Nanakawan ka na ba…. ng isang pinaghirapang akda?

Ailem23's picture

Naranasan ni’yo na ba ang manakawan? Ng wallet, ng laptop, ng PSP, ng cellphone, ng pera? Di ba’t ang sakit tanggapin na matapos mong paghirapang makuha ang mga bagay na ito ay basta na lang itong tatangayin ng ibang tao nang walang paalam at wala ng balikan. Pero wala na atang mas sasakit pa kung talento mo na ang ninakaw sa iyo. Kung isa kang pintor at ninakaw ang painting mo, pagkatapos ay nakita mo ang parehong painting sa isang exhibit at hindi na iyon nakapangalan sa iyo, ano ang mararamdaman mo? At kung isa kang manunulat at ninakaw ang isang importanteng kwentong sinulat mo, hindi ka ba maghuhurumintado?

            Huling linggo nitong nakaraang buwan nang matuklasan kong nanakawan na pala ako ng isang akdang naka-post sa site na ito.  Nagpunta ako sa bahay ng isang kaibigan na kapwa ko dancer dahil inuusap akong magturo ng sayaw kung sakaling matuloy ang plano ng dating ka-dance troupe ko na sumali sa isang contest. Siyempre, raket din iyon kaya pumunta ako. Sinalubong ako ng nakasibangot na si Loui at kinaladkad ako sa garden ng bahay nila. Doon niya iniabot sa akin ang isang school newspaper ng isang paaralan dito sa probinsya namin kung saan din pumapasok ang pinsan niya na hindi ako type. Ewan ko ba. Wala naman akong ginagawa sa pinsan niya pero talagang maiinit ata ang dugo sa akin ng pinsan niyang spoiled brat.

            Noong una ay balewalang binuklat ko ang dyaryo. Natigilan lang ako nang mapunta sa literary section ng dyaryo ang pagbubuklat ko. Anak ng…!!!&&@!! Naka-publish sa dyaryo ang “Five Peso Coin” ko sa ilalim ng pangalan ng ibang tao! Nakapangalan ang kwento  kay Claribel Salamento, ang pinsan ni Loui na dating kasamahan ko sa dance troupe. Biglang bumangon ang  inis sa akin. Ura-uradang napunta sa  battle mode ang mood ko at mukha na akong capable pumatay. (imagine n’yong gulo-gulo ang buhok ko, nanlilisk ang mata at may hawak akong kutsilyong puno ng dugo!). Naningkit ang mata ko at alam kong the moment na makita ko si Claribel ay talagang pipilipitin ko ang bilbil niya. Ah ah! Talent ko na ang pinakialaman niya! Ibang usapan na ito!!

            Pinasadahan ko nang basa ang kwento. Ang kapal talaga ng mukha! Ni hindi man lang pinalitan ng kahit isang scene ang kwento. Ni hindi man lang nag-effort na palitan ang persona ng kwento. Iyon at iyon talaga. Di man lang pinalitan ng “Limang Pisong Barya” ang title para naman hindi naman obvious.

            Iyon pala ang dahilan kung bakit agang-aga ay nakasibangot si Loui. Pati kasi siya ay asar sa pinsan niya. Tinanong ko kay Loui kung paano siya nagkaroon ng kopya ng dyaryo.  Sadya daw iyong ibinigay ng pinsan niya sa Mommy niya para ipagmalaking writer ito.

            Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago pa ako tuluyang makapanakal. Tinanong sa akin ni Loui kung ano ang plano ko. Hindi naman pwedeng nakatunganga lang ako habang kumakalat sa campus ni Claribel ang dyaryong naglalaman ng kwentong ninakaw lang naman sa akin. Sa una aminado ako, sabi ko, hahayaan ko na lang. Short story lang naman iyon. Pero nagbago ang desisyon ko nang bumaba sa ilalim na bahagi ng diyaryo ang paningin ko. May trivia corner ang pahina tungkol sa writer. Iyon ang hindi ko pwedeng mapalagpas. Nakasaad doon na si Claribel Salamento ay nagsusulat sa filipinowriter.com under the name Melanie Quilla.

            Aba! Pati pala pagkatao ko eh ninakaw niya. Talagang ibang usapan na ito. Tinulungan ako ni Loui na magkaroon ng contact sa publication office ng school kung saan na-publish ang kwento ko. Nag-set kami ng appointment at ni-request kong ipatawag din nila si Claribel. Maghaharap kami. Pasalamat nga siya, makikipag-usap lang talaga ako sa publication adviser ng school. Mabait pa ako sa lagay na ito dahil kung tutuusin, pwede akong magpasa ng complaint sa president office nila. Sa bandang huli, makikipag-usap lang talaga ako para patunayan na ako ang totoong Melanie Quilla, ako ang sumulat ng “Five Peso Coin” at para ipaalam kay Claribel na nagkamali siya ng tinalo. Mabait akong tao, pero hindi ibig sabihin noon hindi ako marunong lumaban.

            Iniwan ko ang kopya ng dyaryo kay Loui. Baka kasi mademonyo pa ako kapag nakita ko ulit ang dyaryo. Baka topakin akong sugurin si Claribel lalo na’t ilang bloke lang ang layo ng bahay niya sa bahay namin.

            Pagka-uwi ko sa bahay, hinalungkat ko ang inaamag na baul kung saan nakatago ang mga sangkaterbang papel  na ewan ko rin at itinatago ko pa. Hinanap ko roon ang written draft ng kwento. Dadalhin ko iyon bilang ebidensiya.

            Dala ang written draft, birth certificate, barangay at police clearance, at certification galing sa New Day Publishers, kampanteng tinungo namin ni Loui ang publication office ng school makalipas ang ilang araw.  Iniwan ako ni Loui sa opisina habang matiyagang maghihintang na lang daw ito sa labas.

            Wala pa si Claribel nang dumating ako kaya nagkaroon ako ng pagkakataong ipahayag kay Mr. Publication Adviser ang side ko. Ipinakita ko sa kanya ang lahat ng ebidensiya na ako talaga si Melanie Quilla at ako rin ang Melanie Quilla na nagsusulat sa filipinowriter. Ipinaliwanag ko sa kanyang ako nga ang sumulat ng kwento hanggang sa dumating na ang hinihintay naming si Claribel.

            Taas-noong umupo ito sa tapat ko na parang walang ginawang krimen. Wow naman! Taas ng confidence ha!

            Tinanong si Claribel tungkol sa isyu. Pinanindigan niyang siya ang sumulat ng kwento at siya rin ang sumusulat sa site. Nag-iinit na talaga ang bunbunan ko noong mga oras na iyon. Gustung-gusto ko nang ibato sa kanya  ang hardbound books na nakapatas sa table ng adviser o kaya kaladkarin siya sa bintana at ihagis. Tamang-tama nasa 5th floor kami! Magaling siyang mangatwiran, no wonder nabibilog niya ang ulo ng mga kasamahan sa publication. Pero letse! Talagang ako pa ba ang lalabas na magnanakaw ganon?

            Nagsimulang magtanong ang Adviser.

Publication Adviser:  Claribel, kailan mo sinulat ang kwento.

Claribel : December, 2008 po.

            Napaismid ako ng walang oras. Sira-ulo talaga ang isang ‘to. Hindi ba niya naisip na kunin ang date kung kelan ko nai-post ang kwento? 

Melay: Ah Sir, July 23, 2008 po naka-post sa Filipinowriter ang Five Peso Coin.

            Sinulat ko kaya ang kwento noong June 23, birthday ko noon at iyon ang birthday gift ko sa sarili ko. After one month, nai-post ko ang kwento sa site. 

            Hanggang sa hinamon pa ako ni Claribel ire-write ang kwento. Kapal talaga! Walang problema, pinatulan ko ang gusto niya. On the spot, sinulat namin ang kwento. Pero siyempre, hindi ko word by word saulado ang kwento. May nabago sa mga salita kahit hindi nabago ang kwento. Pagkatapos, binasa pareho ng publication adviser ang sinulat namin.  Tinapunan ako ng makahulugang tingin ni Mr. Publication Adviser sabay sabing “So, it is true. Miss Quilla wrote the story.”

            Naisulat pala ni Claribel word by word ang kwento, halatang sinaulo. I won on the first game. Bahagyang natigilan si Claribel. Buti nga sa iyo!  Pero hindi pa kumbinsido si Mr. Publication adviser, iyong pagiging filipinowriter member ko naman ang naging isyu.

           

Melay: Sir, kung talagang si Claribel ang Melanie Quilla sa site eh di magtanong kayo. May blog po ang site about showbiz writer ngayon.

           

Nasilip kong binuksan nga nito ang site at maya-maya pa’y nabuksan na nito ang link sa blog na sinasabi ko. Mabilisang binasa nito ang blog.

 

Publication Adviser: May lalabas na libro si Melanie Quilla, anong title ng libro, Claribel?

Claribel: Only Pure Hearts Can Break the Spell

Melay: Wow, alam mo pala iyon. Anong kwento noon? Kaya mo bang ikwento? Ako, kaya kong ikwento iyon.

Claribel: Ah.. eh.. hindi pwedeng ikwento. Bawal sa contract ng publisher.

Melay: Talaga lang ha o baka naman hindi mo alam ang kwento. Sir Adviser, one reason kung bakit ako andito ay dahil din diyan. Ilo-launch ang first book ko, actually namin ng pinsan ko,  sa September. Ang sagwa naman po kung may ibang taong aangkin ng libro at sasabihing sinulat niya iyon kahit hindi naman. Sir, sa totoo lang, hindi ko po gusto ng gulo, ang sa akin lang, siguro mas okay po na ngayon pa lang, putulan nyo na ng sungay iyang writer n’yo. Kung binalewala ko lang ito, anong issue ang madadala nito kapag pinatagal ko pa? Alam ko naman, Sir, nasa kanya pa rin ang panig n’yo. Pero Sir, sana kino-consider nyo ang ebidensiyang binigay ko.

            Sa mga oras na iyon, talagang umuusok na ang tenga ko. Bistado na nga ang bruha, in denial pa rin. Hindi ba niya naisip na expulsion ang katapat ng kalokohan niya? Dahil medyo sarcastic na ang tono ko eh tiningnan na rin ako ng masama ng adviser.

 

Publication Adviser: Tapusin na natin ito. Claribel, open your account in Filipinowriter.

            Napangisi ako nang bahagyang mamutla si Claribel. Eh paano nga ba niya bubuksan ang account ko?

 

Claribel: Eh, Sir, nagpalit na po ako ng account name eh. hindi ko na po tanda ang password ng dati kong account.

Melay: (tumatawa ng tawang demonya sa ilusyon ko). Talaga. Kelan pa?

Publication Adviser: Kailan mo pinalitan?

Claribel: Last month po.

Melay: Last month? May latest post po ako Sir. Nasa work-in-progress. At pwede nyo pong buksan ang live discussions. Makikita nyong may mga comment po ako sa mga post kahapon at noong isang araw. I told you, I am Melanie Quilla.

Publication Adviser: Sige, Miss Quilla, open your account.

            Binuksan ko sa harap nila ang FW account ko at ipinakita sa kanila ang actual post ng Five Peso Coin. Malinaw pa sa sikat ng araw. July 23, 2008 iyong date noong na-post ang kwento taliwas sa sinabing date ni Claribel.

Claribel: Alam ni Loui ni ang passeord ko. Magkatropa kayong dalawa. Ninakaw mo lang iyon sa akin.

Melay: Ang labo mo. Pwede ba makonsensiya ka naman. 

Dumating pa sa puntong binuksan ko sa harap nila mismo ang mga internet accounts ko para patunayang ako nga si Melanie Quilla ng FW. Mukhang ayaw pa ring maniwala kaya pinakausap ko na siya sa ym kay Kuya Rom. Nakakahiya kay kuya Rom.  Nakaistorbo pa tuloy ako. Sayang nga, kung sana’y dala ko ang cp ko eh di nakausap ni Mr. Adviser si Kuya Rom. Hindi ko alam kung ano ang mga itinanong ng gwaping na publication adviser kay kuya pero sa tingin ko after nilang mag-usap ay medyo naliliwanagan na siya.

 

Melay: Sir, may mga video rin po dito sa site at mga pics noong nag-EB kami. Gusto nyo po bang makita?

Publication Adviser: (umiiling) Wag na. Actually, I’ll check it later. Ibinigay ni Mr. Rom iyong link. Now I believe you. I’m sorry.

           

            Haaaaay… ganon pala kahirap patunayan sa ibang tao na ikaw talaga si ikaw. Eh kahit birth certificate ko  nawalan ng silbi para patunayang ako nga si Melanie Quilla. Nakakaloka. Dahil bistado na, natahimik na lang sa isang sulok si Claribel na umiiyak. Hmmm… paawa epek pa ha! Sarap sabunutan! Tinanong pa ako ni Publication Adviser kung ano ang gusto kong gawin nila para makabawi sa akin. Wala naman akong hiniling kundi ang ilabas sa campus na ang kwento ay hindi kay Claribel. Kahit wag na nilang sabihin na sa akin iyong kwento basta wag lang madidikit ang akda ko sa spoiled brat na iyon. Claribel deserves to be punished.  Sana naman, madala na siya. Pero sana hindi naman siya i-expel. Hindi na rin ako nagtagal roon. Agad na akong nagpaalam dahil ayos na naman ang lahat. Buti na lang, naayos ko pa.

            Napaisip ako sa nangyari. Gaano nga ba ka-secure ang mga akda natin sa site na ito? Bagama’t alam kong may personal na rason kung bakit ginawa iyon ni Claribel, hindi ko pa rin maiwasang mapaisip. Eh, magaling sana kung kilala mo ang nagnakaw ng akda mo. At least madali mo siyang masusugod at mahamon ng one-on-one. Eh paano kung hindi mo kilala, at hindi mo natuklasan, o huli na ng matuklasan mo? Eh di ba para ka  na ring nasilipan nang wala kang kaalam-alam?

 

Ikaw, nanakawan ka na ba ng pinaghirapan mong akda?


Patrickman's picture

yep...

marami talagang makakapal ang mukhang plagiarists sa earth. ako man ay nanakawan na ng mga akda. karamihan nung mga kupal na high school kids na nagnanakaw ng mga tula ko dun sa blog ko. ang ilan sa kanila nagpopost pa ng "thanks! dahil sayo nakapagpasa ako ng project"... tangina, hindi man lang sinabi kung binigyan ako ng credits or whatnot.

 kung may impyerno man, dapt may isang special dungeon doon kuing saan mapapadpad yung mga plagiarists e. hindi madaling gumawa ng mga akda tapos nanakawin lang ng kung sino. kung ako man makakapatay, siguro makakapatay ako ng isang gagong plagiarist.

btw... ano na pala nangyari dun sa plagiarist? sana sinapak mo nang bonggang-bongga para hindi na umulit....

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Ailem23's picture

ay naku, sinabo mo pa!

kung pwede nga lang mag-request ng kalalagyan ng mga plagiarist na iyan eh di okay di ba??? hindi ito ung first time na nanakawan ako. nanakawan na ako nung college pero pinalagpas ko na lang kasi nag-sorry naman. pero ito? ah, ah. pati identity ko ninakaw na niya kaya hindi na ako pumayag umalma na ako. credibility ko na bilang writer ang nakasalalay dito eh.

actually, kanina lang nangyari ung face off namin. wa kers kung malakas ang ulan dito sa batangas. basta sumugod lang talaga ako roon. Iniwan ko na si claribel sa office nung publication after kong ma-prove na ako talaga ang writer ng site na ito. ewan ko kung ano magiging parusa niya.. bahala na sila roon.

galit na galit ako talaga. kung pwede nga lang, ihahagis ko siya sa bintana! pero mabait ako kuya eh. hehehe.

ingatski,

Melay 

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

spike_west's picture

Lukong Claribel-bel yun ah...luka pala

Teka melay ikaw ba talaga yan?hehhe joke lang! Baka gusto ni Mr. Publication Adviser ng ibang proof eh sabihin mo sa akin at tatawagan ko sya mula dito sa Saudi. 

Medyo malaki ang problema ng batang yun. Naalala ko tuloy yung movie-ng "The Talented Mr. Ripleys" (peyborit ko yan eh) panoorin mo yun melay.

Naalala ko noon, di ba kilala mo si Sanjie o Balintuna?Nagboblog hop ako nung mabasa ko sa isang blog yung pinost nya dito na "WAR OF ROACHES" ba yun. Eh di nag comment ako sabi "Ito pala ang blog site mo, bat di ka nagpaparamdam sa site?" Nagreply yung may ari ng blog na di pala  si Sanjie yung may ari nun. Plagiarist pala sya. Napatunayan ng may ari ng blog na sya talaga sumulat nun. Tulad mo melay galit na galit din.

Teka sa school paper ba yun?basta pagnanakaw yun di lang ng akda kundi identidad mo. Mukha talagang may problema nga yung batang yun.

Basta ipaglaban ang karapatan mo

Ingat

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

sino ba namang di magagalit

Natural na magagalit ako eh ikaw kayang pagbintangan na hindi ikaw ikaw! nakakaloko un ah. ninakaw na nga kwento ko tapos pati identity ko pa.  
kuya.. sabi ko naman sau ako si....... ayaw mo namang maniwala eh. hehehe...
 
publication ng isang  school un kuya. si kuya rom nga naging savior ko. siya kasi ung nakausap ni mr. publication adviser.  malaki talaga problema niya dahil di ko naman siya pinapatulan ever since eh talagang ginugulo niya ako. ewan ko sa kanya. ang malas pa kuya, magka-barangay lang kaya kami. 
asar talaga...
pero kuya salamat sa concern...
 
Ingatski,
Melay 
 
***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

noelablon's picture

in a way...

In a way siguro pag sa akin yun medyo proud ako kasi ibig sabihin worth robbing ang aking article pero syempre pinaghirapan ko iyon or kahit sabihin nating isang araw lang na pinag-isipan ay dapat talagang hindi ninanakaw.

Siguro dapat maglagay ka ng code sa isang panulat mo na magpapatunay na ikaw nga ang may akda. Something na ikaw lang ang nakaka-alam, di ko alam kung paano pero ginagawa iyon dati sa mga love letters ko (hihihi!) yung tipong lahat ng first letter ng paragraph pag binuo mo ay name ko (corny!), that was ancient history anyways.

Bilib naman ako sayo melanie, you are going to have your own book soon. I feel so proud to be part of FW talaga kahit pasulpot-sulpot lang ang mga nagagawa ko.

God bless.

====
Heto pa ang mga kwentong maaaring may kwenta!

Ailem23's picture

helo kuya noel

kung hiningi niya na lang sana, baka pinag-isipan ko pa kaso hindi eh. nakaw talaga pati identity ko pa dinamay. okay na rin sana kung nag-sorry man lang, kaso hindi rin eh. lumabas na ako ng office ng walang naririnig na sorry sa kanya. 

about code, ung ilo-launch naming book meron code iyon. iyon tipong kami lang talaga ni eloi ang may alam. di na ako naglalagay sa short story.

kuya, di ko akalaing, nagko-code ka sa lab leters! hehehe. aliw!

salamat po.

Ingatski,

Melay 

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

Rom's picture

at nagalit si melay!

 

 melay quote ko lang yung napag-usapan namin ni Mr. Publication adviser gamit niya yung YM mo nung mag-usap kami ito yun:

 

melaniequilla: Sir, good afternoon. I am Mr. _________, a publication adviser. miss Quilla told me that she was the real melanie quilla on filipinowriter. sir, i would like to ask some questions.

rom26factolerin: yes sir go ahead

melaniequilla: have you met miss quilla in person?

rom26factolerin: yes in fact magpunta sa siya sa bahay namin sa Los Baños laguna and i have pictures and videos to prove that

rom26factolerin: i can send you the link to that videos if you like

melaniequilla: pwede mo ba siyang idescribe physically?

rom26factolerin: maliit lang siya about 5'1" or 5' ang height short hair morena

rom26factolerin: typical filipna looking

rom26factolerin: if i remember right may braces siya at may hika (sorry melay)

melaniequilla: sir, how sure you are na siya un? i mean, you know. there are lots of fake on internet? sorry sir. we're just in the middle of knowing the truth.

rom26factolerin: we've met for about 8am to 7pm last april nagkwentuhan at nagpalitan ng opinyon tungkol sa writing at sa mga taong nakasama namin sa Filipino Writer

rom26factolerin: kung hindi siya si melay bakit alam niya ang kaganapan 2 years back

rom26factolerin: sa filipino writer?

rom26factolerin: bakit alam niya yung noon pang mga pangyayari? 

rom26factolerin: 2 years ago

rom26factolerin: or 1 year ago?

rom26factolerin: kung impostor yung na meet ko ano kaya ang motive nya na makipagkwentuhan sa amin? wala naman siyang nakuha sa kwentuhang iyon

melaniequilla: okay, i see. sir, thank you for the info. kailangan lang kasi namin na mapatunayan na siya nga iyong sumusulat sa site na iyon, coz that would mean, ung isa ko ngang writer ay ninakaw nga lang sa site ang kwentong accidentally na-publish sa publication namin.

melaniequilla: we are very sorry for that...

rom26factolerin: i can give you further detail sa may ari ng site na iyon pwede mo siyang makausap.

rom26factolerin: or i can call you personally if you want

melaniequilla: thank you sir. but i think i don't need it anymore. actually, i let mis quilla open her filipino writer account and she was able to do so.

rom26factolerin: yes sir at eto pa po ang video for further details http://www.filipinowriter.com/video-ng-grand-eb?from=50&comments_per_pag...

rom26factolerin: nandyan siya sa video ng grand EB namin

melaniequilla: Okay, I'll check that. So, thank you sir. I'm sorry if I disturbed you. I will turnover you to Miss Quilla.

rom26factolerin: no rpobem sir thanks too 

 

ang kinatatakot ko lang baka biglang magbunot ng balisong ang batangueñang si Melay at halihawin ang bilbil ni Claribel. sabagay maraming kwentong maisusulat mula sa loob ng kulungan, imagine ilang taong pagkabilanggo din yun kung hindi reclusion perpetua.

kayo check nyo ang mya gawa ninyo sa http://www.dustball.com/cs/plagiarism.checker/

para malaman nyo kung may identical post sa internet at maka order na din ng matalas na balisong gaya nung kay Melay! 

 

logo button 1

Ailem23's picture

kuya talaga!

Una sa lahat, talagang thank you, thank you kuya sa tulong mo. advance hapi father's day!!! at salamat din sa pag-post ng conversation nyo ni mr. publication adviser.  

teka, galit na galit ba talaga ako habang naglalabas ng emosyon sau sa ym??? hay naku...

sandali nga kuya, maswerte siya at wala akong balisong.. pwamiz, wala na akong balisong... kasi baka nga magawa ko iyon. hahaha. jowk lang. mabait naman ako kuya. di nga ako makabasag pinggan eh ( kasi puro plastic na iyong pinggan namin, nabasag  ko na lahat ng babasagin!.) at wala akong ambisyon maging bilanggo! (insert sign of the cross here!) kakatapos ko lang mag-interview ng ex-con tapos bigla mo akong ipapakulong. tsaka sabi ko nga, hindi ko gagamitin ang balisong sa kanya. baka kasi magka-germs. hehehe... 

pero kung gusto nyo talaga ng balisong ay marami dini sa batangas ah. murang-mura lang, of all sizes pa!

Salamat kuya.

Ingatski,
melay

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

eloisa marie hernandez's picture

Ang kapal ng bilbil

Ang kapal ng bilbil niya!!!

 

Abah, hindi na siya nahiya sa bilbil niya. At kelan pa ako nagkaroon ng pinsan, writing partner, at best friend na Claribel. Ha? Naka, Hindi ko Maatim yun.

Mali na nga yung ginawa nya tapos ganun pa kataas confidence niya? Naku, ang maganda talaga dun ipakatay na. hehehe. Kasi nakakainis naman talaga yun sa panig ng totoong writer. e kahit naman hindi ko pinsan itong si ate melay e nasa kanya simpatya ko kasi alam ko ang pakiramdam na yun.  At masama sa pakiramdam yun. Kung ako nga e, mawalan lang ng beinte pesos hindi na mapakali, akda pa kaya?

 

Hindi talaga tama yung ginawa niya. Mabuti na lang dahil napatunayan agad. Para malaman niya na hindi siya basta-basta pwedeng mangopya ng akda ng iba!

O ngayon Claribel, kung ikaw si Melanie Quilla, kelan ba tayo naging close? Harharhar (tawang kris aquino)

 

Oo nga pala, sabi mo patapon ang gawa ni Ate Melay, e bakit mo nga pala kinopya ang akda niya kung ganun? harharhar (tawang kris aquino)

Ikaw pala ang tunay na La traidora. hahaha. (Ang la traidora ay akda ni Kuya Jon na pinagbidahan namin ni ate melay. hehe. O kuya Jon, libre endorsement na to)

 

 

 

 

Ang Exaggerated na Dora!

hi Mel.

shocks! di na sana ko babalik, gusto ko lang magcomment.. hahah

that is actually what im sayin'... gaano nga ba ka-secure yung trabaho mo na nakatiwangwang sa hindi mabilang at magkakaibang tao?

napakadami ng case na ganyan..

sabi ko nga dati sa isang friend ko, subukan lang kahit isang linya, hahamunin ko ng suntukan. exage..

pero seryoso, napakasakit non sobra. kasi hindi lang basta story yon o tula or what... ikaw yun e. representasyon mo yon.. hininga mo yon. karanasan mo yon...

ang sakit lang sa mga taong katulad ng Claribel, lumaki syang walang kabuluhan.. gyera ang hinahanap ng mga taong ganyan.. pero syempre, hindi naman natin gustong dalhin pa sa ganung eksena..

nakakaimbyerna!

Grabe...

Ang kupal naman ng mukha ni Claribel, may topak ata sa ulo yan.

Di nga naman secure yong post natin dito, ma se-secure lang siguro kong hindi naka-copy/paste at hindi naiiwang naka bukas 'yong account.

Grabe naman, na atim n'yang patagalin 'yong pag-amin n'ya, hahahah. Grabe talaga as in, siguro kung ako ikaw Melay, wala ng buhay 'yang Claribel na 'yan, sana ma learn n'ya na lesson n'ya. Ang kupal naman ng mukha di man lang nahiya, sisikat ka nga e hindi naman talaga sa 'yo yong pinag mamalaki mo.

Sana lang mabago na ugali ni Claribel, at sana wala ng nakawan na mangyari, kung sana ay kukuha ng copy ng isang kwento okahit na ano, sana naman i-mention ang panganlan noong totoong nag sulat...COngatsS Melay at na pa amin mo rin si Claribel, Aja-aja!!!!Wink

jonsdmur's picture

Grabe!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Mainit init pa ang balita!

Ang hirap palang patunayan ang katotohanan... sana mabigyan ng tamang parusa ang babaeng yan... 

Masakit ang mga pangyayari... kasi di lang akda ang ninakaw kundi ang pagkatao....

Teka! ibig bang sabihin nababasa sa buong campus ang FW? At sikat na sikat name mo dun... talagang sinali mo pa ang SWN ah!

Alam ko naman na palaban ka sa tunay na buhay... kaya di ka papayag... na di lumaban.... kaya tama lang ang ginawa mong pagsugod....

Bakit may mga ganung tao? hindi man lang magawang humingi ng patawad?

Paano yan? pinsan pa siya ni Loui? pinsan ay pinsan... lumala man ang laban ay alam kong di mo kayang ilaglag ang claribel na yan... dahil sa pinsan siya ni loui.... 

may nakakausap ako sa ym... nagtatanong about sa la-traidora... di ko naman kilala... nag-ask about sa kwento.... 

Isang hamon yan.... ganyan talaga pag sikat... 

siguro... inggit ang dahilan.... kung hindi lang siya pinsan ni loui sabihin ko selos hahahaahahah! 

invited ba si claribel sa bday mo? hihihihihihhi 

buti naman at natapos na ang issue... si claribel ang haharap sa matinding kontrobersyal... ano na kaya ang usap usapan sa buong campus? 

ikaw naman ang nasa panig eh... lalabas at lalabas din ang katotohanan...

Gusto ko ang eksena na pinasulat kayo ng kwento... o re-write ng story...

Tulad sa kwento ng La-traidora.... mananakaw niya ang nobela, kayang palitan ang pamagat nito...subalit hindi ang kaluluwa ng nobela kung saan ikaw ang naglikha..... 

Saludo ako sayo kasi ang tapang mo.... 

jons

paul h roquia's picture

trulalulalu?

 

nang mabasa ko, akala ko kwento lang ni melanie.  aliw ako sa interrogation part, parang nasa korte epek.  tipo ring nag-gagata ng niyog, dapat tuyong-tuyo na itong iiwanan at wala ni bahid ng tagik.  tapos may eksena si kuya rom... parang nagduda na ako, totoong pangyayari ata ito!

 at yon nga.  meron ding manuscript ng ym-man nina rom at ng adviser.  sey, aba buti na lang nakapagpigil pa si ms. quilla! 

 

actually, nang i-copyright lock ko ang isa kong blog na unti-unti ko nang nililisan, may lumabas na isang friendster blog kung saan naka-post ang 'ayoko nang magmahal' item na nasa blog ko rin dito sa fw.  word for word din at meron pa siyang pachuva-ek-ek na dedicate.  hindi naman ako nanggigil kundangan naflatter medyo at may nag-abalang i-post ito sa kanyang blog, ang kaso wala man lang ni acknowledgement at halatang pinapalabas niyang siya ang sumulat n'un.  nag-comment ako na dapat ay inaacknowledge niya ang totoong writers ng mga pyesang gusto niyang i-post tulad nung sa akin (at itinuro ko pa ang blog kung saan ko ito original nilagay).  binalikbalikan ko tapos after a week, totally nawala ang blog ng friendster na yon.  

Kiss

hey, i'm a new member of FW.

hey, i'm a new member of FW. Nabasa ko blog mo, kahit nga siguro anong bait ng isang tao, mauubusan din kapag ganun ang nangyari. Hindi ganun kadali ang gumawa ng isang konsepto o kwento..hindi naman isang upuan lang mabubuo mo na ang kwentong iniisip mo...

btw...from lipa, batangas ka pala...batangas city ako..God bless!!

sinta isaac's picture

...

naranasan ko na 'yan kapatid, dalawang beses na.

noong una'y noong highschool ako, nagsulat ako ng isang tagalog speech sa likod ng noli me tanggere na libro ng kaklase ko dahil bagot na bagot ako sa klase kong geometry, pagkalipas ng isang linggo, nakita ko na lang siya sa stage at binibigkas ng buong ningning ang speech ko na iyon, inangkin niyang kanya. hindi na ako naghabol, kanya na ang palakpakan. kanya na ang sigawan. kanya na. saksak niya sa lalamunan niya. (bitter?) :)

pangalawa, kasalanan ko ito, tanga tanga kasi ako. gumawa ako ng kwento na ang title ay Propeta, hiniram ito ng isa sa mga kaibigan ko, pumayag ako, akala ko kasi babasahin niya lang sa klase pero noong lunch break, tuwang tuwa ang mga iba pa naming friends, kinakamayan siya at ipinagmamalaki nila na siya lamang daw ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa literatura at nakita ko ang ipinasa niyang kwneto, iyon ay ang kwento kong hiniram niya, at sa ilalim ng title ay nakasulat ang kanyang pangalan. siya na ang writer ng propeta. nagulat ako, bumuntonghininga at umiling. buti na lamang at hindi kami magkaklase sa phil. lit namin, kundi ewan ko lang kung anong mangyayari, at bilang pakonswelo de bobo, inilibre niya ako sa pizza hut at nag thank you ng isang libong beses.

Gumawa ako ng isang kwentong binuo ko sa loob ng apat na taon. Balak ko noon, isali ito sa palanca kaya talagang pinagsumikapan kong pagyamanin ito ng pagyamanin. kamuntik ng manakaw ito sa akin, pinabasa ko ito sa isang kaibigan kong guro at sa loob ng halos limang buwan ay nasa sa kanyang kamay ang kwento ko at nagulat na lamang ako nang mag message siya sa email ko, binibili niya ang kwento ko. hindi ako pumayag, ilang beses ko siyang tinext, kinukuha ko ang kwento ko ngunit hindi siya sumasagot sa akin. Pero napilitan siyang ibalik iyon sa akin, at kung paano? sikret. :)

 

alam ko ang pakiramdam. masakit. pero isa na lamang ang ipinapasok ko sa utak ko, magaling na writer lang ang ninanakawan ng akda.

Isa lang ibig sabihin noon melay. Magaling tayo. :)

 

Laughing

at iyong mga nagnanakaw na iyon, kaawa-awa silang mga nilalang.

 

 

Goodluck sa iyong nobela melay.

 

 

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

spike_west's picture

Kung minsan di ko talaga maintindihan

Naawa ako sa mga taong nagnanakaw ng kwento ng may kwento. Kasi paano mo maatim kunin at tanggapin ang kredito kung alam mong hindi naman sa iyo yun. Yung pagnanakaw alam kong  dala yun ng pangangailangan pero ang ganitong klaseng pagnanakaw , hindi na dala yun ng pangangailangan. Eh sa akin kung gusto lang nya ng atensyon, eh di kumain sya ng buhay na manok.Kung kailangan nya ng papuri linisin ang buong skwelahan tingnan ko lang kung di sya purihin ng principal nla.

Malaki talaga ang problema nya sa buhay at sa utak. Lalo na kung nakawin mo ang identidad ng tao. Yun eh mas kawawa yun.

Alam mo may pag-aaral tungkol sa ganyan.Maraming dahilan kung bakit sya ganyan, karamihan sa kanila mga mababa ang pagtingin sa sarili o di kaya mabigat ang problema na gustong takasan o minsan naman hindi nila kayang tanggapin ang sarili kaya gusto kunin ang identidad ng taong labis nilang hinahangaan. Iba sa knila nasisiraan ng bait. Kaya nakakatakot at nakakaawa.

Pero ipaglaban mo pa rin ang karapatan mo. Melay

Intat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

eto po ang update

kanina, nagpunta ulit ako sa school dahil ipinatawag ako. this time, kaharap ko na ang nanay ni claribel. awang-awa ako sa nanay niyang iyak ng iyak sa kahihiyang binigay ng anak. ang ina pa ni claribel ang nag-sorry sa akin, samantalang ang chakang iyon ay di man lang nagpasaring ng apology. pinatawag ako para malaman ko ng personal ang desisyon ng may-ari ng school. Expel na si claribel sa school. sa totoo lang, naaawa ako sa magulang niya. graduating na sana siya sa kursong nursing eh sinayang niyang lahat ng credentials niya sa school. 

tungkol dun naman sa copies ng dyaryo,ganito pala iyon. january-february 2009 issue ung newspaper. 5% pa lang ang nailabas nila last march para sa mga graduates tapos ang talagang release noon sa campus pala ay sa june 15 pa. buti na lang umalma agad ako. ang naging solution ng school, tinanggal na nila ang literary section ng diyaryo. para wala ng makabasa ng kwento at hindi na kumalat ang isyu. isinama pa ako ni mr. publication adviser sa stockroom ng pub at on act ko pang naabutan ang writers nila at ang student council na nag-aalis lit section sa bawat diyaryo. Sory nang sorry lahat ng nakausap ko dun. wala na namang magagawa, nangyari na.

sana magsilbing aral na rin ito sa mga publication, sa school man o labas. wake up call na rin ito para sa ating mga manunulat. isang hiling din na sana matugunan ng pansin ni sir noid ung security ng works natin.

to jon: pare salamat talaga sa blog mo. pasensya na, tuliro na kasi ako at hindi ko na naiisip kung paano ko mapapatunayan ang sinasabi ko kaya iyong blog mong pakalat-kalat ang nabungadan ko. savior din kita! hehehe.

to paul: kahit ako, gustong hilingin na sana talaga, nananaginip lang ako. pero mare, trulalu itech! walang halong ecklavou.

to sinta: ang sakit di ba? actually, 2nd time na ito. ung dati boyfriend niya nagnakaw ng tula ko noon college pero pinalagpas ko na lang. kaso itong ginawa ni claribel, hindi na ito pwedeng palagpasin kaya inilaban ko na. pasalamat nga siya at hindi na ako nagdemanda.

kuya spike: may problema talaga siya sa akin kaso kahit noong tinanong ko sa kanya kung ano ba talagang problema niya sa akin eh hindi naman niya sinagot. ang sabi nga niya kanina, bakit ko pa daw ginawa iyon. sinira ko daw buhay niya. aba, kasalanan naman niya lahat.

kanina ko lang sinabi sa magulang ko ang nangyari. siyempre, handang mang-giyera ang nanay ko. gusto pa sanang sumama kanina eh hindi na ako pumayag. pang-gulo lang eh. hehehe. ang takot lang ngayon ng kapatid ko, baka daw resbakan ako. kung psychotic kasi un  eh baka daw ipapatay ako. (exage din naman ang hirit ng imahinasyon ng 'tol ko ah). 

to dora and pinxu: ay naku, ganon talaga . may mga taong pinanganak siguro para maging kontrabida.

to strugling writer: taga-batangas ka rin? ala eh, dumadame na tayo dine!

sa ngayon solved na ang isyu. pero mananatiling tanong pa rin kung gaano nga ba ka-secure ang mga akda natin dito...

Salamat sa lahat!

Melay

**** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

paul h roquia's picture

BURGER! BURGER!

 

 

SuperVonggang JUSTICE SERVED!  Konting parusa pa yong ma-expel siya at masayang lahat ng pinaghirapan ng magulang niya.  TAMA , wakeup call ito at dapat rin ay ipaunawa ng mga school organs ang horrors of plagiarism sa kanilang realm.

 

MABUHAY ka kafatid! UmmmmKiss

Ailem23's picture

korek kafatid!

at dahil diyan, ang nag-iinit ang dugong "soon-to-be lawyer" nating si talulot ay naghahanda na ng blog about plagiarism. hintayin na lamang natin.  

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

dyeppri's picture

Grabe-over to the max...

 naman 'yan Melay at tsinurba ang story mo ever. Bongang-bongga yan ha!

Isang tip lamang para hindi manakaw ang iyong akda, kung may napupusuan ka na alam mo na super galing na nagawa mo ay i-print mo ito at kung gusto mo pa ay ipanotaryo saka e-mail mo (as in sa postal) ito sa sarili mo. Lagyan ng malaking DATE kung kailan ginawa. Ooops...huwag mo itong bubuksan ever at para lamang ito sa pagiging ebedensya na sa iyo nga ang akdang ito. Magagamit mo 'yan balang araw.hihihi

PS> may pinapabasa ka pa pala sa akin,hihihi...nalimutan ko na eh. Yaan mo kapag may time akong extra ay isisingit ko 'yun.Winksowi!

                           http://dyeppri.wordpress.com/

                       

Ailem23's picture

salamat kuya

ung iba kong gawa may code. ung iba nakasave sa email ko pero sa ngayon, napapraning ako. naiisip ko kasi ung mga sinend kong kwento sa mga friendships ko. napa-paranoid aketch na baka maulit ulit iyon.  "AYOKO NA!!!" (paagaw ng linya ni kuya spike!)

kuya dyep, nasagot mo na ba ang isyu tungkol jan sa paggamit mo ng gay language kaya napagkakamalan kang judesh? (SWN)

okay lang kuya, saka mo na lang katayin iyon kapag di ka na busy. sa ngayon kasi parang ayaw ko muna asikasuhin ung paghingi ng dati kong school ng kwentong ipa-publish sa alumni corner ng school paper. "Enough muna of hearing about publication." hehehe

salamat!

ingatski,

Melay 

**** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

jonsdmur's picture

wag pa tayong magdiwang

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

ang kontra bida ay kontrabida....... gaganti at gaganti yan.. lalo na yan ang nangyari sa kanya... hindi pa nga siya humihingi ng kapatawaran...

ihanda ang ating sarili... sa pagdating ng bagong member... tiyak ko manggugulo un dito.....

un kasi gawain ng mga kontrbida hihihihihi.... katulad sa kwento ng La traidora... di papayag ang babaeng nakaitim na hindi makaganti kay melay hihihihihih

bilib ako sayo.. ang tapang mo.... 

mag-ingat ka.... dahil alam kong nandyan lang yan... handang sumalakay.... 

heheeheh buti naman at nakatulong ang SWN hiihhihihi.... 

ingat ka lagi.... 

jons

Ailem23's picture

naku jon...

Yan ka na naman. tinatakot mo na naman ako. hehe. okay lang sige, sumugod siya kung gusto niya. hindi naman ako takot sa kanya...  

****** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

jonsdmur's picture

hindi ako nananakot

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

isang babala yan....

ganyan na ganyan ang napanood kong teleserye....

Kadalasan... ito ang mga binibitiwang salita ng mga kontrabida....

1. sinira mo buhay ko...... sisirain ko rin buhay mo

2. Inagaw mo na ang lahat sa akin.... Babawi ako!

3. Nasa iyo na lahat ng mga pangarap ko. Lagi na lang ikaw, ikaw ang bida.. at ako ang laging masama.

4. humanda ka, di kita patatahimikin.

5. Naging magulo ang buhay ko nang dahil sa'yo.

o, diba.... heheeheheh

Kaya mag-ingat ka.... nandyan lang yan.... nagbabasa ng mga kaganapan....

jons

Rom's picture

.

 

hi melay, anong name ni claribel dito sa FW may account sya dito di ba? hindi kaya___________?

ganyan talaga we run the risk of brushing with plagiarist the moment na nag decide tayong mag online sa mga gawa natin. isang malaking ebidensya na yung naka publish dito ang gawa natin at may time stamp makita kung kelan na publish dito with commnets pa.

wag kayong masyadong mag worry sa mga plagiarists, hayaan ninyong sila ang mag worry sa atin.

kung masasagkaan ng plagiarism ang pagsusulat nyo e wala nang mangyayari. maraming online checker ng mga articles na pwedeng magamit kung online din yung nanggaya pero kuing hindi swertihan na lang kung mahabol.

 

 

logo button 1

Ailem23's picture

kuya...

kuya hindi ko alam kung anong pangalan ni claribel dito eh.. at hindi ako interesado.

ang point din kasi dito kuya, kung hindi natin titinagin ang mga plagiarist, lalong hahaba ang sungay nila.  kaya kasi may gumagawa ng ganyan kasi ang katwiran minsan nating writer, "sige na, pabayaan na lang." kaya un... lalong lumalakas loob nilang  kunin ang gawa ng may gawa. kasi feeling nila hindi naman sila mahuhuli.

**** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

kahit papaano, nakakaawa

kahit papaano, nakakaawa din..kaso ganun talaga..face the consequences of your actions. sana inisip muna nung claribel ang kahihinatnan ng ginawa niya. higit na nakakaawa ay ang magulang...tsk..tsk...sayang ang four years na pinagpaguran dahil lang sa kagustuhan niyang makalamang sa kapwa....

yes po...batangueña ako...God bless sa book na ipapublish mo...nakakatuwa...ako, i'm still struggling sa pagsusulat...but i'm trying...

Ailem23's picture

lam mo

awang-awa talaga ako sa magulang niya. nakiusap pa nga ako kung pwedeng suspension na lang. kaso ang sabi ng publication ng adviser, desisyon na iyon ng may-ari ng school at wala na rin sila magagawa.

salamat ha... kaw rin, try mo magsublit sa publishers. there's no harm in trying...  

****** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

eloisa marie hernandez's picture

nakow, hindi kasi nag-iisip

nakow, hindi kasi nag-iisip ang claribel na yan kung anung pwedeng mangyari sa kanya bago siya mangopya. Eh mabuti nga at iyon lang ang napala niya. kapal ng apog ha. siya pa talaga ang nanisi. Eh kung hindi niya sinimulan sa pangongopya, hindi siya mapapatalsik. ganun lang kasimple.

Hindi naman sa lahat ng oras eh kelangan mong magtimpi. Ang mga ganyang tao, dapat talaga tinuturuan ng leksyon para magtanda. Kaya sa susunod Claribel, be careful sa mga kilos mo.  

 

imagine, sinayang niya ang pinagpaguran ng magulang niya para pag-aralin siya. O pano yan?

 Pag-amin na rin lang sa pagkakamali, hindi pa magawa. Ano ba naman yan? O ngayon Claribel, sabihin mo, sino ang walang karapatang maging writer?

 

Claribel, Kung gagawa ka ng account dito sa site para awayin ang mga taong nagsasalita dito eh wag mo ng balakin ha. magtinu-tino ka na.

 

Mag-aral ka na lang ng mabuti... Bumawi ka na lang sa mga magulang mo.

 

 

Ailem23's picture

siguro naman

Siguro naman nadala na siya ngayon. ako, pagod na ako sa isyu na ito. sa ngayon, tahimik pa naman si claribel. sabi ni loui baka bumubwelo lang daw. kilala niya pinsan niya eh. pero ako, okay na. kahit talagang nanghihinayang ako sa pag-aaral niya, wala na naman akong magagawa dun. siya naman may kasalanan at hindi ako.  

**** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

jonsdmur's picture

hindi titigil yan

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

handang sumalakay yan.... sa tamang panahon magugulat ka na lamang....

Kaya ihanda ang sarili....

mga kontrabida... nasa sulok lang yan... heheheheeh

Nakikiramdam....

habang nanlilisik ang mga mata.....

Sasalakay... sa tamang panahon....

heheeheheh

Pero relax ka lang.... marami ka kakampi.....

at ang kontrabida.. na-tsu-tsugi sa ending heheeheh

jons

pirmiskalang's picture

naku! alam ko pakiramdam!

naku! alam ko pakiramdam! argh! 

eto o... 

http://pirmiskalang.multiply.com/journal/item/42/PUTANG_INA_MO_KANG_TARA...

http://pirmiskalang.multiply.com/

"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."

Tantizm's picture

Toink si Claribel

 

Mahirap talagang magpilit na maging isang manunulat kung hindi ka naman talaga matiyagang manunulat.

Si Claribel ay may inferiority complex, gusto niyang mapansin bilang magaling na manunulat kahit na hindi niya ito akda.

dapat talaga sa kanya ay maghubad muna...bago mangarap. 

"Bago ka mangarap...maghubad ka muna"