Minsan May Isang Rosas

| |

Minsan May Isang Rosas

 

John Paul Lauron

 

Minsan sa aking paglipad,

sa isang rosas napadpad.

Ang puso ko ay nagalak,

kakaibang halimuyak,

sa kanya'y aking nahanap.

 

"O, rosas kong sinisinta,

ano nga ba ang meron ka?

Sa buhay ko'y ika'y tanglaw,

sigaw ng puso ko'y ikaw!"

Wika ko sa aking mahal.

 

"Paumanhin paru-paro,

ang pag-ibig ko ay sayo,

kung talulot kong puti,

ay tulad ng pulang lahi."

malungkot nyang sagot sakin.

 

Rosas ay biglang umiling,

nang bubuyog ay parating.

"Dyan ka lang!" sa kanya'y banta

"Di sya pwedeng mapinsala!"

Rosas ko'y aking niyakap.

 

Talagang sya ay mapilit,

at tuluyan syang nagalit.

Ako ay kanyang dinumog,

hanggang sa ako'y madurog.

Dugo'y sa rosas tumulo.

 

"Mahal kita aking rosas!"

Ito ang huling nabigkas.

"Ika'y mahal ko narin,

salamat sa handog sakin!"

Sa bubuyog nya sinabi.

JayPee Lauron