Libang

shaimariel's picture

Matagal tagal na rin nang huli akong humabi ng mga salita. Sa tambak na trabaho at sa dami ng responsibilidad na nakaatang sakin ngayon, waring bibigay na ang mga aking mga balikat. Masaya akong makitang matupad ang mga materyal kong pangarap subalit nadudurog ako habang lumilipas ang mga araw na hindi ko nagagawa ang tunay na minimithi ng aking puso.

Waldas na ang akin imahinasyon kung kaya’t talipandas man ang aking mga kamay ay hapo naman ang aking puso. Marahil isa ito sa mga bilang na araw kung kailan ako ay nakaisip na magsulat.

O labis ang aking pangungulila sayo.