Pwede ba?

turtlethoughts's picture
|

Kelan nag tugma ang ating mga mata

Di ko na namalayan nakatitig ka din pala

Huminto ang oras at tibok ng pusoy bumilis

Pag hanga sa iyong ganda di na ako makaalis.

 

Nakalugay mong buhok at labing mapula.

Bat hindi ko masabing ikay pangarap ko na.

Magkakaroon ba ng pagkakataong magusap ang puso natin.

Sa gitna ng ingay ng kapaligiran ay maririnig mo padin.

 

Saglit palang nung tayoy nagtagpo.

Pero pagikot ng mundo ko iyo ng nabungo.

Pag hanga pagibig wala akong maintindihan.

Sa pag lubog ng araw di kita makalimutan.

 

Pwede ba akong humanga sa iyo?

Wag kang mag-alala walang makakaalam nito.

Di ako magsasalita di ako kikibo.

Hahayaan ko nalang ang tadhanang satin ay magtagpo.

Jayson Pimentel