Sigarilyong Hindi Inubos

by mdligaya ( | )

Iniabot mo sa akin

Ang sigarilyong hindi mo inubos

Naramdaman ko ang basang laway

Na galing sa bibig mo

Ikaw ang nagpapakilig sa puso ko

Dahil sa matipuno mong braso

At sa kamaong parang maso

Inakbayan mo ako

Halos makalas ang buto

Naghalo ang amoy ng alak at sigarilyo

Hinintay ko uli na lapitan mo ako

Inasam muli ang dibdib mo sa likod ko

Akbay ng kaibigan ang iniisip mo

Magkaiba ang paningin kapag magkaiba ang mundo