Paano Kita Minamahal

Adlesirc's picture
| |

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Minamahal kita habang ako lang ang nakakaalam
Taliwas sa paniniwala ng mundong ating ginagalawan
Saklaw ng langit at lupang ating sinibulan
Sakop ng araw at ulap sa kalangitan

Minamahal kita sa aking munting paraaan
Sapat na sakin ang makasama ka sa aking isipan
At sa mga gabing tahimik na nakatanaw ang buwan
Pinapangarap kong kasama ka sa aking kanlungan

Minamahal kita kahit hindi mo nararamdaman
Na may isang pusong sa iyoy nag aasam
Sa pagsikat ng araw at bawat buhos ng ulan
Laging may isang ikaw sa aking kalooban

Minamahal kita dahil sa natatanging dahilan
Na ikaw ang muling nagpangiti sa puso kong sugatan
At nagdulot ng malaking kapayapaan
Sa gitna ng aking nakaraan at pakikipaglaban

Minamahal kita hindi man kita nahahawakan
Hindi nakakapiling at hindi nahahagkan
Sapat na sakin ang masdan ka mula sa kalayuan
Sapat na'ng sa puso ko lamang ikaw nananahan

 

 

 

 

Adlesirc 12/16/2008


jonsdmur's picture

Ramdam ko ang Tula

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Gusto ko ang nilalaman ng tula....

Ganito talaga ang magmahal... hindi maiwasang masaktan... hindi maiwasang mabigo...

Sana okay ka lang.. ingat ka lagi...

jons

Adlesirc's picture

ramdam mo ba?

hehe..

 

musta?

im ok. happy new year Jon! =)

jonsdmur's picture

Musta ang new year?

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Bakit di ka na text?

Sana okay ka lang..... 

Ganda ng title ng tula mo.... pwedeng pamagat ng isang movie....

ingat ka lagi....

jons

jealousy29's picture

makapagdamdamin tula

nadala ako sa aking pagbabasa.... naalala ko tuloy ang aking nakaraan na minsan nasabi ko na rin sa akin sarili na  PAANO KITA MINAMAHAL....

keep on writing po ADLESIRS....

 

 

ngat.......Smile

Adlesirc's picture

nakuuu

matagal na po pala itong comment mo. pasensya na ngayon ko lang napansin. salamat sa pag-appreciate.  i will keep on writing. thank you

 

 

and by the way, its ADLESIRC. hehehe

 

 

thank you po ulet. from the bottom of my broken heart. hehehe

ang ganda

ang ganda. tumatagos.

haaay nagugustuhan ko dito sa FW. ;)

Adlesirc's picture

Hi Karla

tumatagos ba... hay, yan din ang ramdam ko nung ginawa ko ito.

salamat po sa pagbasa. Nagugustuhan mo dito sa FW? ayos yan. OK dito, more than a year na ko member at happy naman ako, may mga kaibigan na rin akong nakilala ng dahil sa fw.

 

 

hope to read something from you. thank you karla!

jonsdmur's picture

at sana

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

makapagsulat kang muli

ingat Anne

jons

Adlesirc's picture

.

sana jon, sana.

 

 

 

ingat Jon. text text.

aireen's picture

anne :)

ang sweet naman..Smile

ganyan ka pala magmahal..

 

cheers!

Adlesirc's picture

wow!

thanks 'te! sayang di tayo nag abot yesterday.. ngkita kitaba kau nila luca?love his crown. ang cute. hehehe

 

 

 

salamat po sa pagbasa.

 

Patrickman's picture

wow... isa  sa

wow... isa  sa pinakamagandang tulang tungkol sa pag-ibig na nabasa ko, kahit medyo parang unrequited love ang tema. hehe, parang nakaka-relate ako, haha. astig. sana makasulat ako ng tulang kasing bagsik nito someday soon. :D 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Adlesirc's picture

hello patrick!

hahaha...  unrequited talaga. pero thats love e, hindi naman tayo nagmamahal para mahalin din. nyay! martir.

 

 

till next time. salamat sa pagbasa at praise. hehehe

Mimosa Pudica's picture

Wow, sino si j.a.?

Wow, sino si j.a.? Kaka-intriga. Hehehe.

 

Ingat lagi. It was nice meeting you all sa Book Launch...

 

- Cristina (^o^)

****

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.

CLOSET WRITER's picture

hi :)

Hi Anne and Mimosa, nice meeting you yesterday :)

i hope makapag bonding pa uli tayo ng mas matagal tagal next time.

ingat =)

Adlesirc's picture

Hi Joren

Nice meeting you too. ang cute cute nyo ni luca. =) salamat sa pagpunta.

 

Next time ulet.. sana overnight na. Pagplanuhan natin paguwi ng mga nasa middle east.  Mas marami, mas masaya!

Adlesirc's picture

MIMOSA..

hi cristina!

hehehe.. John ang first name. Sorry can't tell the surname kasi baka may magsearch sa google ng name or i-search nya mismo at lumabas itong FW at magkabuking-buking. hehehe, yari ako! masho-shock yun ng todo pag nabasa ang tula.. mayayari talaga ako. sorry. hehe

 

 

nice meeting you too. salamat din sa pagpunta. at sa mga susunod pa nating pagkikita.  wag ka mawawala.

 

 

Mimosa Pudica's picture

Nice...

Ako din dati unrequited love hehehe. Ngayon hindi na. Ok lang kahit wag mo na ilagay ang surname. I am just curious. Pero haha, kung nilagay mo nga ang surname, ise-search ko yun sa Google hehehe.

 

Nga pala, sabi ni Melay lahat daw halos kayo nagtanong about sa amin ni Jesrael (Marco Liwanag)? Hahaha. Di namin ide-deny...hehehe. Uy, penge naman kami copy ng pictures na kinunan mo, puro blurred yung amin eh, kainis...Thanks in advance. (^o^)

 

Ingat lagi guys! Ang saya makasama ang mga kapwa manunulat...kahit di magkakakilala sa una, lahat tayo parang close na...hehehe. Kahit di ako masyadong umimik at nag-observe lang sa lahat. (^o^)

 

****

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.