Okay lang bang maging PLASTIC???

ichbineinberlyn's picture

Hindi naman talaga ako sentimental na tao, i mean i like love song rather than rocks pero as i define myself.... Happy go lucky and free spirited naman ang character na angat sa akin, basta masaya ako kasama. Kaya talo ko pa ang Globe "Always on the go!" lalo na kapag gusto ko yung tao. Minsan nga kahit hindi ko siya gusto, hindi ko pa rin ipapakita sa kanya na ayaw ko sa kanya kasi for me ang importante lang naman kung hindi mo lubos na kilala o kahit na kilala mo man siya mula ulo hanggang paa ay RESPETO. Kahit yun lang maipapakita mo sa ibang tao wala ng issue at keme, plastic na kung plastic pero ayuko talaga iparamdam sa tao na may galit o ayaw ko sa kanya dahil ayukong gawin sa akin yung ganun. Kung may issue man huwag na lang palakihin kasi matatapos din yan hindi naman habang buhay magkakasama kayo palipasin na lang. Magugulat ka nalang nakalimutan na niya yun and as i experienced ikaw din naman yung talo kapag nagalit ka, ikaw lang yung mai-stress sa kakaisip dahil ikaw yan. You don't even know kung he or she feel the same way, yun pala natutulog lang siya kasi wala lang naman talaga yun para sa kanya sadya lang talagang may mga tao na mahilig sa away at masyadong big deal ang mga bagay bagay o war freak ika nga. Opinion ko lang naman mas okay kasi para sa akin na pabayaan na lang maybe at the right time magiging okay na ang lahat. PLASTIC! Madaming Orocan sa mundo iba-ibang klase yan at siguro kung plastic man ang tawag sa mga taong katulad namin OO plastic nga ako! Pero may plastic na maganda naman ang quality at may purpose o dahilan, meron din namang disposable o talaga namang modus niya na ang siraan ka niya kapag nakatalikod ka and pag nakaharap eh parang maamong tupa. As i consider myself as a PLASTIC human being siyempre dun ako sa plastic na may purpose. Ewan ko ba ayoko lang talaga ng confrontation hindi dahil sa duwag ako pero ayuko lang makasakit ng feelings ng isang tao para lang masabi yung mga bagay na mali sa kanya. Ako lang din kasi yung makokonsensya sa huli sa mga nasabi ko. Siguro naman yung taong yun kahit katiting ng buhay niya may naipakita na maganda sa iyo di ba? kung wala man, kiber na lang iyon hayaan mo na lang siyang ma-karma na wala kang effort. Sa tingin ko naman hindi pagiging matapang ang sabihin sa isang tao na ganyan siya o mali siya in a wrong way like ipamukha mo sa kanya or hindi mo siya pakitaan ng maganda para maramdaman niya na mali siya. If ever na ganito ka mg-isip opinion ko lang naman pwede ko bang sabihin ito: Look who's here? If ever na sabihin mo sa isang tao yung mga mali sa kanya in a wrong way at nakasakit ka, ikaw na siguro yung mali and for me youre not brave enough, you are just insensitive kasi for me lahat naman tayo nagkakamali at imperfect. The last time kasi na may nagparamdam sa akin ng mga pagkakamali ko, nasaktan naman talaga ako kasi nga ako yung tipo ng tao like what i said masayahin naman talaga ako siguro joker kahit minsan hindi naman talaga ako nagpapatawa (haha! Na-experience niyo na ba yun?) natatawa sila and additional na yung pagkamali-mali ko. Kaya nga i have many friends kahit na mga bakla kakosa ko, pero i really dont have my one and only best friend that i've always wish for... Hirap kasi ako magtiwala para sa akin isa sa pinakamahirap ibigay ang tiwala at isa din sa pinaka-mahirap ibalik. Kaya nga nung na-experienced kung maparamdam sa akin na mali ako, i mean kung usapang friends ha, iba na yung family :) for the first time in the history ng buhay ko ngayon ko lang naramdaman na may nagalit sa akin at kasama ko pa sila palagi sa school masakit lang kasi simula ng nag-college ako sila na yung kasama ko sa hirap man o ginhawa i considered them as friend... A close friends and to think of it sa umpisa ng college life ako pakiramdam ko sila na talaga yung hinahanap ko kasi very compatible kami masayahin, maloko, mapanglait (pa-joke naman) and sila na yung naging way para maging okay at comfortable ako sa college at pinakita ko yung talagang ako na nagustuhan ng ibang tao na ako dahil yun yung ako (magulo? Sensya na >:)) yun nga siyempre sa college may competition lahat naman kami gusto pumasa at naiintindihan ko naman na nagkamali ako pero, the time na naramdaman kung hanggang doon lang pala yung friendship na yun and the fact na for me hindi naman ganun kalaki ang kasalanan ko sa kanila and that small thing for me goes to a big feeling na hindi ko na makakalimutan kahit na siguro tapos na naman yun. Siguro napatawad ko na sila pero nakatatak pa rin sa akin iyon. Like a broken glass, kaya pang ibalik pero may lamat na. Ang mahirap kasi sunod-sunod na hanggang sa naramdaman ko na na sobra na pala sila and i dont deserved to be treated like this dahil mataas ang tingin ko sa sarili ko. (Dumating din kasi sa point na down ako at sobrang ang liit ng tingin ko sa sarili ko kaya I try my best na i-angat yang sarili ko and I promised to treat myself what I deserved to be.) Sino na ang mag-aangat sa akin kung hindi ako di ba? until nawalan na ako ng gana at tiwala. :( and i hate this feeling... And its all begun with a notes na hindi ko naman nareview ng bongang-bonga!!! May katabi kasi ako maayos magsulat, as in organized dahil nag-rerewrite pa siya ng notes samantalang ako diretso na sa book ang notes ko. Dahil sa mabilis ang teacher at hindi ko maintindihan ang notes ko dahil hiwalay hiwalay ang page inapproach ko siya ng maayos siyempre segway dito echos doon and luckily pumayag siya kasi ka-kwentuhan ko siya at naging close ko na din kami dahil palagi kami magkatabi. Sabi niya sa akin papahiramin niya ako huwag na lang daw maingay sa iba pinag-PROMISE niya ako at ok naman sa akin hanggang gusto na din hiramin ng mga kasama ko pero hindi siya pumayag at ayun pinagusapan na nila na nagdadamot nga daw until pinaparinggan na nila so Ms.Maganda notes. Ako naman si gaga yun nga ang mali ko nung tinanung sa akin sabi ko "Wala nga hindi ako pinahiram." basta umechos pa ako that time para hindi mahalata na may copy ako and to tell you honestly naghahabol kasi ako sa subject na yun kanya-kanyang diskarte para pumasa and i think in that experienced totoo nga na kahit gaano kadame ang pinakita mong magaganda sa tao magkamali ka lang isang beses nakalimutan na. Naghahabol din yung may maayos na notes kaya nagkalapit kami ng loob kasi nga we feel the same way, we are in the same shoes. Siguro para sa kanila naghahabol sila pero sure ako na ako ang pinakanaghahabol sa kanila kaya nga grab na agad yung opportunity kasi naman ang emote ko lang naman maayos yung pagkaka-approach ko kaya ako nakakuha ng notes at isa pa hindi ko naman aakalain na ganun yung magiging reaction nila sa tagal ng pinagsamahan namin. Until nalaman nila, dahil isang araw nagpaparinig sila dun sa may magandang notes, napikon siguro kaya sinabi niya na pinahiram niya ako kaya yun that time nalaman ko na din na alam nila kaya pala ang cold ng treatment nila sa akin basta iba yung aura parang ako na lang mag-isa kapag naglalakad kami tapos OP na ako sa mga topic basta umabot ng 2 days yun sobrang nahirapan lang yung feelings ko kasi ngayon ko lang naramdaman yun sa mga tinuring ko pang kaibigan. I admit it nagkamali ako kasi wala akong choice...i promise at siyempre ayukong sayangin yung chance pero yun nga may nagsabi sa akin na kung siya daw yung nasa sitwasyon ipapahiram niya yun sa amin, pero i realized na siya yun iba ako and para sa akin mali man ako pero tama yung desisyon ko. Okay na din na nangyari yun atleast ngayon alam ko na ang masakit lang nagbago na din yung tingin ko sa kanila, ilang beses na din ako humingi ng sign kung aalis na ako sa grupo namin dahil simula noon nag-iba na din sila sa akin palagi ko nararamdaman na hindi na ako masaya, minsan kasi tama yung radar na minsan kapag wala ka ikaw na pala iyong topic, nawala ka lang saglit itatanong na agad kung saan ka pumunta, lolokohin ka na may boyfriend ka kaya may ka-text ka, ang nakakainis lang yung ramdam mo kasi na kapag wala ka, ikaw yung topic nila. Ang dami-daming instances na nangyari para maramdaman kung hindi na ito ang gusto ko, pero siyempre hindi ko pa rin naman makakalimutan yung mga magagandang ginawa nila sa akin kaya nga siguro hanggang ngayon magkakasama parin kami. Plastic? hindi siguro RESPETO ko na lang sa kanila yun kaya sa ngayon pagdating sa kanila ayuko ng magsasama kung hindi about sa school ang lakad, hindi ko na din bet yung mga laitan na topic ultimo brand ng sapatos nung isa alam, kung ano na status ng relationship ni boy at ni girl nagsawa na din siguro ako. Okay na din ito masaya naman ako, nabawasan na din kahit papaano ang pagiging laitera ko. Ewan ko ba kung bakit umabot ng ganito na hindi na ako masaya kapag sila ang kasama ko. Oo natatawa ako, naeexcite ako pero hindi na katulad ng dati kasi wala na yung tiwala. Hinahayaan ko na lang sila, sila nalang ang magsabong at gumawa ng competition minsan lang nakakainis pero hindi naman maiiwasan yun kasi magkakaiba kami.... Pero sa totoo lang naging mabuti talaga silang kaibigan, kahit papaano naramdaman ko naman na kaibigan ko sila kasi alam ko naiparamdam ko naman sa kanila yun. Magkakaaway man kami, kami kami pa rin naman ang nagtutulungan at magkikita sa finals at sana lang lahat kami maka-graduate para hindi naman sayang yung nasirang tiwala at maging worth it dahil sa mga tao kasing nakapaligid sa akin sila yung mga isa sa reason kung bakit until now Im a Survivor! Kaya salamat and sorry sa mga taong nagawan ko ng mali. Ang gusto ko lang naman makahanap ng taong tatanggapin ako kung ano ako kaya nga sana makahanap na ako ng tunay na kaibigan, yung alam kung totoo. Siguro iyong kaibigan na kahit masaktan niya ako dahil sasabihan niya ako ng mali, kahit na masakit tanggap ko siya at honda ko mararamdaman na may kulang. -Ich bin ein Berlyn I just want to write my opinion, thoughts, & feelings in this blog pasensya na sa mga na-offend >:) peace! and maraming salamat sa naka-relate at higit sa lahat sa mga na-inspired and as i write my experiences, i know in myself that this will be treasure. sana maging okay na tayong lahat.