Sino Ba Ako?

Rose Anne Dela Cruz's picture
|

               Sa pagiging estudyante ko hindi ko minsan maiwasang itanong kung sino ba talaga ako?ano ba talaga ang patutunguhan ko?

               Lumaki ako na sakto lang naman sa buhay,hindi mayaman hindi din ganun kahirap pero pagdating sa gabi,iniisip ko kung makakatapos kaya ako ng highschool man lang.?

                Kung titingnan ako sa kasalukuyan,first year college na ako pero may bumabagabag parin sa akin,sa punto kayang ito ng buhay ko,matatapos ko ang college?

                Nung dumating sa panahon na tatlo na kaming mag aaral sa highschool iniisip ko na wala na akong pag asang makaapak ng 4th year highschool dahil sa hirap ng buhay hanggang sa sabi ng kapatid ng lolo ko na lolo ko na din,kukunin daw nila ko para pag aralin.Problem solved dahil kahit papaano nakaka LL ang pamilya nila as in luwag luwag.

                 Ngunit subalit,datapwa't hindi pa dyan natatapos ang problema dahil pagdating ko ng maynila hindi ko inaasahan ang lahat,malayo sa magulang,sa mga kaibigan at sa lugar na kinalakhan para bang nagsimula ulit ako sa zero pagkatapos kong makakuha ng 99,ang hirap.

                  Idagdag pa ang masungit na asawa ng lolo ko,inaalagaan ko na nga ang apo nya na 2 yrs.old palagi pa akong napapagalitan kesyo daw makakalimutin ako,wala akong alam,wala akong mararating,laki sa layaw,at ang pinakamasakit gusto ko lang daw mag aral sa maynila dahil gusto kong magyabang nga naman ang isang probinsyanang katulad ko na tubong nueva ecija hinango nila sa nayon,ano ba tingin nya sa probinsya?hindi ako lumalaban o sumasagot tanda narin ng pagrespeto pero nandun yung sakit,yung tipong 3rd year highschool pa lang ako ibig sabihin pati 4th year highschool kasama ko sya.Mabait ang lolo ko,ang mga anak nya pero sadya yatang mainit ang dugo nya sakin sabi nya hindi daw kasi kami magkadugo.

          Sa lahat ng umangat sa hirap at nakariwasa sa buhay,sya lang ang nakikilala kong masalita pero kulang sa gawa,hindi nya ako gustong tulungan kung titingnan natin ang logic una palang kontra na sya na kunin ako ng mga anak nya para pag aralin,pumayag lang sya para ano? maging tagapag alaga ako ng apo nya.

            Ako na inalagaan ng mga magulang ko hanggang sa paglaki inalila na lang ng ganun,hindi pwedeng gumising ng tanghali at hindi pwedeng manood hanggang gabi.Napakalaking adjustment para sa akin pero dahil gusto kong makatapos tiniis ko sa edad na labing apat na taon.

              Matataas ang grades ko pero kahit kelan hindi nya binuklat ang card ko.Ang mga anak nya ang pumipirma at sya wala.Napahiya pako ng unang beses kong ipakita ang grade report ko,hindi man lang nya nakuhang hawakan bagkus ipinagtabuyan akong sinabing dun mo papirmahan.

                Galit ako sa kanya.Napakaraming pangyayaring hindi ko makakalimutan dahil sa kanya.Kumbaga sa peklat hindi na sya mabubura sa pagkatao ko.Ayokong matulad sa kanya pagtanda.Masyadong mataas ang tingin nya sa sarili nya.Gusto ko tuloy na maranasan nyang bumagsak para naman matuto syang lingunin ang lupa na pinanggalingan nya dahil ang totoo,mula sila sa hirap pero dahil sa mababait nyang anak na kabaligtaran nya(siguro kay lolo nagmana)Naahon sila sa hirap.

               Ayoko na sana syang maalala,hayaan nyo one of this day ikukuwento ko lahat sa inyo ang lahat ng bagay na pinagdaanan ko dahil sa kanya.Sana hindi ko nalang sya nakilala para inosente parin ako sa buhay.

               Kung drama lang,alam ko kanya kanya tayo ng pinagdadaanan,sana matanggap nyo ako sa mundo na'to dahil isa din ako sa milyong milyon na tao na gustong may makausap.Kahit sa magulang ko,hindi ko pa naillabas ang pinagdaanan ko sa kanya.Hwag kayong mag alala dahil wala nako sa poder nya,nakalaya nako 5 months ago,nawala na ang tali,Gusto ko lang masabi lahat ng experiences ko sa kanya.Hindi ito ang huli,Pangako.Dahil aminin ko man at sa hindi hanggang ngayon galit pa din ako.