Di na natuto

XIAMIELLE's picture

"Coz’ every day, every night, I keep looking at the
skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there. . . "

 Kasabay ng pag-faid ng music ay ang pgbagsak ng katawan ni Miguel sa kabilang panig ng kama. Nakatitig sya sa kisame. Tulala. Mahigpit na nakakuyom ang kamao habang blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Hmmm..." narinig nya ang ungol ng katabi nya sa kama. Patagilid itong nakaharap sa kanya at payapang nakapikit. Satisfaction is written all over the woman's face pero ibang mukha ang nakikita nya. Napapikit sya upang alisin ang imahe sa kanyang isipan ngunit mas lalo lamang iyang naging malinaw. Napabuntong-hininga nalang sya.

"Love?" narinig nyang tawag sa kanya ni May. Dumilat sya at nakatunghay sa kanya ang nakakunot-noong mukha nito. Tinitigan nya ito. Kinakapa sa sarili ang pananabik na dati ay agad-agad nyang nararamdaman matitigan lang nya ang mga mata nito. Pero wala. Wala man lang syang maramdaman. Napapikit uli sya. Paanong nangyari yun? Paanong bigla nalang syang nanlamig dito? Paanong wala na syang maramdaman dito gayong matagal na silang magkasama at may anak na sila?

“May problema ba love?” narinig uli nyang tanong nito. Ilang segundo muna ang pinalipas nya bago dumilat at bahagyang ngumiti.

“Wala lo..wala... Ok lang ako. Medyo napagod lang,” ni hindi na nya ito matawag na Love. What’s wrong with you man! Wag mo ng pag-aksayahang isipin ang isang bagay na alam mong makakagulo sa inyo!

“Napagod?hmmm..gusto mo bang pawiin ko yang pagod mo?” mapang-akit na sabi ni May habang hinahalikan ang ilong nya, pababa sa labi nya, pababa sa dibdib, at pababa pa...

 

 

“Coz’ every day, every night, I keep looking at the
skies
And I’ll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I’ll be there”

Nagising si Xhira sa tunog ng phone nya. Patamad na dinampot nya ito at pinindot ang “answer call” button.

“Hello?...” ngunit walang sumagot sa kabilang linya

“Hello again?... Hello? Kung sino ka man na ayaw magsalita sana nga habang buhay ka ng di makapagsalita!” sabay pindot niya ng end button. “Buwisit yung taong yun ah! ginambala ang aking mapayapang paghimlay”. Pagtingin nya sa screen ay may message sya. Natampal nalang nya ang noo ng maalala na pang text nga pala ang tunog nayun at hindi pantawag. Kung bakit naman kasi naisipan nyang pagpalitin ang message alert tone nya at caller ringtone nya kagabi. Nasayang pa tuloy ang kanyang beautiful froggy voice.

Goodmorning babe. Happy 5th Anniversinglesary! You already.hehe.piz!

Napakunot-noo sya ng mabasa ang text ni Charm. Nagtatakang napatingin sya sa  kalendaryo. It’s the 26th of the month! Ang month na nagbigay-buhay at pumatay sa lovelife nya. Nakangising nagreply sya dito.

Thanks babe! Ang galing mo talaga manira ng umaga noh?You’re such a nice and loving friend. I love you. mwah mwah

p.s. HUMANDA KA SA AKIN MAMAYA =)

Pagkatapos i-send ang message ay tumayo na sya at nag-unat. It’s another busy day na naman pero okay lang yun sa kanya kesa magmukmok sya sa kwarto nya at mag-ala “Maala-ala Mo Kaya”.

Kumusta na kaya sya? Marami na siguro silang anak. Kasal na kaya sila?” Limang taon na pala nyang tinanong sa srili yun. Limang taon na rin mula ng huli syang makipag-usap dito kaya’t hindi masagot-sagot ang tanong na yun. Napabuntong-hininga nalang sya.

“Kung nasaan ka man. Sana masaya ka. Mahal na mahal pa rin kita”