Muntinlupa ni Amado V. Hernandez (Adaptation)

|

UNANG TAGPO

Lawrilyn: Magandang hapon po, Spek, Eto po’ng mga bagong dating.

Jeazelle: Ilan?

Lawrilyn: Lima po.

Jeazelle: Buti lima lang? Konti ngaun ah?

Lawrilyn: Mahina po’ng negosyo sa araw na ‘to.

Jeazelle: Oo nga eh... Kahapon trenta, nung makalawa 46. Parang sardinas na ang preso dito. Mass production kung makagawa sila ng kriminal mula sa laya. Teka, kilalanin na natin kung sinu-sino yang mga bitbit mo.

Lawrilyn: (sa mga preso) Humanay kayo dito tsaka tumayo ng diretso!

Jeazelle: Julian Mayap. Sino ‘to?

Vincent: That’s me!

Lawrilyn: Aba Spek! Spokening Dollar!

Jeazelle: Oo nga eh... Teka at magcoconcentrate muna ako ng English dito. Ihanda mo yung dictionary at baka maubusan ako. (kay Vincent) Hey you, so you are being accused of sexual harrassment?

Vincent: (sinusubukang landiin si Inspektor) You see Miss Inspector, It’s not my fault. I just asked her if she wants to have sex with me. You see, i’m so hot! I didn’t know that she could resist me and my hot body! Then an officer took me here. That’s all!

Jeazelle: Sige na Trusty, rekisahin mo na yan! Baka may dalang armas o kaya pera. (sa mga preso) Kayo kung may armas o pera kayo, ilabas nyo na.

Bilog: (sa kanyang sarili) Anu to? Holdap?

Jeazelle: Kikay Kimasayod.

Desha: Ako po.

Jeazelle: Dalaga ka?

Desha: Wala pong asawa.

Jeazelle: Ilang taon ka na?

Desha: 19 po

Jeazelle: Anong nangyari sayo?

Desha: Nakapatay po ako ng isang hayup!

Jeazelle: and sabi dito, nakapatay ka ng isang landlord?

Desha: Nagrarasyon po kasi ako ng itlog sa kanila. Tinangka po niya akong halayin at ipinagtanggol ko lamang ang aking sarili. Hindi nyo naman po ako masisisi sapagkat bilang isang babae, itunuturing kong isang kayamanan ang aking puri. At dahil sa tinangka niyang gawin, napatay ko siya.

Jeazelle: Naiintindihan kita. Pero wala akong magagawa, kailangan mong pagbayaran ang nagawa mong kasalanan. Dun ka sa correctional dadalhin. Magpakabait ka at may awa din ang Diyos. (sa iba na ang pokus) Isabelo Balucol! Ikaw na naman!

Jericko: (ngumunguya ng  chewing gum) Syempre Spek! Idol ko si MacArthur eh. I shall return!

Jeazelle: Abnormal ka! Hindi ka man lang nagtagal sa laya!

Jericko: Dito na kasi ang aking Home Sweet Home!

Jeazelle: Trusty kapkapan mo na yan! (sa iba na ang pokus) Tony Maravillosa!

Bilog: Bago po ninyong kakilala! Ito po ang aking calling card. (magaabot ng calling card)

Jeazelle: Magpakilala ka.

Bilog: Ako si Tony Maravillosa, isang batang laki sa layaw. Good time, alak, musika, sugal, at maputing binti. (sisipatin yung binti ni Desha tsaka sisipol)

Jeazelle: Oi! Umayos ka! Wala ka sa kabaret.

Bilog: Ayon, mabalik tayo sa istorya, hindi nagtagal, nasuya si papa, sinabi nya na magtayo ako ng negosyo at matuto magisa.

Jeazelle: Tama naman ang ama mo eh!

Bilog: Sinabi ni papa na kung magnenegosyo ako ay alahasan. At para mapabilis ang negosyo, nung gabing iyon, binuksan ko ang tanyag na tindahan ng Brilyante sa Escolta, ang Estrella del Norte.

Jeazelle: Try mo buksan mga kandado dito!

Bilog: Ang kailangan ko dito ay kama at lampara sapagkat mahilig akong magbasa. Lutuan na din sapagkat umiinom ako ng kape habang nagbabasa.

Jeazelle: Wala dito nun! Trusty, kapkapan mo yan, baka may armas o pera.

Bilog: Wala na akong pera. Heto ang bente, ang huli kong kayamanan sapagkat nadukutan ako.

Jeazelle: Isabelo! Ilabas mo yan!

Jericko: Praktis lang!

Jeazelle: Daniel Magtanggol!

Daniel: Nandito po!

Jeazelle: Ang sabi dito, nanloob ka at nanunog...

Daniel: Yan po ang bintang nila sakin.

Jeazelle: Bintang? Ano ba talaga nangyari?

Daniel: Ako po ay isang magsasakang inapi ng isang Maylupa. May sakit ang aking asawa at ang aking mga anak ay nagugutom na. Magnanakaw sana ako ng bigas na nararapat sa aking pamilya. Nung nandoon na ako ay biglang nagliyab ang kamalig. May nakita akong ibang mga tao subalit hindi ko sila nakilala. Marahil, katulad ko, sila ay napopoot din sa maylupa. Inabot ako ng mga pulis at ako ang siyang napagbintangan ng pagnanakaw at panununog. Pero hindi talaga ako...

Jeazelle: Buweno hindi ako ang huwes. Manalangin ka na lang. (kay Lawrilyn) Trusty, pumunta ka sa kitchen at sabihin mong magdala ng rantso para sa lima. Tapos kumuha ka na din damit sa supply.

 

IKALAWANG TAGPO

Lawrilyn: Aba ang gagaling huh! Gawin bang bakasyunan ‘tong preso? Ang sasarap ng buhay nyo jan ah!

Jericko: Mainit ulo mo tsip?

Lawrilyn: Kung makita ‘to ni Spek, kayo ba papagilitan? Diba hindi? Napakarumi ng sahig ngayon! Sino ba ang lampasero ngayon?

Jericko: Ayun po natutulog!

Lawrilyn: Tulog!? Anung petsa na!? Gisingin mo yan!

Jericko: (kay Vincent) hoi bumangon ka! Wag ka daw batugan sabi ni tsip!

Lawrilyn: (kay Vincent) Oi! Anu ka? Senyorito?

Vincent: I just mopped the floor last night!

Lawrilyn: Iba yung kagabi iba yung ngayon. Lampasuhin mo yan maigi! Mamaya may inspeksyon!

Jericko: (kay Lawrilyn, habang naglalampaso maigi si Vincent)  Tsip hindi ba piyesta opisyal ngayon?

Lawrilyn: Isa ka pa. Wala kana pakelam kung piyesta opisyal ngayon. Para sa preso walang piyesta-piyesta opisyal!

Jericko: Sabi mo eh...

(pagalis ni Lawrilyn)

Jericko: Yan ang masama sa kapwa natin preso eh... tumaas lang ang ranggo yumayabang na.

Bilog: Par, anu ba okasyon ngayon?

Jericko:  Piyesta opisyal ngayon. A cuatro de Julio.

Bilog: Para san ba yon?

Jericko: Piyesta ng Presidente ng Pilipinas. Hulyo 4 kasi yung kalayaan ng Pinas.

Lawrilyn: Inspeksyon! Inspeksyon! In your places! Attention!

(hihilera ng mga preso)

Lawrilyn: Lapis! (magaabot ng lapis si Vincent)

Jeazelle: Bakit ka may lapis?

Vincent: Cause i’m trying to study Tagalog (slang)

Lawrilyn: (kakapkapan si Jericko) Lighter!

Jeazelle: Kanino to?

Jericko: Nadelihensya ko lang po.

Jeazelle: Umayos ka huh!

Jericko: (sa sarili) Nadukot ko nga, nadukot naman ng iba!

Lawrilyn: (kakapkapan si Bilog) May pako po!

Bilog: Pambukas ko po iyan ng lata.

Jeazelle: Tumigil ka. Bawal yan dito.

Lawrilyn: Spek tingnan mo to...

Jeazelle: Bakit ka may pera?

Julius: Binigay lang po ng mga madre sa akin. Gusto ko po kasing magtirik ng kandila.

Jeazelle: Bawal ang pera dito. Akin na iyan.

Lawrilyn: Singsing po... (nakatingin sa kamay ni Daniel)

Jeazelle: San galing yan?

Daniel: Galing po sa kapatid ko nung dumalaw siya. Yan lang po ang tanging alaala na nasira kong kabiyak.

Jeazelle: Pagpasensyahan mo na pero bawal iyan. Ideposito mo iyan... kunin mo na lang sa paglaya mo.

(ikakahon lahat ng makikita)

Jeazelle: Kayo mga pasaway kayo! May mga rules at regulations tayo pero patuloy niyong sinusuway. Ang mga nakuha sa inyo ay mga bagay na maaring gwing sandata o kaya ay maaaring ipanakit! Alam niyo rin na dapat ay may mga tatak ang inyong mga damit! Meron ba kayong gustong sabihin?

Daniel: May malalaking surot po sa aming tarima.

Jeazelle: Trusty, ilista mo iyon. Meron pa ba?

Jericko: Kailangan ko po sana ng aspirin. Iyon kasi ang inirekomenda ng doktor ko nuon sa labas.

Jeazelle: Trusty lista mo yon. Anu pa?

(walang sasagot)

Jeazelle: Kung wala na, bumalik na kayo sa tarima niyo.

 

IKATLONG TAGPO

Mikropono: Ito ang opisina ng O.D. Attention everybody. Ang mga presong tatawagin ay kailangan magreport sa opisina. Martiniano Bibi alyas Alembong,  Andres Bunso alyas Saluyot, Pedro Cotado, Romano Magsisi, Napoleon de Leon. Ang mga pangalang natawag ay pumunta dito sa O.D. ora mismo. Inaantay kayo ng swerte.

Daniel: Mapapalad.

Julius: Impluwensya, pera at politika.

Bilog:  Bakit sila lalaya?

Daniel: Kabilang sila sa tumanggap ng pardon para sa a cuatro de Julio.

Bilog: Bakit sila lalaya, at tayo hindi?

Julius: Ang ilan sa kanila ay may mga kamaganak na pulitiko. Ang iba naman ay dinaan sa yaman. Dito sa bilibid, palakasan ng padrino.

Daniel: Hindi naman siguro. Tinitingnan naman nila ang record ng mga preso diba?

Julius: Sinusuri nila ang record ng maliliit na preso. Yung mga tipong aligasgasin. Wala namang bigating preso dito na lumaya dahil dapat talagang lumaya.

Daniel: Nabibilibid ang tao hindi dahil sa malaki o maliit sya. Pantay pantay ang tao sa mata ng batas.

Julius: Kung magsalita ka akala mo hindi ka preso.  Tanungin mo ang mga preso dito kung bakit sila nagkasala, tapos itanong mo kung bakit sila nabilibid.

Daniel: Natural yun! Nagkasala sila kaya sila nabilibid.

Julius: Ang pagkakasala at pagkabilibid ay dalawang magkaibang bagay.

Bilog: Talaga! Akalain mong nagbukas lag ako ng tindahan at pagkatapos ay nabilibid na ako?

Julius: Tama na kalokohan. Hindi lahat ng nabilibid ay may kasalanan. At hindi lahat ng nagkakasala ay nabibilibid.

Daniel: Kaya nga may pulisya, piskalya at gobyerno. Para parusahan ang dapat. (katahimikan) Bulag ba ako?

Julius: Naniniwala ka bang nagnanakaw ang mga pulitiko?

Daniel: Oo. Yun ang laging laman ng mga Draryo hindi ba?

Julius: Oo. Pero may nakulong na ba dahil sa graft and corruption?

Daniel: Wala pa akong nababalitaan.

Julius: Kita mo na? Yan ang patunay na ang batas para lang sa may pera at mga taong malakas ang kapit.

Bilog: Mahina tayo. Ang mga taong involve sa graft and corruption, sila sila rin ang nasa poder. Alangan naman na ikulong nila ang kanilang mga sarili.

Julius: Eksakto! Nadali mo! Kaw Daniel, bait ka ba nandito?

Daniel: Alam mo naman na ang istorya ko diba?

Julius: Ayun nga diba? Kung tutuusin, ang malupa ang talagang may kasalanan... hindi mo naman gagawin yun kung hindi ka niya ginipit. Sa mata ng batas ikaw ang nagkasala pero ang totoo, yung maylupa ang may kasalanan.

Daniel: Totoo pero hindi ko naman sila dapat hatulan. Dapat hukuman ang maghatol sa kanila.

Julius: Napakagiting mo Daniel.

(pahangos na darating si Jericko at Vincent)

Vincent: (slang) Nadinig nyu na ba? Some are being pardoned. I think we must protest! It’s unfair!

Daniel: Wag kayo mainip... isang araw tayo rin ang lalaya.

Jericko: Anug wag mainip? Eh ilang siglo na kami dito?

Daniel: Gusto kong sabihin na hindi natutulog ang Diyos. Sa tamang panahon, makakalabas din tayo dito.

Julius: Tinubuan na ako ng uban dito. Lumipas ang panahon, nandito pa din ako. Nagkabaon baon na kami sa utang, namatay na ang aking asawa at ngayon hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa aking anak. (isasapo ang dalawang kamay sa mukha)

Jericko: Ako hindi na ako maghihintay ng pardon. Pwede  naman tayong lumaya ng sabay sabay... pwede tayo mag riot. Yan na lang pag-asa natin.

Daniel: Huminahon nga kayo!

Bilog: Nasa riot ang kalayaan ng presong api!

Daniel: Nauulol na ba kayo?

Julius: Sinong di mauulol sa buhay na ito?

Jericko, Bilog, Julius, Vincent (mga extra): Riot! Riot! Riot!....

Julius: Bigyan niyo kami ng hustisya!

Bilog: Lalaya kaming lahat!

Ayen: Magsitigil kayo!

Julius: ikaw ang tumigil guwardiyag ulol!

Ayen: Ulol pala huh! Etong sa inyo! (may ibabato)

Mikropono: Ito ang O.D. magsitigil kayo kung hindi ay hindi kayo sasantuhin ng bala ng machine gun!

(magkakagulo)

(makakarinig ng sirenang hudyat ng pagsita sa mga nagkakagulong preso)

(pagkatapos ay mananahimik)

Daniel: (nagsasalita sa sarili at may hawak na kahot na may puting tela. Tila senyales ng pagsuko)Ito ay isang himala! Walang napahamak meski isa! Napadaan ang anghel!

 

Mga Gumanap:

  • Salunga, Jeazelle H.
    • Pinuno
    • Manunulat ng dula
    • Tagapag organisa
    • Pangalawang direktor
    • Inspektor
  • Olaya, Julius
    • Direktor
    • Tagapamahala sa ilaw
    • Doro
  • Medina, Ayen Jurgen
    •  Guwardiya
  • Dela cruz, Jericko
    •  Isabelo Balucol
    •  Balisong
  • Caro, Vincent
    • Julian Mayap
    • Lampasero
  • Galas, Desha Ruth
    • Namahala sa props
    •  Kikay Kimasayod
  • Figueroa, Lawrilyn
    •  Trusty
  • Villanueva, Ferdinand
    • Namahala sa Props
    • Tony Maravillosa
  • Tragura, Daniel Matthew
    • Namahala sa sound system
    • Daniel Magtanggol

-nakita ko lang sa files ko and this was years ago.. in cause someone will need :)

 

-namimiss ko na yung mga taong nakasama ko dito... ang gagaling nila nung actual na kahit puro laro sila nung practice... 

 

j2012