ROLE

palmok's picture

ayokong maging artista

dahil mas gusto kong gampanan

ang karakter ko sa tunay na buhay.

 

ang bawat tao ay may ginagampanan

papel sa storya ng buhay.

at ang ating direktor ay syang maykapal

 

sa bawat pagtatapos ng aklat ay may

panibagong yugto sa ating storya ng buhay

ibat iba ang thema at nilalaman.

 

hinahanap natin ang kahulugan at

rason kung bakit tayo nandito.

paglalakbay natin sa  mga sitwayon.

 

patuloy ang pagsulat sa bawat pahina

ang tanging magwawakas nito ay ang 

paglisan natin sa mundo.

 

para maging pangunahing tauhan

di mo kaylangan maging plastic

di mo kaylangan ipokrito

at di mo rin kaylangan mangagaw ng eksena

kaylangan mo lang gawin ay gampanan

ang iyong parte bilang ikaw.