Nang aking Maranasan (pt.1)

Asher's picture
| |

Habang bumababa

sa bubungan na sinampa,

Hindi namalayan

magbalanse'y nakaligtaan.

Nahulog at tumama

Sa pader ay bumangga, 

Aking mukang iniingatan

Ngayon heto't duguan

 

Pagbangon ay 'di magawa

Dahil ang paa'y namamaga

Tumama sa matalim na bato

Malalaking sugat ang napala ko.

Ako'y inahon, inayos ng upo

Habang hinihintay, sasakyang susundo.

 

Sa ospital ako'y dinala

Ng aking tropang nag-aalala.

Buti na lang at alam nila ang gagawin

Kundi sa morge na ko bibisitahin.

Tinignan ang aking sugat,

muka syang mata na nakamulat.
Tinahi tuloy para magsara

Buti nalang naagapan pa.

 

 


Alexander Dagrit's picture

<

 

Sinalakay ng romantisismo ang tulang ito, at dahil diya’y bigo ito.

Kabaligtaran kasi ito ng tulang Humpty Dumpty, na siksik ng realismo:

. . .

Humpty Dumpty

Humpty Dumpty sat on a wall;

Humpty Dumpty had a great fall;

All the King's horses,

And all the King's men

Couldn't put Humpty

Together again.

. . .

Labis-labis na naghangad ng matatayog na pangarap si Humpty Dumpty, kung kayá't siya'y lumagpak at nagkawindang-windang. At kahit ipinatawag pa ang lahat ng kayamanan (horses) at talino (men), hindi na maibabalik pa ang búhay ni Humpty Dumpty.

Gawain iyan ng maraming tao. Naghahangad ng salapi, tagumpay, at kasikatan kahit sa mga mali at sakim na paraan, hanggang sa sila'y napapahamak.

. . .

Ang tula namang ito'y taliwas sa realismo.

Umakyat ng bubong ang persona ng tula, at dahil sa labis na kagalakan ay nakaligtaan niyang manimbang habang naroroon sa tugatog.

Kayâ, nahulog siya. Humataw siya sa pader, ang pinakaiingatang mukha ay duguan, hindi siya makabangon, namamaga ang paang tumama sa matalim na bato, at malaki ang sugat na natamo. Sa kabutihang dulot ng kapalaran, buháy pa siya.

Tinulungan siya ng mga nakasaksi sa pagkahulog niya, hanggang sa dumating ang sasakyan ng kanyang mga kaibigan na nagdala naman sa kanya sa pagamutan. Mabuti na lamang at alam ng mga kasama niya kung ano ang gagawin. Kung hindi, kamatayan ang kinauwian niya.

Sa pagamutan, tinahi ang sugat niya. At tuluyan na siyang nailigtas mula sa pagtawid sa kabilang-búhay.

. . .

Naging tagumpay sana ang tula, kung ang kinauwian ng persona ay naging baldado na siya. Sa ganyang kinasapitan, higit na madarama ang saklap ng búhay.

At ang sugat na mukhang matang nakamulat ay naging malaking peklat sana, upang magsilbing habambuhay nang tagapangutya sa labis na pagiging ambisyoso ng persona.

Subalit ang tula ay nauwi lamang sa payak na kaligtasan ng persona mula sa pagkahulog niya. Nalunasan siya sa pagamutan at siyempre masaya na siyang muli. Romantisismo!

Kung sagaran sanang pinilayan ang persona, bagama't hindi kinitlan ng búhay, tiyak na may mapipiga pa kahit katiting na moral sa tula.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig sa Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

 

Asher's picture

bigo ang tula? k. wala naman

bigo ang tula? k. wala naman ako gusto iparating sa gawa ko po. ginawa ko yun based sa mismong nangyari saken. pasensya naman po kung mas matutuwa ka kung nabaldado nga ako

Alexander Dagrit's picture

<

Ang tula ay isang uri ng pakikipagtalastasan. Dapat ay mayroong mensahe o nais iparating iyon. Kung walang gustong iparating ang makata, makabubuti kung hindi na lang isinusulat ang tula, at sinasarili na lamang niya ang kanyang mga salamisim.

At saka, sana pansinin mo ang pagkakaiba ng persona ng tula at makata. Magkaiba ang dalawang iyan.

Hindi porke sinabi kong dapat ganito ang nangyari sa persona, hinahangad ko na ganoon talaga ang dapat mangyari sa gumawa ng tula.

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang Mga Tinig ng Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

Asher's picture

i just makte poems kasi trip

i just make poems kasi trip ko at may gusto ako iexpress. at wala ako paki kung may interpretasyon ang tao sa gawa ko o wala. masyado nyo pinapalalim ang mga bagay. gusto ko lang naman maging creative (kahit pano) sa pagsheshare ko ng karanasan ko.