Pangako ng Isang Lasing

turtlethoughts's picture
|

Sa bawat lagok ng mahiwagang tubig.

Damdaming natatago ay lalabas sa bibig.

Bigo sa buhay bigo sa pag-ibig.

Bumibilis lumalakas bawat pintig.

 

Heto na paligid ay umaangat.

Ayoko ng umulit hindi na dapat.

Pangako yun hangang ang likod ay lumapat.

Sa sementadong sahig luha ko ay kumalat.

 

Mga salitang binabangit hindi na mapigilan.

Bumibigat ang puso pati ang katawan.

Pangakong di na gagawin kahit kailan.

Tanggap ko naman lahat ng kamalian.

 

Natapos na ang gabi.

Wala na kong masabi.

Wala akong maalala anong nangyari.

Uulitin ko pa ba? Bakit hindi.

Jayson Pimentel