Salamin

magsinoalvin's picture
|

Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng salamin

Makalipas ang hindi mapigilang mga sandali

Nabasag ang salamin at nahati sa maliliit na piraso

 

Sa bawat piraso ay naruon ako

Pati ang mundo

Sa bawat piraso ay naruon ang kahapon

At ang hindi matakasang anino nito

Sa bawat piraso ay naruon ka rin

Dahil pareho lang tayo

 

Pinulot ko isa-isa ang mga piraso ng salamin

At pinilit na muling buuin

Naglaho ang daan patungo sa bukas

Naglaho ang bukas

 

Yakap ko ang nakaraang hindi matanggap ng kasalukuyan

Nakakulong sa bawat piraso ng basag na salamin

Na pinipilit kong buuin

 

Sa bawat piraso ay naruon ako

Pati ang mundo

Sa bawat piraso ay naruon ang kahapon

At ang hindi matakasang anino nito

Sa bawat piraso ay naruon ka rin

Dahil pareho lang tayo

 

Hindi kailanman mabubuo ang basag na salamin

Kailangang lumakad ang oras upang maghilom ang sugat

At tanggaping ang replika sa salamin ay huwad

 

Natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng salamin

Binasag ko ang salamin at nagkapira-piraso

 

Sa bawat piraso ay naruon pa rin ako

Sa bawat piraso ay naruon pa rin ang kahapon

                                     At ang hindi matatakasang anino nito…

Alvin M.

Ang pagsulat ay hindi sapilitan, ito ay tulad ng bukal sa gitna ng masukal na kagubatan: likas.


Starblaze's picture

Galing! improving ka

Galing! improving ka tol..mabuhay ang mga sawi hehehe!

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

magsinoalvin's picture

haha.. pag sawi,

haha.. pag sawi, nag-i-improve.. :))

sabagay, sawi talga ko.. :(

Starblaze's picture

parehas lang tayo Starblaze,

parehas lang tayo

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

magsinoalvin's picture

ehh, di nga boss? bigo ka

ehh, di nga boss? bigo ka din? kala ko kasi sa likot lang ng isip mo yan..

 

Starblaze's picture

parehas lang tayo Starblaze,

parehas lang tayo

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

magsinoalvin's picture

eniway.. thank you boss...

eniway.. thank you boss... :)

Alexander Dagrit's picture

<

 

Walang duda na postmoderno ang tulang ito, dahil ang tinig na higit na nananaig ay paloob -- iyong marahan at lalong mapagmuni sa sarili.

Nakatutuwa talaga ang mga kabataang makata na ang mga pinagtatampisawang tinig ng mga tula ay iyong pang-moderno at postmoderno.

Nalampasan na kasi nila ang mga tinig na labis ang lakas at kapangyarihan, o nag-uumapaw ang pagpapaawa. At hindi na pa-Balagtas ang paraan ng pagpapahayag.

Maganda rin ang pagkakahati ng mga taludtod: Hindi sobrang haba (sa gayo'y hindi rin kakapusin ang hininga ng bumabasa kung babasahin ito nang malakas); hindi rin sobrang ikli (sa gayo'y hindi rin parang sinusupalpal ng kung ano ang bunganga ng bumabasa nang malakas dahil sa sobrang ikli nga).

Dalubhasa ka na pala. Ilang taon ka na ba?

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

magsinoalvin's picture

Sir Dagrit, matagal na po

Sir Dagrit, matagal na po akong nag-aasam na makatanggap ng komento buhat sa inyo. Isa n'yo po akong tagahanga.. :)

Maraming salamat po sa pagbasa!

bente anyos na po ako, at dito na po ako natutong magsulat ng mga tula. Marami na po akong nabasa na komento ninyo sa mga lumang posts dito at yun po ang mga naging basehan ko sa pagsusulat ko ngayon.

Maraming salamat po talga. Malaking tulong na po sa akin ito.. :)

Alexander Dagrit's picture

<

 

Tungkol naman sa laman o content ng tula, medyo nakaiintriga.

Ano ba ang "salamin" na ito?

Ito kaya ay sumbat ng budhi ng bunga ng isang mabigat na kasalanan, at kahit anong pilit ang gawin ng persona ay hindi na niya matakas-takasan, muling mabubuo, o maitutuwid pa? Sinusumbatan o binabagabag na ba siya ng kanyang konsensiya? Kung ganoon nga, lumilitaw na ang persona ay tao pa rin, at may puso pa rin -- sa kabila ng kanyang nagawang sala -- dahil siya ay kinokonsensiya pa rin, o nagagambala pa rin ng sumbat ng budhi. Hindi tulad ng mga pusakal na salarin na kung hindi maiitim ang mga budhi, ay wala na talagang budhi.

Ang "salamin" na ito kaya ay mga hindi tinupad na pangako sa nakaraan? Nakapagbitaw ba ang persona sa ibang tao ng mga salita ng pag-asa, subalit tinalikuran lamang ang mga iyon? At sa kasalukuyan, kahit ano ang paglimot o pagtakas na gawin niya, hayan at patuloy siyang sinusutsutan ng mga tinalikurang nakaraan. Ang "salamin" bang ito ay kahihiyan? Nahihiya na ba ang persona?

Ang "salamin" kayang ito ay isang maling nagawa at hindi na malulunasan pa? Halimbawa, ang persona ba ay nag-post ng hubad niyang larawan sa Internet, at kumalat na iyon sa buong mundo? Kahit anong pagtakas (pagsisisi) ang gawin niya, wala na siyang magagawa dahil kitang-kita na ang lahat ng sa kanya, hanggang sa kahuli-hulihang singit ng kanyang puri.

Marami ang mabubuong interpretasyon sa tulang ito, dahil napagtagumpayan ng makata na hamunin ang kamalayan ng mambabasa: Ipinabubungkal kung ano ang mensahe ng tula sa pamamagitan ng mga salitang may himig at mga talinghagang kayang abutin ng diwa.

Ganito ang mga tulang gusto ko. 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

Starblaze's picture

Bravo! dats a nice

Bravo! dats a nice interpretation from the poetmaster..my own interpretation is it's about the person itself ang salamin ay larawan ng pagkadurog ng isang tao..ang reflection ay maituturing na isang pagkukunwari sa kanyang buhay

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Alexander Dagrit's picture

<

 

Siguro nga, propesor. Repleksiyon siguro ang "salamin" ng personalidad o pagkatao ng persona ng tula. Durog-durog na personalidad? Huwag naman. Siguro, wala pa siyang kapanatagan sa buhay. Durog-durog pa at hindi pa niya mabuo-buo ang kanyang sarili. At patuloy pa rin niyang hinahanap ang kung ano ang dapat na maging siya.

Ang ganda ano, di ba?

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

magsinoalvin's picture

ultimong ang gumagawa ng

ultimong ang gumagawa ng tula ay nahihirapan ding ibigay ang tunay na kahulugan ng kanyang isinulat.. Minsan kasi ang tula ay naisusulat by chance. ideya sa simula, pinagsama-sama hanggang mabigyang daloy, parang ganun.. But still, i have my own meaning written behind every lines in this poem i wrote. :)

thanks po sa time sa pag-i-interpret, and appreciating.. :)

Alexander Dagrit's picture

<

 

Makabubuti kung hindi mo sasabihin kung ano ang kahulugan ng tula mong ito. Sa ganyan, matutulad ito sa ibang mga dakilang tula. Gaya na lamang ng tulang "The Road Not Taken" ni Robert Frost.

Sa tulang iyan, ang persona ay may nakitang dalawang daan. Malimit lakaran ang isa; ang isa nama'y bibihira. Iyong bibihirang lakaran ang piniling lakaran ng persona ng tula.

Hindi kailanman sinabi ni Frost kung ano ba ang daan na iyon.

Ngayon, matagal nang pumanaw si Frost, subalit pinag-uusapan at pinagdedebatehan pa rin kung ano ba talaga ang daang iyon na bibihirang lakaran pero iyon pa ang piniling tahakin ng persona ng kanyang tula.

Nagkaroon tuloy ng hiwaga ang tula.

Kaya ikaw, panatilihin mo sa iyong sarili kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng "salamin" na ito. Hayaan mo ang mga mambabasa na magbigay ng kanya-kanyang pananaw hinggil dito.  

Malay mo, maging imortal ito balang araw. Tulad ng naturang akda ni Frost at ng iba pa.

 

---

Siya nga pala, kuya o Alex na lang ang itawag mo sa akin. Nagtitinda lang kasi ako ng fire extinguisher at kung ano-ano pang mga goods dito sa Kamaynilaan. Hindi ako propesor, guro, o establisado nang manunulat. Isa lamang akong masigasig na mambabasa.

At dahil taghirap na naman ang kabuhayan sa ngayon, medyo matatagalan na naman ang pagbabalik ko rito sa FW. Kailangan kong magdoble-kayod na naman.

Sana ituloy mo at ng iba pa ang pag-akda ng maiinam na tula, sanaysay,  kuwento, at iba pang mga katha.

Sige.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

Starblaze's picture

Kuya Alex or Alex, (di ko

Kuya Alex or Alex, (di ko kasi alam kung panganay ba ko sayo or what i'm 29) nadurog naman ang puso ko sa sinabi mo na "nagtitinda ka lang ng kung ano-anong goods" ganun pa man marangal ang iyong tahakin sa buhay at ang nakatutuwa hindi ka man guro o propesor (as what u claim) subalit taglay mo naman ang isang katangian ng batikang komentarista sa larangan ng panitikan at bilang isang manunulat sa parang na ito (field) ako'y lubos na humahanga sa iyo.

Katulad mo ako ay hindi rin propesor or guro, ako ay hamak na utusan lamang sa magubat na kalakalan ng mundo at patuloy na inaalipusta ng mga mapang aping uri kaya sa mga panulat ko na lang na mga wlang kwenta ibinubuhos ang aking mga saloobin kasi dito "ako ang boss" ako ang makapangyarihan at kaya kong gawin ang lahat sa pamamagitan ng aking mga panulat.

muli, ako ay nagpupugay sa iyo.

  

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

magsinoalvin's picture

-

-

Sherfie sherp's picture

Wee. congratulations!

'pag may tiyaga may nilaga.. Ramdam ko ang talaga ang saya mo dahil sa komento ni sir dagrit.. Pangarap m talaga yan di ba? :))  Pwede ka ng ihanay sa antas nila Sir Frost. wew. Bigatin ka na. haha.

 

"Hangad ko ang kapayapaan sa KALAWAKAN. Manghuhuli ako ng BULALAKAW. Soon-to-be-ASTRONAUT ako, kung alam nyo lang." :))))))

magsinoalvin's picture

ginatungan mo pa, lumalaki

ginatungan mo pa, lumalaki na nga ulo ko..

nakatsamba lang, hindi na nga makaulit.. :) naghihintay pa..