Magagaling din kami; Hindi lang sila

ememalberts's picture
|

Research issues about education... and poverty

 'Yan ang sabi ng English professor ko noong huling meeting namin. Siyempre palipat-lipat ako ng website na mapagkukunan ng mga article para sa assignment ko. Issues about education? Naku napakarami niyan. Yung K to 12 nga na na-implement na kontobersiyal pa rin eh. Hindi kasi natin alam kung magiging maganda ba talaga ang epekto niya sa bansa.

 Lumayo muna tayo sa K to 12. Iba kasi ang gusto ko talagang sabihin. Edukasyon ba sa Pilipinas? Bukod sa mahal (state universities are exempted), MAPANGHUSGA. Ang tinutukoy ko dito ay 'yung mga mag-aaral na nasa kolehiyo. Bakit mapanghusga? Kailangan kasi galing ka sa isang school na sikat, may pangalan o yung laging usapin ng tao para madaling makakuha ng trabaho. Siyempre “be practical” ang drama natin, so pipilitin ng mga estudyanteng makapasok sa mga ‘yun. Sa ngayon, may apat na unibersidad ang pinag-aagawan ng lahat ng mga incoming college students. Sila kasi yung “4 major universities of the Philippines”. Noong una, nabulag ako ng mga malalaking pangalang ito. Kapag kasi graduate ka ng mga school na ‘to, panigurado magaling ka. Hindi ka pangkaraniwan. Isa ako sa mga nagnais maging estudyante ng mga paaralang ito. Aaminin ko, hindi nga naman biro makapasok sa mga school na ito. Maglalaan ka ng oras para mag-aral sa mahihirap at mahahaba nilang entrance exam. Kailangan mo pang pumasa ng exam at interview tsaka kailangang magpa-reserve ka agad para hindi maubusan ng slot. Hindi naman sa pagmamayabang pero alam kong kayang-kaya kong makapasok sa ganitong kalaking unibersidad. 'Yun nga lang dinala ako ng ihip ng tadhana sa ibang lugar.

Sinabi sa akin dati ng ENT ko na ‘wag daw ako pumasok sa school ko ngayon. Kung magte-take lang daw ako ng pre-med course, dun sa sikat na.

“Sa Pilipinas kasi napakalaki ng bearing ng school, kahit cum laude ka ng school mo, mas pipiliin pa yung graduate ng UP kaysa sayo.”

Tinamaan ako sa sinabi niyang yun. Dahil dun, nagpa-reconsider ako sa premiere university ng Pilipinas. Nabuhayan ako ng loob na may pag-asa pa pala ako sa unibersidad na ‘yun. Shet! UP, bigatin!

Pero sa tagal ng pag-aantay ng results napa-isip ako. Bakit ba ako magtitiyagang ipagsisikan ang sarili ko sa isang school na mukhang napipilitan lang na tanggapin ako? Isa pa, ayoko naman ng kurso ko doon. Pinili ko ang kursong siguradong magpapapasok sa akin agad pero hindi ko naman gusto. Dumating na nga ang interview at ayun, bumagsak ako para sa Chemical Engineering pero pumasok naman sa kursong ComSci. Kung tutuusin, puwede ko nang kagatin ang ComSci tapos mag-shift nalang ako ng course o lumipat ng campus. Madaming tao ang “nasasayangan” sa pagkakataong binigay sa akin ng UPLB. Kung ako ang tatanungin, sorry hindi po ako sinilang na practical tulad niyo.

Ayoko kasing maging estudyante na umaasa sa pangalan ng school(no offense pips, opinion lang). Sa Pilipinas kasi, hinuhusgahan ka na sa uniporme o University t-shirt na suot mo. Kapag sikat ang school mo, napakataas ng tingin sa iyo ng tao. Sa trabaho na lang, patuloy na madi-discriminate ang graduate ng iba pang school. Palibhasa kilala lang ng tao yung malalaking paaralan. Paano na lang yung magagaling na graduate ng school blah blah. Hindi naman kasi porke't sikat yung university eh lahat ng magaling naipon na dun. Naniniwala kasi ako na kalat ang lahat ng matatalino’t magagaling na mag-aaral sa buong Pilipinas. Gumawa si God ng paraan para ma-distribute ang mga “henyo” sa iba’t ibang kolehiyo. Paano ko nasabi ‘yun? Wala lang. Nararamdaman ko lang. Lahat naman ng tao ay may talento at talino 'di ba? Lagi na lang bang sila? Sila na lang ba ang laging mapapansin?

BS Psychology student ako ngayon sa isang school na sikat sa nursing. Minsan naiisip ko na sinayang ko talaga lahat ng pagkakataon ko dun sa malalaking unibersidad. Pero sa lahat ng oras mas naiisip ko mararanasan ko din yung diskriminasyon dahil sa aking paaralang pinapasukan. Ngayon pa nga lang eh, hindi sila makapaniwala na hindi ako napunta ng UP, UST o La Salle. Alam kong huhusgahan at huhusgahan ako at gusto ko 'yun maranasan. Bakit kaya? Ewan. Siguro kasi gusto kong may masabi ako tungkol dun. Gusto kong maranasan ang isa sa mga masakit na realidad na pilit iniiwasan ng mga incoming college students. Weird ba? Oo, weird. Kahit ako tingin ko sa sarili ko weird pero masaya ako kung nasaan ako ngayon. Gusto ko kasing patunayan sa mundo este sa buong Pilipinas na kaya din namin. Hindi lang sila. Magagaling din kami, hindi lang sila.

Peace po tayo, wala akong gustong awayin na school. Opinion lang.