Single ka? and its COMPLICATED

ichbineinberlyn's picture

Single but its complicated

Single ka? Hahhaahaha!

Ako din eh :D Oo isa akong certified NBSB pati nga ako minsan natatawa na lang kasi naiinis ako. May times na i'm thankful kasi im free, i can decide on my own na hindi ko kailangan dumepende sa ibang tao to run my world. Pero... minsan naiiyak na lang ako kasi iyang minsan na iyan, pinaparamdam niya siya akin na in my 19 years existence wala pa akong nakarelasyon, i never experience na maki-pagdate tuwing Valentine's day at makipagholding hands while walking in the rain. Okay lang naman sa akin iyon pero... may mga mood kasi ang tao minsan nagmomoment at nagpapaka-sentimental lalo na in a cold starry night kaya masyadong affected plus may ipod at sad love song pang kasama sa drama. Minsan naman parang wala lang, yung lilipas na lang yung oras na wala ka ng maramdaman. Sa totoo lang ang nagpapahirap lang naman sa puso ko ay iyong paghahanap, yung the "process of waiting" ang tagal ko na din kasing hinintay na sana magmahal at mahalin din naman ako ng totoo which is the hardest part of searching for the one.

Impossible bang mag-exist ang one and everlasting love? Naniniwala kasi ako doon kaya nga ngayon! Until now, inaamag na ako at magbo-brocolli (Color lumot) na ang status ng facebook ko! Ayuko naman din kase ng fling lang, opinion ko lang ha napaka-nonsense kase ng ganung relasyon in the end kayo lang naman ang naglolokohan diba? Isa pa ayuko ng masabi lang na may boyfriend, i want someone na kaya kong isigaw sa mundo at ipaglaban sa pamilya kung gaano ko siya kamahal (Ayaw pa kasi ng pamilya ko na magka-boyfriend ako, bread winner kasi ako for the near future kaya ayon naka-ready na ang listahan ng mga pag-aaralin ko kapag nagka-trabaho na ako) Gusto ko lang naman kasi iyong taong mamahalin ko ng buong-buo yung walang what if's basta yung tipong masaktan na kung sino ang masaktan MAHAL KO SIYA. Impossible nga! Hahaha. Mahirap naman talaga makahanap ng true love kasi once in a blue moon lang siya dumarating and sa panahon ngayon hindi lahat ng love story ay happy ending. Basta I just have to deal with it, go with the flow na lang siguro maybe God is writing the best love story for me, baka ayaw niya akong masaktan just for someone na hindi worth sa pagmamahal na kaya kung ibigay. Maybe one day...

And to think of it hindi naman lahat ng single ay hindi pa nagmahal at hindi naman lahat ng in a relationship ay nagmamahal. Minsan kasi parang ang gulo ng LIFE yup! It's complicated! Alam mo yun isa nga ako sa single na nagmahal and i feel so stupid of falling in love yet hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend but then again i just prove to myself na hindi mo naman pala kailangan magka-boyfriend para magmahal minsan lang talaga may mga bagay na hindi meant to be. Nagkataon naman that the first guy na mamahalin ko ay.... May mahal ng iba :(( which is the most critical part of love. Critical? Oo! kasi naman parang in this stage you are fighting for nothing, yung alam mong talo ka naman sa huli yet patuloy ka pa ring aasa na malay mo pwede pa... Sunga! (shonga) pero doon ko din na realize na totoo talaga na kapag nagmahal ang isang tao mahina siya kasi kahit na sino pa siya wala siyang laban sa spell ng love. Sabi nga ng isang favorite quotation ko "Love can make the wisest person... STUPID!" ako pa kayang simpleng tao lang? Pero you know what? Im happy... very happy :) kasi ngayon alam ko sa sarili ko marunong na akong magmahal, yung totoo, yung walang hinihintay na kapalit, at masaya ako para sa kanya kahit na hindi ako yung nagpapasaya sa kanya. Sabi ko nga sa sarili ko nagkataon naman na na-late akong ipanganak e di sana nag-cross agad yung landas namin ng mas maaga, yung pagkakataon na para sa aming dalawa. Nakakaloka no? Kaya nga siguro until now SINGLE pa rin ako, im turning 20 years old this September :(( di ko alam kung dapat ba ako magcelebrate kasi naman bye bye teenage dream na! pero... Oo dapat talagang magdiwang kasi Hello real world na! im in the part of life na mas makikilala ko ang sarili, more experiences, and happiness. 13 years old akong na-inlove batang-bata pero hanggang ngayon wala pa ring taong pasok sa lalaking hinahanap ko kung merun man ang daming hang ups. 7 years ko na pala siyang mahal... minahal. Hindi ko nga alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman, binago niya yung buhay ko. Ang dami kung natutunan, nasaktan ako ng sobra pero nagmahal at sumaya naman ako ng sobra-sobra. Siguro stupid nga kasi wala namang communication, hindi ko pa siya nakausap ng matagal pero nagkadikit na ang mga braso namin ng pagkatagal-tagal. Halos matunaw na siya dahil hindi ako nagsasawang titigan siya. Hindi man lang ako na-turn off sa kanya kahit hindi naman siya perfect. He is my ideal man, yung mga mata niya na when he looks at me parang gustong-gusto kung halikan. I love his nose na parang ang sarap pisilin and specially his lips na pinangarap ko na sana mahawakan ko man lang. For me siya na nga, akala ko sa mga movies ko lang makikita yung mga moment na parang ang gaga ng babae, mukha na siyang tanga pero masaya pa rin siya. Yun pala ako mismo makaka-experienced. Ang tagal din bago ko marealize na tama na, ang dami kasing nagbago sa buhay ko simula ng makikilala ko siya kahit na mas madami namang mas gwapo o ma okay compare sa kanya hinding-hindi ko kasi maramdaman yung "Magic" na na-feel ko nung highschool. Para sa akin siya yung pinaka-perfect kasi dahil din sa kanya i accepted my imperfection at iparamdam sa sarili ko na im better than perfect. I will never forget him...my first love Magmamahal ulit ako, masasaktan ulit ako pero hinding-hindi ko na siya makakalimutan bilang first love ko. At kahit na hindi siya yung naging first and last love ko masaya na ako na dumating siya sa buhay ko at nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko. Kung nasan man siya ngayon sana huwag niyang maramdaman na walang nagmamahal sa kanya dahil nandito lang naman ako hinding hindi ko na maalis na mahal ko siya pero pinaparaya ko na siya kung saan siya magiging masaya dahil yun lang naman ang pangarap ko para sa kanya.

Goodbye yet I LOVE U Enzo Ivo Ramirez....

SINGLE??? Yup! Masakit man sa bangs eh kasama nga ako sa institution ng mga single and until now medyo naguguluhan pa rin ako kung bakit? Maganda naman ako >:) promise! bukod sa nanay ko madami nagsabi na maganda ako. Cute :") naman (ikaw na.) haha. I mean nasa tabas ng ng face ko na hindi ako panget. Hindi lang siguro malakas ang sex appeal ko sa guy, hindi lang din talaga ako sanay mag-handle ng lalaki kasi hirap din ako magtiwala. Pahabol: May mga naging kaibigan naman akong lalaki hindi nga lang madami. Sexy? Sakto naman proportion naman height ko sa weight ko NORMAL naman ang interpretion ng BMI ko! Maayos ang lifestyle ko. 5ft. and 2 inches & 27 ang pants ko. Hindi matangkad pero hindi naman maliit betsung ng karamihan ng lalaki yon. Mabait at mapagmahal na tao. (well, sino pa ba mag-aangat ng sarili mong bangko di ba?) i mean i really do according sa pagkakakilala ko sa sarili ko at sa nakikita kung pakikitungo ng ibang tao sa akin. I love my family at isa sila sa dahilan kung bakit gusto ko maabot yung mga pangarap ko. Husky yung boses kaya madalas napagkakamalang singer kahit na wala sa genes ko yun. Paos lang talaga wala ng iba pang additional ability ang boses ko. >:) pero masaya ako kasama, madami din akong kaibigan pero i dont have best friend which i dream about to find one kaso nga lang hindi pa siya dumadating. Gusto ko kasi ang best friend ko ang magiging boyfriend ko kasi sabi ng napanood ko sa tv, ang love daw magfe-fade habang tumatanda na yung tao, pero naniniwala naman ako na hindi naman nawawala siguro nababawasan lang kasi nga everything change, people, feelings, and life pero ang friendship magi-stay and that makes the relationship grow stronger. Yung tipong i want to grow old with you. Basta for me Best friend are forever dapat kung magkakaruon ka man, dapat siya talaga kasi you will share your whole life together with that person and can accept who you are completely. Nakakaloka lang kasi yung ibang tao, yung tipong kakikilala niyo pa lang best friend na agad? First day pa lang ng klase "BEST" na agad tawagan? Agad-agad? anyway basta para sa akin importante yun. Pala-kwento pero pa-joke kahit naman hindi naman ako nagjo-joke siguro ganun lang talaga yung mga expressions ko, i just act the way i am. Palatawa, mabilis lang naman ako mapasaya. Kahit na nga korny natatawa pa rin ko, kahit nga di ko na gets pagbumanat ka ng joke baka matawa pa ako... Huwag ka lang ma-offend. (naks!) haha! I mean turn on naman sila doon kadalasan nga ng nagkagusto sa akin dahil doon... Masaya kasi ako...(kahit pa nasasaktan na ako) Ayukong makasakit ng ibang tao hindi dahil concern ako sa kanila siguro kasi ayuko lang din kasing masaktan. I just believe na you have the rights para maging masaya o gawan ng maganda kapag wala ka namang ina-agrabyadong tao, just give and take. I admit plastic ako pero in a good way, ayuko lang ng kaaway bahala na sila hindi naman habang buhay magkakasama kami. Ayuko ng issue, pero bet ko ang showbiz. Mahilig ako sa pelikulang Pinoy pero mataas ang standards ko kaya madalas nanghihinayang ako manuod ng sine, sana pirated na lang binili ko tapos sa bahay na ako manood the bili na lang ako madaming pagkain. Praktikal na tao, at madiskarte, hindi man ako kasing talino ng mga dean's lister sa school pero sigurado ako pasok ako kung diskarte lang ang paguusapan. Im not into academics kasi, im into LIFE. I just want to learn, i dream, i set goals, and make it real. Matipid in a way pero kapag para sa sarili ko ang gastos :( pero madalas hindi naman ako nauubusan ng pera. Kuripot? Medyo, hindi OO! Ewan hirap ako maglabas ng pera pero kapag naisipan at kailangan talaga magbibigay naman ako. Halos lahat naman ng bagay na gusto ko alam ko kapag pinagipunan at pinaghirapan ko kahit matagal makukuha ko except lang siguro kay "first love". Madami akong pangarap gusto kung mag-sulat as the other side of me. Gusto ko ding maging Medical representative sa isang malaking company ng gamot pero may nagsabi sa akin na bakit ka pa magme-medrep kung Pharmacist ka na? yun nga ang problema ko ngayon. Someday kasi, actually ilang buwan na lang magiging liscence Pharmacist na ako (cross-finger!) pero sa tingin ko mas para sa pagiging medical represenative ako magiging masaya. Im a type of person kasi na ayuko nag-stay sa isang lugar, gusto kung maka-discover ng mga bagay-bagay and by discovering it i will learn a lot and i want to write it and share para naman kahit papaano maka-inspire ako at ma-inspire ako. I mean hindi ko naman pinangarap magkarebulto o tumakbong presidente ng Pilipinas, just want to be Happy :) mga bayani nga nakakalimutan ako pa kaya? Gusto ko lang mag-sulat. Pangarap ko ding maging writer, pero yung writer about LIFE. Gusto kung mag-sulat kung ano ba talaga ang buhay. Its very simple to say and explain what is life but we dont know kung gaano kahirap at ka-broad ang buhay kung magpo-focus tayo into the deeper meaning of LIFE. Its a process, Life is experience which is everyday, an hour, it could be minute, and second... Its life! It takes a whole persons life just to know the real meaning of life and sometimes you dont even know what LIFE is because its complicated at the same time simple. (Ang gulo no? Kaya nga gusto ko pang matuto, i just want to experience LIFE and learn from it.) Kahit papaano naman pinangarap ko ding maging Doctor, Pediatrician mahilig din kasi ako sa bata pero hindi sapat iyon para kasing hindi kaya ng budget ko, oras ko, puso ko, at responsibilidad ko. Oo magandang mangarap pero ayukong ipilit kung hindi naman iyon yung "calling" ko. (madre?) ewan malay mo. Okay lang din naman basta kung saang field ako mapunta, sana maging masaya ako.

Single ako, pero hindi naman ako man hater. Kahit naman lumaki akong walang kinalakihang ama. (i do have my step father) pero iba pa rin siguro kung lumaki ka sa tatay mo pero ngayon naman nagkakausap na kami ng real father ko kahit sa chat and phone lang masaya na din ako. Kahit papaano napunan yung kulang sa buhay ko since na lumaki kaming wala siya. Wala akong masyadong alam sa mga lalaki kaya ilap ako sa kanila, may mga mababait naman talagang lalaki at may part na gago sila pero ayun nga hirap kasi ako magtiwala madami namang nagka-gusto sa akin pero hindi naman yung tipong Dyosa (Anne Curtis?) ang dating. Pero alam mo iyon kapag nandiyan na yung moment nauudlot kung hindi ako na-turn off, takot naman akong ma-reject kaya hindi talaga ako nagpapakita ng motibo, kung hindi may girlfriend may boyfriend. O kaya naman hindi ko type ang face, minsan naman hindi pa ako ready dahil ayukong mabigo yung pamilya ko. Panganay pala ako kaya halos lahat ng responsibility nakapatong sa ulo ko. Lola ko, Lolo ko, Nanay, Tatay, Step father ko, mga kapatid at kamag-anak ko pakiramdaman ko naman malako tiwala nila sa akin. Akala nga ng mga iyon napaka-talino ko. Basta ang daming hadlang.haha! Pero sa tingin ko kapag dumating naman yung tamang tao at oras kaya kung isakripisyo ang lahat just to be HAPPY. Yung tipong masaktan na kung sinong masasaktan pero magmamahal pa rin ako kaya nga okay na din na sa ngayon wala pa kasi may mga bagay pa ako na dapat i-accomphlish. Masarap din naman maging Single, you are free, you can do whatever you want, you can love other person dahil hindi ka pa naman committed, less drama between two person. Mag-isa ka nga lang magda-drama. Single? Nakakasawa na din, nakaka-excite din kasing umikot yung mundo mo kay boyfriend at ganun din siya sa iyo. Yung tipong hindi ka makatulog dahil magka-text kayo at everyday may pampagana ka na sa umaga kasi alam mong may tao kang sasandalan tuwing umaga, at iiyakan tuwing gabi. Everyday of your life feeling mo ang ganda mo kasi magtetext siya sa iyo na "Hey Beautiful! Gising na." daig niya pa alarm clock. Yung tipong tuwing may bagyo at binaha ang U-belt may tao kang kasama na may hawak na payong at inaalalayan ka at hindi ka na matatakot na baka malusot ka sa man hole habang pauwe ng bahay kasi wala kang masakyang jeep. Ang sarap lang kasi ng feeling na yung dating ka-flames mo is in a relationship with _____ mo na ngayon sa Facebook. Dati nung bata pa ako naasar ako kasi nakakita ako ng magkarelasyon na sweet-sweetan dahil feeling ko maglolokohan lang sila pero ngayon gusto kung mamatay sa inggit kasi nai-imagine ko yung sarili ko na ako yung nasa sitwasyon and i know that is one of the best feeling in life. I want to experience it. Single, sana bago ako mag-20 magmahal na ulit ako, sana kaya ko ng ibigay yung ako at hindi na ako matatakot na magmahal at masaktan. Who knows that would be this day... -Ich bin ein Berlyn Continued on June 27, 2012 (ends at 6:36 AM)