Only Pure Hearts Can Break The Spell

CLOSET WRITER's picture
|
Only Pure Hearts Can Break The Spell
Melanie Quilla and Eloisa Marie Hernandez
New Day
308

Finally, natapos ko na din basahin ang “Only Pure Hearts Can Break The Spell”- ang unang aklat ng ating kapatid na Melay at Eloi.

Itinabi ko muna pansamantala ang halos 20 new titles (Filipino) na nabili ko sa Manila International Book Fair, including my signed copy of Axel Pinpin’s “Tugmaang Matatabil...”, Ricky Lee’s “Si Tatang at ang Himala...”, pre-signed copy ng “Desaparesidos” ni Lualhati Baustista at ang “The passion of Jovita Fuentes” (1st prize Palanca full length play) ni Peter S. Nery.

Kung ang launching ng libro ay kagaya ng premier night ng mga pelikula na kinukunan ng reactions ang mga manunood, eto ang isisigaw ko sa harap ng camera...”Panalo!!! Parang pinaghalong Harry Potter, Angels and Demons at DaVinci Code. Kumpleto sa ingredients, as in super impatso sa entertainment value ang isip ko pagtapos kong mabasa!!!”

Tama. Punong puno ng winning formula ang libro na ginawan ni Jonsdmur ng akmang cover design.

May suspense (sa dami ng unexpected turn of events at mga revelations/surprises)

may mystery (kung paano nila diniscover ang underground society of witches)

may action (labanan between good and evil)

may drama (na sobrang tatak Melay at Eloi,haha)

may comedy (ang kulet ng character ni Jazzper, Al at Val. Pero pinaka gusto ko si Mr. Schizvenir. Haha ang kulet ng bakla, parang gusto ko na rin imemorize ang Bahay Kubo gay version)

may tragedy (ang pagkamatay ni Al , kainis, sa kanyang character pa naman ako super nakarelate kase feeling ko pareho kami ng angas at may pagka-narsicistic haha)

may love story (sad ending love story ni Al at Grace at ang dakilang pagmamahal ni Hezron kay Hania)

The book has 13 chapters, na sya ring pinakapaborito kong part. Nakakahiya man, pero kailangan ko uling aminin na parang pinipiga ang dibdib ko habang binabasa ang buong last chapter. Iniyakan ko talaga, pramis. haha!!! Na drain ako don ah. Gusto ko kase yong idea na nag focus ang last part sa napakagandang friendship kase doon nagkaroon ng reality touch at naging emotional ang buong kwento. Syempre, gusto ko rin na nagtapos ito ng may redeeming factor.

Over all, the story is very engaging. Hindi mo titigilan once na pinasok mo na ang kwento. Kaya kahit na pumi-psttt pstttt si Yien sa ym ko, dedma muna sya haha. Sorry Yien ha, nagka-climax na kase ko non eh. Pakiramdam ko non, parang kasama akong pumasok ng group don sa loob ng dimension at nakipagtunggali sa mga evil Wiccans. Nanghina din ako pagtapos ng deadly fight kase ako nga si Al sa kwento at gaya nya, paborito ko din yong “Remember me this way” na kanta sa Casper the movie.

Sana di ko mapreempt ang excitement ng mga hindi pa nakabili ng book. So I recommend you get a copy of your own to experience the whole story. This book is a MUST have.

At dahil sa libro, nainspire ako lalo na mangarap na maging isang ganap na manunulat gaya ni Melay at Eloi. Ang sarap mangarap, haha.

Masaya din ako na nakita ko na sa personal ang mga bagong kaibigan ko dito sa FW. Si Kuya Rom, Mean Missy, Marco Liwanag, Mimosa, Adlesirc, Melay, Eloi at si Luca na naka-tiara =)

At si Sir Noid na na-touched ako sa comment nya sa akin sa FB.

:)

Nice meeting you all guys. Sana makapag bonding pa tayo ng mas matagal next time.


AttachmentSize
DSCN6396.JPG973.65 KB
7121_1133806181142_1106911327_30368617_8060037_n.jpg61.08 KB
7121_1133806221143_1106911327_30368618_5360973_n.jpg51.8 KB
Mimosa Pudica's picture

Nice meeting you too...

Nice meeting you too! Kahit po di ako gaanong nagsalita nung araw na iyon, dahil first time, may tagapagpakilala naman po ako, ang aking, PRO, Speaker, at mahal na si Marco Liwanag, hehehe. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ninyo malalaman na ako si Mimosa Pudica, dahil tumitiklop lang ako sa isang tabi...hehehe. Anyway, enjoy po ako at masaya na makilala ang ilan sa mga magagaling na miyembro ng FW.

 

More Power sa filipinowriter.com at sa ating lahat!!! Ingat po lagi, God Bless... (^o^)

****

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.

Patrickman's picture

aha! ikaw pala yun ha!

aha! ikaw pala yun ha! isnabera! joke! :D

dalawang beses ko pa tinanong sina melay at eloi kung sino yung kasama ni marco liwanag (na tinanong ko naman sa kanila ng isang beses pa) kasi hindi ko na-process agad dahil sa kangaragan.

kitakits na lang next time, kung magkaroon uli ng EB.

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Rom's picture

ang bilis!

 yun naman! ang bilis magbasa ni Joren sabado lang binili e. 

yung libro ko ng OPHCBTS nina melay at eloi hindi ako ang unang nagbasa at tumapos--yung anak ko. galing daw ng humor panalo!

inspirasyon itong si Melay at Eloi sa mga taga FW na magpursige makalikha ng libro. kung kaya nila kayo nyo rin, kaya natin.

salamat sa mga na meet ko dun, kahit na meet ko na dati yung iba

si Joren at Luca. si Marco at mimosa mga first time ko ma meet sana maulit pa.

sayang di ko naka kwentuhan yung iba ng matagal lalo na si Mimosa mahiyain e hehe...si Marco marami pa sana kami pag uusapan kaso maingay ang paligid at walang proper venue.

yung mga late dumating di ko na na meet. 

 

abangan nyo yung video ang bagal lang ng net ko hirap mag upload.

 

KarikaTuura

marco liwanag's picture

oo nga sayang di

oo nga sayang di tau nakapagusap ng matagal sir rom

 

gusto ko nga rin sana kaung maka usap ng one on one madami ako itatanong eh.hehehe

 

sana ullitin ang eb

 

sa nov at dec darating si rhea sa pinas eh pede ba mag eb tau  mga taga fw  sa mga bwan n un??

 

astig ang fw!!!!

 

hehehehe lagi napapag-usapan ang love story namin ni mimosa

hehehehe  

Patrickman's picture

kunwari ka pa e

kunwari ka pa e gustung-gusto mo namang pinag-uusapan, hehe...

 

anyway, libre ba ni rhea yun EB? :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

marco liwanag's picture

halata ba??

hahahahha siguro nga ipanalangin natin na sagot ni reya

 

 

 

 

http;//pagkamulat.ning.com 

Patrickman's picture

oi spoilers!!! sori, magko-comment na lang ako agad...

ambilis naman magbasa! hehe, ako hindi ko pa nasisimulan, sori... tinapos ko pa kasi yung kapitan sino ni bob ong tapos nahimok akong maglaro ng Final Fantasy 4 sa DS, kaso hindi ko mapatay si Cagnazzo kahit twice ko sinubukan (lecheng Tsunami attack yan!) kaya natulog na ako... tapos buong araw ngayon: working out, net surfing, sound tripping, video streaming, at panonood ng Unbreakable ang inatupag ko. baka mamaya, simulan ko na yung 1st chapter, kung may oras pa, haha.

oi, mag-oraganize naman tayo ng isang malaking EB before christmas! wala na ako halos naabutang pips nung book launching e, hehe. kahit simpleng get-together lang siguro, tapos merong poetry reading o impromptu declamation para masaya, hehe.

salamat kina melay at eloi sa pagbibigay sa akin ng biskwit. gutom na gutom na pala ako noong mga oras na yun, hindi ko na namalayan. last na kain ko 11am pa nung araw na yun, tapos ang layo pa ng byahe, kaya sobrang ngarag ako pagdating. hindi ko na tuloy rin halos nakausap si luca. si axel pinpin din pala, nakita ko, kaso hindi ako nakabili ng libro niya. next time na lang, bibili ako, pramis.

kitakits mga pips, kung kelan man yun, hehe. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Rom's picture

jam sa batangas

sa disyembre merong uuwi si Reah, si dyepri at si spike(?) malamang may EB tayo. tentatively sa beach ng batangas poetry reading, story telling sa bonfire. overnight kung pwede at jamming. uminom ang gustong uminom pero definitely masaya ito!

 

KarikaTuura

Patrickman's picture

ayun! sige, paghandaan natin

ayun! sige, paghandaan natin yan.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Ailem23's picture

oy sige, call ako sa EB sa dec

 dito ha sa aming punung-lungsod haha. kung beach, hahanap kami ng mura ha. baka laiya o lemery. kung okay lang kahit pool, dami na dito resort sa lipa. kung camp site ang trip, meron din blue roze dito..kung overnight sa bahay, malawak ang bubong namin. kasya tayo roon.  hehehe.. basta, sagot ko ang.... kape, as usual.... 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

CLOSET WRITER's picture

kuya rom...

nakakaexcite naman yang plan. medyo bitin nga ung last meeting kc di tayo nakapag usap masyado kc naoverwhelm din ako sa dami ng libro. feeling ko nasa disney land ako ng mga libro.

sa beach mas ok yan. may speech problem kc ako kaya pass muna ko sa poetry at story telling. mag po-poi dancing na lang ako haha.

keep us posted na lang sa mga development :)

yeh!!!

Rom's picture

oks!

 oks bro. cge sana bago mag dec 5 para makasama natin si Reah na galing pang dubai uuwi para sa EB hehe...

mga mid november kailangan nang mag occular inspection at magpa reserve ng house near the beach.

inuman to! 

 

KarikaTuura

CLOSET WRITER's picture

anytime ako :)

dapat si Rhea ang mag bigay ng date para tau na ang mag adjust.

sana marami ang makakasama.

inuman nahhhhh!!!!

drink you Magnolia milk first :)

Ailem23's picture

about december EB

 ngayon na kayo magdecide kung saan ba, beach o pool resort. dito tayo batangas di ba? magdecide na ngayon kasi ber month, madalas occupied ang mga resort for xmas parties o haloween chuchu.. magdecide na para magpapabook na tayo. gusto nyo ba ng writing workshop? hahanap kami ng magto-talk/workshop..

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Luca's picture

hey!!!

gusto ko sa..

 

LA LUZ!!!!

 

wag kang pipikit...

Patrickman's picture

oo, da best doon... laiya

oo, da best doon... laiya beach, yey! 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Ailem23's picture

hehehe...

 sige na, laiya na nga tayo... hehehe...

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

marco liwanag's picture

hahahhaha di ako marunong lumangoy

malamang sa araw na un ako ang mapaglaruan hehehehehe

 

pero game ako sama ako jan 

Luca's picture

waaaahhh

di ko pa rin siya nasisimulan.

na-excite kasi ako kay augusten burroughs at 2 years ko na siyang hinahunting.

promise matatapos ko yun by weekend.

 

wag kang pipikit...

Ailem23's picture

lolo patrick

 gutom ka na pala nun, di halata este di mo agad sinabi. buti na lang may palamay na biscuit ang new day. hehehe... salamat kuya ha...

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

CLOSET WRITER's picture

patrickman...

sorry kung medyo nadaldal ko na ang kwento. haha, pero iba pa rin yong satisfaction na binasa mo ng buo ang libro. kaya go! umpisahan na yan!!!

Ok lang ba kung sasabihin ko na hindi ako nag enjoy sa Kapitan Sino? Pls let me know kung anong opinion mo about the book =)

teka,it's unfair!!! bakit kami walang biskwit eh 11am din ako last lumamon. Muntik ko na nga ring damputin ung mga biskwit na nasa table ng cashier eh,haha.

sayang nga di tayo nagpang abot. nauna rin kc ko umalis. gusto ko yang mother of all eb na yan. call din ako jan. kahit overnight, anywhere.

Patrickman's picture

oi, hinay-hinay lang sa spoilers! sheesh...

hindi ko pa nauumpisahan yung book so PLEASE wala nang spoilers, ok? Ü

 

regarding Kapitan Sino, i enjoyed it. i've been reading his books since his first one, nung mga panahong wala pa gaanong nakakilala sa kanya, nagbabasa na ako ng mga gawa niya. i find his new book ok naman. hitik sa 80s pop culture nods at ok yung pacing. mas may depth at ok yung character development, compared to his last book na Macarthur. it's not the best novel around but it's ok nonetheless.

 

buti nga ikaw nakapag-ikot pa book fair e. ako bumili lang talaga ng book, tumambay konti, tapos mag-aalas-otso na pala so no time na para mag-ikot. i could have gone back the next day kaso sobrang effort pagpunta sa SMX from where i live so hindi na ako nakabalik. next book fair na lang siguro. baka may mag-launch na naman na mga FW writers ulit.

 

about the EB, i'll make sure na makasama na this time. basta maplano nang maaga, go ako dyan. kahit saan, hehe.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Luca's picture

re: Bob Ong

mejo naspoil ni Jo yung pagbabasa ko ng Kapitan Sino, at after a few chapters nadecide ko na tama nga siya. nabasa ko rin yung Macarthur.

hindi bagay si Bob Ong magsulat ng nobela. si Bob Ong ay pang-short time lang.

 

wag kang pipikit...

Tantizm's picture

  Nasanay kasi tayong

 

Nasanay kasi tayong basahin na laging komedya ang likha ni Bob Ong. Siguro sinubukan niyang ibahin yung karakter sa Macarthur kaso lang di swabe ang dating. Kung baga, malabnaw ang pagkakatimpla ng nobela. 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Yiennarda's picture

aha!

   kaya naman pala kahit na amoy na amoy kita eh malakas ang kutob kong dine-deadma mo lang ako eh haha.

at talaga namang may promotion na ganito... "So I recommend you get a copy of your own to experience the whole story"  hahah ayaw niya magpahiram bwaahaha...  Siya sige, bilhan moko, at palagyan mo na rin ng ddcation nina melai... yan ang punishment ng pande-deadma mo sakin. haha!

Congrats ulit Melai and Eloi, actually i really wanted to get a copy of your book, pwede pa reserve ako? with your autograph hah, pag umuwi ulit ako, I will definitely would want to see and hug you guys!   

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

CLOSET WRITER's picture

Yien...

sorry ha, di ko mabitawan ung book eh. na-under the spell ata ako haha? libro lang katapat mo =)

uwi ka na kc, sabay ka na kela Rhea.

yoko talaga ipahiram kc isa na sya sa mga treasured books ko.

beeee...inggit, hahaha!!!

spike_west's picture

Congrats melay

Syempre proud na proud ang kuya nyo------heheh ako yun! Galing galing naman hayaan mo yung pangako kong book bibilhin ko yun!heheheh! 

Sayang wala ako sa bookfair mukhang kay saya sya nun!Mukhang matutuloy ang uwi ko sa December kaya sana matuloy nga yung Grand Eb natin sa Batangas!heheh

 at pangako ko rin sa sarili ko 2010 maglalabas din ako ng libro!Sana matuloy!hehehe

Galing galing!the best kayo hayaan nyo promote ko ang book nyo sa blog ko!

ingat!

 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

ate yani at kuya spikey

 ang kyut ng tandem. hehehe. salamat po.... ate yani doncha worry makakakuha ka rin ng copy. di lang kita mapadalhan kasi ang mahal ng pafreight diyan sa planetang kinalulugaran mo e. napag-usapan nga namin ni kuya journey iyan kanina.. nagkita kami!!! at may natuklasan ako! hehehe.

kuya spikey, yahoo! uuwi ka december!!!! marami tayong agenda pag-uwi mo. 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Rom's picture

.

 sana makauwi ng mas maaga sa dec 5 ang mga nasa ibang bansa para naman makasama si Reah sa grand EB hanggang dec 5 lang daw kasi siya dito pag umuwi siya ng november

 

KarikaTuura

Mimosa Pudica's picture

Hahaha....

Salamat po, kahit nakatiklop ako sa isang tabi, napansin nyo po pala ako. Uyyy, senti.

 

Patrickman, hindi po ako isnabera, nung mga oras na iyon kasi ay malapit na akong mag-Cinderella at pinaghahanap na ako sa bahay namin. Nginitian po kita, di mo lang napansin. Tsaka, nung malaman ni Marco Liwanag na darating ka, talagang hinihintay ka niya kasi gusto ka niyang ma-meet. Lahat naman gusto niyang ma-meet eh. Hehehe. Di bale, next time, chikahan tayo...First impression won't last...pramis. (^o^)

 

Kuya Rom, hehe, bidang-bida po kayo sa mga kwento ni Marco sa akin at excited po siya na makita kayo, kaya hinayaan ko lang po siya na chikahin kayo. Umaga pa lang po nung magkita kami, excited na siya talaga. Sana maka-chikahan ko rin po kayo next time. Book fair po kasi yun, lahat tayo eager na makaikot kaya kulang ang time sa discussion at getting to know each other. Sabi ko nga po sa kanya, mukha kayong mabait...sabi niya, "Di lang mukha, mabait talaga yun!" Naks naman!

 

Melai at Eloi, di nyo na kailangang lasingin pa si Marco Liwanag di ba? Di namin dine-deny yung speculations nyo...Hehehe, Congrats sa book!

 

Luca, nice meeting you, ang saya mong kasama, kahit saglit lang. Naisip ko nung tinanong mo ako, "Hindi ka ba talaga nagsasalita?" dapat pala sana nag-sign language ako sa iyo, hehehe. Kaso ngarag na din ako nun eh, maghapon kaming palakad-lakad ni Marco Liwanag.

 

Adlesirc, nice meeting you too. At salamat sa pag-reveal ng name ni J. Hehehe.

 

Kina Joren at ate Teena, nice meeting you too po. Thanks pala Joren, napansin mo din ako nung nagpaalam ka na pauwi. Hehe.

 

Kay ate Aireen, na hindi ko kilala at hindi namin inabutan, the whole time na andun kami sa Book Fair, lagi kong naririnig ang name mo eh. Kaya sana makita at makausap din po kita next time...

 

At sa aking mahal na si Marco Liwanag, maraming salamat sa tula, sa pagsama sa akin maghapon kahit naligaw tayo papuntang school namin, sa pagtitiis sa pagiging iyakin at makulit ko, at sa pag-aalala sa akin sa lahat ng oras na magkasama tayo.

 

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Sana magkita-kita po tayo ulit. For the meantime, chika-chika po muna sa Yahoo Messenger at text ha...Ingat po lagi. God Bless. (^o^)

 

****

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.

Patrickman's picture

wushu... excuses...

wushu... excuses... :D

hosha, sige, bawi ka na lang next time.

 

si tantizm pala, dumaan din. bumili at nagpa-autograph ng libro tapos konting chitchat, umalis na rin agad. wala lang.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Tantizm's picture

  Pasensya na kung hindi

 

Pasensya na kung hindi ako nagtagal para makapag-usap tayo. Kasi gutom na gutom na talaga kami ng wife ko, sa loob ng dalawang oras na paghahanapan sa SMX. Pagkatapos nga naming bumili ng libro ay kumain kami ng sandamakmak...halos mapuno ata yung mesa namin sa mga order naming pagkain at pagkatapos ay nag-sound trip kami at istambay sa baywalk. Nakapagsulat nga ako ng tula.

Nice meeting you patrickman. Sa susunod usap tayo ng mas malaliman. 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Rom's picture

next time

 sayang bro di tayo nagkita nina patrickman di bale next time na lang sa Grand EB sana makadalo lahat.

panay ang tanong ko kay Melay kung darating talaga si Jon Royeca gusto ko talaga ma meet yung tao, kaso nga wala naman. 

 

KarikaTuura

Patrickman's picture

takot siguro, baka

takot siguro, baka ma-assassinate siya, hehe...

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Tantizm's picture

 Kuya Rom, bago mag-5 ay

 Kuya Rom, bago mag-5 ay nakarating na ako sa SMX kaso lang ay nagkahiwalay kaming mag-asawa dahil sa guard kaya't naghanapan pa kami ng halos dalawang oras. Gusto sana kitang kausapin dun sa stand natin sa domestic violence, nakusap ko kasi si Prof. Dorothy Jose ng U.P. Diliman at isa sa lider ng Gabriela. 

Pinaliwanag ko sa kanya yung stand natin patungkol sa isyu ng R.A. 9262. 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Rom's picture

sayang naman!

 naku sayang! mga past 6 na ata kami umuwi e sana nagpang-abot tyo. pero kung alam ko lang sana cel number mo natawagan kita that day at nagkita tayo, gala-gala din kami ni Teena dun e.

bigyan natin ng venue ang kwentuhan na yan kasi dun mismo sa SMX mahirap talagang magka kwentuhan bukod sa maingay madami ding tao tapos kapos pa ang oras. nagyayaya nga si Dino na magkape o kumain para magka kwentuhan kaso nagkasalisihan din kami hanggang sa mag 6pm na.

sa grand EB sana makapag kwentuhan na ng husto paghandaan natin. may mga nakakausap din akong lawyer na kasalukuyang may kasong hinahawakan involving RA9262 sinend nga nila sa akin yung court folios nila para pag-aralan ko pati yung petition nila sa Judge na may hawak nung kaso. grabe sa pagka ignorante sa batas ang mga judge na ito! 

 

set natin some other time. 

 

KarikaTuura

Tantizm's picture

  Kananakaw lang kasi ng

 

Kananakaw lang kasi ng selfon ko kaya wala akong magamit, yung sa wife ko lang ang ginagamit namin. Binigay nga pala ni Prof. Dorothy yung email nya sa akin, aminado naman sya na hindi nga patas ang batas na 'yon para sa dalawang kasarian.

marydorothyjose@yahoo.com

Yan kuya yung email nya. Kapag tinanong kung paano mo nakuha, sabihin mo sa isang member ng National Historical Association na dumalo sa kumperensya.

Kitakits tayo sa EB. 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"

Alexander Dagrit's picture

Nandoon daw siya

 

Natanong ko kay Jon E. Royeca kung dumating ba siya. Dumating daw, pero sinalakay raw ng hiya.

Kung ano-ano raw ang mga nakita niya. May maliliit ang hita. May nga palangiti. May isang mayabang. May matandang parang maligalig. May mga pogi naman daw pero patpatin. May ilang magaganda pero hindi raw niya gaanong nangapansin lahat kasi nasa malayo-layo siya. Nakikiramdam lang.

May isa pa raw na malaki ang noo. At iyong isa raw, parang tulo laway.

Sa kabuuan daw, ang saya-saya raw niya. Ganoon daw siya, obserbante muna bago makipagkilala.

 

 

 

 

The Best and the Most Promising Writers In FilipinoWriter.com

 

Rom's picture

mr. stamp pad

 bro, pasensya na ha pero napaghahalata na ikaw at si JER ay iisa.

hindi mataas ang naabot ng pinag-aralan ko katunayan di ako graduate ng college pero di naman cguro ako ganun ka tanga na di makakahalata sa mga sinasabi mo.

daig mo pa ang spokesperson ni royeca o mas magandang sabihin na daig mo pa ang asawa ni royeca sa pagsasalita ng mga intimate thoughts na "nanggagaling" umano sa kanya.

 kung hindi ka man si JER tigilan mo ang pagiging "stamp pad" nya. bukod sa nakakairita e nakakainis pa (pareho lang ata yun)

be your own self, pero kung si royeca ka nga lumantad ka na wala namang masama na ikaw mismo bilang si JER ang mag post dito e.  

nakakainis lang ginagawa mo kaming mga tanga dito. kesyo "sabi daw ni JER" o "nakausap ko pala si Jon Royeca sabi niya..." bullshit!

gaguhin mo sarili mo wag kami! 

KarikaTuura

Alexander Dagrit's picture

si rom talaga

 

akala ko, bati na tayo.

quiet na lang ako.

 

 

 

The Best and the Most Promising Writers In FilipinoWriter.com

 

Rom's picture

good! i-quiet mo na rin ang

good! i-quiet mo na rin ang pagiging stamp pad kay Jon Royeca ha, halata ka na e. at mananahimik na rin ako kung ititigil mo yun.

 

KarikaTuura

Patrickman's picture

inaantay nga namin nila

inaantay nga namin nila melay at eloi ang pagdating mo e, este, ni jon royeca pala... hosha sige ikaw na rin, or kayong dalawa... 

 

bakit naman siya mahihiya? aside from the fact na siya ang pinaka-hated na tao dito sa FW at one point at marami siyang nakaaway dati (buti naka-exile ako noon from FW kaya hindi kami nagkabangga), wala nang ibang dahilan para mahiya siya. or ikaw. hosha, sige, kayong dalawa.:D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

aireen's picture

Hi Mimosa! Naku pasensiya na

Hi Mimosa!Smile

Naku pasensiya na sa inyong lahat ha... 

Nakasimangot na kasi si hubby eh.. sayang nga 3:30 kami lumabas ng book fair. Di kasi siya nag-eenjoy e, di ko nga na-scann yung mga books na tinda dun..

Namissed ko rin tuloy na makilala si joren, lucca, marco at syempre ikaw.. haist!

Nandun pa pala si sir dino, tapos di ko rin ulit nakita sina kuya rom, anne at ate teena..

Nahihiya nga ako kay eloi, at melai sabi ko pa naman babalik ako.. Frown

Tapos na-meet ko rin si bossing axel.. di ako nakabili ng book niya, kasi masama na tingin ni hubby sa akin..Cool

 

FrownFrownFrown

 

Di bale next  tym.. next tym.. sana makasama ako...

pasensiya na po ulit ha...

Mimosa Pudica's picture

Ate...

Nakiki-ate na rin po ak kahit hindi kita nakita. Haha. Sana sa susunod na mag-set, makasama naman ako. I am sure masaya yun!!!

 

Nakakatawa nga po, kahit hindi ako nagsasalita o baka naman dahil sa hindi ako nagsasalita eh na-recognize nila ako hehehe.

 

Ingat po lagi. God bless. (^o^)

****

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.

Luca's picture

hehehe

ibang level ng pagka-silent type to si girl.

 

di ko nga na-capture yung totoo mong pangalan. pero kebs. lalasingin ka na lang namin minsan.

 

mejo nabitin ako sa EB na yun, lalo't may pasok ako ng 9PM at balak ko sanang dumirecho na ng office galing SMX. haaay, marami pa namang oras. matagal pa naman akong mamamatay. hehehe.

 

sana mapost din yung mga pictures natin sa facebook, kahit na forever down siya.

Jo, salamat sa pagpost ng aking dragon pic. na-capture niya ang nakatiara/nakatira factor ko nung araw na yon completely.

eloi i-resuscitate mo na yung facebook mo oki?

 

wag kang pipikit...

Mimosa Pudica's picture

Luca...(^o^)

 Cristina po ang real name ko. Don't worry kahit hindi ninyo ako lasingin, pag nasanay na akong kasama kayo, magsasalita ako promise...kahit speech pa katulad ng ginawa ko sa PICC last year. Hehehe.

 

Ingats lagi. God Bless. (^o^)

 

****

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.

Patrickman's picture

sa presinto ka na

sa presinto ka na magpaliwanag, wehehe...

 

lalasingin ka raw ni luca, may balak sayong masama, hehe. :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Mimosa Pudica's picture

Hindi nyo kaya....

Hahaha! Hindi ninyo ako kayang lasingin kasi hindi ako umiinom. Kahit anung pilit nyo...Hehehe. Makauwi na nga, sa bahay na ako mag-o-online mamaya...

 

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat at sa bagong pagkakaibigan. Ingat lagi. God Bless...

 

**** 

Mimosa pudica, sensitibong nilalang,

Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.

CLOSET WRITER's picture

Don...

haha, Don talaga kc may crown ka eh. send ko na lang sa ym mo ung ibang pix mo with your scandalous tiara,haha.

umpisahan mo na yang book. at ng mareview mo na rin.

CLOSET WRITER's picture

Cristina, cristina...

pinansin naman kita nong pinakilala ka ni Marco. cguro nga, bukod sa busy tau medyo naiilang pa tau sa isat isa kaya nagkakahiyaan pa. im sure next time pag mas may oras lalabas din mga kakulitan natin. tingnan mo nga, andaldal mo naman pala pag d2 sa site haha.

pagnagkita tayo sa next eb don ko na lang itatanong kung pano nabuo pagmamahalan nyo ni Marco, yiheee