sikat na si inday kengkay(melissa "melai" canteveros}

Sikat na si Inday Kengkay

 

Sa kantahan, sayawan at maging sa palakasan, mga Generals ay di pahuhuli riyan. Tahanan ng mga kampeon sa iba’t ibang larangan kaya mga kampeon sa GenSan sa buong mundo’y hinahangaan.

Di na mabilang ang mga sikat na kampeon na nagmula sa GenSan. Ilan sa mga ito ang magkapatid na Manny at Bobby Pacquiao, ang nanay ng bayan na si nanay Dionesia Pacquiao, Nonito Donaire, Marvin Sonsona, Exquyizyth Dancers, Philip Ceasar Nadela at ang Teen Heartthrob ng bansa na si Gerald Anderson. Sila ay ilan din sa mga Generals na naghatid ng karangalan hindi lang sa Lungsod ng Heneral Santos kundi maging sa buong mundo.

Isa na namang Heneral ang sumisikat ngayon sa bansa matapos mapiling isa sa mga housemates ni kuya sa sikat na reality TV show ng ABS-CBN ang “PINOY BIG BROTHER – DOUBLE UP”. Pinabilib at pinatawa ni Melisa Cantiveros o mas kilala sa tawag na “ Inday Kengkay”, ang buong sambayanang Pilipino sa kanyang nakatatawang karakter at natural na pagiging komedyante na daig pa yata niya si Pokwang sa pagpapatawa. Isang Heneral na lumaki sa barangay Calumpang at nag-aaral sa Mindanao State University sa kursong Bachelor of Secondary Education major in English.

Naging housemate ni kuya si Melissa matapos nitong makapasa sa una at pangalawang screening hanggang sa siya ay napabilang sa top 10 na nag-audition sa GenSan. Pinataob ni Melissa ang ibang magaganda, matatalino at matatangkad na nag-audition sa buong GenSan na umabot sa 10,000. Sa kabuhuan, mahigit sa 70,000 na mga nag-audition sa buong mundo ang tinalo ni Melai nang siya ay opisyal na ipakilala bilang isa sa mga housemates ni kuya. Totoong malayo na ang narating ni Melisa at batid ng lahat ng mga Generals na malayo pa ang kanyang mararating pagkalabas niya sa bahay ni kuya. Isang Heneral na hindi lang kampeon sa pagpapatawa kundi maging sa puso ng masang Pilipino.


 salamat sa

 salamat sa mganagbasa..sana nagustuhan niyo..

alam ko maraming fans si melai jan kaya keep supporting in her..

 

 

 "hindi ako titigil sa pagsusulat...hanggang sa huling tinta ng aking pluma"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

===>please do