Magdadalawang Taon na Ako sa FW!!

Ailem23's picture

Normal 0

Bigla kong naisip na puntahan ang account settings ko sa FW at napansin kong ilang weeks na lang dalawang taon na pala ako sa site na ito. Akalain nyo iyon, nagtagal ako dito! YeH! Kaya siguro naman okay lang kung magbalik-tanaw ako sa nakaraang dalawang taon na naging bahagi ng buhay ko ang Filipinowriter.

August 2007. Naghanap ako sa internet na mapapaglunggaan ng mga akda ko. Ilang buwan na akong graduate noon at sa unang pagkakataon sa buhay ko, ginawa ko ang matagal ko ng gustong gawin-ang magsulat at simulan ang pangarap kong maging writer. Sineryoso ko mula noon ang pagsusulat dahil sabi ko sa sarili ko, kung hindi ko iyon ipaglalaban, hindi ko na iyon mababalikan kahit kelan. Marami akong nakitang site pero mostly, pang-international ang dating. Napilitan akong maging English-spokening para maka-mingle ko ang ibang writers ng site na iyon. Pero dahil nagsusumigaw sa puso at isipan ko na gusto kong magpaka-Pilipino sa mga akda ko, iniwanan ko ang site matapos ang isang linggo at naghanap ulit ng bago. Aksidente ang pagkakakita ko sa Filipinowriter. May nire-research ako noon na hindi ko na maalala nang makasama sa search results ng Google ang isang blog na sa site na ito nakapost. Hindi ko na rin maalala kung ano iyon. Hinalukay ko ang laman ng site at naenganyo akong mag-register. Sa una, alinlangan pa akong magpost ng akda kaya lang naisip ko, aanhin ko ang mga short stories ko kung hindi ko maibabahagi sa iba? Mabubulok lang yon sa email ko at sa computer ko. At umasa rin ako noon na baka may makatulong sa akin para mas matuto pa akong magsulat. Pero lumipas ang ilang linggo, wala pa rin akong natatanggap na comments sa akda ko bagamat nakikita ko naman na maraming nagbubukas. Nawalan ako gana (oo, inaamin ko) kaya inabandona ko ng tuluyan ang site. Nag-concentrate na lang ako sa pagsusulat ng libro namin ni Eloi.

Lumipas ang maraming buwan.

          June ata o May 2008. Bumalik ako sa site pagkatapos ng kalbaryo sa buhay na pinagdaan ko. Medyo naging mas matapang akong ipaglaban ang pangarap ko. Noong mga oras na iyon kasi, hindi tanggap ng mga magulang ko na nagsusulat ako. Ayaw nila na maging writer ako. Kaya sa konting pagkakamali ko, kahit hindi related sa pagsusulat, laging nadadamay  ang kaisa-isang pangarap ko na ang hirap maabot. (ay! bakit nagdadrama ako? Di bagay! Hehehe). Nawalan na lang sila ng choice o mas magandang sabihing natanggap lang nila iyon, nang makapasa sa publisher ang nobela namin ng pinsan ko. Sa ngayon, silang mga magulang pa namin ang excited sa launch ng libro. Akalain mo iyon!

Bumalik ako sa site at nagpost ng blog. Kinabahan pa ako at nagulat nang minsang may pumansin at nag-comment. Sila ngayon ang mga tinuring kong kaibigan, kapatid, ama, ina, lola, at lolo ko sa site mula noon hanggang sa ngayon. Sila ang mga taong nagpalakas ng loob ko at nagtiwala sa akin. Marami akong natutunan sa kanila hindi lang tungkol sa pagsusulat kundi maging sa leksyon ng buhay.

          Kung babalikan nyo ang mga antigong posts dito sa site matatawa rin siguro kayo kasi noon, nagsimula kaming lahat na mag-usap sa comments at private messages (may ganito pa dati) sa civil na paraan. As in, ang galang namin sa isa’t isa.

Sinu-sino silang mga unang nakilala ko at mga napalapit na sa akin? Eto ang listahan ng mga taong aking pinasasalamatan.

         

Spikewest- Ang galang ko pa noon talaga kay kuya spike. Pero ngayon? Balahuraan na! Hahaha.. kung alam nyo lang kung anu-anong tawag namin ni eloi sa kanya. Isa siya sa mga unang kuya ko rito mula noon hanggang ngayon. Totoong kuya talaga, dahil hindi lang siya malupit na critic ng gawa ko. Isa rin siyang tagapayo kapag problemado ako, taga-untog ng ulo ko kapag nawawala ako sa right way of thinking, at kasama ko sa pagtawa kapag nag-aasaran, nagbibiruan, at nagtitsismisan kami. Hindi siya nabigong maging tunay na kapatid sa aming magpinsan. Nahihiya na nga ako dito kay kuya. Kasi kung ako nga minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko pero siya, napakalawak ng pang-unawa niya para maintindihan ako. Isang bagay na sa tanging kapatid mo lang matatagpuan. At mapalad akong isa sa mga nakakaalam ng tunay niyang pangalan. (Gusto nyo malaman?  Isang milyong piso muna!)

Dyeppri- Isa pa itong si kuya dyep. Kuya at tatay ko rin siya. Magkakabatak kami ng mga ito eh. Actually, sila talaga ni kuya spike ang magka-labtim dito. Hehehe. (jowk lang kuya, lam mo naman kras ko anak mo!). Si kuya dyep naman ang talagang naging guro ko dito. Lahat ng comments niya para ma-improve ang pagsusulat ko e nakatago talaga sa pc ko. Kinopya ko para hindi ko makalimutan.  Sa kanya talaga ako nagpapakatay ng akda para malaman ang mali ko o kung ano ang kulang.

Pauline Hernandez- Hindi ko makakalimutan na si Ate Pau pa ang unang nag-message sa akin para makipagkaibigan. At hanggang ngayon, tumatawag pa siya sa akin, nangangamusta at nakikipagchikahan. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan kong tao kahit na hindi ko pa siya nakikita kasi alam ko, mahal niya kami ni Eloi at mahal din namin siya. (ate, solb na kami sa ilang latang sardines! hehehe.)

Ruth Mostrales- palagi akong naiinspire na mga sinusulat niya lalo na iyong may pagka-banal banalan. Haha. Bagama’t hindi na kami masyadong nakakapag-usap ngayon, alam kong itinuturing rin niya akong kaibigan.

Fhearl- na-miss ko na siya. Masarap din kasi siyang kapalitan ng opinion at magkaibigan kami sa La Traidora ni Jon.

Jonsdmur- Nagkakilala kami dahil sa Doon Lang na in-fairness, hindi ko makalimutan talaga. (kasi pinatay mo si Brooke!). Madalas kaming hindi magkaintindihan kapag nag-uusap kami kaya magulo talaga kaming mag-usap.hehehe. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa cover design ng book namin ni eloi.

 Love-  Si ate Jha naman ang karamay ko sa kalokahan. Hehehe… pareho lang ata ang content ng hangin sa utak namin kaya kapag nagkakausap kami, ang kulit ng conversations. Pero love ko itong si ate Jha. Siya ang ang kabukod-tanging naglalambing sa akin sa pagtawag niya ng “Melayko” sa akin.

Talulot- Kumare ko naman itong si Sani. Aba, manunula na mang-aawit pa. At alam kong kaibigan din talaga ang turing niya sa akin. Isa siya sa mga nakakachat ko at kakulitan.

          Amang Rom- Oo, ngayon ngayon din, aaminin ko. Noon talaga, few months before EB, takot ako kay kuya Rom. Iniiwasan ko siya. Hahaha. Pano naman kasi para siyang monster na mangangain ng bata noon sa mga comments niya. Hehehe. Pero mula noong nag-effort siya para sa book compilation ng site at sa EB, medyo nabago image niya sa utak ko. Pero nagtanong pa rin ako sa iba kung okay ba talagang kausapin siya. (Baka kasi kainin rin niya ako.) Nung nakita ko na siya, face to face, napaisip naman ako. Siya ba talaga iyon? Bakit mukhang mabait? Hahaha. At dahil ampon na nila ako ni Mama Teena, naging close na rin ako sa kanila.

          Meanmissy- dati, hindi ko rin pinapansin si ate teena. Kasi hindi ko siya kilala at hindi ko alam na related siya kay kuya rom. Nalaman ko na lang na mag-chuva pala sila nung itsinismax sa akin ni Jon. Natuwa na ako kasi may mag-asawa sa site! Aliw! Pero ngayon, Mama Teena ko na siya at nagkakatsismisan pa rin kami sa ym.  Sobrang naappreciate ko iyong usapan namin ni ate noon about dun sa pagkamatay ng tita ko at ng hika ko. Natutuwa rin ako kasi napaka-understanding nilang mag-asawa.

          Eloisa Hernandez-mahal ko ang pinsan kong ito. Period. Hehehe. Kung alam nyo lang kung gaano kadrama ang pinagdaanan naming dalawa mula noong bata pa kami, nagkalayo, at muling nagkasama. Puro lang talaga kami patawa at kalokahan sa ngayon para iwasang magdrama. Hahaha. Pero proud ako talaga sa kanya. Alam kong hindi na ako makakatagpo pa ulit ng isang da best writing partner kasi nag-iisa lang siya.

 

          Hindi ko na po mababanggit pa ang iba pero gusto kong ipaalam sa inyo, na naging kaibigan ko dito, na sobra akong thankful at dumating kayong lahat sa buhay ko. Maraming thank you talaga. Lalo na kayong mga nakilala ko na sa personal at iyong mga textmates ko. Pagpasensyahan nyo na lang at palagi akong walang load. Hehehe.

         

          Sa dalawang taon, nasaksihan ko na ang matamlay, magulo, maingay, tahimik, at nag-aapoy na mga araw sa FW.  Minsan na rin akong nasangkot sa debatihan at nasabihan ng pathetic at tanga. Dati naisip kong umalis na lang. Kaso pinigilan ako ng mga kuya at ate ko rito kaya heto, buhay pa rin ako. Hehehe.  Naranasan ko na ring maging sentrong pagtripan, nakakaaliw din pala iyon at kapag binabalik-balikan ko ang blog na iyon, natatawa pa rin ako.

          May ilang blog na binura ko na para mabaon sa limot iyong laman noon. Pero bilang souvenir, nakasave sa pc ko ung mga iniwan ninyong comments don na magpasahanggang-ngayon ay binabalik-balikan ko pa rin.

         

May natutunan ba ako dito? Meron!

 

1.     Hindi lahat ng mabait sa iyo, mabuti ang motibo.

2.     Hindi lahat ng masama sa unang tingin mo, masama ang motibo.

3.     Ang lahat ng FW members ay tsismoso at tsismosa. (O wag magde-deny kung ayaw mong ma-headline sa SWN now na!)

4.     Hindi lahat ng negatibong komento ay negatibo.

5.     Hindi lahat ng positibong komento ay totoo. Ang ilan sa mga ito ay pambobola lamang.

6.     Hindi lahat ng suggestion na binibigay sa iyo ay dapat mong sundin. Dapat mo munang pag-isipan bago gawin.

7.     Wag paiinitin ang ulo ni Amang Rom kung ayaw mong maging biktima!!!! (Peace amang!)

8.     Pag masyado kang close kay Jon napapasama ka sa listahan ng tsismax ng FW.

9.     Masarap pala ang fishball sa naimbentong sauce ni kuya noel.

10.            Natuto akong gumawa ng diamond poem!

11.            Wag mag-online kapag online si…. Tooootoooot kung ayaw mong pag-initan ka niya.

12.            Simple lang ang buhay. Kung hindi mo nagustuhan ang nabasang akda, wag ka na lang mag-comment para walang gulo. O kung gusto mo ng gulo,  mag-comment ka ng di maganda kahit na nagandahan ka naman sa nabasa mo. Tiyak magkakagulo.

13.            Ang bawat akda, magkakaiba man ng genre, maganda man o hindi ang pagkakasulat, kilala man o hindi ang sumulat, ay palaging may puwang sa Filipinowriter.

 

Alam kong hindi lahat ng tao rito sa FW ay gusto ako. Marahil ang iba ay naalibadbaran sa akin. Ayos lang, walang problema sa akin iyon. Hindi naman kasi lahat ng tao, magugustuhan ako. Kaya nga nagpapasalamat ako sa mga taong naka-appreciate sa akin at sa mga gawa ko. Hindi po ako tatagal sa site na ito kung hindi ko nararamdaman ang appreciation nyo. Basta ako po, andito lang. Kung kailangan nyo ng kaibigan, I’m one ym message away or one text away. Pero ESP nyo muna ako kung may load ako kasi madalas, wala. Hehehe.  Hindi ako maramot na tao. Kung may kaya akong ibigay na tulong sa inyo, ibibigay ko. (wag lang pera, kasi poor lang ako! Hehehe.) masaya na po ako na sa maliit na paraan ay makatulong ako sa inyo. Basta, mananatili ako sa site na ito hangga’t andito kayo.

 

maraming salamat po.


jonsdmur's picture

wow!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

happy 2 years anniversary sayo... buti ka pa 2 yrs na.. ako siguro 1 yr pa lang... pero hindi ko rin makalimutan ang una nating paguusap... kayo yata ni Eloi ang una kong nakausap sa site.. unang naka text, unang naka friendster, unang nakita at nakilala sa personal, unang minahal bilang kaibigan, unang naging close, ikaw din ang unang nagbigay ng payo sa akin, ikaw din ang unang pinagsabihan ako.... ano pa ba? 

kahit ako naman ay masaya at naging bahagi ng FW... at nakilala ko kayong lahat... ikaw din pala ang unang nakaalam ng drama ko sa buhay... sayo ako unang nag emote.... kaya masaya ako at nakilala kita....

ikaw din ang unang babaeng nagbigay ng importansya sa akin....

Ikaw din ang unang member ng site na pumuri sa kakayahan ko.. sana nga totoo at di bola hihihihihihi

at ikaw din ang unag babae sa buhay ko na pinahiram ko ng USB... ibibigay ko na sayo un... para souvenir mo sa akin

alam kong magtatagal ka pa sa FW... Ngayon at magpakaylanman...

sana wag kang magbago... kahit di na tayo madalas magusap sa text eh sensya na la rin me load lagi... nung nag globe kasi ako kumonte ka text ko heheeheh.... si talulot lang kasi prend ko na globe....

nag enjoy naman ako sa mga natutunan mo.. ilan diyan eh natutunan ko din.,..

keep in touch....

love jons

Ailem23's picture

haha

 ako din ang unang nag-aaway sa iyo kasi ang tigas ng ulo mo, ako rin ang tagasermon mo... ay naku... ang bilis ng panahon... hahaha... 

sabi ko sa 'yo pare, pag-isipan mo muna pag punta mg mindanao eh.. eh wala, di ka nagpaawat... so ingat ka jan, pre! 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Luca's picture

hello

Happy 2 yrs!

 

Pacanton ka daw! 

wag kang pipikit...

Ailem23's picture

mareng luca

 bongga! maraming salamat! yaan mo, pag yumaman ako, papalomi ako.. haha. yun e kung yayaman ako.. !!!

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Guia's picture

I like you Melanie!

Kahit di pa ako member dati...nababasa ko na ang mga post mo...magaganda naman..

Tingin ko base sa post mo e simple kang tao..walang ere sa katawan..

AT tatandaan ko ibang sinabi mo sa taas..

 

Ailem23's picture

hello guia

 Una sa lahat, maraming salamat sa pagbabasa ng mga akda ko. masaya na ako na may nakaka-appreciate ng gawa ko kahit isa o dalawa lang. kaya, maraming marami salamat na isa ka sa mga nauto ngmga kwento ko. hehehe..

simple lang talaga ako.. di uso ang kaartehan sa akin tsaka kahit sino, pwede akong sumama.. 

basa ka pa ng ibang akda ng ibang writers dito. maraming magagaling sa site na ito. 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Rom's picture

.

Melanie Quilla wrote:
Normal 0

 Pero nagtanong pa rin ako sa iba kung okay ba talagang kausapin siya. (Baka kasi kainin rin niya ako.) Nung nakita ko na siya, face to face, napaisip naman ako. Siya ba talaga iyon? Bakit mukhang mabait? Hahaha. At dahil ampon na nila ako ni Mama Teena, naging close na rin ako sa kanila.

          

 

 melay Vegetarian ako di ako kumakain ng pork hehe...

salamat naman at itinuring mo kaming mga magulang ni Teena kahit ampon ka lang. ampon! ampon! ampon! 

 

 

KarikaTuura

Ailem23's picture

wehe!

 oo ba, kahit isa lang akong ampon! ampon! ampon! e masaya ako na naging amang kita at mama ko si ate teena... hehehe.! yaan nyo, sunod na eb, sagot ko ulit ang barakong kape! Yeh!

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

spike_west's picture

Maligayang Bati!!

Dalawang taon ka na pala dito, napatingin tuloy ako sa account ko! 1 year and 28 weeks na ako dito. Ibig sabihin nun, 1 year and 28 weeks na akong walang ginagawa sa ofis!hahahah

Salamat melay sa pagturing sa akin kuya, hehehe! yung kapeng barako saka yung kuneho nasa akin pa!Ang sarap amuyin nun (yung kuneho!joke lang)

Ingat

Kuya Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Ailem23's picture

yow!

 kuya spike, aba yung kuneho na yun ung magiging karamay mo pag nalulumbay ka. pwede kang mag-monolog habang kinakausap un. hahaha.. bigyan ulit kita ng barakong kape sa susunod... gusto mo ba ung fresh from puno pa? ikaw na ang magbilad, magbayo, magsangag, maggiling, at magtimpla. ..hahaha..

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

at tama ang mga obserbasyon mo!

wow mare!! 2 years ka na rito!! akalain mo parang ikaw din ata kasama si na jons, at eloi at spike at kua rom ang mga unang nakilala ko dito. galing... at naloka ako nang husto sa the closet  mo na story...

 

keep up mare.. marami ka pa sana isulat.. looking forward sa libro mo!!!!

 

God bless

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

ilyana's picture

hapi 2 yrs

Tama ka Mel, hindi lahat totoo sa mga komento, kung me magpapakatotoo man, mapagbibintangang bastos at walang modo, hehehe, kaya play safe yung iba..

 

Basta kung saan enjoy ang mga tao, doon nalang, kung papansinin ang lahat ng mga comments, baka pinakamatagal na ang 2 months na aabutan ka dito sa FW.

 

Mahirap i please ang lahat, ang mabuti pa, i please nalang ang sarili...

 

 More power sa mga kwento mo...Wag monang panakaw ha?

 

 

........................…★.......★........★.......★.........★.......★.......★

 

 

 "There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."

 

 ---------------♥ILyAna♥-----------------

Ailem23's picture

tama ka ate ilyana

 salamat ate. sana ikaw rin magtagal dito sa site. masaya naman dito. ganyan lang talaga ang buhay. basta may nakaka-appreciate sa atin, sapat na iyong dahilan para ipagpatuloy ang pagsusulat... 

may natuklasan nga ako, sikat na itong Filipinowriter. dami na nakakaalam nito. 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

ilyana's picture

ganun ba?

…Naku talaga? Panic tuloy ako, sana di malaman ito ng pamilya ko, hahaha, baka mabuking ang mga tru to layp stories ko, ang alam kasi nila, happyng happy ako dito...ayoko silang mag worry..

 

 

OO tatagal siguro ako dito, kahit minsan busy...di naman ako balat sibuyas..kahit pa isa isang comment lang sa mga akda okay na yun, ang mahirap yung post ka ng post, ni isa walang nag ko comment, aray ku....aalis na siguro ako pag ganun, hehehehe

 

 

 

 

 

 

★.......★........★.......★.........★.......★.......★

 

 

 "There are two eternities that can really break you down. Yesterday and Tomorrow. One is gone and the other doesn't exist... So live today."

 

 

 ---------------♥ILyAna♥-----------------

Ailem23's picture

oo ate

kasi ung isang reader natin dito itsinismax niya sa akin na ung kaofficemate niya nagbabasa rin pala dito. nagkabukingan lang sila.. at may mga nakausap din ako na nagsasabi nababasa nila ung mga gawanatin eh hindi ko naman sinabi s kanilana nagsusulat ako dito..hahaha...

masarap dito sa FW!

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

Ailem23's picture

oo nga mareng sani

 tayu-tayo nga ung mga naunang magkakatropa dito. hehehe.. naloka ka ba kay loise at choco? hahaha. pag may time k, basahin mo naman ung let the reason be love. mas nakakaloka si Keijin na ang hobby ay magpakamatay. 

maraming salamat mare. 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

tiny14's picture

super!!

SUPER! ito po ang masasabi ko para sayo...yan po kasi ang linya ng amo kong sobrang strikta at sungit pag gusto nyang magpasalamat sa trabahong maayos kong nagawa....langit po ang pakiramdam pag sinasabi nya yan...kaya naman gusto kong malaman mo para sakin" SUPER" ka...salamat sa mga akda mong nagiging inspirasyon naming lahat...pwede bang itaas ang dalawang kamay para roon?teka tataas ko lang!ayan ibaba kona....type ulit...ganon ako kahanga sa mga kagaya mong inspirasyon naming  marami...reader lang po ako dito sa FW minsan lang makadalaw pero sobrang idol ko po kayo nila kuya rom,spike,eloi,yolak,at si SUPER melai...ma meet sana kita sa totoong buhay...papa autograph ko yung book na bibilhin ko palang ksi wala ako sa Pilipinas kong mahal,excited nakong mahawakan ang libro nyo ni eloi...only pure hearts can break the spell uwing uwi nako para ron!.. umaatikabong papuri para inyong magpinsan! di mo man ako kilala. masaya napo kong mabasa mo ito ipagdarasal kong marami pang susunod at siguradong marami pa naman...gumaling na sana yung hika mo lalot pinatapatay kapa ng iba,kahit buhay kapa naman! salamat sa inspirasyong dala ng bawat letrang sinusulat mo... pagpalain ka ng Diyos ng sobra sobra pa sa inaasahan...Godbless po and more success!!!

Ailem23's picture

over 2 years na ako dito!!!

nakow, maraming salamat sa iyo. ako naman ay napangiti sa super mo! hehehe.. yaan mo pag may time o posible, pag-uwi mo e magkita tayo.. Maraming salamat ng marami...

 

walang writer kung walang reader. kaya ako patuloy na nagsusulat dahil sa mga katulad mong walang sawang mangbola este magbasa ng aking mga akda... maraming maraming salamat. hehehe...

ingat palagi,

Melay

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

eloisa marie hernandez's picture

 Ganyan tayo ka-suwit sa

Ganyan tayo ka-suwit sa isa't-isa hehe. (may picture akong pinost dito na parang tayo. hintay-hintayin mo na lang mag-appear hehe)

 happy-birthday.jpg

Grabe, antanda mo na pala dito. haha... basta lagi lang dapat tayong pasitib . . . beybeh! haha. Kahit dami na nating problema ngayon, pasitib pa rin.  ahuuuummmmm!

nobadey nobadey batchu!

<(='.'=)> eloi

rakenrol 

Ailem23's picture

hehehe

 sabi na nga ba.. may hidden crime kang binabalak sa akin e... hehehe.. ang suuuweeet mo naman, eloiski... pakiss nga! muuuuwaaahhh!

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Similar entries