Mr. Endangered Specie

Dequi's picture

Naranasan mo na bang buruhin ang iyong pagmumukha sa harap ng salamin sa loob ng maraming oras habang tinatanong ang sarili kung saang lupalop ka nagmula? Kung isa ka sa mga pinalad na magtamo ng itsurang pasok sa planetang Jupiter, malamang masasabayan mo ang bawat takbo ng kwento ko. Ako si kulot, madalas mapagkamalang salot. Nakatira kami sa isang bayan sa Kabite. Doon ako lumaki at malamang ganoon din sila. Ang bahay namin ay nasa likod ng dalawang simbahan pero hindi iyon nangangahulugan na madalas kaming magsimba.Napapaisip nga ako, mukhang ang swerte ng dalawang simbahan ay napunta sa mga kabahayan sa harapan nito at napag-iwanan na kaming mga nasa likod. Madalas kasing magkaroon ng mga kaguluhan kung saan mapapalibutan ka ng mga nagliliparang mga plato at sibat. Sa madaling salita, lumaki ako sa isang lugar na nababalot ng iba’t-ibang masamang pangitain at pangyayari. Sa sobrang gulo ng aming pamilya ay malapit na kaming tanggihan ng mga barangay at ng mismong mga pulis.

Lima kaming magkakapatid. Hanggang pagtanda yata ay pinanindigan ng tatay ko ang natanggap niyang award noong elementarya na “Pinakamasipag.”Madalas nila akong tawaging big eyes, malamang may kalakihan ang aking mga mata. Kulot ang aking buhok, pango ang aking ilong, kayumanggi ang kulay at may kakapalan ang mukha maging ang labi. Hindi lahat ng kulot ay salot pero hindi nila ako pinaniniwalaan. Tahimik kasi ako at hindi masyado kumikibo kaya naman sa tuwing tinatanong nila ako ay puro senyas lamang ang aking mga isinasagot. Simple lang, kapag tinatanong nila kung pang-ilan ako sa mga magkakapatid ay itataas ko lang ang aking hinlalato. Hindi ko maintindihan ang mga tao sa paligid ko dahil matapos ko silang sagutin ay sasampalin naman nila ako. Kaya madalas ay nagsusuplado na lang ako. Guwapo sa personal e.

Hindi ko alam kung anong sumpa ang kumapit sa akin. Isinilang ako sa katre ng nanay ng mga kapatid ko na asawa ng tatay ko. Naisip ko noonipinaglihi ako sa maligno o kaya naman kulang ako sa buwan kaya naman nagmukha akong fetus noong inilabas sa mundong napapaligiran ng mga taong nag-iipon na ng pamumula para sa paglaki ko. Mas mabuti na ang kulang kaysa naman sa nabulok na ako sa tiyan ng nanay ko. Baka paglabas ko, binata na agad. Nagtataka nga sila dahil iyong apat na kapatid ko ay talaga namang pangrampa ang mga pagmumukha.

Noong bata ako siguro kahawig ko si Santino maliban lang sa buhok niyang may basbas ni Justin Bieber. Noong piyesta kasi ay ayaw akong patayain sa isang sugal kung saan kapag tumama ang letrang hula ay mananalo ng itik. Nag-alsabalutan ako at lihim na naglayas hanggang sa maligaw ako gayong sampung dipa lang ang layo ng plaza mula sa amin. Iyak ako ng iyak hanggang sa napadpad ako sa isang batangenyong naggagawa ng sapatos na akala koy sasapatusin ako sa mukha.Dinala ako sa kumbento kung saan pinatulog muna ako ng pari dahil sa gaganaping misa. Ang nakakahiya lang ay ang pag-anunsyo ng pari tungkol sa nawawalang bata na ako. “Ididiwan. Ididiwan…” madaling kumalat ang tsismis sa aming lugar kaya siguradong aabot ito hangga’t may lupa. Dahil wala pa rin o wala talagang gustong bumawi sa akin ay napilitan pa tuloy akong ipagtanong ng pari sa bawat bahay. Lumuwa ang mata niya nang malamang sa likod lang pala ng simbahan kami nakatira. Sa hinaba-haba ng pagtatanong sa likod ng simbahan lang pala ang tuloy.

Noong elementarya ako, madalas sabihin ng nanay ko na kahawig ko raw si Jericho Rosales na pinaniwalaan ko ng buong puso’t kaluluwa dahil nga sa kulot kong buhok. Noongnasa ikalimang baitang ako sa elementaryahindi ko alam kung pinagtitripan o may pagtingin talaga ang kaklase ko sa akin. Buong tapang siyang tumayo at ipinagsigawan ang pangalan ko para maging konsorte ng aming klase kung saan nabulunan pa ko sa iniinom kong palamig na tatatlo lang yata ang lamang sago. Maya-maya ay bigla na lamang nagsalita ang aming guro na akala ko’y pupurihin at sasang-ayunan ang kaklase ko.Tandang-tanda ko pa na sinabi niya na kung pipili kami ng konsorte na irarampa sa harap ng maraming pagmumukha ay iyong maayus-ayos naman daw ang dapat naming piliin. Siguro iyong tipong kahit nakamaskra ay mapapasigaw ka kahit nasa Manila ka pa gayong nasa Kabite lang kami. Napakaprangka naman ni Mam, hindi niya ba ako nakita sa unahan ng upuan para mapigilan sya sa pagsasalita? Ang sakit sakit!

 

(Kung gusto ninyong magpatuloy sa pagbabasa, go here : http://www.wattpad.com/4111238-mr-endangered-specie )


ano po  meaning ng

ano po  meaning ng specie?