang narinig si Nessie. “Tumawag ho ba si Jett?”

“Hindi,” sabi ng ina. “Hindi seryoso sa iyo ‘yon.”

 

 

 

NATIGILAN si Nessie sa sabi ng ina tungkol kay Jett. Ang binatang ito daw ay hindi seryoso sa panliligaw kay Nessie.

Mayamaya’y nagkibit-balikat ang dalagang may napakagandang mukha pero super-payatot na katawan. “ Mommy, expected ko na namang matatauhan agad si Jett. Okay lang ho.”

“Kung okay lang, e bakit masama yata ang loob mo, ha, Nessie?”

“Naku, hindi po, Mommy! Never akong sasama ang loob dahil lang sa lalaki. If they don’t like me as a whole, fine! Hindi ko naman iginigiit ang aking sarili, promise.”

“That’s the spirit, anak. Hayaan mo, kapag tumaba ka at nagkaroon na ng sexy body, ang mga lalaking ‘yan naman ang huwag mong pansinin! Laluna ang Jett na ‘yon na ningas-kugon!”

“Mommy, ano po ulit ang espesyal na recipe ninyo? Nagugutom na ho ako, e.” Itinatago ni Nessie ang hinanakit ng puso. Sa totoo lang ay masama ang loob niya na hindi tumatawag si Jett sa buong maghapon.

Buong akala pa naman niya ay seryoso ito sa panliligaw, nahuhulog na ang kanyang loob.

“Blue marlin with tofu and oyster sauce, Nessie! Napakasarap na, pang-diet pa!” pagmamalaki ng butihing ina.

Magkasama sila ng anak na payatot sa pangangarap na sana ay magkalaman na, madagdagan naman ang timbang ni Nessie.

”Sawa na ako sa pagiging kawayang tsina, Mommy,” bulong ni Nessie, kinakalaban ang lungkot.

“May awa ang Diyos, anak. Tataba ka rin, seseksi ka rin.” Laging positibo ang pananaw ng ina ni Nessie. “Kain na.”

 

 

TOINK. Nauntog si Jett sa grill ng headboard ng kama, sa motel. Malakas ang untog, nahilo na yata ang immoral na binata.

Natawa si Sandra. “Nakarma ka, Jett!”

Tapos na sila ni Sandra sa unang round ng pagtatampisaw sa kasalanan. Inalis na ng dalaga ang fashion hat na ipinangkober sa mukha, kaninang inaangkin ni Jett ang pagkababae.

Ayaw isipin ni Sandra na siya ay nasasaktan ang damdamin, sa ginawang pagkokober ng mukha habang katalik ni Jett.

E sa pangit pa nga siya sa standard ng binatang ito, ano ang kanyang magagawa? 
Ang mahalaga ay may bagong lovelife na siya, na hindi basta-bastang lalaki.

Sinumang babae ay papangaraping maging boyfriend si Jett Aldavis, na bukod sa nasa corporate world ay para pang matinee idol sa kaguwapuhan.

“And Jett drives his own car,” dugtong pa ni Sandra, sa isip lamang.

“Sino ang lucky guy, Sandy?” out of the blue ay tanong ni Jett. “You know, ang nakauna…”
Namula ang mukha ng pangit pero super-sexy na dalaga. Nahalata pala ni Jett na hindi na siya virgin....

 

 

“CURIOUS lang naman akong malaman kung sino ang…ang naunang lalaki sa pagkababae mo, Sandra,” mahinahong sabi ni Jett. “Puwede mong huwag nang sagutin if you don’t like.”

“Sasagutin ko ang tanong mo, Jett. Alam ko namang nagtataka ka…kung paanong may nauna na pala sa iyo, gayung pang-horror ang face ko…” Nagpapakahinahon din si Sandra sa bitiw ng mga salita.

“Sandra, you don’t have to rub it in, mahalin mo ang sarili mo, babe,” sabi ni Jett, nakadama ng awa sa pangit na babaing  napaka-sexy ng katawan. “Ibahin na lang kaya natin ang topic?”

“Jett, ang lalaking unang umangkin sa akin ay matangkad, mestiso, intelihente, mula sa buena familia.”

“Wow…dapat pala namang ipagmalaki, Sandra.”

“Marunong pang mag-Spanish, kasi’y lahing Kastilaloy.

Enrico Del Sol ang pangalan. He was 24, I was 17 then.”

“Disisiete ka lang nang…ma-devirginize?”

“Tama ka diyan, Jett. At iyon ang isang experience na hindi ko na malilimutan. Kasi’y iginalang ako nang husto ni Enrico. Dama ko ang kanyang pagpapahalaga sa akin. Hindi niya problema ang mukha ko.

“He made love to me as though there were no tomorrow, Jett.”

“I’m impressed. Hanga ako sa kanya, Sandra.” Ang totoo’y napapalunok si Jett. Hindi pala tumingin sa hitsura ng mukha ang Enricong iyon?  Nasikmura ang kapangitan ni Sandra?

“Pero siguro ay nagpatay ng ilaw sina Sandra at Enrico, while making love? Kaya hindi naging problema kay Enrico ang pangit na mukha ng dalaga?” mga tanong ni Jett sa sarili, sa isip lamang.

Parang nabasa ni Sandra ang isipan ni Jett. “Noon pa man ay takot na ako sa dilim, Jett. Enrico and I made love with the lights on.”

“Hanga na ako sa Enricong iyon, Sandra. Enough.” Ayaw na ni Jett na pag-usapan ang lalaking naging unang bida kay Sandra.

“Namatay si Enrico sa gulang na 26, na may regret, Jett. Ipinaalam talaga sa akin ang hinanakit niya sa mundo.”

“Patay na si Enrico at may regret…?” pagklaro ni Jett, naintriga.

“ Dinalaw ko siya sa ospital noong naghihingalo na siya. Luhaan ako pero nagpapakatatag, magkahawak kami ng kamay…” malungkot na sabi ni Sandra. “By the way, kanser ang kanyang ikinamatay…”

“Nakakahinayang. He was too young to die,” sabi ni Jett. Siya ay 24 and he wants to live forever.

“As I was saying, Jett, si Enrico ay ibinulong sa akin ang hinanakit sa mundo.

Sabi niya ‘Sandra, mi amor, ang biggest regret ko ay…hindi man lang kita nakita…Naangkin pero hindi nasilayan…’”

“Hindi ka nasilayan, Sandra? As in…hindi ka nakita?”

“Bulag si Enrico, Jett. Totally blind ang mga mata.” 

Ngek!  sabi ni Jett, sa isip lamang.

 

 

 

“PINAGTATAWANAN mo ba ako, Jett?  You think it’s funny na ang nagkagusto pala sa akin all the way ay lalaking…bulag?” magkasunod na tanong ni Sandra kay Jett. Natitigilan kasi ang huli.

“I’m…fine, Sandra. Hindi ako natatawa, trust me.” Masasabi ba naman ni Jett sa bagong nobya na tawang-tawa siya sa unang karanasan nito, sa lalaking pinagkalooban ng virginity? Na oo nga’t mula sa buena familia, intelihente, at guwapong Kastilaloy ay isa naman palang…bulag?

“Pero siyempre ay iniisip mong kaya niya hindi pinrublema ang mukha ko ay dahil wala ngang paningin si Enrico…Iyon naman ang katotohanan, e.  Kung nakita ni Enrico ang kapangitan ko, kahit pa maganda ang aking katawan, tiyak na hindi niya ako papansinin man lang…”

“Sandra, hayan ka na naman sa pag-aglahi mo sa sarili mo,” paalala ni Jett. Nahahabag din naman siya kay Sandra, sa totoo lang.

“Ngayong nakuha mo na ang lahat-lahat sa akin…sa pagkababae ko…ano ang kasunod, Jett?” seryosong tanong ni Sandra.

Ang pilyong isipan ni Jett ay bumubulong sa binata na dapat siyang matawa sa mukha ni Sandra. Di ba para itong komedyana na nagdadrama?

Na sa halip mabagbag ang damdamin ng kausap ay baka mapahagalpak pa ng tawa?
Pero pinigil talaga ng imoral na binata ang sarili; hindi talaga tumawa.

Sa halip ay gumanting tanong, mahinahon. “Sandra…ikaw ang tatanungin ko ano ba ang dapat na kasunod?  What do you expect, ha?”

“Bilang babae na n-nadala mo sa…sa pagtatalik…nais kong magkaroon tayo ng mas seryosong relasyon, Jett.”

Muntik nang masamid si Jett. Ang seryoso bang relasyong binabanggit ni Sandra ay…kasal?

“Kasal ba, Sandra?” paniniguro ni Jett.

Napalunok ang dalagang pangit ang mukha pero pamatay sa kaseksihan ang katawan.

“Hindi naman kasal agad, Jett.  A closer relationship bilang magkasintahan… iyon ang inaasahan ko.”

Lihim na nakahinga nang maluwag ang binatang nais ding magmahal ng iba, kay Nessie. 

Mas tamang sabihin na nais ding solohin ni Jett ang magandang mukha ng dalagang super-payat naman.

“Walang problema, Sandra, agree ako.”

“Meaning lagi na tayong mamasyal? Kakain sa fine restaurants. Magmo-malling? Manonood ng sine? Maliligaw sa…sa ganitong lugar…?”

Kung puwede lang ay sabihin ni Jett sa dalagang may pangit na mukha na mas type niya ang huling dalawa ‘yung manonood ng sine saka maliligaw sa pribadong silid.

Hindi ba alam ni Sandra na kapag magkasama sila sa publiko ay inaalibadbaran siya? Mahihiya siyang aminin na girlfriend niya ang babaing may very ugly face!  

Talleyrand