Letting go

paruparongberde's picture
| |

Kung iiwanan kita..

Huwag mo akong titingnan sa mga mata

sa aking pisngi at mga labi

damhin mo na lang ang nalalabing sandali.

 

Huwag mo akong hahawakan

o hahaplusin man lang

ayoko ng iyong mga titig

o mga katagang maririnig

mula sa iyong bibig.

 

Kung iiwanan kita...

Ayokong makarinig ng musika

makarinig ng awit ng mga ibon

makita ang paglubog ng araw sa hapon

ang hampas sa dalampasigan ng mga alon

na idinuduyan pabalik sa ating kahapon.

 

Kung iiwanan kita...

Dalhin mo pabalik ang ating mga alaala

ang mga nakaraang pag sinta

na sing wagas ng isang bagong umaga

doon sa tagpuan iyong itapon

doon ibaon sa limot ng panahon

pag-ibig na kelan ma’y di na uusbong.

 

Ngayong malaya ka na...

Tulad ng ibong nakawala sa hawla

nais kong mahanap mo ang panibagong saya

kahit na dito sa sa puso ko

mahal na mahal pa rin kita.

 

-----------

paruparongberde

Nobyembre 10, 2011

paruparongberde

Thank you for everything, for the warmth and joys we shared :(


magsinoalvin's picture

galing... :) muntik na ko

galing... :)

muntik na ko maiyak.. hehehe

 

Starblaze's picture

ako naiyak :(   Starblaze,

ako naiyak :(

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

briar's picture

nice!!! :))  

nice!!! :))

 

paruparongberde's picture

thank you

maraming salamat sa pagbabasa ng aking tula na hinugot ko pa mula sa kaibuturan ng aking puso

 

"Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

PinkCath's picture

Sister, ganda ng poem

Sister, ganda ng poem mo!

 

kung nagawa mo ito dati pa, hindi lang ako iiyak... aatungal ako!

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Starblaze's picture

may pinagdadaanan k din ba

may pinagdadaanan k din ba ate? wanna share? para hati-hati tayong lahat sabi nga "the more the merrier" LOL!

 

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

paruparongberde's picture

salamat sister! bakit may

salamat sister!

bakit may iniwanan ka din ba dati?

 

"Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

PinkCath's picture

may iniwanan... oo iniwan

may iniwanan... oo

iniwan din ako? oo

pero bumalik ako, nagpakita sya... gusto nya ring bumalik... ayaw ko na!

ang dahilan... ako na dating inagawan noon ang magiging mangaagaw ngayon!

 

mahal ko pa ba? OO

ipaglalaban ko ba? -mas pinili kong wag sagutin-

 

 

simpleng pinkCath lang po!

paruparongberde's picture

  ipaglalaban ko ba? -mas

 

ipaglalaban ko ba? -mas pinili kong wag sagutin-

di ba dapat ikaw ang ipaglaban nya? di ba dapat sya ang gumawa ng move? un ay kung mahal kapa din niya..

 

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

PinkCath's picture

gusto nyang ipaglaban, dahil

gusto nyang ipaglaban, dahil mahal nya ako... ako lang ang nagdadalawang isip... hindi sa hindi ko sya mahal, naisip ko lang bakit noong malaya pa sya hindi nya nagawang ako'y hintayin, bakit ngayon lang? bakit ngayon pa?

 

 

simpleng pinkCath lang po!

paruparongberde's picture

 mahirap kasi kapag may

 mahirap kasi kapag may "third party" sis eh..kasi u also need to consider the feelings of the other party..hindi lang sya magiging unfair para sayo kundi para na rin dun sa present nya. then the 3 of u will suffer. let him go but if he comes back accept him on a condition na wla syang akay :)

 

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

paruparongberde

parang sa isang paruparo, palipad-lipad ang imahinasyon ko habang binabasa ito. Bunga lamang ba ito ng salamisim o hango sa tunay na karanasan?  Bakit siya iiwan kung mahal mo siya? Sabagay, kung wala nang pag-asa upang ipakipaglaban... bakit pa?

 

Hinggil sa tula, ano kaya kung gawing:

 

"Kung iiwanan kita..

Huwag mo akong titingnan sa mga mata

sa aking pisngi at mga labi..."

 

gayundin, subuking gawing:

 

"Huwag mo akong hahawakan

o kahit hahaplusin man lang"

 

pagkatapos, baka maaaring sa halip na "iiwanan" ay gamitin ang "iiwan".

 

sa kabuuan, nasa iyo ang dugong makata. ito pa lamang ang nababasa kong akda mo ngunit naniniwala akong magiging mahusay kang makata/manunulat.

 

Kuya Wilz

 

 

paruparongberde's picture

Kuya Wilz, salamat! malalim

Kuya Wilz, salamat! malalim ang pinag-ugatan ng tulang ito at katulad ng isang paruparo, maka ilang ulit kong pinag-isipan kung babalik pa ako sa dating hardin na punong puno ng mga bulaklak, naroon pa din ang nectar but it is too dangerous to stay there.

Iiwanan or iiwan - parehas lang (isang babalikan, isang iiwanan), kung ako'y iiwan mo..kung ako'y iiwan mo, etc etc.

 

 

"Dont shake the roof for the mess of your preferences, Life is a matter of choices, choose and keep the best before somebody picks it"

Ok

aabangan ko ang iba mo pang mga akda, kapatid.

 

paruparongberde's picture

paumanhin Kuya wilz di pa

paumanhin Kuya wilz di pa ako nakakagawa uli :( kakabalik ko lang mula sa mahimbing na pagtulog :(

 

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

rose's picture

Napakaganda Iha!

Isang napakagandang Tula ito, Masyado ko naramdaman ang lalim ng pinag hugutan nito, malalim na kayang arukin ng imahinasyun......para ka talagang paru paro iha... Ipagpatuloy lang ang pagsusulat yayaot magiging magaling na makata ka.... hayyyyy sarap magmahal.....Basta lagi lang tandaan kung tayo'y iiwan ng mahal natin o kaya'y sila'y iiwan natin, lagi natin isipin na naging masaya tayo ng mga panahong kasama natin sila. Pangit man o maganda naging parte parin sila ng buhay natin....

Iniwan ko siya dahil mahal ko siya, iniwan ko siya dahil alam kung yun ang makakabuti, iniwan ko siya dahil ayokong may ibang masaktan. iniwan ko siya na maraming mga magagandang maiiwan mula sa nakalipas....

 

Keep writing god bless...... 

 

Alexander Dagrit's picture

<

 

Kamuntik nang mahulog ito sa tahasang pananambitan na tinig ng tula, na sa panahong ito ay nakatatawa na. Gangganito:

Aray, aray, naku!

Ang sakit naman ng ginawa mo;

Ayoko nang umaray!

Kapag ganyan ang pagtula, nakatatawa na ngayon.

Subalit naiwasang maging katawa-tawa ng tulang ito, dahil sa payapa at matimping paglalahad ng persona ng tula ng kanyang damdamin. Hindi siya naglulupasay. Pinakawalan lamang niya ang isang bagay na hindi naman niya mapanghahawakan pa.

Gaya nga ng sinabi ni G. William Nucasa, nasa makata na kung paano siya mananambitan sa mga panahong ito. Buong ingat dapat, nang hindi maging katawa-tawa.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Ang mga Tinig sa Tradisyonal, Moderno, at Postmodernong Panulaang Pilipino

 

Jack Alvarez's picture

nothing but cliche...

nothing but cliche...

-_-

Drama ah. Nice composition.

paruparongberde's picture

maraming salamat po sa mga

maraming salamat po sa mga komento

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

j luna's picture

Gets ko ang sabi ni Jack at

Gets ko ang sabi ni Jack at ni Jon regarding sa A. Pagiging luma. B. Pagiging Cliche.

Ilang ulit na ba nating nakita ang mga figures of speech o metaphors sa mga linyang to, sa ibang mga tula, awit at akda?

Kung iiwanan kita...

Ayokong makarinig ng musika

makarinig ng awit ng mga ibon

makita ang paglubog ng araw sa hapon

ang hampas sa dalampasigan ng mga alon

na idinuduyan pabalik sa ating kahapon.

Bukod sa "awit ng ibon", ano kayang puwedeng ipalit na magpapakita parin na wala nang kakayanan ang personang makarinig ng magagandang mga tunog?

O ang "paghampas ng alon sa dalampasigan"? Applicable ba ito sa setting ng tula? Ano ang iba pang puwedeng ipakita na magc-convey ng kaparehas na emosyon?

At higit sa lahat, ang hari ng cliches: Tulad ng ibong nakawala sa hawla.

Pa'no natin mapapakita ang paglaya, letting go etc. na hindi ito ang gagamiting imahe?

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

may nabasa akong tula ni

may nabasa akong tula ni Mark Angeles...

lumutang palabas ng pinto ang kanyang puso

 nakalimutan ko anong title.

simple pero ma-emo. :)

 

 

Kasalukuyang OFW na nakabase sa Saudi Arabia si Jack Alvarez. Naging fellow sa 9th UST National Writers' Workshop noong Abril 2008 para sa Filipino Poetry. Founding member ng Dapitdilim Fellowship of Writers.

paruparongberde's picture

Ok thanks Mr. J. Luna..there

Ok thanks Mr. J. Luna..there is always room for improvement naman eh and constructive criticism pave the way to its eventual improvement

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"

great! :) 

great! :) 

daily_sam's picture

I know my reaction is 6

I know my reaction is 6 months late, pero sabi nga nila better late than never. Naiyak ako.....

I like the rawness and the sincere sensitivity of this composition. Nursing a broken heart is a process and "letting go" is half the way. It is a brave choice to embrace. Very nice write, Thanks for sharing.

 Sam 

"Sometimes, I think the things I remember are more real than the things I see..."