Sa Mundong Kulay Sepya

mdligaya's picture
|
Itinapat ko sa mata ko ang isang bote ng beer
At tiningnan kita habang sumasayaw
Ang buong paligid ay naging kulay sepya
 
May tinitingnan kang iba
May tinitingnan syang iba
Na tinitingnan ng iba
Na tumitingin sa iba
 
Sa mundong kulay sepya
Ako lang ang nakakakita
Ikaw lang ang nakikita
Ako lang ang nakikita
 
Gusto kong ihulog sa matigas na sahig
Ang boteng hawak ko
Tumilamsik ang isang piraso ng bubog
Sa mata mo, at sa mata ko
At ang makikita mo na lang ay ako
At ikaw na lang ang makikita ko

Starblaze's picture

thumbs up bro!   "katulad

thumbs up bro!

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"