Sa ilalim ng iisang langit.

gonfreecs14's picture
| |

Bawal. Salita at kataga na ating ginagamit para sabihin sa isang tao, bagay, o sitwasyon tungkol sa mga limitasyon nito. Limitasyon. Ito yung hangganan ng isang bagay o tao o yung rurok ng kanyang kapasidad. Ngayon, bakit ko ba nasabi tong mga salitang ito, kung tutuuisin ang mga salitang ito ay pare-parehas lang na nagsasabing "huwag mo gawin" o "tangapin ang limitasyon" o sa simpleng salita - BAWAL. Pero sa totoo lang, ito rin yung mga salitang gustong gusto natin sagarin, abusuhin at ayaw tangapin dahil alam natin na kaya natin, alam natin na pwede at higit sa lahat gusto natin lagpasan ang limitasyon.

Bata pa lang ako namulat na ko sa mga bagay na masasabi natin na pang matanda, sitwasyon at pangyayari na nagpaunawa sa ken sa mga gawi ng buhay at iba pa pero hindi to nakaapekto sa paglaki ko - lagi ko inisip ang dapat. Lumaki ako sa isang bahay na masaya, mga magulang na pasaway, mga kapatid na praning pero yung pagiging ganun nila ang nagpatibay sa pananaw ko sa buhay na sundin ang dapat - Hanggang sa nakilala ko si Jenny. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano masasabi ko kay Jenny kasi nasa kanya na ata yung mga katangian na hahanapin mo sa isang babae sa nobela yung tipong pwede mo isipin sa gabi. Nakilala ko siya sa isang religious group meeting na aking pinupuntahan tuwing linggo pero hindi ko siya napapansin nuon. Siguro kasi abala ako sa pagrereklamo sa mga magulang ko na kinukulit ako sa pagattend sa mga ganung uri ng gawain - hindi naman dahil talagang ayaw ko, pero kasi marami akong pwedeng gawin sa linggo lalo na't ito lang ang araw na pahinga ko galing sa iskwela. Mga tatlo o apat na linggo na ata yung lumilipas pero hindi naman talaga kami magkakilala o nagpapansinan na ganung kabigat at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na tignan siya ng kakaiba o paginteresan dahil alam ko may idad siya sa ken. Hindi dahil ayaw ko sa mas may idad sa ken, pero yun ay dahil may respeto ako sa mga pinuno sa grupo.

Unang Yugto: Ika-pitong linggo.

"Mainit" sabi ni ate habang naglalakad kami papuntang simbahan, ito na yata yung pangpito o panganim na beses na umatend sa mga religous gatherings. "Oo ate, sobrang init pero sana magshare ka naman ng payong mo you know" banat ko sa kanya habang hinahatak ko ang payong sa mga kamay niya. "Sana kumuha ka ng payong mo ng hindi ka nakiki-agaw, isa pa ayoko mangitim sa kabibilad sa araw" sagot nito sa ken. Ayoko na makipagtalo, yun lang nasa isip ko kasi alam ko naman na hindi magpapatalo ang ate ko. Sabagay, kailangan ko rin naman ng onting Vitamin D sa katawan. Maya maya pa nakikita na namin yung rooftop ng meeting hall, palibhasa medyo nasa mababang lugar ang simbahan kaya habang naglalakad ka papalapit dito madali na nakikita ang malaking krus at ang eskwelahan na katabi nito.

"Good afternoon mga brad at sis" pagbati ng ate ko sa mga elders at mga iba pang mga matatandang naroon sa pintuan ng hall. Nagpahuli ako, ayoko makisabay sa kanya palibhasa sanay na sanay ang ate ko sa pagiging sikat at pabuloso sa kahit anong pupuntahan niya. Well, di ko naman masisisi ang ate dahil maganda, matalino at opinionated ang ate ko - not to mention talagang may people skills siya. Ayoko talaga sumabay sa kanya dahil gusto ko lang maging low profile, ayoko ng masyadong pasikat, ayoko ng sobrang napapansin. "O Mario bakit di ka pa pumasok?"may isang magandang boses na nagsalita sa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Jenny at sinagot ko lang siya ng isang tango at sabay turo sa hallway, "Sige una na kayo, maya maya na ko papasok". Pumasok na nga sila at sinundan ko lang ng tingin si Jenny habang papasok siya "mabait pala siya" sabi ko sa sarili ko habang tahimik akong sumunod sa kanya.

Isang oras na yung lumilipas, nakapagdasal at nakapagdiscuss na kami ng mga readings sa bible at siyempre pa nagopen forum. Hindi mapakali ang ate kapag andian si Jenny, palibhasa close sila at hindi talaga maipagkaila sa kanila na magkasundo sila sa lahat ng bagay. "Mark, tignan mo si Jenny ang ganda no?" tanong niya sa ken. Sinagot ko lang siya ng "Oo, pero hindi ko liligawan yan mukhang high profile yan e." "Weh? Wala naman sa itsura niya at sa dating niya." Tugon niya. "Kala mo lang yun, nagtra-trabaho sa shangrila isang front desk specialist - siguradong maraming nanliligaw diyan" sagot ko naman sa kanya. "Sabagay, pero sa totoo lang tingin ko naman sa kanya may taste siya" sambit pa ni ate. "Siguro nga" yun lang ang sinagot ko sa kanya.

Itutuloy..

 

Mark Ancheta

Adlesirc's picture

Bawal

Bawal ang nambibitin ng kwento. 

hmmm... mukhang kamanyakan itong kwento mo ah. hahaha!

 

 

Bawal - Bawal magbukas ng sites na hindi work related.  I am so GUILTY.

 

neutron's picture

bawal ka dyan..

ok lang mag bukas ng sites.. wag lang matutulog sa oras ng trabaho.. hahaha..

oo nga.. bitin ung post...

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

Adlesirc's picture

tulog ba kamo?

pwede naman matulog ng nakadilat. hahaha.. mentally asleep.

 

 

 

gonfreecs14's picture

@Adlesirc, thank you for

@Adlesirc, thank you for visiting ah..

 

Serious mode to.. testing ko lang kung may magbabasa ng mga stories.

I'll try to put a little spice to it pero wag naman sobra..

me Ganun!

kelan mo post ang next part. nakakabitin naman ang kwento. intro palang pala yun. hehehe

gonfreecs14's picture

@Mrjosebatute - don't worry

@Mrjosebatute - don't worry I'll do my best to update this post.. :) Thanks for reading..

weak_heart's picture

Hello

 

Bitin poh kuya...may dugtong pa ba yan?Kiss