Sabog na Tula

Yuco's picture
| |
 
 
 
 
 
 
Sabog na Tula
Ika-8 Marso 2011
10:00 PM 
 
 
Sabog ang lahat....
Bata matanda lumilipad
Walang pakialam
Walamg pakiramdam
Basta humihinga,
Nakangisi sa harap ng TV
at high sa sarap.
 
 
Sabog ang lahat....
Gobyerno ng mga adik,
Lipunan ng mga adik.
Congressman na adik,
Kapitalistang adik,
Presidenteng adik,
Pulis na adik
at ang mga heneral na adik.
Puro katakawan sa pera
at kaadikan sa kapangyarihan
ang laman ng utak.
Kickback dito,
Nakaw doon,
Taas dito,
Lay-off doon,
Demolition dito,
Kutong doon.
 
 
Kaya resulta.....
Sabog na tindera,
Sabog na drayber,
Sabog na estudyante,
Sabog na teacher,
Sabog na manager,
Sabog na janitor,
Sabog na sidewalk vendor,
Sabog na tanod,
Sabog na preso at
Sandamakmak na sabog sa kanto.
 
 
Sabog na nga lahat....
 
 
Gutom,
Naninigas,
Namamanhid,
Walang pakiramdam.
 
 
 
YUCO

Alexander Dagrit's picture

<

Napakapesimistiko naman ng tulang ito. At maling-mali kung tutuusin, dahil hindi na inunawa ng makata ang higit na malawak na larawan ng bansa.

Paano naman ang mga magsasaka na madaling-araw pa lamang ay nása bukid na? Paano naman ang mga mangingisda na nása mga laot at dagat habang tulog ang karamihan? Sila ang nagpapagal para sa pagkain ng bansa. Taon-taon, mahigit ₱400 bilyon ang halaga ng naidudulog nilang produksiyon sa palay, mais, tubó, niyog, gulay, prutas, isda, at lamang-dagat. Kung "sabog na nga lahat," wala na sanang nakakain ang mga tao, kabilang na tayong mga makata.

Paano naman ang mga propesyonal, mga kawani, mga manggagawa, at iba pang milyong-milyong tao na itinataguyod ang ating lipunan? Kung sumakit ang mga ngipin ng persona ng tula, o kaya'y nabagsakan ng martilyo ang kanyang paa, wala na siyang mapupuntahang dentista o manggagamot, dahil sabi niya'y "sabog na nga lahat."

Paano naman ang iba pang milyon-milyon nating kababayan na nagsusumikap mabuhay nang matuwid dito sa ating bansa o sa ibayong-dagat?

Dahil lamang sa kabalakyutan ng ilan, para sa persona ng tula, "sabog na nga lahat."

Ang tulang ito ay isang panlalait sa kabutihan, pagsusumikap, pagpupunyagi, at dangal ng buong lahing Pilipino.

Mali.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig sa Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

Yuco's picture

Nakakagulat ang

Nakakagulat ang interpretasyon mo.  

Hindi ko malaman kung bakit ganito ang pagkaunawa mo sa tula ko, ang lahat ay simbolismo lamang… hindi ibigsabihing “Sabog” naka-droga, hindi ibig sabihin ng “Adik” ay gumagamit ng “S”. Sana makita mo ang ibig kong sabihin. Pasensya na, hindi ganun kalawak ang alam ko sa literature at kulang pa ang mga nabasa ko para maibigay ko sayo ng iksaktong pamamaraan at batayan sa pagsusulat ng tula… Mali ka, ito ay isang simpleng ekspresyon lamang ng persona sa lipunang ginagalawan at hindi ito isang uri ng pang-iinsulto.

Salamat sa pagbasa at sa pagbibigay mo ng interpretasyon. at... masanay ka na… ganito lang talaga ako sumulat :)

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/

Alexander Dagrit's picture

<

Palusot ka pa.

Huling-huli ka na kung ano ba talaga ang ibig mong sabihin e.

Wala naman akong sinasabing kung "sabog" ay "naka-droga"  o kung "adik" ay gumagamit na ng "S."

Sa iyo galing ang mga iyan. Kasi nga, ang mga iyon talaga ang ibig mong sabihin.

Huling-huli ang panlalait mo sa ating lahi. Hindi mo na malulusutan pa iyan.

Hindi tayo magkakasundo, kasi nadakip ka na, lumulusot pa.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig sa Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino