sa nabitin

by dhangeous ( | | )

*

Sa aking pag balik

Sa mga dati nating tagpo,

Wala na ang sakit-

Nandyan pa,

Ngunit ‘di ko na ininda.. .

At ang tanging nasa isip ko na lamang

Ay ang mga alaala,

Mga ngiti mong kailan ma’y

Hindi napasa akin.

 

 

Ayos lang sa akin iyon.. .

Ang makita kang masaya.

Ayos na sa akin iyon,

Basta’t  alam kong maligaya ka.

 

Pinagmasdan kita palayo,

Habang ang mundo ko’y gumuguho.

At ang bawat pagtibok ng puso,

Ang bawat paghinga,

Ang hapdi ng sugat na hindi mo nakita.. .

 

-Nakatayo lang ako.

 

Pinag masdan kita palayo,

Ikaw,

At ng kasama mo... .

 

 

 

 (itutuloy ko pag may time)


by chris2pei on January 19, 2011 - 1:51am

ka-sad nman ng poet na i2 :C

nice sya, we're looking forward to the continuation 

by j luna on January 19, 2011 - 2:44pm

Katitulo nitong tula kong ito:

http://www.filipinowriter.com/sa-gabing-aking-winasak-mahal-patawad-j-lu...

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro