Sa ilalim ng iisang langit.

gonfreecs14's picture
| |

Bawal. Salita at kataga na ating ginagamit para sabihin sa isang tao, bagay, o sitwasyon tungkol sa mga limitasyon nito. Limitasyon. Ito yung hangganan ng isang bagay o tao o yung rurok ng kanyang kapasidad. Ngayon, bakit ko ba nasabi tong mga salitang ito, kung tutuuisin ang mga salitang ito ay pare-parehas lang na nagsasabing "huwag mo gawin" o "tangapin ang limitasyon" o sa simpleng salita - BAWAL. Pero sa totoo lang, ito rin yung mga salitang gustong gusto natin sagarin, abusuhin at ayaw tangapin dahil alam natin na kaya natin, alam natin na pwede at higit sa lahat gusto natin lagpasan ang limitasyon.

Bata pa lang ako namulat na ko sa mga bagay na masasabi natin na pang matanda, sitwasyon at pangyayari na nagpaunawa sa ken sa mga gawi ng buhay at iba pa pero hindi to nakaapekto sa paglaki ko - lagi ko inisip ang dapat. Lumaki ako sa isang bahay na masaya, mga magulang na pasaway, mga kapatid na praning pero yung pagiging ganun nila ang nagpatibay sa pananaw ko sa buhay na sundin ang dapat - Hanggang sa nakilala ko si Jenny. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano masasabi ko kay Jenny kasi nasa kanya na ata yung mga katangian na hahanapin mo sa isang babae sa nobela yung tipong pwede mo isipin sa gabi. Nakilala ko siya sa isang religious group meeting na aking pinupuntahan tuwing linggo pero hindi ko siya napapansin nuon. Siguro kasi abala ako sa pagrereklamo sa mga magulang ko na kinukulit ako sa pagattend sa mga ganung uri ng gawain - hindi naman dahil talagang ayaw ko, pero kasi marami akong pwedeng gawin sa linggo lalo na't ito lang ang araw na pahinga ko galing sa iskwela. Mga tatlo o apat na linggo na ata yung lumilipas pero hindi naman talaga kami magkakilala o nagpapansinan na ganung kabigat at ni minsan hindi sumagi sa isip ko na tignan siya ng kakaiba o paginteresan dahil alam ko may idad siya sa ken. Hindi dahil ayaw ko sa mas may idad sa ken, pero yun ay dahil may respeto ako sa mga pinuno sa grupo.

itutuloy..


hello poh.....

bitin ung story....saan na kasunod nyan?Embarassed