Para sa Naiwan sa Paliparan

Espilehiyo's picture
|
natanggap mo ba 
ang aking halik 
mula sa kabilang dako 
ng kurtinang ulan? 
nadinig mo ba 
ang hikbing kay tining 
na ligaw sa ugong 
ng salipawpaw? 
nilingon mo ba 
ang nanghihinang 
kaway ng aking kamay
na sinlamig ng salaming
bintana na dinampian 
ng iyong pisngi? 
ramdam mo ba 
ang lukso ng aking pulso
na parang gulong 
na nagaalangang 
lisanin ang paliparan?
 
espilehiyo

walang trip


Starblaze's picture

  babalik din un bro

 

babalik din un bro ahahaha!

 

"katulad ka din ng nakaraan, isang pangarap lang..bukas may darating..pangarap din"