Di na natuto (2)

XIAMIELLE's picture

 

Babe magkita tayo. Same place. ASAP.

Napakunot-noo si Xhira ng mabasa ang message sa phone. Kakatapos lang nyang maligo at magbihis. Balak nya kasing puntahan si Charm .Anu na naman kaya ang problema ng babaeng ito. ASAP talaga ha, anya sa isip. Kahit unregister number ang nagtext sa kanya ay walang dudang si Charm yun. Si Charm lang kasi ang tumatawag sa kanya ng "babe," unless si ---- duh?? asa ka pa self? Haller! Nakalimutan ka na nun. Wag ka ngang "hope-ya" dyan. Batukan kita eh!  turan nya sa sarili. Chineck nya muna ang mga lock bago umalis ng bahay.

"Babe, nasa "same place" ka na ba?Masyadong traffic. Wait ka lang dyan ah. Wag ka mainip, ang rinkles sige ka." Inunahan na nya agad si Charm dahil sigurado syang umuusok na ang ilong nun sa pagkainip. Ayaw pa naman nitong pinaghihintay ng matagal kaya tinawagan na nya ito.

"Anung "same place"? Anung wait lang ako? Wala naman tayong usapan ah? Pupunta ka ba dito?" tanong naman agad nito sa kabilang linya.

"Syempre! Alangan namang sa mental ako pumunta? Basta malapit na ako okay? I know naiinis ka na kaya gumagana na naman yang pagka-amnesia girl mo. Bye babe! See you!"

"Sandali---" hindi na nya ito pinatapos dahil alam nyang mas mataas pa sa San Juanico Bridge ang sasabihin nito.

Pagkababa nya ay  dumiretso na sya sa "same place" nila. Isa itong bahay-kubo style na nakaharap sa malawak na dagat. Makikita lang din mula dito ang isla ng Siquijor at Cebu. Malapit lang naman ito sa highway kaya lang ay hindi agad ito napapansin dahil kelangan mo pang dumaan sa isang eskinita bago makarating dito. Ito ang madalas na tambayan nila ni Charm. Saksi ang kubo, ang dagat, pati na yata ang isla ng Siquijor at Cebu sa lahat ng kadramahan nila sa buhay. Pagpasok nya sa kubo ay walang tao. Hinubad nya ang kanyang tsinelas at umupo sa may bintana paharap sa dagat.

"Hello? Oh asan ka na? Kanina pa kita hinihintay ditong babae ka! Ikaw talaga ang reyna ng mga late! nakuuu!" hindi pa man sya nakakapagsalita ay inunahan na kaagad sya sa kabilang linya.

"Ikaw kaya ang wala dito! Hello! Nasa Earth ka ba ha?!" sagot naman nya dito. Napakunot-noo sya ng may matanaw na tao na naglalakad sa malayo.

"Ikaw ang wala sa Earth! Nasaan ka ba ha?!" sigaw nito sa kabilang linya. Nailayo nya ang phone nya sa kanyang tenga. Nagcrack yata ang eardrum nya sa lakas ng boses nito.

"Babe? Hindi ka naman siguro nagparetoke noh?" tanong nya dito habang matamang nakatingin sa lalaking papunta sa kubo. Muntik na nyang mabitiwan ang phone ng mamukhaan nya ito.

 "Hoi! Xhira Madre! Okay ka lang ba dyan? Anu bang nangyayari sa iyong babae ka?"nag-aalala tanong sa kabilang linya pero di na nya napansin yun. Nalunok na yata nya ang dila nya. Nabingi na yata sya sa kabog ng puso nya. And worst! Parang nahihirapan yata syang huminga. Ni hindi nya maigalaw ang mga paa nya para tumakbo. Bago pa man makapasok ang lalaki ay bigla na lang nagdilim ang lahat sa kanya.