may future ba ang mga aspiring filipino writers dito sa pinas?

by kelvin_cruzada ( | )

I'm kelvin cruzada, 20 years old, uhm... 2nd year college and an aspiring short story writer.... i'm just wondering kung may future ba ang mga aspiring writers na makagawa ng impact dito sa pilipinas???? wala lang parang ang hirap lang na abutin yung mga narating ng mga idol kong sina rick riordan, annie rice, james patterson and j.k rowling dito sa atin..... what you think???? advice naman po....


by robleza on February 20, 2011 - 2:14pm

yan din tanong ko eh I'm 18.. kasi naman ang pinaka sikat lang na kilala kong writer dito sa pinas na ka generation natin ay si Bob Ong lang... ang lakas ng benta ng book nya at tinatangkilik ng kabataan.. pero I do believe na maraming magagaling na writer sa pilipinas na pwedeng itapat sa mga idol mong writer...di nga lang sila nabibgyang pansin dahil sa hirap ng buhay sa pilipinas.. katwiran nga nila pambili nga lang ng bigas di ko alam kung saan hahagilapin, libro pa kaya? hehehe

by kwekwento on February 20, 2011 - 5:17pm

 

Dapat ang itatak natin sa isip natin ay: May future ang manunulat dito sa pilipinas.

- Hindi patanong.

- Declarative.

Bakit? Dahil tayo ang magsasakatuparan niyon. Tayo ang lilikha at magmamaneho ng kapalaran natin. Tayong mga baguhang manunulat lang ang makapagpapasya kung ano ang kahahantungan natin. Kung panghihinaan na tayo ng loob ngayon pala lang, olats nga ang future natin. Pero kung patuloy tayong susuporta at magtataguyod ng mga mithiing naglalayon na maisulong ang panitikan natin, maging ang industriya, ay di maglalaon na uunlad din ang larangan na nais nating mapabuti.

Ang kailangang gawin, kumilos tayo. magsulat nang magsulat. magbasa nang magbasa. tumangkilik ng sariling atin, mga local books, hindi lang rick riordan, anne rice, james patterson, j.k rowling, dan brown etc.

Mas mapapadali ang pagsulong ng Panitikan natin kung sariling atin ang tatangkilikin. Hindi lang si bob ong -- napakaraming magagaling at malulupit na manunulat sa atin -- marami na akong nabasang libro na akda ng mga pinoy, mapaklasiko o kontemporaryo, kumbensyunal o eksperimental. Ngunit gaya nga ng sabi ninyo, hindi napapansin. Bakit ulit? dahil mas napapansin ng karamihan ang mga banyagang manunulat. Madali kasing maapektuhan ng mainstream at daloy ng lipunan sa kung ano ang uso.

Kung may nabasa tayong astig o makabuluhang aklat mula sa pinoy author, irekomenda natin sa iba; kung maaari ay huwag ipahiram, pabilihin mo siya ng sarili niyang kopya, mas mainam iyon. Nang sa gayon, mairekomenda niya rin iyon sa iba, hanggang sa magpakalat-kalat na at bilihin ng nakararami. Ito'y isang esensyal na proseso't paraan sa pagtataguyod ng ating book industry.

Suporta ang kailangan ng Panitikan natin mga repa. Huwag tayong maghintayan at magtanungan kung sino ang kikilos; dapat tayo mismo 'yun; at sana'y gawin natin iyon sa lalong madaling panahon.

 

 

 

by robleza on February 20, 2011 - 7:30pm

wow! isang napakagandang mensahe ang naisagawa mo repapips maraming salamat sa iyong pagbibigay ng komento...lahat ng sinabi mo dun tama! hehe

 

and nga pala gusto ko lamang bigyan ng diin at addition ung tungkol sa economic state ng ating bansa ngayon.. nakalulungkot ngang isipin na ang pagtangkilik sa isang libro ay dumedepende na lamang sa kapangyarihan ng komersyalismo kung ano ung malakas ang advertising agent, un ung magaling...

Base sa aking nakikita at naririnig ang kalakasan ng loob at tiwala sa sarili ang ang mga bagay na hindi nawawala sa mga manunulat na Filipino taglay nila ito.. walang pagkukulang ang mga manunulat na pinoy sa sikolohikal o pansariling aspeto sa usaping pagsulat... sadya nga lamang talaga na mahirap ang buhay sa pinas.. walang pera ang tao kung kaya walang msyadong bumibili ng libro dito sa pinas...walang puwang ang gobyerno para mas mapaigi pa ang at ma improve ang larangang ito sapagkat mas tuon sila sa ibang bagay na considered na "mas mahalaga" raw hahaha... 

.
by kwekwento on February 21, 2011 - 2:41am

Siguro nga'y isa sa mga minoryang dahilan ay ang lagay ng ekonomiya natin, pero sa tingin ko, hindi iyon ang talagang humihila pababa. Maraming Pilipino ang bumibili ng libro; ang kaso, banyagang produkto ang tinatangkilik. Magiging bestselling ba sa mga local bookstores ang The Da Vinci code, Twilight, Lord of the Rings, at Harry Potter kung walang bumibili ng libro?

Tama ka. Isang malaking sigalot nga ang likaw ng komersyalismo dito sa bansa. Hindi mismo ang paksang iyon, kundi ang maling paraan nito na siyang umaapak sa mga lokal na produkto. Hanggang ngayon, hawak pa rin ng kolonyalismo ang leeg ng bansa. Hindi iyon kasalanan ng mga may kapangyarihan -- pero sila ang tagapanamantala. Tulad ng konsepto ng pagtitinda sa canteen ng junk foods, kendi, softdrinks; at mga kakanin gaya ng puto, kutsinta, kalamay, buko juice sa isang paaralan. Sa tingin mo, ano ang mas bibilhin ng mga estudyante?

Ang nagbubunga nito ay ang baluktot na pag-iisip ng lipunan, pati na rin ang kinasanayang ugali na pagiging praktikal.

Bakit ka bibili ng lokal na produkto? samantalang ang imported ay nariyan lang at tiyak na sulit ka na, in ka pa sa uso. - Ito ay isang halimbawa ng kabaluktutan na aking nabanggit. Maaaring sa ibang perspektiba, walang mali -- ngunit, wala ring maibubungang maganda sa ating industriya. Ito ay pansariling kapakanan lang. Pambubusog sa sariling tiyan, na itatae rin sa kubeta kalaunan.

Hindi isang mayorang dahilan ang ating pagiging third world country. Sa India, napakamasigabo ang kanilang kultura at sining, lalo na ang panitikan. Marami ring kilalang manunulat na nagmula sa bansang iyon pero umaarangkada ang mga akda sa estados unidos, ginawan pa ng pelikula.

Ang problema sa atin, kulang tayo sa pagmamahal sa ating kultura't sining. Kakaunti na rin ang mga makabayan. Nalihis tayo ng landas noon, pero walang bumabalik upang tahakin ang tamang daan.

Kaya sana, ang mga katulad nating pumapalaot pa lang sa paglalakbay, e makita ang pagkakaiba ng daang sinuong ng karamihan ngunit di na nakabalik, at daang may liwanag na puwedeng maaninaw ang pinanggalingan.     

 

 

by loredojs on February 21, 2011 - 11:12am

matagal ng kihiligan ang pagsusulat. Pero nilipisan lang ng mga panhon wala paring may nangyayari hehehehe

by Alexander Dagrit on February 21, 2011 - 3:03pm

 

Walang future. Bakit?

1. Hindi palabasa ng mga akdang pampanitikan ang karamihan sa mga tao. Ang mga lingguhang magasing Liwayway, Bannawag, Bisaya, at Hiligaynon na naglalathala ng mga nobela, maikling kuwento, tula, at sanaysay ay mababa ang sirkulasyon. Umaabot lamang sa 200,000 ang naibebentang kopya ng apat na magasing ito bawat linggo. Ibig sabihin, walang interes ang masa sa panitikan.

2. Dahil mababa ang benta ng mga kopya ng mga magasing gaya ng mga nabanggit sa itaas, kakaunti rin ang mga patalastas na lumalabas sa mga ito. Sa pangkalahatan, kakarampot ang kita ng mga pabliser. Dahil kakarampot ang kita, kapuranggit din ang bayad sa manunulat: P360 kung maikling kuwento at P180 kung tula. Mabubuhay ba sa ganyan ang isang manunulat?

3. Marami nang mga premyadong manunulat mula pa noong dekada 1950 ang nanatiling dakila sa panulat, pero walang kita. May mga kilala akong manunulat na tumirik ang mga mata dahil sa karukhaan. Pero mga tinitingala sila sa larangan ng panitikan.

4. Lalo pang nawalan na ng interes na magbasa ngayon ang mga tao dahil sa Internet. Mas nanaisin pa nilang mag-Facebook kaysa magpakalunod sa isang makapal na nobela.

 

Ano? Aarya ka pa? Aasa ka pa sa pagsusulat? Huwag na. Maghanapbuhay ka na lang ng iba. Pero kung hindi ka papipigil sa pagsusulat, gawin mo na lang itong isang libangan, o isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at mga saloobin, o isang sining.

Huwag mong asahang kikita at may kinabukasan ka riyan. Kasi kung magmamatigas ka na may mararating sa panitikan, mamamalayan mo na lang na nakalutang ka na sa hangin at nakikita mo ang mortal mong katawan. 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

by kwekwento on February 21, 2011 - 7:05pm

 

Hindi lang naman ang kikitain o pera ang kahulugan ng future ng isang manunulat eh. Ang mga nabanggit mo ay mga napaglipasan na rin ng panahon. Pero sa ibang publishing house dito sa atin, katulad na lamang ng visprint at psicom, malaki ang kinikita nila at maramihan ang mga inilalathala nila; sikat din ang mga authors nila.

Siguro nga'y hindi maituturing na mabisang hanap-buhay o pagkakakitaan ang pagsusulat, sapagkat kung iyon lang din ang iniisip ng isang manunulat, ang PERA, aba'y hindi siya talagang lumilikha ng sining.

Marami pang nagdadagsaang libro at mga anyo ng sulatin mula sa iba't ibang publishers. Ang mga nabanggit mo ay parte na lamang ng makulay na kasaysayan ng ating panitikan. Nawa'y buksan mo rin mga mata mo sa ibang matagumpay na manunulat at mga akda sa kasalukuyang panahon. Huwag sana nating pigilang mangarap at mawalan ng pag-asa ang mga baguhang manunulat. Dahil baka balang-araw, kahit mga nangangarap o gustong sumubok sa pagsusulat at mawala na rin. Hanggang sa maging alaala na lang ang salitang Panitikan sa ating bansa.

 

 

 

by Rom on February 21, 2011 - 9:03pm

agree ako kay kwek.

kung ang definition mo ng "future" ng manunulat ay nakatungtong sa pera o sa kita--wala nga talaga.

pero pera lang ba ang nagtatakda ng magandang future ng manunulat? ilang dakilang manunulat ang kilala natin na namatay ng walang pera pero ang kanilang mga obra ang tinitingala ng buong mundo? at ilang manunulat din naman ang ubod ng yaman pero di naman maituturing na klasiko ang kanilang mga gawa at hindi pasado sa pamantayan bilang literatura?

ngayon, kung para sa iyo ang tagumpay ng pagsusulat ay ang makalikha ng sining at literatura, makapagbahagi sa paglinang nito at makapagpahayag, dun pa lang nagtatagumpay ka na. 

 

 

KarikaTuura

by Patrickman on February 23, 2011 - 11:53pm

yung ibang mga tao talaga dyan sa tabi-tabi, hindi na dapat nagsusulat. kasi materyal na bagay ang nasa kokote, hindi sining o personal mithiin.

wala ngang pera sa pagsusulat, pero kung yan talaga ang hilig mo, hindi mo dapat pigilan ang sarili mo. ako nga e nagsusulat at nagko-compile ng mga sinulat ko at pinamamahagi ko sa iba. FOR FREE. okey lang kahit walang kita, basta mahalaga nagagawa ko ang hilig ko. dapat ganun din ang lahat ng mga manunulat.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

by Cristine Giselle Espino (not verified) on February 26, 2011 - 1:58pm

Kaya kang pakainin ng pagsusulat, kung hindi mo isusulat ang gusto mong isulat. Mag-online web content writing ka. Pero kung puro short story at maglalathala ka lang palagay ko magugutom ka lang. Tignan niyo si Edgar Reyes, gumawa na lang ng virgin coconut oil.

?
by Alexander Dagrit on February 28, 2011 - 9:28pm

 

Hi, Giselle.

Nag-bye FW ka. Tapos, hello FW uli. Buti naman.

Si Edgardo Reyes, sayang, ano? Ang gaganda pa naman ng mga nobela niya sa Liwayway dati. Hanggang noong 2008, may mga lumalabas pa siyang dugtungang nobela sa naturang magasin.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Alexander Dagrit on February 24, 2011 - 9:39pm

 

Wala po akong balak makipagdebate. Ang mga isinasagot ko sa blog na ito ay mga pansariling pananaw ko lamang.

Malinaw naman ang sinabi ko:

"Ano? Aarya ka pa? Aasa ka pa sa pagsusulat? Huwag na. Maghanapbuhay ka na lang ng iba. Pero kung hindi ka papipigil sa pagsusulat, gawin mo na lang itong isang libangan, o isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at mga saloobin, o isang sining.

"Huwag mong asahang kikita at may kinabukasan ka riyan. Kasi kung magmamatigas ka na may mararating sa panitikan, mamamalayan mo na lang na nakalutang ka na sa hangin at nakikita mo ang mortal mong katawan."

 

Sa bansa natin, dahil hindi mabili ang mga babasahing pampanitikan, walang aasahang kabuhayan ang isang manunulat. Hindi niya ito dapat pagkakitaan.

Pero kung gusto talaga niyang magsulat, ituloy lang niya -- bilang isang sining, et cetera. Hindi bilang isang kabuhayan.

At ang mga pananaw kong ito ay batay sa kalagayan ng ating panitikan sa kasalukuyan at sa madaliang hinaharap, dito sa ating bansa.

 

Ang panitikan ay isang anyo ng sining, at ang sining ay kinakalakal. Hindi maaaring ang isang prodyuser ay gugugol ng milyon-milyong piso para sa isang pelikula, tapos kapag ipinalabas na sa sinehan ang pelikula, libreng pumasok ang mga tao. Pinagkakakitaan ang pelikula -- ang sining.

Ganyan din ang recording, painting, sculpture, architecture, at iba pang anyo ng sining. Kinakalakal ang mga ito. Hindi maaaring ipamudmod nang walang bayad.

Maging ang panitikan. Ginagastusan ito, kinakalakal.  Hindi dahil sa MUKHANG PERA. Kundi dahil sa ang sining ay isang anyo rin ng komersiyo.

 

Kung sa pagsusulat ko naman, nagsusulat ako at katiting lamang ang nakukuha kong pampalubag-loob. Pero patuloy pa ring akong nagsusulat -- KAHIT WALANG GAANONG KITA, O WALA TALAGANG KITA.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Alexander Dagrit on February 25, 2011 - 11:28am

 

Kung online literature, LIBRE talaga iyon. Kasi, wala namang bayad ang pagtunghay sa mga nakaposte sa Internet. Milyong-milyong tao ang gumagawa niyan, at kahit ang isang Grade 1 ay puwedeng gumawa niyan.

Pero hindi iyan ang pinag-uusapan natin.

Ang pinag-uusapan natin ay PRINTED LITERATURE. Wala pa akong kilalang literary publisher na gumagastos ng malalaking pera sa paglalathala ng mga aklat, tapos libreng ipinamimigay ang mga kopya ng mga nalimbag na aklat.

Sige nga, sino sa atin dito ang makagagawa ng mga sumusunod:

1. Isaaklat ang kanyang mga kuwento o tula;

2. Magpalimbag ng 100,000 kopya ng naturang aklat sa halagang P5 milyon;

3. At libreng ipamigay sa mga tao ang 100,000 kopya na iyon.

May makagagawa ba sa atin niyan dito?

 

Sa online literature, kahit ang isang Grade 1, kayang mamigay ng libre. Hindi dapat ituring na exceptional o kahanga-hanga ang ganyan.

Pero sa printed literature, iba na iyan. Aywan ko lamang kung may makagagawa ng magbigay ng 100,000 libreng kopya ng aklat ng mga tula.

Ako, hindi ko magagawa iyan. Hinding-hindi! 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Alexander Dagrit on February 25, 2011 - 11:38am

 

Ang sining at kalakal ay iisa. Dahil ba sa mukhang pera ang ganito?

Sina Balzac, Zola, Hugo, Tolstoy, at iba pa ay kumatha ng sining (mga nobela), at nagbenta ng mga kopya ng sining nila. Kinalakal, pinagkakitaan. Dahil ba sa mukhang pera sila?

Si Rizal ay gumawa rin ng sining (mga nobela). Mababasa sa aklat na Pakikipagsulatan ni Rizal sa mga Kasama Niya sa Pagpapalaganap, Panandaang Taong Palimbag (Maynila: Pambansang Komisyon ng Ikasandaang Taon ni Jose Rizal, 1961) kung paanong nagbenta at umasa sa benta ng mga sipi ng Noli si Rizal. Dahil ba sa mukhang pera siya?

Sa kasalukuyan, sina Rowling, Brown, Grisham, at iba pa ay kumakatha ng sining, at nagbebenta rin sila ng mga kopya ng kanilang sining. Kinakalakal nila, pinagkakakitaan. Dahil ba sa mga mukhang pera sila?

 

Sa bansa natin, hindi bumebenta ang panitikan. Maituturing nang phenomenal ang isang aklat na bumenta ng 1,000 kopya sa isang taon. Kaya, walang aasahang pagkakakitaan mula sa panitikan dito sa ating bansa.

Ngayon, kung gustong ituloy ng isang manunulat ang pagsusulat niya, aba'y di ituloy niya. Pero hanggang sining na lamang, wala nang kalakal.

Iyan ang punto ko. 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Rom on February 25, 2011 - 11:49am

akala ko Dagrit ayaw mo ng debate? yung kasasagot mo ng kasasagot nagtutulak sa iba na lalong sumagot pa at magkainitan e. ipokrito ka talaga kahit kailan. bakit di ka na lang manahimik kung ayaw mo talaga ng debate? ako mananahimik na sana ayaw ko nang patulan ka pa tutal naibigay ko na naman ang punto ko e. 

 

kung alam mong naibigay mo na  ang punto mo shut the fuck up! putang ina ang daldal mo e parang puke yang bibig mo! wala ka bang tiwala sa sarili na kailangan kapag nasaling ang punto mo at nasupalpal ka ay importanteng ngumakngak ka?

tangina sarap mong sapakin! 

 

KarikaTuura

>
by Alexander Dagrit on February 25, 2011 - 11:56am

 

Nagpapaliwanag lamang ako kasi kinontra ang mga punto ko. Hindi pakikipagdebate iyan. Nagpapaliwanag lang ako.

Huwag ka namang magmumura. Hindi natin kailangan dito iyan. Hindi na tayo parang mga bata na kailangan pang magmura.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Patrickman on February 25, 2011 - 12:30pm

wala rin kasi sa ayos yung sagot mo e. ang tanong lang ni thread starter is "may future ba ang mga aspiring writers na makagawa ng impact dito sa pilipinas????"

so, impact is not equal to monetary gain. which is what my point is primarily. impact could mean influence, or makapag-advance ng literatura dito sa Pinas. anyone na may kakayahang magsulat nang mahusay could do that.

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

by Alexander Dagrit on February 25, 2011 - 1:54pm

 

Kanya-kanya na lang tayo ng opinyon. Hindi tayo magkakasundo e.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Rom on February 25, 2011 - 2:06pm

 kelan ba ako naki share ng opinyon sa iyo? talaga namang kanya kanya tayo e tanga!

 

KarikaTuura

by Rom on February 25, 2011 - 1:47pm

putangina mo hindi kasama sa pagpapaliwanag ang pagiging sarkastiko gago!

kahit kailan ikaw Dagrit ang pinakamasahol sa lahat ng gago at napaka ipokrito mo. sa dinami-dami ng manunulat dito sa FW tanging ikaw lang ang minumura ko--tanungin mo kung bakit at baka sakaling sagutin kita.

hindi ka na nga nakakatulong sa mga aspiring writers nakukuha mo pang i-down sila. hindi nakikipagdebate at nagpapaliwanag lang? basahin mo ulit ang sagot mo. tanga! 

 

KarikaTuura

>
by Alexander Dagrit on February 25, 2011 - 1:53pm

 

Ako lang? Sa dami na ng mga minura mo rito.

Pero sige na nga.

Oo, alam ko kung bakit mo ako minumura.

Basta ang alam ko, nagbibigay lang ako ng mga opinyon ko.

Murahin mo ako nang murahin kung gusto mo.

Ano naman sa akin?

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Rom on February 25, 2011 - 2:03pm

o sige na nga isama na natin Jon Royeca sa minumura ko. ikaw din naman yun e.

ang hirap sa iyo kapag nasagot ang opinyon mo ng kontra---aarya ka ng sarkastikong banat na darating sa puntong mamemersonal ka na kapag nasukol ka at napahiya. remember RJ santos? mabuti na lang at na print screen ni RJ yung sinabi mo sa kanya bago  mo binura at pinalitan kaya naisupalpal sa ipokrito mong mukha at nagbabanal-banalan mong asta ang mga sinabi mo.

ako nagmumura ako at outspoken ako sa lahat wala akong tinatago. ikaw sorry sorry ka pa kunyari pero sumisikwat ka ng patalikod. kunwari puro wisdom ang binabahagi mo at mahinahon kang nagpapaliwanag ng punto mo pero tangina traidor ka. sa tagal mo dito kilala na kita. at ang nagsisimulang usapan na ito ay mauuwi na naman sa ilang beses na pattern ng kagaguhan at panggagago mo.

sa bandang huli pag nasukol na ang punto mo kunyari magsosorry ka at makikipagbati "peace" daw sa lahat. pwe! tapos sisikwat ka ng patalikod

tangina mo kilala kita at ang baho ng ugali mo! 

akala mo kasi inactive na kami dito kaya yung mga baguhan dito ang pinapaandaran mo. 

 

KarikaTuura

>
by Alexander Dagrit on February 25, 2011 - 2:08pm

 

May mga opinyon lamang ako. At hindi rin lamang ako ang nagsasabi na walang pagkakakitaan ang mga writers natin dito sa bansa natin.

 

Ngayon, dahil sentensiyado mo na ako, ano pa ang magagawa ko?

Sige na nga.

Itodo mo na.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by Rom on February 25, 2011 - 2:25pm

 wala akong problema sa opinyon mo tanga! ang problema ko ay ang pattern ng ugali mo. ginagawa mo lang springboard ang opinyon mo para simulan na naman ang katangahan mo. ilang beses na bang nangyari ito? sa tingin mo bago lang ito?

lahat dito nagbibigay ng opinyon pero sino lang ba ang namumura lagi dahil sa kagaspangan ng ugali? nagmumura ako oo, pero kahit kelan wala akong record na nanggago ng tao. magkaibang magkaiba yun kasi ang mga minumura ko ay ang mga tulad mo lang gets?

nangako pa pa noon matapos mong gaguhin si RJ na magbabago ka na. talaga lang sigurong ipokrito ka at wala na akong maggawa dun kundi murahin ka lagi. 

 

KarikaTuura

by Alexander Dagrit on February 26, 2011 - 12:23pm

 

Ang panitikan bilang sining at kalakal ay nangyayari sa ibang bansa, noon at ngayon. Gaya ng mga narating nina Tolstoy at J. K. Rowling: Kumatha sila ng sining, nagbenta ng mga kopya ng sining nila, at kumita.

Sa Pilipinas, imposible iyan dahil hindi bumibili ang mga tao ng mga materyales na pampanitikan. At hindi lang ako ang maysabi nito.

Tunghayan:

"As a profession, poetry writing is not a good one for earning a living. Very few people can create on an empty stomach. An artist is first of all, a human being. Today, poets work secondarily as poets, and primarily as wage earners." -- Dr. Cirilo F. Bautista (Noemi Benizano, “The Poet and His Monkey," Philippine Panorama, Aug. 3, 1997, p. 28).

"Nang magpasiya akong magmakata, kinakailangang maghanap ako ng ikabubuhay. Sa Filipinas kasi, hindi maipantatawid-gutom ang kinikita sa pagtula. Ang mga makata rito, tulad ng iba pang manunulat ng panitikan, ay may ibang gawain upang mabuhay. Pagtuturo ang napasukan ko. …" -- Dr. Michael M. Coroza, "Isinilang na Makata o Isinilang sa Pagtula?" Liwayway, Hun. 15, 2009, p. 30.

 

Kaya, siguro naman, hindi masama kung sasabihin ko na hindi pagkakakitaan ang panitikan dito sa ating bansa kasi ang mga premyadong manunulat na mismo ang nagpapatunay hinggil sa bagay na iyan. Sa ibang bansa, maaaring pagkakitaan ang panitikan, lalo na sa mauunlad na bansa.

 

 

Wala akong ginagawa sa ibang mga tao rito sa FW. Wala naman akong pineperahan, kinikikilan, sinasaktan nang pisikal, niraraket, o ano pa. Ni hindi pa nga tayo nagkikita sa personal.

Kahit kalkalin pa ang buhay ko, pati na ang mga bagsak kong grado noon at ang mga kamalian ko ring nagawa noon, at kahit tadtarin pa ako nang pinong-pino, ano ang mapapala sa ganoon?

Sumasagot lamang ako sa tanong na kung may future ba ang writers dito sa atin?

Gaya ng sinabi ko na, kung ang pag-uusapan ay "panitikan bilang sining at kalakal," walang future ang mga writers natin.

Pero kung "panitikan bilang sining, pagpapahayag ng mga damdamin at saloobin, o libangan," sige ituloy ng isang manunulat. Baka may marating pa siya.

Masama ba ang mga sinasabi kong iyan?

 

E, ang iba kung saan-saan na bumabaling. Kung ano-ano na ang mga pinagsasabi.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by KarloOropesa on February 25, 2011 - 4:52pm

Tingnan mo, sa mga sinabi mo pa lamang ay may nakita na akong problema. Bakit sila J.K. Rowling, Anne Rice, o James Patterson? Bakit hindi sina Eros Atalia, Carlos Malvar, G.M. Coronel, Budjette Tan? Kung sa klasiko naman ay nandyan sila Nick Joaquin, F.Sionil Jose, Rio Alma, Bienvenido Lumbera...At NAPAKARAMI pang mga makata at mga kwentista.

Oo sige, 'magaling' ang iyong mga iniidolo, pero meron din tayo. Marami. Kelangan mo lang silang suriin, at basahin. May future. Hangga't mayroong magsusulat na Pinoy at mayroong MAGBABASA ng Panitikang Pilipino.

>
by Alexander Dagrit on February 26, 2011 - 12:28pm

 

Wala namang nagsasabi rito na walang magagaling na manunulat na Pilipino. Napakaraming magagaling na manunulat na Pilipino.

Pero ano ang nagagawa nila? Panitikan bilang sining lamang, walang kalakal. Sa mauunlad na bansa, ang panitikan ay sining at kalakal. Sa atin, hindi dahil ayaw magbasa ng mga tao ng mga akdang pampanitikan.

Walang diskusyon kung mayroon ba tayong magagaling na writers dahil napakarami nila sa bansa natin.

Ang wala tayo ay ang maraming mambabasa. Kahit man lang sana 5% ng kabuuang populasyon natin. Pero wala e.

Ang mga nagpapatunay mismo na imposible dito sa ating bansa ang panitikan bilang sining at kalakal ay ang mga  manunulat na may narating na. Matagal na kasi sila sa local publishing industry, at alam na alam na nila kung ano ang mga napaghihita nila.

 

Dahil nga hindi pinapansin ng mga tao ang mga akdang pampanitikan sa ating bansa, mahirap makagawa ng impact ang isang manunulat, baguhan man o datihan na. Papaano siya makagagawa ng impact sa isang bansa na hindi pinapansin ang panitikan? Kahit pa mas mahusay sa Noli at Fili ang nagawa niyang nobela, kung kakaunti lamang ang papansin, ano ang impact na magagawa niyon?

Makagagawa lamang ng impact ang isang writer sa isang bansa kung saan tinatangkilik ng mga tao ang panitikan, o kung saan ang panitikan ay bilang sining at kalakal.

Sa bansa natin, dahil ang panitikan ay nananatiling isang sining lamang, himala ang kailangan upang makagawa ng impact ang isang writer.

Sana nga, mangyari ang himalang iyon. 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by kwekwento on February 26, 2011 - 1:11pm

Okey na yan. Huwag na natin palalain.

Magtulungan na lang tayo para sa ikabubuti ng Panitikan. Magbigay tayo ng pag-asa sa iba. Tangkilikin ang sariling atin. Magbasa nang magbasa. Magsulat nang magsulat. Huwag tayong papipigil kanino man, huwag susuko.

Dahil ang sining, walang limitasyon. Ito ang pinakamalayang konsepto sa lahat.

 

salamat sa inyong mga opinyon.

by RJ Santos on February 26, 2011 - 6:56pm

Depende yan sa gusto mong manyari.

Yung iba gustong yumaman. Yung iba gustong makaimpluwensiya ng mga isipan.

Tingin ko lahat ay posible basta't ginagawa mo nang tama at may pagpupursigi.

 

:) 

 

 

EDIT: May war pa lang nangyari sa taas. Haha! 

by bahalanaman on February 28, 2011 - 12:14am

Tanong ito ng mga hindi mahilig magbasa ng literaturang pinoy tulad ko. Kasi nung nagsimula akong mag-enjoy na basahin ang mga manunulat na Filipino (kasama na rin yung mga dialektong naiintindihan ko), pinalitan ko yung tanong ko nang..."Bakit ko kaya sila binabasa, pero ako, binabasa kaya nila?" 

 

Hindi pala tanong ang kung may future ba ang panulatan at manunulat dito sa Pilipinas. Hamon pala ito, na hangga't may nagbabasa sa kanila o sa akin, at may mag-iisip o gagawa ng mas mahusay na babasahin, para sa hinaharap... malamang may future ang Panitikang Pilipino.

 

Yung mga hindi naniniwalang merong future ang panitikan dito sa atin, ayan yung mga walang silbi sa lipunan at  hindi nag-iisip ng inovation para sa kulturang Pilipino. Masakit isipin pero marami yun ngayon. At isama mo na rin sa hamon sa'yo yan.

 

 

~ magsulat ka ng benteng tula at kwento. kung kahit isa dun hindi nagandahan ang nanay mo. magbasa ka na lang at maging kritiko~ katagay! 

>
by Alexander Dagrit on February 28, 2011 - 9:24pm

 

Gaya ng nabanggit ko na, dito sa ating bansa, kung ang panitikan ay "bilang sining at kalakal," walang future ang mga manunulat natin dahil hindi bumibili ng mga materyales na pampanitikan ang maraming tao. At ang mga nagpapatunay nito ay iyong mga batikan nang manunulat na nakarating na roon sa local publishing industry.

Pero hindi nangangahulugan iyan na wala nang future ang panitikan natin.

Kung ang panitikan ay ituturing ng isang manunulat na Pilipino bilang isang sining, libangan, o paraan ng pagpapahayag ng mga damdamin at saloobin, ituloy lamang niya. Malay natin, mangyari ang himala na ninanais natin: Ang makagawa ng impact ang isang manunulat sa isang bansa na hindi gaanong pinapansin ang panitikan.

Hindi naman porke walang maaasahan ang mga manunulat natin sa panitikan bilang sining at kalakal, ay totally nang wala nang kapag-a-pag-asa ang ating panitikan.

Umaasa nga tayo sa himala e.

Sana nga, mangyari iyon.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

by chris2pei on March 1, 2011 - 12:40am

for me. meron yan, kung gusto mo tlaga ang gnagawa mo meron kang future, pero kailangan tlgang mag-intay para mging success rin..

sana  mbuhay muli ang komiks industry..kahit ndi ka marunong mag-drowing, kumuha ka lng ng illustrator o mahusay magdrowing, siguradong tatangkilikin yun dhil nalilibang ka..komiks pala yung "Paano ba ang Mangarap?" "Saan nagtatago ang pag-ibig?"  ngaun ko lng yun nalaman..ehehehe xDD

 

by nicholebeautiful on June 2, 2011 - 7:40pm

Meron sympre. That is if you are good enough... mommy ko writer din.. dati nyang nkakasama c boy abunda... mom ko manager na at c boy abunda ayun nsa tv... 

 

http://cars.sulit.com.ph

http://sulit.com.ph

by ErebusAngelus on June 2, 2011 - 8:26pm

Well, di talaga ako full-fledged writer so di ko alam ang lagay ng panitikan sa bansa pero sana makatulong ang sasabihin ko.

Sa US at Europe, hindi lang naman sina Rick Riordan, Anne Rice, James Patterson, JK Rowling ang mga manunulat nila. Ang mga kilalang writer na iyon ay iilan lang sa libo-libong manunulat na nangarap ng tagumpay. Hindi lang naman sa panitikan at arts. Kahit sa agham at sports, maraming nangangarap  pero ang mga kilala lang natin ay ang mga nagtagumpay.

 Ang punto ko lang... kung makakasulat ka ng akda na tatangkilikin ng lahat ng tao sa mundo, siguro maabot mo ang mga idol mo. Pero kailangan mong magsikap at kailangan handa kang mabigo.

Totoo rin naman na mas mahirap ang buhay ng Pilipinong writer kumpara sa banyagang writer... pero mas mahirap din naman ang buhay ng Pilipinong magsasaka kaysa sa banyagang magsasaka. So in general, mas mahirap ang buhay ng Pilipino. Ganoon lang talaga iyon.

by Myles Delfin on August 1, 2011 - 4:19pm

Hello everyone, first of all, I hope you can all forgive me if I'm writing in English, I can explain my opinion better this way. For me, being a writer in the Philippines is the same as it is anywhere else in the world. Especially now, with the access provided by the internet, it doesn't really matter where in the world we are. The problem is, we need to stop being afraid of writing for a wider audience, we need to break out and compete in the world. Where would J.K. Rowling be if she published her book in Celtic and distributed it in the glens of Scotland? We also need to be realistic about what we write about, not everyone in the world wants to read about dirt, grit, and political repression in the third world. Sometimes, people want to read about magic and bespectacled children in flying broomsticks. It's not a conspiracy against us, its just how the world thinks. I agree, success and failure as a Filipino writer is really up to us, but it will require a serious re-think of how we see the world and how we write about it.