short story/maikling kuwento

| |

Isa pang kuwento ng pag-ibig

By tbdtbd925

Una ko siyang nakita, pare, noong enrolment. Di naman siya kagandahan sa katunayan, average din ang height, medyo lang maputi nang hindi naman mestisahin. Pero makinis ang kutis niya at mahaba ang buhok, na siyang unang tumawag ng pansin ko. Partial kasi ako sa mahabang buhok, na para sa akin ay simbolo ng isang babaeng masinop at matiyaga. Kaya lagi akong nakatingin sa kanya habang nakapila kami. Buti na lang nauuna siya sa akin kaya nakatalikod, pero siguro ay nag-iinit ang batok niya sa katitingin ko. Paminsan-minsan ay lumilinga din siya, pero dahil lahat ng nakasunod sa kanya ay nakatingin din pag lumingon siya, pare, di niya matiyak kung sino ang laging nakatingin sa kanya. O maaari rin namang lahat kami ay nagagandahan sa kanya kaya lahat nakatingin.

Kaya ang tuwa ko nang malamang kaklase ko pala siya sa ilang subjects, at sa isa ay katabi ko pa ng upuan dahil magkasunod sa lista ang apelyido namin. De Villa ako, siya naman ay de Vivarre, Ederlyn. Pambihirang pangalan at apelyido, pero me indayog pag binigkas. Ederlyn de Vivarre…very nice, no? At eto pa. Nang medyo magkapalagayan na kami, nalaman kong magkalapit-bayan lang kami, pare, at alam ko ang lugar nila. Di kalayuan iyon sa amin --- mga sampung kilometro lang— konti pa ang nakatira dahil medyo liblib, pero me kalsada na papunta doon.

Samakatuwid ay maaari siyang puntahan kung kinakailangan, bagay na sa una pa lang ay may kutob na akong di maglalaon ay kakailanganin nga. Paano ba naman, mabilis pa sa alas-kuwatro e naramdaman ko agad na umiibig ako sa kanya. At di lang basta crush o infatuation anuman ang mga iyon, pare, kundi iyong pag-ibig na sinasabi ng mga makata, iyong masidhi, marubdob, na makagagawa ka ng tula kahit di ka makata dahil ang tingin mo sa lahat ng bagay ay kaaya-aya pag nandiyan siya.

At kung wala naman ay para kang namatayan ng kaibigang kababata na kalaro-laro mo na mula pa noong hindi pa kayo nagpapantalon. Hindi ka kumpleto; hindi buo ang mundo mo. Kulang sa elemento. Hungkag. Basta ganun. Mahirap ipaliwanag, e. Sabi nga, dinaranas lang daw ang pag-ibig, hindi ipinaliliwanag dahil hindi kaya. Experienced, not explained, sabi daw.

Bakit nga ba ganoon, ano? Kung ang pag-ibig ay nasa puso, bakit ulo ang nasisira? Dahil para akong sira-ulo talaga pag wala siya, lalo sa weekend o holiday na walang pasok. Sabik na sabik akong makita siya, halimbawa, sa classroom, tapos di siya darating. Punebre na sa akin ang buong maghapon na iyon. Buryong akong di maintindihan, galit na wala naming kinagagalitan, bwisit sa lahat nang wala namang dahilan. Sa weekend naman o holiday na alam kong walang pasok at di ko siya makikita, kung pwede lang ay hilahin ko ang mga oras para bumilis ang pagdaan ng araw. Gusto ko lagi nang bukas na, para makita ko na siya. Minsan naman ay idinadaan ko sa panonood ng sine para malibang, pero di ko naman maintindihan ang istorya ng pinanonood ko. Siya lagi ang nasa isip ko: ang mukha niya nasa aking balintataw, ang boses niya naririnig ko, pati ang halimuyak ng shampoo niya naaamoy ko. Magkaminsan nga ay kinakausap ko siya kahit na wala siya, at ini-imagine ko ang mga sagot niya. Wala din ako sa realidad kapag wala siya. Ganoon ako kabu-ang dahil sa kanya, pare. O kaya ay idinadaan ko sa tulog ang maghapon. Kaya lang pag napaidlip ako sa araw, me insomnia naman ako sa gabi. Pabiling-biling sa higaan, di mapapikit.

Natuto na rin akong manigarilyo dahil doon. Kaya siguro pati lamok sa amin nagka-kanser dahil sa sigarilyo ko. Nangonti e. Pero hindi iyon ang problema, pare. Actually, ang pinakaproblema ko ay paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya, na gusto ko siyang maging girlfriend, nang hindi niya iisiping sinamantala ko ang pagiging magkaibigan o magkababayan namin. Iyong maniwala siya na talagang mahal ko siya at hindi biru-biro ang inilalahad kong pag-ibig.

Ganoon pala iyon, ano? Pag talagang pagmamahal ang nararamdaman mo alalang-alala ka na baka mamis-interpret ang damdamin mo. Takot kang mawala o masayang ang pag-ibig mo pag hindi ginanti, kaya ingat na ingat ka sa bawat hakbangin. Parang mas gusto mo pang mabuhay sa pansamantalang mundo ng imahinasyon ng inyong pagmamahalan, kesa sa realidad ng kasalukuyan, sa katotohanang wala ka pang ginagawa para sa sinasabi mong pag-ibig.

Matagal ako sa ganoong lagay, pare. Hanggang finally nasabi ko rin ang dapat sabihin. Kasi patapos na ang semester, bakasyunan na ilang araw na lang, kaya kung di ko sasabihin, kalbaryo sa akin ang mga susunod na panahon. So gumawa ako ng maikling sulat at saka pasalising isiningit ito sa libro niya minsang magkatabi kami ng upuan. Andap ang kalooban ko kinabukasan, pero ni hindi siya tumingin sa akin. Patay, sabi ko. Nagalit yata sa kapangahasan ko. E takot naman akong lapitan siya at baka singhalin ako, magmukha akong basang sisiw. Maaawa ako sa sarili ko; o magagalit sa kanya. Ayaw ko alinman doon, kaya sa loob ng isang linggong naiiwan bago bakasyon, pare, para kaming hindi magkakilala: hindi siya tumitingin sa akin, hindi ko rin siya kinakausap.

Ang hirap pala ng ganoon, para akong may patong na pamatok sa kalabaw. Ang bigat ng damdamin ko, na hindi ko naman mailabas. Hindi ko alam kung paano ako nakaraos sa araw-araw noon. Ang alam ko lang wala akong maalala sa mga sinabi ng lahat ng professors namin bago kami maghiwa-hiwalay. Nang huling araw na ng eskuwela, desperado na ako kung ano ang gagawin ko para lang di kami magkalayong may samaan ng loob. Ang sabi ko sa sarili ko, pare, kakausapin ko siya anuman ang mangyari, hihingi ako ng patawad, pasensiya, at parusa kung kailangan, magbati lang uli kami. Maging magkaibigan uli kami. Kahit hanggang doon lang, okay na sa akin. Saka na iyang pag-ibig pag-ibig na iyang lintik. Titiisin ko na lang, susupilin ko ang nararamdaman ko, magkukunwari ako habampanahon, mabalik lang sa dati ang samahan namin. Di bale nang masira ang ulo ko sa ganoon, pare, kasi pag hindi lalo lang mabilis masisira ang tuktok ko.

Kaya lang bago ako nakakilos para lumapit sa kanya, nasa harap ko na siya. At bago ako nakahuma, iniabot niya ang isang nakatiklop na papel sa akin sabay sabing, “Mamaya mo basahin pag nakaalis na ako.” Tinanggap ko ang papel, at pag-angat ng ulo ko nakatalikod na siya. Ni ha, ni ho, wala akong nasabi, pare. Iyong mga salitang pinag-aralan kong maigi para sabihin sa kanya, nawalang lahat. Ang pagluhog ko ng patawad, ang mga pakiusap na pinag-isipan kong mabuti paano sabihin, di ko na naalala. Ang sa aking isip noon ay katuwaan, dahil kinausap niya ako! Hindi siya totoong galit! Buhay na uli ako! Masaya na uli ang mundo! Parang gusto kong maglulundag sa tuwa noon, at kung hindi nagdatingan ang mga estudyante sa susunod na period naglulundag talaga ako sa tuwa. Dahil napakagaan ng pakiramdam ko. Dahil hindi galit si Ederlyn!

Binuklat ko ang papel. Sulat. Magkita daw kami malapit sa bahay nila. Alas seis y media ng gabi, 17 April. Merong may birthday sa kanila, at bisita niya ako. Alam mo, pare, iyon lamang ang panahong hindi ko ininda ang mabagal na pag-usad ng mga araw.

Sa madali’t sabi ay dumating ako sa tipanan sa eksaktong oras. Di ko pa nai-stand ang motor na hiniram ko ay dumating na si Ederlyn sakay ng tila tiburin, hila ng isang abuhing kabayo. Pagtapat sa akin, sinabi niya, “Sakay na.” Pag-upo ko ay pinitik niya ang renda at umarya na kami.

Di naman nagtagal pumasok kami sa isang malawak na bakurang may isang medyo makalumang bahay, na ni sa hinuha ay di ko naisip na meron sa lugar na iyon. Sinalubong kami ng isang mag-asawang medyo mestisuhin, matatangkad at dilawin ang buhok, na ipinakilala ni Ederlyn na mga magulang niya. Malugod naman akong tinanggap ng dalawa at inanyayahang pumasok. Sa loob, ang bulwagan ay puno ng mga bisitang may edad na rin ang iba, nguni’t mayroon ding mga kabataang tulad ko. Ang napansin ko agad, pare, ay tila lahat sila ay mestisuhin tulad ng magulang ni Ederlyn, at ako lamang yata ang Indio sa gitna ng mga Kastila. Pero dahil magaan naman ang pakikitungo nila sa akin ay nalimutan ko kalaunan na ako ang naiiba at hindi sila. Kuwentuhan, tawanan, biruan, at tampok ako ng mga tanong tungkol sa buhay.

Saglit din namang naitanong ko sa sarili ko kung bakit ganoon ang kanilang mga tanong: ano raw pakiramdam ng isang nag-aaral sa unibersidad, ano ang kotse, bus at jeep; at iba pa sa ganoong tema. Parang hindi nila alam ang makabagong pamumuhay na karaniwan na sa atin. Sa loob-loob ko naman, pare, baka lang malayo sila sa karaniwang buhay kaya hindi nila alam ang mga ito. Sa paano’t-paano man, di ko na rin pinag-aksayahan ng isip bakit. Sumabay na lang ako sa tempo ng gabi. Habang nagkukuwentuhan kami o tinatanong ako --- na mas madalas-- may nag-aalok din ng pagkain: pastilyas, prutas, kendi, at isang parang biko o sinokmani. Kain din ako, pare, natural, nguni’t pinipili ko lang iyong mga kulay puting pagkain. Di ko alam kung bakit. Ang iba ay kumakain ng pagkaing pula o madilim na abuhin ang kulay, pero automatic iyong mga puti ang kinukuha ko. Masarap din, kahit medyo iba ang lasa kesa sa karaniwan nating pagkain. Nag-enjoy ako sa umpukan, hindi dahil ako ang star, kundi dahil masaya ang lahat. Parang walang mga problema. Pati nga si Ederlyn madalas ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa at kung nasaan. Tuwing makikita ko naman ay nakangiti kaya alam ko walang problema kaming dalawa.

Sa kalaunan ay nakiumpok na rin siya sa amin ng matagal-tagal, at nang magkapuwang ay sinabing magpaalam na ako sa lahat at ihahatid na niya ako sa labas. Napansin ko ngang ang iba ay tila nagpapaalam na, kaya’t wala rin akong tutol. Pamaya-maya nga ay nagpaalam na ako sa mga magulang ni Ederlyn, at sinabing enjoy talaga ako sa gabing iyon. Natutuwa naman daw sila doon, at binilinan pa akong bumalik kung gusto ko. Anytime daw, dahil ang mga kaibigan ni Ederlyn ay kaibigan na rin nila. Pero bago pa humaba ang paalaman ay sinaklit na ako ni Ederlyn sa braso, at nagmamadaling hinila palabas. Hindi na niya kinuha pa ang tiburin, pare, at naglakad na lamang kami ng mabilis papuntang gate ng bakuran. Tatanungin ko sana bakit ganoon siya kaapurado, pero di ko pa naibubuka ang bibig ko ay sinabihan na niya akong huwag na akong magtanong. Basta magbilis na lang ng lakad, na ginagawa ko na nga. Pagdating namin ng gate ay sinamahan niya ako palabas ng kaunti, hinalikan sa pisngi, at binilinang mag-ingat, sabay pasok sa loob nguni’t tumayo lamang sa kabila ng mga rehas na bakal.

Pagtingin ko sa Silangan ay nakita kong halos puputok na ang araw, kaya hinintay ko munang sumungaw iyon sa kabila ng mga bundok. Pagkuwa’y nilingon ko sa Ederlyn upang magpaalam bago lumakad papunta sa motor, nang mapatda ako: wala si Ederlyn, wala ang gate, wala ang bahay, wala ang bakuran! Ang nakikita ko ay bahagi ng gubat na may malaki at mayabong na kahoy sa gitna! Kinusot ko ang mga mata ko, nguni’t hindi nagbago ang larawan sa harap ko. Nangalisag ang aking balahibo, at tumakbo na ako! Tumakbo nang tumakbong nagsisisigaw!

Pagmulat ng mga mata ko ay napagtanto ko agad na nasa sariling kwarto na ako, at gutom. Bago pa ako nakatayo ay pumasok na si Inang, na bumubulalas ng pasalamat sa Panginoon at gising na ako. Nang tanungin ko kung bakit ay nagkuwento na habang pinakakain ako.

Tatlong araw na raw akong nawawala –hindi ako umuwi mula noong gabing nanghiram ako ng motor—nang matagpuan ako sa pinag-iwanan ko ng motorsiklo. Tila nababaliw daw ako noon, ligaw ang mga tingin, di nakakakilala ng tao, inaapoy ng lagnat at may binabanggit lagi na pangalan daw yata ng babae. Mabuti daw at may nagmagandang-loob na iuwi ako sa amin, pare, kung hindi ay hindi nila malalaman kung ano ang nangyari sa akin.

Isang linggo naman daw akong me lagnat, at hindi malaman ng doktor na tumingin sa akin kung ano talaga ang dahilan ng lagnat ko. Ang albularyo naman, ayon kay Inang, ay iisa lang ang binanggit: may nakatuwa sa akin. Pero lagi namang ganoon ang sinasabi ng mga albularyo, di ba?

Ayon pa kay Inang ay humupa lamang ang lagnat ko at dagli akong gumaling nang mapasakamay ko ang isang sobre na inihatid ng isang batang hindi nila kilala at mukhang estranghero sa lugar. Basta lang daw iniabot ang sobre nang matiyak na dito nga ako, at umalis na. Ni hindi nagpakilala o nagsabi kanino galing ang sobre.

Nilingon ko ang sobre, nasa ibabaw ng lamesita sa tabi ng hinihigan ko. Ibinigay ni Inang ang sobre sa akin. Puti. Blangko maliban sa pangalan ko sa ibabaw.

Pag-alis ni Inang ay binuksan ko ang sobre. Sulat ni Ederlyn. “Alex. Kami man ay marunong ding magmahal. Ederlyn”.

Natawa na lamang ako ng marahan.

19SP07

tbdtbd925

Filipino. Palaweno. UST Journalism.


hello.

tbdtbd925.....hi!
may i know your real name because i need it for my research....if you are willing to tell me you can just email it at hyde_valle@yahoo.com.ph,,,,,i'll be expecting from you...
nanigoh.

hi.. i really like ur

hi.. i really like ur story...gawa ka pa ng marami huh, if it's ok with u, paki-send naman sa e-mail ko...foreverblue_f86@yahoo.com... thank you & GOD BLESS!!! :)

danleyvilla's picture

ako din pare

I like your story, even though medyo nakakatakot, hehehe, keep up the good posts, thanks for the story.

debt solutions  /  how to make money online  / rocket spanish review

agree ako sayo pards! mejo

agree ako sayo pards! mejo dark lang yung theme pero enjoy naman. i'm halfway from finishing though.
 

POEA Jobs Abroad | Edgar Maynard Fight Video | Silva Vera Fight Video

Nice story dito, lubos na

Nice story dito, lubos na enjoy sa pagbabasa ito

 

Thami

Thyromine

nice one..

napangiti ako nang mabasa ko to...pano ba magpasa ng maikling kwento dito?frustrated writer kasi ako..galing mo,bilib ako sayo..

Galing!

Kung pelikula, patok to sa takilya. :)

ganda

ganda pgkagawa..medyo bitin lng ako.wahahaha!

noelbarcelona's picture

umibig sa ada

Gustung-gusto ko ang ganitong mga istorya. Napaibig siya ng isang ada. Hay! Mabuti na lamang at hindi siya inayang magpakasal, kundi, naku! Lagot na! Pantay na ang paa ng ating binata.

Gawa ka pa nang marami at sana ay maanyayahan ka namin sa aming bubuuing writers' club. 

Que sera, sera

 

ada ti love

salamat noel sa komento mo at anyaya. sana nga makasama ako sa club kaya lang nasa implipatud akong lugar, paano yun? sakali man, siguro ia-update naman niyo ako lagi.

thanks.

 

bitin

lord maoy (walandyo din username mo a) kahit ako noon bitin din sa istoryang iyan, kasi inalis ko iyong nasa gitna na nagpapasidhi (naks) nung istorya.pero kung dagdagan ko baka ma-censor tayo hehehe

sorry now lang nakasagot.

franzsorilla's picture

wow

 i like this kind of stories na kakaiba ang mga kuwento about sa love

kahit na hindi mo na binanggit kung anong klase ba ng nilalang yung babae, maganda pa rin ang kuwento

galing. sobra.

<<FrAnZsOrIlLa>>

salamat franz

salamat nagustuhan mo ang kwento. me iba pa iyan pero ibang tema naman. hanapin mo lang sa username ko at may ilan pa diyan.

hindi ko na binanggit ang uri ng chicks kasi mapipiho naman sa kwento.

nice

Great job here. I really enjoyed what you had to say. Keep going because you definitely bring a new voice to this subject. Not many people would say what you've said and still make it interesting. Well, at least I'm interested. Cant wait to see more of this from you. Payday Loan

Love it..

nice one... ang ganda ng kwento... hehehe.. pwede ko po ba mahiram?..

for project purposes lang po.. hehehe.. thank you in advance..ü

sana magkwento ka pa ng mga tulad nito.. ang kyut eh.. hehehe..Wink

astig!

iba talaga ang inspirasyon ng mga taong hinulma ng dagat.... 

di pa kayo nagpapakilala.... 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

riele's picture

cutee..

wow!cute metSmile

jonsdmur's picture

Sana makpag-sulat ka pa ng

Sana makpag-sulat ka pa ng isang maikling kwento... isa ka sa magaling magsulat dito... keep on writing...

Jonsdmur

. . .

 ang ganda po sana kea lng nbitin po aq eh....

my krugtong poh b yan???

sana po meron....

Binasa ko uli pero awestruck pa rin ako... :)

Magaling po kayo! 

 

Maganda ang kuwento, maganda ang pagkakasulat... 

 

Magaling talaga.

 

Sana magpost ka pa. 

 

Ruthie

anakngfaraon's picture

kilabot

ayos 'tol. nangilabot ako sa linyang

 “Alex. Kami man ay marunong ding magmahal. Ederlyn”.

hi po... ganda po ng

hi po... ganda po ng kwento.. natuwa aq ng bongga.. parang gusto q na lang maging ada..Ü sanamay kasunod..Ü

mae chama's picture

maganda po!

damn if you do, damned if you don't ... so do if you don't but don't do it!

 

tuwang tuwa po ako sa inyong sinulat.  salamat po at marami na akong nababasang tagalog.  seguro di magtagal, makapagsulat na rin ako ng tagalog dahil sa site na ito! tenk u po!

jealousy29's picture

ganda!!!!

ang ganda po ng inyong kwentoh....

sana po ipagpatuloy nio lng ang pagsusulat ng mga ganitoh...............

 

ngat..........

salamat

salamat sa inyong lahat sa inyong papuri. kasama na dito yung mga naunang mga papuring di ko nasagot

kung mapapansin ninyo ang notasyon, matagal ko nang isinulat ang kwentong iyan kaya hindi na marahil mauulit.

pero kukwentuhan ko kayo ng kababalaghan na nangyari talaga. tulad ng dalawang kwento ko sa aswang. gusto niyo?

jealousy29's picture

ako kuya gustoh ko!!!

hintayin ko po kong kailan niya cia ipopost dito sa FW...

mahilig po akong magbasa ng mga ganun kwento kahit na po subrang panglawin ko... 

sana po maipost nio na agad hehehe............

 

ngat po.........Smile

elminell's picture

hi

Maganda. 

\basahin nyo rin ang aking short stories. 

 hindi malalim ang tagalog, kung paano lang magsalita ang modernong pilipino at kakaiba lagi ang istorya.

----- 

http://www.kwento.100megsfree5.com

http://www.mgamaiklingkwento.blogspot.com

http://www.kwento.cjb.net

SimplengRebelde's picture

ang lupet mo.

hindi maiksi pero hindi din naman mahaba.

basta nakakatuwa.. nyehehe

mail mo din ako ng mga ganyang story.

newyear_0018@yahoo.com.ph

zepher's picture

superb

galing ng story... i love it man... keep it up

sijayr's picture

ayos!

okey po to sir! ayos ulet!

 

 

---------------------------------------------------------------

writer ako minsan lang sa loob ng dalawang taon.

 

attapulgite.dmusic.com

soundclick.com/attapulgyte

Ginoo:

Nang aking mabasa ang iyong likhang Obra na aking masasabi. ito'y kawili-wili tila ba'y kapanapanababik ang susunod na istorya.. marahil dahil ang kwento ay patungkol sa isang lalaki na walang pagkakataong masabi ng nararandaman kung kaya't idinaan na lng sa sulat. na kung saan marami sa atin ang nakakarelate sa ganoong sitwasyon... Hindi maitatatwa ang husay mu sa paglalahad ng damdaming nais iparating sa aming mambabasa... na kung saan naantig ang aking damdamin ng mabasa ko ang pangwakas na istorya...Nais ko ho... sanang humingi ng pahintulot upang gumawa ng Term Paper ukol sa istoryang inilahad kung inyo mararapatin...  muli maraming salamat..

 

<Ronnie>

term paper

walang problema kung gusto mong gamitin sa term paper.

sorry ngayon ko lang nabuksan comments niyo. nagbakasyon kasi ako sa pagsusulat ng tagalog, puro english muna. 

thanks sa papuri. nakatataba ng puso, huwag lang maka-MI. 

awesome..

hi there,

i was really hooked up with your story and decided to use it for my term paper if it's alright with you? your work is so awesome, its SOME work of the mind! if you don't mind may i know some information about you? if it won't be a bother you can email it at deshagalas@yahoo.com.. thanks! Godbless..

lht ng bagay may ktpusan.. ang tnong lang ay, "hanggang kelan?"..

~[derushagath]~

term paper

no problem gamitin mo sa term paper mo.

if you want some info about me please check my profile or one of my (unkept) blogs tbdtbd925.wordpress.com. my last input there was when tita cory died.

you might be interested also on my writings at hubpages.com as tbdtbd925 also, mostly about sports, though it has been a long time that i wrote something there.

i apologize for replying only now. i was busy writing english articles at another site. trying to earn a little money, you see.

notesfromexile's picture

ang ganda ng kuwento bro..

ang ganda ng kuwento bro.. tama lang ang ending bitin, ganoon din ang gamit kong style yung bitin. abangan ko ibang gawa mo. magaling!!!

"Ang pagtanggap sa kaabsurduhan ng buhay at ng mga bagay sa paligid natin ay isang hakbang, isang mahalagang karanasan: hindi dapat dito nagtatapos at nagbibigay ng kawalan ng pag-asa bagkus pinupukaw nito ang paghihimagsik na nagbubunga ng kaaya-aya."

thanks.

salamat, dre, sa pagpuri mo ng kwento.

baka sakali makaulit sa iba pang kwento...

wow...!!!ang ganda

wow...!!!ang ganda nito..hindi ko inasahan yung bandang gitna..pero maganda siya..gawa ka pa ng marami...

 

kala ko talaga totoo kasi may feeling ang pagkagawa saka detalyado..

 

galling talaga..

 

your the best..

 

 "hindi ako titigil sa pagsusulat...hanggang sa huling tinta ng aking pluma"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

===>please do

salamat...

salamat sa papuri.

pasensiya na ngayon lang nakasagot.busy sa ibang site naghahabol ng pangkain.

hayaan mo't mag-iisip uli ako ng iba pang kwento.

check me out: tbdtbd925.wordpress.com 

ramtes08's picture

Hi Sir

Matagal na ang kuwento mo, ngunit di parin kupas sa imahinasyon ng mga mambabasa. . . ganito ang gusto ko sakaling  makagawa ako ng kuwento na katulad ng sa inyo. . .

 

Magaling sulat ka pa aabangan ko... 

salamat

ito lang yata ang nag-iisa kong success story, kasi wala namang pumapansin sa iba, hehe.

pero mag-iisip pa rin ako ng ibang kwento pag nagkaroon ng pagkakataong tumigil sa paghabol ng panghain sa dulang.

nagpa-praktis na nga akong magutom kasi taghirap sa amin...

salamat pre.

mamujisanz's picture

am i late to add this comment?

am i late to add this comment? sorry, im a newbie here kasi..

and like all of the posts, i really do admire this article.

three thumbs up! :)

--mamujisanz

auau's picture

ang galing pare. :)  "...

ang galing pare. :) 

"... dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo."

http://tuwatula.blogspot.com/

salamat, m're.

salamat, at para na rin doon sa mga hindi ko nasagot agad, maraming salamat din.

harinawa makapag-isip ng iba pang kuwento sa gitna ng pagkukumahog upang magkalaman ang tiyan.

wow ang ganda

 sabi na may kakatuwa sa story mo eh, natakot nga ako habang binabasa pero syempre gusto ko pa ring malaman ang twist sa huli... nice nice nice 

sana magaling din ako magsulat gaya mo...  

 

my soulmate  is worth the wait..

salamat ellise..

dito sa tingin ko hindi ang kuwentista ang magaling, kundi ang kuwento. magagawa mo rin yan kung pagsusumikapan...

Dequi's picture

is this true to

is this true to life?

 

nice story...

 

teenage love...

 

minsan na nga lang magmahal, maligno pa.....

 

awesome...

fiction, not TTL

you know, when the first version was published in a movie magazine, i was asked the same thing.

no, this is not true to life, but there was a tale in our town that goes something like....a, i'd rather you read that in my other love story here.

Jack A. Alvarez's picture

Sa wakas natapos ko ring basahin

Ilang araw ko rin 'tong sinipat-sipat lang. Na-engganyo ako nang marami ang nag-comment at nagsabing maganda ang kuwento mo. Oo, totoong maganda ang kuwento. Maganda ang takbo ng istorya. Pero di ko nagustuhan ang istilo. Mahaba-haba rin kasi at puro salaysay lang ng bida ang eksenang pumapasok kaya boring. At napansin ko rin sa mga salita na ginamit mo, di ko maintindihan na minsa'y gumagamit ka ng malalim na Tagalog tapos may English na kasunod. Parang awkward ang dating. Parang na-feel ko lang na inconsistent ka sa katayuan o sa personalidad ng iyong bida. Kung taga-probinsya siya na nag-aral sa unibersidad, ipakita mo kung paano siya magsalita at kumilos. Kung taga-siyudad siya, dapat maging consistent ka rin doon.

Nabigo ka ring ipakita na may magandang samahan na sila bago niligawan ng bida si Ederlyn. Kulang ang mga eksena dun. Yung istilo niya ng panliligaw sa pamamagitan ng love letter (mostly pang-probinsiya) maganda sana kung sa ibang paraan kasi very common yung iniipit sa libro ang love letter.

Nag-isip din ako sa titulo nito. Hindi nakakaagaw ng pansin. Mas maganda kung hanapan mo ng magandang title. 'Isa pang kuwento ng pag-ibig'. Kumbaga 'pagkain' (maraming uri ng pagkain) hanap ka ng panghuli sa mambabasa na magkapaghatak ng atensiyon.

Although, nasabi ko na boring (lol) pero sa wakas natapos ko ring basahin. At di ako nadismaya sa wakas... Ganda ng iyong ending. Isang 'luvit'!

http://jackofspades01.multiply.com/

salamat, jack

salamat, jack sa mga komentaryo mo. pero kung lilimiin mong mabuti mapapansin mo na:

1. hindi ito nobela o mahabang maikling kuwento na kailangang idetalye ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa mga pangyayari. sa pagkakataong ito, ang sabihing 'nagkapalagayang-loob' na sila ay bastante na para ipahiwatig ang relasyon nilang dalawa, na gayong hindi naman gaanong kalapitan, ay higit naman para sa karaniwang magkaklase sa iilang asignatura. ang kanilang relasyon ay hindi ang sentro ng kuwento kaya hindi na lubhang kailangan ang paglalarawan dito.

2. ang paggamit ng 'malalim' na tagalog at kasunod  ay ingles, ang papapakita na ang bida ay probinsiyanong nag-aaral sa maynila. ang 'malalim' na tagalog ay karaniwan sa probinsiya, at ang ingles ay sa maynila naman. kaya ang paggamit ng dalawang epekto ng magkaibang kultura ang paglalarawan kung anong uri ang karakter ng kuwento. entonces, 'consistent' ito sa gusto kong ihayag, hindi 'inconsistent'.

 3. kaya 'boring' at iisa lang ang 'nagsasalita' ay dahil 'monologue' ang sistema ng presentasyon, hindi 'dialogue'. tipong nagkukuwento ang bida ng karanasan sa larangan ng pag-ibig, na maaaring nangyari sa matagal nang nakalipas na panahon. ang maaaring isagot ng kausap ay pampalabong-sabaw lang at hindi maaaring maging pampasarap.

4. ang love letter na inipit sa libro ay pagpapasidhi lamang ng nararamdaman ng bida at ng kanyang katayuan, at tulay din para maganap ang ubod ng kuwento.  mahiyain, naguguluhan sa sitwasyon, natatakot ma-'reject' nang personal sakaling magtapat, gipit sa panahon at magtatapos na ang semestre, kaya iyon lang ang paraang naisip niya dahil 'syano nga siya, na sabi mo nga ay karaniwan sa probinsiya.

5. sa titulo, hindi naman ito 'for sale' na kuwento kaya hindi ko kailangang makakuha ng atensiyon ng marami. iba ang tipo ng titulo ng isang 'commercial story' na dapat bumenta ng malaki sa lalong madaling panahon. mahigit nang dalawang taon kong isinulat ito, pero hanggang ngayon, me nagbabasa pa rin at nagsasabing maganda ito.kung ito ay isang 'commercial story' madali itong pagsasawaan dahil 'trite and passe' ang magiging istilo ng paglalahad, kahit pa naiiba ang 'treatment'.

samakatuwid, hindi ko kailangang ibandera ito kaya hindi ganoon kalakas ang titulo. mabasa o hindi (tulad ng iba kong akda) okay na sa akin.

6. sabi mo medyo mahaba na at 'puro salaysay ng bida', pero 'kulang sa eksena'. kung dagdagan ko ng eksena e di lalong humaba? para sa akin, hindi maganda kung humaba ang pasakalye (intro o basis) dahil hindi naman iyon ang sentro ng kuwento.

magkagayunman, muli ay nagpapasalamat ako sa komento mo. dahil diyan ay naisip ko paano ilahad ang mga basehan ng kuwento na hindi maaaring ipaliwanag sa ibang pamamaraan. 

medyo nahuli sa sagot ito, bihira ko na ring mabuksan ang fw dahil sa pagkukumahog mangahig ng iaahin sa maliit na dulang...

Maganda yung pagkakasulat ng

Maganda yung pagkakasulat ng kwento. Usung-uso talaga ngayon ang mga maikling kwento ng pag-ibig kaya naman bintang-binta ang mga novels.

degrees in education