Para sa mga taong matagal ng nagmamahal at natatakot masaktan.

ichbineinberlyn's picture

http://www.youtube.com/watch?feature=endscreen&NR=1&v=OcwgoPiGRu0

Napakinggan niyo na ba yung kantang "Kung ako ba siya" ni Khalil Rhamos o kaya naman yung "Kung ako na lang sana" ni  Sarah Geronimo? Both songs described one situation, yung sitwasyon na may gusto ka sa isang tao pero hindi mo masabi sa kanya dahil may gusto naman siyang iba :( siguro for me that was the hardest thing in love na pwedeng ma-encounter ng kahit na sino. Kahit na sino? i mean hindi naman kasi lahat ng gusto mo pwede mong makuha, minsan kasi may mga bagay na hindi naman talaga “bagay” (I know you understand). It’s not a thing nor a feeling and every feelings is mutual magwo-work lang kung may dalawang tao ang willing na pagpatuloy yung feeling into love.

Ang problema lang naman kapag ikaw lang yung nagmahal at patuloy na nagmamahal, ito nga pala yung mga dahilan kung bakit hanggang tingin at pangarap na lang tayo:

1. May mahal na siyang iba (pero hindi mo alam kung bakit patuloy at paulit-ulit kang umaasa kahit naman alam mong talo ka na)

  I can’t blame you, I know the feeling… ang hirap no? kung pwede mo lang pigilan ang puso mo para hindi ka na masaktaan, para wala ka na lang maramdaman. Pero sa huli ayan ka na naman nag-eexpect na sana bago matapos yung araw, maalala ka sana niya.

EXPECTATION! Hindi ko alam kung paano pigilan ang mag-expect kasi once I tried, bumabalik pa rin ako sa point na SANA, MALAY MO, BAKA KASI, IF ONLY, WHAT IF. Nakakapagod lang.

Sobrang sakit pala na kapag yung kaisa-isang taong minahal mo ng sobra... may mahal ng iba. Yung tipong wala kang magawa kung hindi itago na lang lahat, na nakangiti ka tuwing nakikita mo siya, na gusto mo sana ikaw na lang yung mahal niya, na sana tuwing nalulungkot siya, ikaw yung kauna-unahang tatawagan niya. Alam mo sana nga ako yung taong nagpapasaya sa kanya.

2. Best friend mo siya!

Sa totoo lang mahirap naman talaga yung ganitong sitwasyon, pero sasabihin ko sa iyong maswerte ka pa rin kasi sigurado ako “Mahal ka niya.” Sino nga bang hindi magmamahal kay BEST FRIEND? Palagi mong kasama…” Tiga-bigay ng advice, taga-gawa ng assignment, taga-enroll, and that was all I was to you Ned, your Best friend.”-Jolina Magdangal? (Sana napanuod niyo, one of my favorite movie) ^_^ anyway back to the topic, masakit man pero siguro kung may mahal na siyang iba (Girlfriend) sapat na siguro iyon kasi kahit papaano sa buhay mo nahahawakan mo siya, nakikita mo yung mga ngiti niya kahit na gustong-gusto mo siyang halikan, nakakausap mo siya ng matagal, at sigurado ako nagpasalamat na siya sayo kahit na isang beses ng buhay mo habang kasama mo siya. Kaya nga Best friend ka niya di ba? Dahil para sa kanya, isa ka sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya at mahal ka niya, kahit na bilang “Best friend” LANG…

Dahil iyang “LANG” na iyan. May mga tao na iyan “LANG” ang pinangarap. Katulad ko kasi one day, I wish na sana maging magkaibigan kami, kahit kaibigan lang. Sana maisip mo na kung may mahal na siyang iba, mahal mo naman siya diba. Okay lang iyan, masakit talaga pero ganun talaga kapag nagmamahal, walang exempted lahat tayo masasaktan pero in the everything will be worth it.. I promise! Basta hanggang kaya mo, mahalin mo lang si Best friend dahil pinili niyong dalawa ang isa’t-iisa that’s why para sa inyong dalawa both of you are “The best” hindi ko maipapangako sa iyo na mamahalin ka niya ng higit pa sa kaibigan pero ang mahalaga naman ay “Respeto” at iyon ang hindi mawawala sa magkakaibigan and that make things work.

Sa totoo lang naiingit ako sa iyo, kasi no doubts and what if… “Mahal ka niya” (Always remember that.) J

3. Natatakot kang ma-reject!

Sa totoo lang dahil dito kaya walang nangyari sa love story ko, at isa ito sa pinagsisihan ko ng hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Siguro kung nasabi ko iyon, kahit na sabihin niya sa akin na hindi niya ako gusto mas magiging okay ako ngayon. “Okay” in a sense na mas madali kung matatanggap, dahil may sagot na sa mga tanong ko ngayon. “Paano kung sinabi ko sa kanya, may pag-asa kaya?” siguro kung nasabi ko iyon, sobra akong masasaktan noon, kasi na-reject ako ng taong mahal ko  pero malamang naka-move on na ako ngayon kasi alam ko sa sarili ko na “I tried” ginawa ko naman lahat pero iyon nga, hindi talaga kami para sa isa`t-isa. Pero… hindi ko ginawa, kaya ngayon nagsisisi ako pero nakakatakot naman kasi talagang sabihin sa kanya. Hindi ko din kasi alam kung papaano, kasi wala naman akong karapatan lalo ng may mahal na siyang iba (kaya nga iyon iyong pinaka-mahirap… kapag nagmahal ka ng taong may mahal ng iba) it’s like fighting in a game na alam mong wala kang laban.

 Lesson learned? Kung talagang mahal mo siya at alam mong wala pa naman siyang mahal, gawin mo lahat para maiparamdam sa kanya na mahal mo siya… huwag mo ng hintayin na gawin pa ng ibang tao iyon para sa iyo kasi ang taong nagmamahal lahat gagawin para lang maging masaya yung taong mahal niya at kung alam mo sa sarili mo na ikaw iyong magpapasaya sa kanya, kaya mo yan! I-reject ka man niya ng paulit-ulit at least alam mo sa sarili mo na mahal mo siya at alam na din niya. (Basta isa lang naman ang tanong kung dapat mo bang sabihin ang nararamdaman mo) Kung mahal mo ba talaga siya ng buong-buo? Dahil kung talagang mahal mo siya kahit anong isagot niya sa iyo, tatangapin mo din ng buong-buo. Fight! J

Kahit ano pang reason kung bakit hanggang ngayon ay wala paring leading lady o leading man sa pinapangarap mong love story pare-pareho lang naman tayong nagmamahal, minsan lang talaga darating iyong araw na sobrang saya mo at minsan sobrang nasasaktan ka na pero okay lang iyan ang mahalaga nagmahal ka. Lahat naman tayo may karapatang magmahal at mahalin ng taong mahal natin. Kung naguguluhan ka sa buhay mo, subukan mong alamin kung ano ba talagang gusto mo… ano ba talagang magpapasaya sa iyo at iyon ang sundin mo. Okay lang matakot, masaktan, at mangarap basta sana “You make the most out of it.” Para wala kang pagsisihan sa huli, kasi wala naman talagang time machine para ibalik ang nakaraan pero mayroon naman “ikaw” para mahanap mo yung magpapasaya sa iyo ngayon at sa hinaharap. J

-Ich bin ein Berlyn

7/15/12 @ 1:45am