pinagtangkaan ng asuwang

| |

pinagtangkaan ng asuwang

hindi para halayin, kundi para patayin. at bagaman walang testigo sa pangyayari, ang nakasaksi sa naging bunga noon ay hindi naman nagsisinungaling.

sa pagitan ng poblacion ng bayan namin at ang unang baryo, mga tatlong kilometro ang layo, at may bahaging bakawanan kabilaan ng highway. marahil ay tatlundaang metro ang haba ng ulilang bahagi na iyon, na ang tubig-dagat pag taglalim ay umaabot sa gilid mismo ng highway. kapag summer solstice at kabilugan ng buwan, minsan-minsan ay umaapaw din ang tubig sa kalsada.

ang kaklase kong ito na taga-unang baryo minsan ay nagpasyang lumuwas ng bayan dahil kinabukasan ay may pasok sa eskwela at ayaw niyang mahuli. batang lalake, mga dose anyos at malakas ang loob. kahit medyo lubog na ang araw noon, maliwanag pa rin ang paligid, at dahil kalahating oras lamang naman ang lakad paluwas ay tumuloy na rin ito. paglabas niya ng baryo, me nakita siyang matandang babaeng tila naghihintay din ng kasamang pabayan, kaya medyo natuwa pa nga siya at me makakasabay. nang makalapit na siya ay binati niya ito ng, "nanang, sabay na tayong lumakad."

ayon sa kanyang kwento pagkatapos ng lahat, nang humarap ang babae sa kanya ng nakangisi ay nalaman niyang hindi niya ito kilala. bigla daw siyang sinunggaban nito at niyakap ng mahigpit, at pilit iniuurong palapit sa tabing-kalsada at sa tubig! ang mahabang buhok daw nito ay kusang pumapasok sa ilong niya, tenga at bibig kaya hindi siya makasigaw upang pasaklolo at hindi rin siya halos makahinga! isa pa, madulas daw ang katawan ng matandang babae na tila may pahid na langis, kaya hindi niya mahawakan upang makalaban ng husto!

nguni't nang maramdaman niya ang pagkabasa ng mga paa niya sa tubig, napagtanto niyang balak siyang lunurin ng matanda, kaya itinodo niya ang pagpiglas. dahil matipuno naman siya at maaari na ring sa takot, nagawa niyang makaalpas, kaya walang lingon-likod siyang tumakbo papuntang bayan! ang mahigit isang kilometrong distansiya ay tinakbo niya ng pinakamabilis niyang takbo ng walang pahinga.

pagdating sa unang bahay ay sumigaw siya ng saklolo nguni't walang tao kaya di siya tumigil o magpahina ng takbo. sa mga bahay na nadaanan niya ay wala rin siyang nakitang mga taong nasa labas (padilim na iyon) kaya nang makita niya ang ilaw sa tindahan sa kanto ay iyon ang kanyang tinugpa nang tumatakbo pa rin at humihiyaw ng walang patumangga! 

ayon naman sa mga nasa tindahan, narinig nila ang mga sigaw kaya naalarma sila. pagdating ng bata doon at tumigil, hingal na hingal ito at di makapagsalita. nang makapagsabi na kung ano ang nangyari ay sugod ang mga kalalakihan sa lugar, pero natural wala na ang asuwang. ang bata ay iniuwi nila sa kanila pagkaraan at pinabantayan ng mahigpit sa mga kaanak nito na nandoon. subali't wala nang naging karugtong pa ang kwento.

hanggang ngayong may edad na kami ng kababata at kaibigan kong iyon, pag nagkikita kami paminsan-minsan ay nababanggit pa rin ang pagtatangka sa kanya ng asuwang. at kahit na halata naming ayaw na niyang pag-usapan pa iyon at ilibing na sa limot, di naman siya tumatanggi na nangyari nga na minsan, muntik na siyang mamatay dahil sa asuwang.


dyeppri's picture

iNFAIRNESS

aNO B YAN TBDTB (HIRAP)?! nakakatakot naman ang kwento mo... infairness ang ganda at sakto ang paglalapat ng mga titik. Naabot ang klaymaks ng istorya. Kwentong komiks ang dating...galing. Kung ikaw talaga ang magkwekwento nito sa boses mo ay baka mapatakbo ako. Magaling kc ang pagkakalahad ng mga detalye.

Two thumbs up me sayo!Cool

...........................................................

mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...

pinagtangkaan

salamat dyeppri. minsan pag napagkukuwnetuhan namin uli iyon kinikilabutan pa rin ako, nangangalisag pa rin balahibo ko kahit matagal nang nangyari iyan. pero di biro, totoo iyan, pati na rin yung isa, kwento ni tita.

abangan mo iyong iba. meron pang kasunod iyan.

muli, salamat.

p.s. pasensiya ka na, sa komiks ako lumaki kasi.

Ailem23's picture

may aswang ba talaga?

curious po talaga ako. kasi marami na rin akong nababalitaan na kwentong aswang. actually, ang tinatayuan ng bahay namin ngayon ay may history na daanan daw ng aswang. may mga pagkakataon nga sa gabi na umuungol ng kakaiba ang mga aso dito sa amin. pero di pa ako nakakakita ng aswang. sa mga lola ko daw meron din. sa barangay kasi na iyon sa bukid eh marami ang buntis. pero nag-aanyong aso daw ang aswang doon. (hhmmm, taong lobo?)

may aswang ba talaga? ako po kasi, nakakakita  ng multo. pero aswang hindi pa. to see is to believe kasi ang motto ko. pero mas nakakatakot ata ang aswang kaysa multo. 

maganda po ang kwento... horror!

best regards,

melay

eloisa marie hernandez's picture

fifty-fifty ako

ako, fifty-fifty lang ag paniniwala ko sa aswang. Ang alam ko lang, mana-mana daw 'yon. 'yong itim na itlog, ino-orasyunan nila kapag full moon tapos nilulunok ng buo. Sa paglipas ng panahon, isasalin nila ito sa bagong henerasyon. Maliit na itim na sisiw ang iniluluwa nila at nilulunok ng pinagsasalinan. mamamatay ang nagsalin pagkatapos nito.

Iyon namang langis, sabi daw, may hinahalong ipot ng mank, herbs at orasyon 'yon. merong iba't-ibang klase ng aswang. May hindi nalipad at meron ding nalipad na karaniwang nakikita sa mga pelikula.

 

Hindi pa naman ako nakakakita ng isa at wala akong kabalak-balak makakita!

 

50-50

hello eloisa.

tama. hwag mo nang balaking makakita. magbabago ang paniniwala mo sa mundo.

di lamang itlog ang ginagawa nilang bagay na birtud (daw) pero karamihan nga ganun yata. mana-mana nga at sabi ay di mamamatay ang magpapamana kapag di namana ang birtud.

yung langis, karaniwang langis ng niyog pero me egosum impaktum o orasyon.

meron ding asuwang dito sa manila dahil isang taga-amin ang nanirahan dito at nahawa sa kanyang mga amo. buti nakauwi sa amin at nakapagpagamot. gumaling naman at di na umalis uli. hangang ngayon nakikita ko pa dun.

susunod na kwento tungkol sa aswang nakatatawa naman, para maiba hehe. abangan mo.

merong aswang

ay melay, kaya nga totoo ang kwento ko, dahil totoong merong aswang (maliban dun sa nang-aaswang). dalawang klase: yung nakalilipad at hindi. yung hindi makalipad nakapagbabago ng anyo, yung nakalilipad pwedeng di makita. pero dahil tao rin sila most of the time, umaalis din sila sa mga lugar nila kapag bistado na. ang iba magaling lanag magtago ng sakit nila. pero mahabang diskusyon yan.

kung maniniwala ka lamang dahil nakita mo, di hindi ka naniniwalang me hangin?o pagmamahal? pag-ibig? katarungan?wala ring estados unidos? australia? africa?(hingal, dami e)

hwag mo nang importahing makakita baka mawalan ka ng wisyo. di naman gaanong nakatatakot pero nakasisindak talaga. lalo na kung pagtatangkaan ka! YAY!

Ailem23's picture

ganon pala

ganon pala ang aswang NPA, no permanent address...ahehehe 

hindi naman po manyapa't sinabi ko na to see is to believe, ang ibig sabihin ko na don ay hindi ko paniniwalaan ang hindi ko nakita. sa akin lang po, half-half. di ko paniniwalaan ng "lubos" kung hindi ko pa nakikita.  pero ayokong makakita ng aswang kasi baka kainin ako ng buhay! ahaha..

ang hangin po ay nararamdaman. ang pag-ibig at katarungan ay nararamdaman din sa puso ng tao.. ang US, australia at africa.... nakita ko na sa world map! Ahahaha...

kidding aside, tanong ko lang po... alam n'yo po ba kung paano masasabi na ang kausap mo o taong kaharap mo ay aswang? Curious lang... balak po kasi namin ni eloisa na magsulat ng novel na may aswang na character...

maraming salamat po.

best regards,

melay

ganoon nga

hello melay

sa pagkaalam ko, di agad malalaman kung ang kaharap mo ay isang asuwang dahil sa halos lahat ng pagkakataon normal naman silang taong nabubuhay. minsan-minsan lamang sila sinusumpong at dito mo lang malalaman kung asuwang sila, at iyan ay kung marunong kang kumilatis. sa mga panahong ganoon naman nasa loob lang sila ng bahay at di lalabas, me sakit o anu-ano pang dahilan.

kahit sa amin na marami ang kwentong lumalabas, di sila masabi kung ang isang tao ay asuwang nga hangga't di nila natitiyak sa pamamagitan ng ilang pangyayari, na unique naman sa bawat isa. so mahirap ipaliwanang iyan. mahabang kwento na hindi rin magiging tiyakang basehan ang mga napag-usapan.

gayunman, kung talagang interesado ka, magtanung-tanong ka lamang sa mga me edad nang tumira sa ilang na lugar, at me masasagap kang kahindik-hindik, kapana-panabik, kahila-hilakbot at pampagising na mga kwento.

o, isang bakasyon, punta ka sa amin at ipakikilala kita sa mga kwento at nagkwento nito. try it, you'll like it.  thanks.

Ailem23's picture

ahh

taga saan po ba kayo? taga-batangas po kasi ako... hay... kahapon po nakausap ko tito ko, nailigaw na daw po siya ng tikbalang. at nakita niya iyong tikbalang doon sa may tulay katabi ng lupa namin sa bukid... may resident tikbalang pala kami sa lupa namin! Hindi man lang siya nagbabayad ng renta sa puno ng mangga! Iyong isa ko naman tito, hinabol daw siya ng tikbalang hanggang sa bahay. Nang hindi daw nabuksan ng tikbalang ang pinto, iyong aso na lang ang pinagdiskitahan. pinilipit lang naman ang ulo ng aso. bata pa ako nung nangyari daw iyon. at hindi na kami doon sa bukid nakatira.

Iyong mga pinsan ko, nakakita na rin daw kaso giant aso daw iyong nakita nila. aso pero kasing-laki ng kabayo!

mahilig po ako sa horror stories... ashteeeg kasi pag nakakatakot!

maraming salamat po.

 

best regards,

melay

ahha!

yung giant aso, karaniwang itim, ang isa sa mga hayop na ina-assume ng asuwang-lakad. merong din baboy, kambing, pusa, karaniwang hayop. yung asuwang-lipad, nawawala lang.

anyway, wala ditong tikbalang, o walang kwentong kasama ang ganoong uri. wala ring term ang aming lengguwahe sa ganoon, kaya tingin ko hindi nakarating dito sa amin ang mga ganoon. sa parteng gitnang luzon lang naman daw yata merong tikbalang pero me kwento akong narinig na sa mindanao naman ang setting. wala rin akong alam na term para sa tikbalang sa bisaya o ibang dialect. o di ko lang alam.

anyway, paki-check mo lang profile ko para malaman mo kung taga-saan ako. imagine lang ang kwentong gawin mo pero ibase mo sa totoo.

happy writing a real scary story!  

spike_west's picture

Hindi naman totoo yan eh!!

Ito'y isang napakalaking HOAX, as of now wala pang napapatunayan na may aswang o kahit iba pang entity na nabubuhay sa mundo natin. Ang paniniwala sa mga aswang, maligno at kung ano ano pa ay isa lamang likha ng mga matatalino nating kababayan na nagpapasalinsalin sa bawat bibig na tinatawag nating chismis. Lumikha ang mga kastila noon ng panakot sa mga Pilipino at ito ang nakita nilang pinakamabisang paraan.

Bawat bansa may ibat ibang katawagan, si Dracula ay totoong nabuhay pero hindi sya umiinom ng dugo at nagiging paniki.Werewolf ay isa lang talagang malaking wolf lang. Si Frankestein ay nilikha lang para makabenta ng aklat at pelikula. at kung ano ano pa.

Totoong may mga multo at espiritu sapagkat ang tao ay may espiritu. Pero yung mga ibang entididad eh walang katotohanan yun. Eh kung ako yung aswang bibili na lang ako ng dugo sa Blood Bank at gagawin kong parang Zesto.

Ika nga mas matakot ka sa buhay, ang aswang ay likha lamang ng malikot na pag-iisip ng ilan. Kung sakaling may nakita kang aswang, tikbalang o kapre. Masyado ka lang mapanlait kasi kahawig lang nila yun. hahaha.

Wag na kayong magpaloko sa ganun sige ka may MOMO sa labas.

Ingat

SpIkE 

di totoo?

si victor frankenstein ay scientist sa libro o nobela ni mary shelley. si dracula ay kathang isip ni bram stoker na ibinase sa mga kwento tungkol kay ivan the terrible (yata yun?) pero inilipat ang locale ng kwento sa transylvania na dating sakop ng slavic ethnic tribes.

walang napatutunayang asuwang dahil walang nais maniwala dito lalo na sa mga makatuwirang (rationalistic or pseudo-scientistific) tao. pero marami nang umamin na sila ay asuwang, naging asuwang o nakasalamuha ng asuwang. marami na ring kwento (nalathala o hindi) ang pinatunayang totoo ng mga nakasaksi, subali't hindi rin ito magiging totoo sa mga una nang hindi naniniwala (o biased/prejudicial).

maraming bersiyon ang tawag sa asuwang sa iba't-ibang panig ng mundo dahil mayroon silang bersiyon ng asuwang, maligno, engkanto at iba pa. kung di ka pa nawawala/naliligaw sa gubat dahil di ka naman nagpupunta doon; kung di ka pa nakakasalubong ng naglalakad na di sumasayad sa lupa ang mga paa; kung di ka pa nakakakita ng taong bigla na lamang nawawala; kung di ka pa nakapagtinginan sa tao sa labas ng bintana at ikaw ay nakaupo sa silya sa second floor...  malamang di ka nga maniniwala.

pero kung nakita mo ang sindak sa mukha ng isang nilapitan ng asuwang, o naramdaman mo ang pangangalisag ng balahibo ng isang nakakita ng kapre, o dili kaya ay nakasalubong mo isang gabi ang isang babaeng puting-puti ang damit na sinauna, at binati mo nguni't di sumagot, at nang lingunin mo uli ay wala na sa iyong likuran... maniwala ka na kaya?

dalawang anak ko mismo ang nakakita ng duwende sa amin sa paranaque noon...at katulong ng isang kaibigan namin sa las pinas ay niligawan ng kapre...

pero kung gusto mong makakita para masabing totoo iyan, tutulungan kita.

spike_west's picture

Tayo ang nanakot sa sarili natin

Sa tagal ko dito sa mundong ito aba kahit balahibo ng aswang wala akong nakita. Nakatira ako sa isang Probinsya (sa Bulacan), ang lugar ng Lolo ko ang tawag namin don ay Gubat kasi mga mapuno at madawag na para talagang gubat.

Mahirap maalis sa kulturang Pilipino ang paniniwala sa mga maligno at aswang. Minsan binibigyan natin ng kahulugan o kaya binabalutan ng malalawak na imahinasyon ang mga bagay bagay. Napakamakapangyarihan ng utak ng tao, kaya nyang gawing totoo ang hindi totoo.

Sa sobrang L ng Pilipino dapat eh marami ng aswang ngayun (population explosion), eh bakit parang endangered species sila. Bakit ang mga aswang, kapre, tikbalang ay mga Pilipino lang, wala bang foreigner na ganito. Eh iba ibang bansa eh iba ibang maligno, teka bat ganun may discrimination ayaw ba nila ang dugo ng pilipino? Bakit ang white lady, hindi pwedeng magsuot ng ibang kulay (eh kaya nga white eh, teka  maselan lang ba sila)? Bakit ang dwende sa atin mapaglaro (teka aba di na sila bata ah, maliit lang sila), at ang dwende ni snow white malalaki at masisipag? Bakit ang kapre mukhang tao at nakuhang pang manigarilyo at manligaw (astig si kuyang kapre, pwede bang makahingi ng isang stick?). Yung taong biglang nawawala na parang bula eh baka may utang lang sya kaya ganun.

 Sabihin mo ng napakarational kong tao, pero ang point ko lang dito ay mas nakakatakot ang mga totoong tao, kasi sa araw araw natin sa buhay maririnig mo ang patayan, nakawan, rape o kung ano ano. Ang mga aswang, kapre at maligno ay hindi naman naheheadline, kung maheadline man panghatak lang ng mambabasa at wala namang katibayan. Kaya bakit mo tatakutin mo ang sarili sa mga bagay na di totoo, matakot ka sa totoong nangyayari.

Ang mga kwentong katulad nyan ay marami ng naisapelikula o kaya nasa libro, at karamihan nito ay mga best seller talaga. Para itong isang formula na nakakahikayat sa nanonod o nagbabasa sapagkat napapagana nila nag mga imahinasyon ng mga parokyano nila. Pero kung ating bibigyan ng malalim na pag-aaral base sa facts eh talagang mahihirapan tayong patunayan yan. Pero kung paniniwala mo yun eh ginagalang ko naman.

Kung sakali man may taong nakakita ng aswang, tumindig ang balahibo dahil sa kapre, o kaya sa white lady, eh ganyan talaga mahilig kasi silang manonood at magbasa ng horror, o kaya tigilan ang pagsingot ng rugby, sa katulong ng kaibigan mo na niligawan ng kapre aba sabihin mo sagutin na nya pwede silang matayo ng business, paggawa ng tobacco.

Tungkol sa batang nakakita ng duwende, ayon din sa pag-aaral ng isang psychologist, gumagawa ang mga bata ng mga imaginary friend sapagkat kulang sila sa atensyon ng magulang o di kaya nahihirapan silang magexpress ng kanilang sarili ( hindi na po ako nagbibiro nito) kaya alamin baka may mabigat na dahilan tungkol dito.

Iyon lamang po,willing po akong makakita hayaan nyo po paguwi ko sa Pinas uli next year papasama ako sa iyo, dito sa Saudi di ko alam bakit di uso ang aswang o maligno ni walang Sauding may alam tungkol dito. Bakit sila walang asawang o maligno. (siguro maselan din ang mga maligno)

Iyon lamang po ingat, kwento lang po ng kwento

SpIkE   

tayo nga kaya?

pareng spike

sa saudi at sa ibang lugar na arabe ang wika e walang asuwang. djinn or genie ang tawag nila doon at iba pang tawag.

ang anak ko na nakakita ng duwende ay nag-describe ng hitsura nito na eksakto sa karaniwang paglalarawan. wala namang komiks sa bahay o sa kapitbahay, at wala ring ibang illustration saan man siya magpunta. at bakit two years after, yung isa ko namang anak ang nakakita? at bakit pinatunayan din ito ng isang taong sinasabing nakakakita ng ganito?

hindi lahat ng lugar ay may asuwang, maligno at engkanto. hindi rin lahat ng gubat ay may ahas o lobo o elepante o leon. hindi dahil nakatira sa malapit sa gubat o sa gubat mismo ay makakakita ka ng ganoon, o kaya ang gubat ninyuo ay kayang makita ang trak sa kabila.

bakit pilipino lamang ang may ganito? dahil pilipino tayo. me foreigner? maaaring meron at maaari ring wala. ang alam ko sa ibang lugar o bansa wala ring nababalitang pilipinong asuwang.

totoo, rational ka pare. at iginagalang ko rin ang iyong pananaw. karamihan sa atin ay di naniniwala sa mga ganoon at hindi rin sila mali. sapagka't kung hindi ka naniniwala, malamang wala ka ring makikitang ganoon, dahil makakita ka man ipaliliwanag mo pa rin iyon sa ibang dahilan.

halimbawa, nakakita na ako ng bulalakaw, yung totoong bulalakaw at hindi meteorite, na sangkatutuak na rin ang aking nakita, malalaki man at maliliit. hindi ka rin maniniwala dahil ang magiging paliwanag mo ay meteor lang talaga iyon. pero paano mo ipaliliwanag na meteor lamang iyon kung lumipad lamang iyon mga 50 metro lang ang layo sa akin, horizontal ang lipad, at lumipad lamang mga 150 metros? nagsimula sa halos harapan ko na lang, at nagtapos sa dulo ng niyugan? hindi ako lasing noon, nananaginip, o nag-iimagine, dahil naglalakad kami ng tatay ko sa aplaya pauwi mula sa pangingisda at 7:30 pm more or less ang oras. 9 pa lang ako noon.

pero hindi ko pipiliting baguhin ang paniniwala mo. kanya-kanya tayong buhay at kinalakhan kaya iba-iba ang pananaw natin sa mga ganoon. at tootoo rin nga ang sinasabi mo, ayon sa iyo at sa marami pang iba.

kaya enjoy ka dian pare sa saudi. wala ka talagang makikita dian maliban sa buhangin siguro at mga buildings. baka me makabasa nito na nakaaalam ng kung saan ka makakakita, e pasalubingan ka ng paniniwalaan mo.

salamat 'dre.

tbdtbd925

 

Inquiry About Kapre Encounter

Hello! This is Gemma po of I Juander, GMA NewsTV.. May topic po kasi kaming ginagawa about Kapre.. Nabasa ko po yung comment n'yo na may kilala kayong niligawan ng kapre.. Baka lang po matulungan n'yo kaming mahanap s'ya.. Ano pong name n'ya? Katulong n'yo pa rin po ba s'ya? Saan po s'ya nakatira at may contact pa po ba kayo sa kanya? Kung may tanong man po kayo about sa concern namin p'wede n'yo po akong itext sa number na ito: 0906-279-8887. Maraming salamat po!

dyeppri's picture

Ako po naniniwala sa aswang at kampi ako sa inyo....

Ako po naniniwala sa aswang at kampi ako sa inyo kontra kay k. Spike...hehehe

Minsan nakita ko po talaga yung kapitbahay naman noong bata pa ako na inaswang yung si inday na labandera sa kabilang bahay... Sabi noong totoong asawa ay "walang hiya ka Dudong at inaswang mo asawa ko papatayin kitang demonyo ka! GRRR" .

Tapos si Angel locsin madalas magpalit ng anyo na ala-aso... Parati po ako nanonood ng Lobo eh (ayaw ko kay dyesabel...Hehehe....Wala kc syang P----)Harharhar....Surprised

Jok...Jokkk. WALA PO AKO MACOMMENT KASI DI DIN AKO NANINIWALA AT GUSTO KO LANG KONTRAHN SI KAPATID NA SPIKE....Harharhar...PEACE BRO!

 

Infairness Sir Magaling kayo gumawa ng kwento!!! aprub talaga! "di lang talaga ako matatakutin (Sir tulog na po ako kasi gabi na at may kumakaluskos dito sa ilalim ng bed ko....baka aswang pooooo!!!!Sealed)

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

hehe

okay kayo ni pareng spike dyeppri hehe. sama din kayo sa binubuong club.

ako gusto ko si dyesebel basta ayudahan niya ako mag-fishing. paborito kong sport yun e.at mag-cologne siya pag kasama niya ako sa bangka hahahah

jonsdmur's picture

matakot ka sa aswang

Marami ng kwento tungkol sa aswang. Sa Iloilo nakarinig na ako ng isang kwento. Usap usapan sa isang bayan na aswang ang isang nurse. Paano nila nasabi na aswang ito? Nakita na ba nilang kumain ito ng laman ng tao? oo, sagot ng karamihan. Nakita nila ang Nurse na iniinom ang dugong isinasalin sa pasyente.

Ang nurse ay patuloy pa ring nagtratrabaho sa dahilang walang lakas ng loob ang sinuman na isumbong ito sa ospital kaya minabuti ng nakakita na ipalipat ito sa ibang ospital.  

Sabi ng mga matatanda kapag alam mong aswang ang makakasalubong mo ay dapat mo itong batiin. Unahan mo sa pagbati sa dahilang kapag ito ay mauna maaring ikaw ay mausog.

Naranasan mo na bang sumakit ang iyong tiyan dahil sa binati ka ng isang kakilala? ito ang usog! sabi nila mawawala ang pananakit ng tiyan kapag ikaw ay nilawayan ng taong nag-usog sayo.

Mag-ingat sa mga nakakasalubong. Mag-ingat sa mga ngiti ng mga taong hindi mo pa nakikilala..mag ingat sa usog...lalo pa sa usog ng isang ASWANG..............

Matakot ka sa aswang........

Wala lang.... heheheh

jonsdmur

hala ka, andyan na...!!!

kahit kailan ay hindi maipaliwanag ng medisina ang usog, pero marami ang nagsasabi na nangyayari ito (kasama ako).

at ingat ka nga sa kasalubong at baka asuwang ito hehehehehe. sigurado ka lang hindi kapag duling, dahil nababangga ang mga duling na aswang kapag lumilipad o naglalakad.hahahaha!

andyan na nga...hala!

spike_west's picture

Bales yun hindi usog

Bales po ang tawag dun hindi usog, ang usog po ay sa bata ang pagkakaalam ko!!

Teka ako rin naman umiinom ng dugo at kumakain ng laman. Sarap kaya yun lalo nat may kasamang puto!!!

Pero ako balisin akong tao, nung minsan biglang sumakit ng tyan ko ng di maipaliwanag na sakit, pinahiran lang ng laway ng nakabales sa akin hayun biglang nawala. Ang galing!! at may amoy pa!! Yuck!

Ingat po!!

parehas man na gihapon

balis o usog, same animal, different collar. kung di saktan ang tiyan ay nagkakasinat naman na di magamot ng paracetamol o advil.sa parteng quezon, batangas at laguna e balis ata 'yun, pero sa maynila at sa hilagang katagalugan e usog. ewan ba...

nung panahon daw ni marcos e walang tuta sa lopez, quezon. kasi ang tawag doon sa tuta e bilot. ala ngang tuta marami namang binilot. hehe

parihas man na gihapon, 'bay.

jonsdmur's picture

Di ko lang alam kung ano

Di ko lang alam kung ano pang term sa Usog.... Iloilo term na kasi ginamit ko... umiwas sa usog..... wala lang heheheh    jonsdmur

harharhar

natatawa ako hahaha!  mas higit pa bang nakakatakot ang mga aswang at maligno sa anino ng girlfriend mo na sumusunod sa iyo sa gabi sa mapupusyaw na liwanag ng mga bar sa libis at antipolo? namumula ang mga mata na nanlilisik armado ng matulis na takong ng sandals  na iniregalo mo sa kanya nung huli ka nyang nahuling.... wag na lang! harharhar!Tongue out

jonsdmur's picture

wahehehe nakakatawa... mas

wahehehe nakakatawa... mas nakakatakot nga kaysa sa aswang...mas dapat katakutan nga..... jonsdmur

rose's picture

Aba makasahog nga sa lutuing aswang!

Hay okey itong topic na ito tungkol sa aswang. Para sa akin 101% po ay naniniwala ako sa aswang. Totoo yung sinabi ni kapatid na tbtd na umaalis din sa kanilang lugar kapag may nakaalam na at nakabisto na sila'y aswang. Dahil sa lugar namin ay mayroong aswang, na nakita mismo ng aming mga kapit bahay na talagang siya ay aswang ay sinugod ang kanilang bahay at sinunug.

Pero sa kasamaang palad ay nakaligtas ang aswang. Maraming paraan upang sila'y mahuli kong sila'y aswang man o hindi. Meron din namang aswang na hindi nila gustong maging aswang dahil sa kadahilanang nasasalinan lang sila kaya sa ayaw man nila o hindi may oras na nangingibabaw sa kanila ang pag-kaaswang. Subukan mo pumunta sa siguijor, meron isang bagyo dun na mag-kakamag-anak sila puro aswang at mambabara.

Kaya sa mga hindi naniniwala sa aswang sana pakitaan muna kayo para maiba ang pananaw ninyo at paniniwala na may aswang nga..

ANO BA KAYO!, MANIWALA NA KAYO KASI ISA NA AKO DUN MANGANGASWANG NG ANO?????>>>>>>>>

  Wink

jonsdmur's picture

 tama ka minsan hindi

 tama ka minsan hindi matanggap ng isang tao na aswang siya.. may magagawa ba siya kung ito ang nakatadhana?

Kahit sa Iloilo ay maraming haka-haka na aswang ang isang tao... pero minsan hindi pinaniniwalaan kasi di nila nakikita...

Dapat nga muna makakita para maniwala....

si jonsdmur po ito.....

jonsdmur's picture

tama ka minsan hindi

tama ka minsan hindi matanggap ng isang tao na aswang siya.. may magagawa ba siya kung ito ang nakatadhana?

Kahit sa Iloilo ay maraming haka-haka na aswang ang isang tao... pero minsan hindi pinaniniwalaan kasi di nila nakikita...

Dapat nga muna makakita para maniwala....

si jonsdmur po ito.....

jonsdmur's picture

  Kahit sa Iloilo ay

 

Kahit sa Iloilo ay maraming haka-haka na aswang ang isang tao... pero minsan hindi pinaniniwalaan kasi di nila nakikita...

Dapat nga muna makakita para maniwala....

si jonsdmur po ito.....

jonsdmur's picture

Pasensiya na nagerror kasi

Pasensiya na nagerror kasi ilang beses nag send...

jonsdmur's picture

kahit mananaggal ay

kahit mananaggal ay maraming nagsasabi na totoo.. parang naniniwala ako pero di ko pa nakikita...

Speaking of kuwentong aswang....

Paki-click sa google ang "Ang Huling Lahi ng Aswang" at magugulat kayo sa rebelasyon ni Marcelo dela Cruz....

rose's picture

Nabasa ko na yung ang huling lahi ng aswang.

Napakaganda ng storyang ito, gusto ko lang sanang malaman kung totoong pangyayari ito? , ako ma'y naniniwala sa aswang dahil ang tatay ko ay isang albularyo na taga bulacan. may kaibigan ako  na sinasapian ng engkanto, meron narin ako nakita na sinasapian ng masamang spiritu, sa panggagamot ng aking ama marami akong nasaksihan na pwede ko patotohanan na totoo ang lahat ng ito, ang aswang, engkanto, duwende , lamang lupa, kapre at mga iba ibang mga nilalalang na parte ng ating mundo. mga nilalang na nakakasalamuha natin na hindi natin nakikita. 

minsan kasi sa kapit bahay namin meron nakitang aswang totoong totoo sa pag hahalintulad sa kwentong ito. lumilipad na may napakalapad na pakpak. At sa umaga'y kung makikita mo sila ay mga namumula ang mata na akala mo ay hindi natutulog. Yung aswang sa amin dumadayo siya sa ibang lugar hindi sa lugar namin dahil alam na ng lahat na siya'y aswang, isang araw nagulat nalang kami na wala na siya sa lugar namin siguro lumipat na siya ng ibang bahay kung saan hindi siya nakikilala.

meron parin natitira na pailan ilan sa kanila .     

scary

scary