putragis na ka-emohang yan!

leigh13diwata's picture
| |

Kaylan mo ako minahal?

Ngayon mo isigaw sa mundo
Na ako’y inibig mo

… Ngayong di ko na dinig
… Maging huni ng kuliglig

Ngayon mo ako yakapin
At halikan

… Ngayong di ko na ramdam
… Maging dampi ng hanging amihan

Ngayon mo ipakita
Na masaya ka sa piling ko

… Ngayong sarado na
… Ang talukap ng mga mata ko

Ngayon ka lumuha
Sa aking pagkawala

… Ngayong ang aking katawan
… Ay kinain na nang lupa.

Sayang…

At di ko nadinig…
di ko nadama…
di ko nakita…
ang iyong pagmamahal.


Adlesirc's picture

.

sad, bleak and intense.

 

 

 

Gusto ko ang gawa mo =)

leigh13diwata's picture

salamat...

... hirap kasi ng isang OFW, malayo ka na sa piling ng mahal mo tapos biglang magtatampong pururot si kumander sa pinas na wala ka namang ginagawang mali... feeling ko tuloy di nya ako luvz...

pero luvz na luvz naman ako nun sa tunay na buhay.. hehehe.. praktis lang ako ng pesteng ka-emohan na yan.

salamat adlesirc sa pagbasa...

... bata-batuta... malaki ang batuta...

Adlesirc's picture

hehe

emo nga... hahaha

 

carry lang, babawi sayo si kumander pagdating mo. araw-araw balentayms kayo. hahaha

leigh13diwata's picture

lapit na!

uwi na ako next month... isasama ko muna uli sila sa korea para naman makabawi... buong summer, puro balentayms yun. tsalap tsalap!

... bata-batuta... malaki ang batuta...