Pag-iisa

turtlethoughts's picture
|

Mababawi mo pa ba ang nasabi ng dilang matalim?

Sinugatan sinaksak ang puso parang patalim.

Masakit na nga sumasakit pa lalo.

Sinong nga ba talaga ang tunay na nanalo.

 

Ayaw maiwan ayaw mag isa .

Sino nga ba ang ayaw ng may kasama.

Magulo lahat sa aking isipan.

Heto na ang Alak kailangang matikman.

 

Wag mo kong kausapin gusto kong mag-isip.

Natutunaw na pag-ibig ito pa kayay masasagip?

Di ko alam bakit nagkakaganito.

Bigla nalang tumigil ang pag-ibig sayo.

Jayson Pimentel

Similar entries