Pagbabalik

5182EiDiDiFy's picture
| |

Bakit nawalan ako ng lakas ng loob?

Na labanan ang sigaw ng damdaming puno ng poot…

Bakit muli kitang pinapasok?

Sa akin pinto… sa aking puso at sa bawat nitong sulok.

 

 

At muli ito ka…

nagsasabing ako’y mahal mo pa

nangangakong ako’y di na muling iiwan

dahil sa piling ko, sabi mo naroon ang kaligayahan

 

 

Ayaw kitang paniwalaan…

ni ayaw kong ikaw ay pakinggan

subalit yakap na kita muli ng kay higpit

labi ko ay siil na nang iyong mga halik

 

 

Muli sa parihaba kong mundo ikaw ay nagbabalik

kasinungalingang sabihing ako sayo’y di nasabik

dahil walang araw na di ko man lang ninais…

ang sandaling ito… ang makapiling ka… yakap ng iyong bisig

 

 

Ngunit sa pagkakataong ito ay ayaw kong umasa…

dahil ayaw kong masaktang muli ng sobra…

sapagkat di ko kakayaning muling magdamdam ng dahil sayo

at ng pag-ibig mong… ang nagmamay-ari ay di lang ako!

 

Felmo R.

"mahal mo pa ba ako?" ang kanyang tanong

-

"walang araw't sandaling hindi kita minahal!" ang aking tugon...

-

--

---

Bukas na lamang muli ako mag-iisip....


daily_sam's picture

Nice write

I have a friend who is actually in this position.

Nice write! I very much enjoy reading :-) 

  

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."

5182EiDiDiFy's picture

Thank you ng BIG Daily Sam

Thank you ng BIG Daily Sam sa pagbasa...

tagal na rin pala akong di nadadalaw....

-

maharot, malikot titik sa aking tuktok!