Pag-apak sa Ligaya

turtlethoughts's picture
|

Saglit lang tayo mabubuhay sa mundo.

Sa bawat segundong lumilipas sa buhay mo.

Habulin mo ang bawat pagkakataon.

Sa tadhana ikay sumang-ayon.

 

Hanapin ang ligaya, hanapin ang pag-ibig.

Ilabas ang nararamdaman sa iyong bibig.

Mabilis lang dadaan ang mga araw.

Sa nagpapasaya sa iyo wag kang bibitaw.

 

Kaibigan, Pamilya at ang iyong minamahal.

Samahan mo silang mabuhay ng walang sagabal.

Baka bukas o sa susunod ay bigla nalang maubos.

Ang buhay mong masaya na bigay ng diyos.

 

Ngumiti tumawa hanapin ang saya.

Minsan ka lang aapak sa pag kakataon ng ligaya.

Sa loob ng isang daang taon wag kang mag alala.

Pag ibig at ligaya iyong makikita.

Jayson Pimentel