NILALASON NG KLASE NI CMVILLANUEVAJR ANG FW NA MINAHAL KO

Luca's picture

Ang susunod na akda ay may temang nangangailangan ng UTAK.

Maaaring wag ituloy ang pagbabasa kung BOBO ka.

 

 

 

 

 

 

 

___________________________________________________________________________

Statement na kung statement. Sige!!!

Handa akong makipagsabunutan sa mga JEJEkids na magrereact sa post na 'to. Kung may arte ka, saksak mo sa baga mo. O kaya gawan mo ng reaction blog na wrong grammar, mababaw, StIcKy CaPs, at JEJEfied.

Nakikita mo yung profile pic ko?!

Oo, ako talaga yan. Abangan mo ko sa kalsada tapos magsapakan tayo. Isama mo pa yung buong klase niyo.

Mas mabuti na yung magpisikalan tayo kaysa unti-unti niyong pinalalabnaw ang utak ko at ang pasensya ko sa mga post niyong may potential sanang magkaroon ng interest kaso SOBRANG TADTAD NG BASURA!!!!!!!!!!!

Proud ba kayong nagpopost kayo ng mga shit na ganyan tapos ipapakita niyo sa iba niyong kaklase (sa buong WORLD WIDE WEB) at sa titser niyo, na hindi ko kakilala personally so hindi ko siya ija-judge (pero masasabi kong baligtad ang hawak niya sa camera nung kunan niya ang profile pic niya, at hindi siya mahilig magsaway ng spelling, grammar at over-all sense online)?!?!?!?!

Pero dahil naniniwala ako sa due process, kahit na bistado na natin ang feelings ko para sa inyong lahat, bibigyan ko pa rin kayo ng pagkakataong magpaliwanag.

Alam kong maraming beses nang nagsaway ang ilan sa mga datihang members dito sa inyo. Pero hindi ko maintindihan kung dense ba kayo o sadyang nabubulagan lang kayo sa dalisay na adhikain na siguro (benefit of the doubt) matitimtim niyong pinupursue pero sobrang disastrously niyong hindi nafufulfill.

May isa pa sa inyong naglakas-loob na magdahilan na kesyo this is a free country quieme quieme to that effect na pwede kayong magpost ng kung anong gusto niyong shit kasi walang pakialamanan. Pero meyn...

PAPATULAN KO NA 'TO...

PAPATULAN KO NA 'TO!!!!!!!!!!!!!!!!

Sir, boss, chip, G. Villanueva, alam kong maganda ang intentions mo (actually, hindi ko talaga alam, benefit of the doubt ulit) at, in fairness, marami sana siyang good points. Pero gaya ng lahat ng proseso sa buhay, dumadaan ang pagkakataon na dapat tingnan mo rin kung nagagawa niya ba talagang maisakatuparan ang puntong gusto mong ituro sa kanilang mga estudyante mong balak mong ahunin sa dagat ng kamangmangan (kasi I'm sorry, pero parang they're still drowning).

Tama yung tinanong nila ROM/RJ/SINTA, kailangan ba nilang magpost kasi gusto nila o nagpopost lang kasi kailangan nila?

Kasi basahin niyo yung mga gawa nila, parang mas marami pang musika ang utot ko (at least yun, conscious pa akong maging appropriate siya in tone and volume depending on the surroundings). At mas marami pa yung sense nung kapitbahay kong adik na kakatapos lang magbottoms-up ng isang garapong benadryl.

Nakakalungkot makitang hindi pinahahalagahan ng ibang tao yung mga gawang pinag-isipan at pinaghirapan ng mga manunulat/ alagad ng sining at ang bibigay lang nilang reaction ay mas mababaw pa sa matres ko.

Yung iba nga hindi talaga reaction, parang synopsis lang at ang sasama. Halatang yung iba ay nakichismis lang sa seatmate. Tapos post na para lang may masabi.

Haaaay...

So, maarte ba ako kasi hinaharangan ko yung trip niyo? Inaangkin ko ba yung FW kasi feeling ko ako lang ang may karapatang magpost? Papaliwanag ko pa ba yan? Bakit gagawan mo rin ng reaction paper na isang poorly constructed paragraph na puro sentence fragments in JEJElanguage at devoid ng subject-verb agreement o coherence?

Nung sumali ako sa FW higit isang taon na ang nakakaraan, sobrang excited akong buksan siya. Halos araw-araw, tuwing mahaharap ako sa computer binubuksan ko ang site na ito, kasi feeling ko may mga taong mataas ang pagpapahalaga sa sining ng pagsulat at sa pagpapalawig ng pagmamahal sa panitikan. Kahit na paquieme-quieme blogs lang na gaya ko ang pinopost.

Alam niyo ba yung feeling ng pinipili mo nang mabuti yung bawat salitang nilalagay mo? Yung nirerequire mo na dumaloy nang tama yung sinusulat mo? Na ginagalugad mo ang universe mo sa brain para maghanap ng kakaibang image na pwede mong gamitin to prove or demonstrate a point?

Hindi ba magandang yung ganung feeling ang narerealize ng mga estudyante mo? At ang pilitin silang gumawa ng mga account dito at magpost ng basura dito ay hindi shortcut tungo doon. Bakit hindi niyo subukan pag-usapan sa klase ang mga pinopost niyo dito para naman macorrect mo rin ang grammar nila kung English. At para maparamdam mo sa kanila na hindi lang pisikal ang pagtingin sa tula o dula o maikling kuwento, IN REAL TIME!!!

I'm sure G. Villanueva, mas mataas na antas ng fulfillment ang mararamdaman mo bilang guro kung makikita mo ang realization na yun sa harap mo mismo. Kaysa yung dito kayo nag-iimbak ng basura niyong gawa na nakakasagabal lang sa mga gawa ng ibang taong seryoso sa pagsusulat at sa pagkatutong magsulat at sa pagbabasa at pagpapalitan ng mga kuru-kurong may SUSTANSYA.

Ngayon, tuwing bubuksan ko ang FW, naririndi akong makakita ng mga post na paulit-ulit at panay clear soup ang effect- parang pinaghugasan ng pinggan na ininit at nilagyan ng dahon ng sibuyas.

Tinatamlay na akong magpost ng mga gawang pinapaghirapan ko, kahit na mukha siyang walang kwenta.

At yan G. Villanueva ang klase ng hadlang na tuluyang papatay sa Panitikan sa Pilipinas.

Ngayon, kayong mga estudyante ni G. Villanueva, hindi kayo exempted sa pangaral na ito. Kasi basura niyo ang pinagmumulan ng pagkainis ko. Sinasayang niyo ang pagkakataong mag-aral. Masuwerte kayo dahil napipilitan kayong manood at makaranas ng sining sa eskwelahan. Sana nakikita ninyo kung gaano ito kahalaga, at sana pinapahiwatig niyo ang kahalagahan na ito sa mga ginagawa niyo dito.

Tandaan niyo, kung anumang basura ilagay niyo sa internet, malilink at malilink ulit sa inyo 10, 15, 30 years from now. So gusto mo bang may patunay ang mga tao kung gaano ka kabobo?

Pasensya na 'ka nyo ako kasi hindi kayo magaling (in sarcastic teenage angsty voice) pero dooood, hindi naman question ng galing yun kundi question ng saysay. Keri lang naman na hindi ka masyadong matalino, o hindi ka marunong magpa-tambling ng mga salita, pero kung susubok ka na rin lang, at graded pa ito (yata), di ba sapat lang sigurong ipahiwatig mo na merong lamang sisig yang kokote mo?

HAAAAAGGGGAAAARDDDD!!!

Ako, seryoso akong magsulat. Kahit na marami pa akong pwedeng pagbutihin. Maraming katulad ko rito sa FW, at dahil sa mga shennanigans niyo, nawawalan sila ng ganang magpatuloy magsulat. Kahit ako.

Kaya buwisit kayong lahat.

Pollution.

Lason kayong unti-unting pumapatay sa amin.

Wag kayong mag-alala, malapit na rin kaming tuluyang mawala.

Kasi nga, pinapatay niyo kami.

PINAPATAY NIYO KAMI!!!! MGA PACKERS!!!


Ailem23's picture

kapatid, pwedeng hold muna ang temper?

 nag-message ako kay sir villanueva regarding this... hintayin muna natin ang explanation niya and we'll make resolution.... calm lang muna.... okay?

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Luca's picture

hmmm...

sige... magkakape muna ako. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Luca's picture

hmmm...

sige... magkakape muna ako. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Rom's picture

Doni, gusto kong sabihing

Doni, gusto kong sabihing hinay-hinay lang. kalmante ka lang...pero hindi, hindeeee!

noong nagsisimula pa lang akong magsulat, FW ang nagbukas sa isipan ko kung paanong ang isang walang kaalam-alam sa paggawa ng tula at maikling kwento at pwedeng makibahagi sa larangan ng literatura. kahit wala akong degree sa kung anong kaek-ekan ng mataas na pamantasan at hindi ko nakatalamitam ang sino at sino ng mundo ng lietratura, nabigyan ako ng di matingkalang pag-asa na balang araw ay makapag susulat ako at maibabahagi ko ang laman ng malapot kong utak sa mundo.

dahil sa FW natupad yun...

yun yung mga araw na kung saan bago ako magsulat ng iniisip kong kwento ay nanlalamig muna ang kamay ko, ang talampakan ko, nakararamdam ako ng excitement na parang bang may kung anong matinding kiliti na gumagapang sa batok ko at pumuputok sa aking utak tapos ititipa ko ito sa keyboard at mamasdan ko ng buong sarap habang binabasa ang katatapos ko lang na shitty-shit kahit ako lang ang nakakaintindi.

noon yun...

kasi excited pa akong magsulat para sa peeps ng FW, kasi nga ang atmosphere ng FW noon ay kumpetisyong di naman contest pero dahil ang mga kapwa mo nagpopost ay kapareho mong nagsisikhay na mapabuti ang pagsusulat at handang makipag tagisan ng bagang at makipag pitpitan ng bayag maihataw lang ang mga akda nilang galing pa mismo sa kaibuturan ng libag ng kanilang kuyukot. in ader words, kahit walang degree sa pagsusulat at pawang baguhan lahat--matindi ang PUSO ng bawat isa dito (noon yun) na pairalin ang self-imposed discipline na magsulat mula sa puso at utak---at hindi dahil nirerequire lamang ng titser. di bale na ang mga rules ng pagsusulat sa tula o kwento dito ang mahalaga magsulat ka ng may puso.

aminado akong dito ako natuto, at dito ako kumukuha ng inspirasyon para makapag sulat ulit. impluwensya ko sina Dyepri, J. Luna, Axel Pinpin, Sinta sa pagsusulat. sa kanila at sa iba pang mga miyembro ako humuhugot ng talino at lakas para makapagsulat ulit.

kung mawawala ang mga post nila at ng iba pang miyembro na gumagamit ng puso sa pagsusulat sa FW---mawawala na din ako.

kung mapapalitan ang mga post dito ng mga "review" kuno at kung anu-ano pang kaek-ekan na di man lang pinag isipan at halatang walang puso. kayu-kayo na lang.

isang buwan mula ngayon kung ganyan pa rin..goodbye FW... 

PS: pakitanong nga kay Mr. Propesor kung may nararamdaman siyang PUSO sa mga sinusulat ng mga estudyante nya? 

 

 

KarikaTuura

Luca's picture

may nagawa akong magandang tula nung isang linggo.

hindi pa siya perfect pero sobrang natutuwa ako sa kanya at gusto ko pa siyang ayusin nang ayusin.

 

gusto ko sanang ipost yun dito kaso baka masayang lang.

 

hindi ko na lang siya ipopost forever. NEKNEK ng world 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Rom's picture

ako din may mga bagong

ako din may mga bagong kwento at artwork. di naman naghahanap ng atensyon yun at pat-in-the-back comment pero kung ipiprint ko sya, lalamukusin ang papel at itatapon sa basurahan baka mas may magbasa pang basurero dito sa amin kesa sa ipost ko dito at matabunan ng sanlaksang "basura" at mailibing sa payatas.

 

KarikaTuura

Luca's picture

hahaha

naaalala ko na naman yung sa Vicky Christina Barcelona, yung isang character dun, yung tatay ni Juan Antonio, magaling na writer din. Tapos bilang rebellion sa society, hindi siya nagpapublish ng tula.

sana ayusin ito... nakakamiss na yung dati (to think na hindi ko naman naabutan yung mga sobrang lupit na times)

Melai, baka naman si sir ang kailangan magkape. Pinadalhan mo ba? 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Ailem23's picture

honestly

 andami ko ng napanis na work dahil sa postings na iyon. hindi napapansin ung ibang may "sense" na post... napakunotski nga rin ako nang makita ko ung live discussion. kala ko kasi nawaley na iyon nitong mga nakaraang araw. pinagbubuksan ko lahat. and i decided to address the issue kay mr. villanueva. siguro we could find ways, para naman hindi lumabas na gusto nating silang idispatsa o magiging harsh tayo. there are ways... kailangan lang pag-usapan ng mabuti... 

 

hmmm, parang ang bait ko ngayon??? makakain nga uli ng corned beef bukas. hahaha. 

 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Luca's picture

ahahahahaha

girl, weno ngayon kung lumabas na bet natin silang ipadispatsa?! Ako, payag ako sa ganon.

Pero siyempre, dapat maging realistic.

Hopeful ako na maayos nga ito ni Villanueva.

Kung ayaw niya naman.

E di shiyet. 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Ailem23's picture

hahaha

 naisip ko lang iyong mga estudyante niya.. haha... 

 well, kung sakaling ayaw ni Mr. V na makipag-usap sa atin at maging open sa resolutions e di bahala na. sipain nio palabas. hahaha. kayang-kaya nio na iyan. wala ring mawawala sa akin kung idispatsa sila, in fact we could be benefited pa nga pero, wag nating ipagdamot ang site... kung ung ngang "mga ewan dito" e welcome un pa kayang mga estudyante na sumusunod lang sa guro nila?  maging fair tayo ng konti wag ung sugod ng sugod mga kapatid! hahaha... 

gusto nio bigyan ng taning? 24 hours. pag walang reply akong natanggap kay Mr. V, sige sugod na.

 

Let there be fish este peace on earth. 

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Rom's picture

sana parang grade school

sana parang grade school lang ano? may row 1, row, 2, row 3, row 4. dun uupo sa row 1 yung buong klase ni sir cmvillanueva tapos tayo sa row 4 na lang. tapos dun sila mag-ingay at mag jejehan habang tayo naman magsalsalan ng utak sa row 4. 

tapos kapag nagkita-kita sa quadrangle rambulan na lang haha! 

 

KarikaTuura

Rom's picture

let's storm the area men!

oi, peeps kung gusto nyo ganito gawin natin. irepost natin lahat ng lumang gawa natin dito araw-araw bagyuhin natin ang FW ng mga lumang post natin pati yung post ng mga peborit nating manunulat at tingnan ko lang kung may makuha pang space ang mga shitty shit na virgin labfest at pre-colonial era ek-ek na yan.

whaddayathink? 

 

KarikaTuura

Ailem23's picture

haha

 tapos ung iba manonood lang sa isang sulok, nagpupustahan pa kung sino mananalo sa suntukan. hahaha.

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

dollysbigbaby's picture

yehey! welcome back! *clap clap clap*

you alone have the balls! naks.

ako man, i would rather read crap that comes from the heart than that which comes from the pwet.

nakakalungkot talaga, di ko na halos nakikita ang mga akda ng datihang tulad mo, at alam kong dahil ito sa mga reaction ek ek na biglang dumagsa dito na reminiscent of bagyong ondoy. sana manumbalik ang sigla ng site na to. pwede ba nating pagmitingan ito in person? as in sa berdey kunwari ng isa dyan?

Wink

pero seriously, sana something can be done about this asap. sayang if we let our passions be defeated this way.

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

hahahahahaha!!!

subtle ka mare, pero sige, bet ko ang mga ganyang get together.

pero lamo na, nabiktima ako ng sobrang gastos kaya max out ang card at said ang kaban ng cash.

 

SA MGA NAGMAMAHAL SA AKIN, TUMATANGGAP PO AKO NG PERA. MARAMING MARAMING MARAMING PERA!!!

 

tapos magpapainom ako!!!!!!! Wahoooooooo!!!! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Jack Alvarez's picture

ayan si luca...

feel na feel ko yung galit mo!

Luca's picture

oy Jack!!!

namimiss ko na yung mga kwento mo!

Welcome back! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Jack Alvarez's picture

ako'y nagbabalik...

tagal ko nawala, naligaw ng landas.

hahahahaha!

taray ng statement mo a!

Luca's picture

ganyan talaga

kapag nagpapayaman. asus...

cute ba ng statement? bagong mantra ko yan e. para naman mahimasmasan ako nang konti 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

ako, i will donate 1 US dollars!

tsaka lotsa love... MWAH

hoy mare, ever heard of potluck? wag mashadong magdrama ha. wala ka nang excuse. tuloy na natin to... yipeeeeeeee!

 

 

http://dollysbaby.blog.friendster.com/

Luca's picture

hahaha

oo nga naman. actually meron na akong idea. may bar yung friend ko na pwede natin puntahan.

kaso KKB. 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

dollysbigbaby's picture

kelan yan mare?

RJ Santos's picture

"Alam niyo ba yung feeling

"Alam niyo ba yung feeling ng pinipili mo nang mabuti yung bawat salitang nilalagay mo? Yung nirerequire mo na dumaloy nang tama yung sinusulat mo? Na ginagalugad mo ang universe mo sa brain para maghanap ng kakaibang image na pwede mong gamitin to prove or demonstrate a point?"

I likes! Bravo sa linya na yan. Grabe, yan yung pinakamasarap na pakiramdam pag nagsusulat. Haaaay!

 

At agree ako sa lahat ng sinabi mo, Luca. Buti na lang at nandyan ka dahil hindi ko siguro gagawin at sasabihin ang ginawa mo ngayon. Ang duwag at tamad ko talaga hehehe :D 

Luca's picture

ano ka ba RJ

inspired lang talaga. :)

hihi... wag tayong papatalo sa mga JEJE's 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

Luca's picture

RJ

alabyu...

 

 

hahahah... walang masulat

Luca's picture

ano ka ba RJ

ayan tatlong beses tuloy sumulpot yung comment.

 

packer

RJ Santos's picture

Haha sira ka talaga! Pasmado

Haha sira ka talaga! Pasmado lang daliri mo :D

Luca's picture

hahah

daliri lang talaga

noid's picture

Just posted an editorial

Just posted an editorial here to address this issue. Need all of the FilipinoWriter.com members' feedback.

sinta isaac's picture

...

 

paki hintay na lang ang kwentong KOLONYAL NI SOLEDAD, isa itong kwentong binubuo ko na ipo-post ko dito sa FW 'pag natapos ko na.

 

Ito ay ang sarili kong bersyon ng Pre colonial to spanish colonial literature.

 

 

Kill all the jejemons.

 

At sa mga jejemons diyan,

 

Jeje ay nagmula sa salitang Jejenist, isang ancient group na gumagamit ng code o lenggwahe na sila lamang ang nakakaunawa.

mon- nagmula sa salitang DEMON.

 

kaya kapag pinagsama ang dalawang salitang 'yan ang lalabas ay Jejemon, na ang kahulugan ay isang grupo na gumagamit ng code at lenggwaheng sila lamang ang nakakaintindi  na taga sunod ng demonyo.

 

Babala: isang RVM ang nagsabi sa akin ng mga 'yan. Isang Madre. Take note, MADRE.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


Luca's picture

hahahah

BOKOT AKEI!!! - Matet Baklese Version

 

sana hindi matabunan ng copy-paste ang kwento mo. :) excited na me. jejejeje

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

ilyana's picture

HayyyMissyuuuu!!!

Musta na Jag? Ngayon lang ako nadalaw dito-dahil nga lately, puro junk na ang napo post...Miss ko na yung mga datihan..pero na enjoy ko to, sino nga pala si CMVillanueva??

Kuya Rom- No Woman No cry ang drama ata ng avatar mo ah??

PS-Am grieving just now-my sister died yesterday- apat na ang kapatid kong namatay...Gusto ko sanang mag balik MMK dito, kaso, baka dumami ang mga basurang post, kaya wag na muna, :-)

Luca's picture

mare!!!

wala akong kasamang magpatrol dito lately. nakakainis ka. kala ko ba June?!

o december ba? ano na?!

condolences sa iyo at sa family mo.

miss ko na ang mga nobela mo. gogogogo na... kaya natin ito! 

 

Kung ano man yung narinig mo, hindi "I love you" yun! Assumera!

bobosijuan's picture

 sino ba yang

 sino ba yang villanueva?

katulad ng mga post ko puro junk....

musta? 

palutangin sa alapaap ang usok mula sa likod ng dalisay na batis...

http://bobosijuan.blogspot.com/

 

Rom's picture

miss ka na rin namin

miss ka na rin namin Ilyang!

oha! alam kong kumakanta ka na ulit ng mga labsong, mga walang sintamis na labsong ngayon hehe...

akalain mo bang 'adik' daw ako dahil sa avatar kong yan? haha! husgahan ka ba naman dahil sa itsura ng avatar mo...i'm sure sasabihin din nilang taga log-in ka sa logbook sa avatar mo hehe...

kamusta na?  

 

KarikaTuura

Yiennarda's picture

Uyy, condolence

       Sorry to hear about your lost mare... 

Uuwi na naman ako ng Pinas di pa rin tayo nagkikita... Padalawin mo na lang kayo ako ng UK?  Amisyu na rin! paramdam ka naman!

Ginawang chat room ang ang post ni Luca hehe.

 

Anyways, di man ako updated sa mga issues dito sa FW, felt na felt ko talaga ang severity ng mga events dito...  Pero may public apology naman na yata from their tribe so feeling ko lang eh okay na ang issue nato...  pwede na rin ba akong mag post ng shits ko ulit???  Pwede niyo na rin bang pansinin din? hehe!

 

Luca, am excited to see yah again girl!!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca..

habang binabasa ko ang lahat ng galit dyan sa dibdib mo, dinig na dinig ko ang  'lub dub' sa tainga ko. Parang ako yung hinayblad eh. Pero may malaking tama ka, dapat lang na maging maingat tayo sa pagsusulat lalo na pagdating sa wikang Filipino kasi mas lalong nasasapawan ito ng mga walang kakwenta-kwentang paraan ng pagsusulat(sorry for the term, wala na akong ibang maisip eh). Pero sana maisip-isip din ng iba dyan na hindi porque jejemon sila, jejemon na tayong lahat.

 

I rest my case.

Luca's picture

hahah

kakaloka no?

pero kumalma naman sila. i forgive them. :)

sinta isaac's picture

...hay

 

ang mga batang pre-colonial jejemons ay mga virgins ng University of the East Caloocan...

 

ang pinakamamahal kong alma mater!

 

 

 

Gusto kong magbasag. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


RJ Santos's picture

Sinta, wag ka mag-alala.

Sinta, wag ka mag-alala. Kakaunti talaga ang ginto, kumpara sa bato. :)

Supladong Frog's picture

Sayang men!

Ah kaya pala wala man lang ako mapansing tambay dito, kung kailan pa naman nakahanap aq ng mga ka tribo ko na hilig ipadaan ang nararamdaman sa pamamagitan ng kamay,keyboard,utak at puso bilang cpu. Sayang,

kayo'ng mga klase ng tao ang nais kong makasama sa lamesa, makipag toast ng samut-saring mga kwentong iinumin at mga komentong pupulutani't nanamnamin.
Sayang,
.
.
.
.
"why do we keep pressing harder on a remote control when we know the batteries are dead?"

noelbarcelona's picture

ay gayon na nga

Nasasayangan ako sa magagandang akdang dapat sana, nababasa at nalalamuyot ng mga tao. Subalit kahit anong bango ng isang uguwento ay napababaho rin ng isang patay na bangaw.

Sana'y maibalik ang dating sigla rito. Naghahangad ako at umaasan. 

@Rom: Dapat siguro tayo ang magsimula ng pagpapanibagong sigla rito. 

@Luca: Ipagpatuloy mo, kapatid ang pagpupulis sa mga nakakainis na ipis ehehehe!

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

chicka24's picture

hehehehe at hahaahah..

mga sir at maam di ko alam kung anung mararamdaman ko sa thread na ito..matagal ko nang sinusubaybayan ang FW pero ngayon lang ako nag member...at kelangan ko pa halukayin ang buong FW para malaman ang puno't dulo ng isyung ito...